WARNING:
This chapter have scenes about self-harm, anxiety, suicidal thoughts, and others that can trigger traumatic experience. Feel free to leave if this is not your kind of story. You have been warned.
KESHA
WALANG araw na hindi ko pinaalala kila Papa ang recognition ko na halos ikinainis na sa akin ni Mama, ay mali! Lagi na palang iritable iyon sa akin mas lang nito dahil sa pagiging makulit ko.
Masaya lang kasi talaga ako na pupunta sila Papa, kahit pa ganon pa din ang pakikitungo nila sa akin na laging nakakunot ang noo, ayos lang at least alam kong sa mga susunod na araw ay magiging maayos na din.
Sa school naman ay hindi na lang ako nag paapekto sa mga sinasabi at panghuhusga nila, ang importante sa akin ngayon ay sila Papa.
Ngayon nga ay pauwi ako galing ng school dahil nag clearance pa ako.
Pagdating ko doon, masaya silang nagsusukat ng mga damit na binili nila Mama, gagamitin nila iyon sa recognition.
Hindi na ako nagbigay ng hudyat na nasa loob na ako ng bahay dahil ayokong masira na naman ang mukha ni Mama kaya nagdire-diretso ako sa paglalakad.
Nasa may hagdan na ako nang tawagin ako ni Papa.
"Kesha, sukatin mo 'to kung kasya sa iyo, isuot mo sa sabado," saad nito kaya napatingin ako dito.
Hindi naman s'ya nakatingin sa akin, pero nakita ko naman na may inilapag s'ya sa lamesa. Kunot man ang noo n'ya, masaya ako dahil naalala nila ako.
Agad akong nagpunas ng mukha ko nang maramdaman kong may tumulong luha sa mukha ko.
Mabilis akong lumapit para kunin iyon.
"Labhan mo na lang dahil galing lang naman iyan sa ukay d'yan sa palengke. Ayos na iyan, isang beses mo lang naman gagamitin," saad ni Mama nang makuha at subukan kong tignan iyon.
Ngumiti na lang ako sabay tango, kahit pa galing sa ukay ito, okay lang! At least naalala nila ako.
"Salamat po," nakayukong saad ko at muling umakyat ng kwarto ko.
Agad kong binaba ang gamit ko at hinubad ang damit ko para sukatin ang damit.
Isa itong white dress na medyo maikli sa akin, hanggang gitna ng tuhod. May mga ruffles sa bawat gilid ng manggas at may isang pink na bulaklak sa gilid ng bewang.
"Ang ganda," bulong ko sabay punas ng luha ko.
Mababaw na ba ako dahil umiiyak ako? Pero kasi ngayon lang ako binilhan nila Mama, ngayon lang ako nagkaroon ng isang dress na para sa akin talaga.
"Lalabhan ko na lang at aalisin ang ibang dumi, okay na ito!" masigla kong saad at muling hinubad iyon.
Kumuha ako ng hanger para maisabit sa likod ng pinto.
Buong hapon akong nakangiti kahit pa nang kumain na kami ng hapunan, nakangiti pa din ako.
Hanggang sumapit ang gabi at muli akong natulog na may ngiti sa labi.
Lumipas ang ilang araw at eto na ang inaantay ko, sabado na. Abala na dito sa baba ng bahay dahil nagpatawag pa si Mama ng mag-aayos sa mga kapatid ko.
Nagkataon kasi na sabay-sabay kami ng recognition na apat kaya naman, gahol sila Mama.
Ako naman ay hindi na kailangang ayusan dahil pulbo at braid lang ay okay na ako. At'ska hindi naman ako tinanong kung kailangan ko noon kaya ayon na lang ang naisip kong gawin.
"Hoy! Hindi pa ba luto iyang almusal? Ung mga kapatid mo kakain pa! Alisin mo muna ang pagiging tanga mo at ayusin mo iyang ginagawa mo!" sigaw sa akin ni Mama nang makita n'yang nakatingin ako sa kapatid kong inaayusan ng buhok.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at muling bumalik sa niluluto ko.
Matapos kong magluto, umakyat na ako sa kwarto ko at muling tinignan ung dress ko na ngayon ay puting-puti na.
Doon na lang muna ako magpapalipas ng oras dahil mamaya pa namang mga alas-dos ang recognition namin.
Muli akong tinawag ni Mama para magligpit ng kalat dahil aalis na sila.
"'Ma, alas-dos po ung recognition ko a," paalala ko.
"Oo na! Ilang ulit mo ng sinabi iyan, paanong malilimutan," saad nito habang kunot ang noo.
"Sige po, doon na lang po ako mag-aantay," nakangiting saad ko.
Bago pa sila umalis, muli akong nag sabi kay Papa na tinignan lang muna ako bago tinanguan.
Muli akong nagpaalam at masayang kumaway kahit pa wala namang kumaway sa akin pabalik.
Katulad ng bilin ni Mama, nagligpit ako ng bahay pati mga hugasan ay hinugasan ko na.
Lumipas pa ang oras, kumain lang ako bago naligo at naghanda na din para pumunta ng school.
Katulad ng sinabi ko, pulbo at braid lang ang ayos ko tapos ay umalis na ako ng bahay suot ang damit at sapatos na hiniram ko kay Ate.
Pagkarating ko sa school, madami ng tao. May pamilya at may magbabarkada. Gusto ko mang tawagan sila Mama para tanungin kung nasaan na sila, hindi ko magagawa dahil wala akong cell phone, hindi ko din naman alam kung anong number nila.
Pumunta ako sa mga kablock kong tinignan lang ako nang mapanghusga. Umupo na lang ako sa pinakagilid kung saan dito ko na lang din aantayin sila Papa.
Halos mag-aalas dos na at wala pa sila Papa. Siguro natrapik lang, sabi naman nila, pupunta sila dito.
Nang mag announce na ang school na limang minuto na lang ay magsisimula na. Kinakabahan na ako at hindi mapakali, nasusuka na ako dahil parang hinahalukay ung tyan ko sa sobrang kaba.
Pilit kong kinalma ung sarili ko at kinausap na baka natrapik lang sila Papa o kaya naman ay hindi agad nakaalis dahil sa mga picture taking na naganap sa kapatid ko.
Uso naman kasi iyon lalo na sa university niya.
"Oh? Kesha! Wala kang kasama?" pangungutya nila Ella sa akin.
Matagal naman na kasi silang kasama sa Dean's Lister kaya naman nandito sila panigurado.
"Maybe her family didn't believe her also to her so-called-honor!" saad ni Joyce kaya naman nagtawanan sila.
"Hindi! Pupunta sila Papa! Nasa daan na sila! Natrapik lang!" singhal ko sa kanila pero hindi naman nila iyon pinansin.
"Whatever! Loser!" saad ni Ella habang may ngisi sa mga labi.
May kung anu-ano pa ang tinawag nila sa akin bago sila umalis. Wala naman akong nagawa kun'di ang yumuko lang at pigilan ang hikbi ko.
"Darating sila Papa, darating sila," mahinang bulong ko sa sarili ko nang mag umpisa na ang program.
Ilang beses na akong tumingin sa entrance para tignan kung nandoon ba sila pero wala pa din.
Hanggang sa tinawag na ang block namin.
Nakakainggit na lahat sa mga klasmeyt ko ay may kasamang pamilya. Kung hindi magulang, ate o kuya na s'yang kasama nila para kunin ang parangal na meron sila. Ako lang ang walang kasama sa pila namin.
Naririnig ko pa ang tawanan nila Ella dahil wala akong kasama.
"Hernandez? Wala ang parents mo?" tanong ng isang guro ko.
Umiling lang ako dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit at sama ng loob ko.
Sinabi na lang nito na s'ya ang sasama sa akin na s'yang nangyari naman.
Umakyat ako sa stage na hindi ngumingiti, kahit sa picture taking, hindi ako ngumiti kun'di luha lang ang nabigay ko doon.
Hindi ko na nagawang tapusin pa ang buong program dahil pagkatapos kong makuha ang kapirasong medalya at certificate, mabilis akong naglakad papunta sa pwesto ko at kinuha ang gamit ko.
Hindi ko na inantay na kuntyain pa ako nila Ella. Ako na ang kusang umalis dahil totoo ang sinabi nila, kahit ang sarili kong pamilya ay hindi naniniwala sa meron ako ngayon!
Imbes na sumakay, mas pinili kong maglakad pauwi ng bahay habang tumutulo ang luha kahit kasi anong pilit kong pigilan, lumalabas pa din dahil masakit pa din talaga ng sobra na hindi sila pumunta. Nangako sila! Tinanguan nila ako! Binilhan ng damit!
Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay namin, may isang ale nang kumausap sa akin.
"Hoy! Wala sila Mama mo d'yan! Nakita kong may jeep d'yan na nakaparada! Mukha ngang may outing sila! May mga dala kasing mga bag at kooler! Hindi ka kasama?" saad nito na halatang gustong makiusos'yo.
Tamad ko lang itong tinignan at hindi sinagot. Mukha namang alam n'yang wala s'yang makukuhang sagot kaya umismid lang ito sa akin at bumulong.
Naglakad ako ng mabilis papunta sa bahay at tama nga ang sinabi niya! Walang tao sa bahay!
Napayuko na lang ako habang umaalog ang mga balikat dahil sa pag iyak.
Marahas kong pinunasan ang luha ko. Puno ako ng galit, lungkot, sama ng loob at frustration nang maglakad ako palapit sa gate namin. Malakas kong ibinato ang bag ko paloob katulad ng dati kong ginawa mo pero ngayon mas malakas at alam kong may mga masisira o mababasag doon pero wala akong pakialam!
Umakyat ako ng gate namin at hindi ko na ininda kung mag kanda sabit-sabit ang dress na suot ko.
Para saan pa?! Wala namang may paki kung anong suot ko!
Marahas kong tinanggal ang mga jalousie ng bintana at pumasok, nagkataon na sumabit ang hita ko sa aluminum kung saan ipinapatong ang jalousie.
Hindi ko ito pinansin kahit pa nakita ko na may dugo na dumaloy doon. Walang-wala ang sakit na iyon sa nararamdaman ko ngayon!
Hindi ako nag-abalang ibalik ang mga tinanggal ko sa bintana, basta tumakbo na ako papunta kwarto ko at doon ko inilabas lahat.
"WAAAAAAH! ANO BANG MALI?! GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT! GINAWA KO NAMAN! BAKIT?! ANO BANG MALI SA AKIN?!" malakas kong sigaw habang pinagbabato lahat ng gamit ko.
Hindi ko na alam kung saan tumatama ang mga binabato ko, ang alam ko lang ay gusto kong umiyak, gusto kong magwala! Umasa ako! Umasa ako na okay na! Na mapapansin ako! Na matatanggap ako! Lahat ng sayang naramdaman ko, nawala at napalitan ng sakit!
Kinuha ko ung medalya ko at certificate ko.
"Wala kang kwenta! Wala ka ng silbi! Isa kang pagkakamali!" sigaw ko at ibinato sa kung saan.
Narinig kong tumama ito sa isang bagay kaya napatingin ako dito. Doon ko nakita ang salamin na nabasag.
Nanghihinang lumapit ako dito, lumuhod ako sa mga salamin na nabasag. Sa sobrang sakit ng nararamdaman parang namanhid na ako at hindi ko na naramdaman ang pagtusok ng iilang salamin sa tuhod ko.
Kinuha ko ang isang basag ng salamin at mahigpit iyong hinawakan na nagresulta ng hiwa sa kamay ko na muli ay hindi ko ininda.
Kung mawawala ba ako, magiging masaya ba sila Mama?
Pagpinatay ko ung sarili ko, matatapos na ung sakit na nararamdaman ko.
Lahat ng frustrations, mawawala. Hindi na ako maikukumpara sa iba. Hindi na ako magiging malungkot. Hindi na ako magiging mag-isa. Hindi na ako makakaramdaman ng pang gagamit.
"Ayoko na," bulong ko at itinapat sa pulsuan ko ang hawak kong salamin.
Madiin ko na itong idinikit sa aking balat habang paulit-ulit na bumabalik lahat ng sakit na ginawa sa akin ng pamilya ko at ng mga itinuturing kong kaibigan.
Pinilit kong gawin lahat para lang mapasaya ko sila. Para lang matanggap nila. Para lang maging proud sila sa akin. Lahat ng utos nila, sinusunod ko! Lahat ng mga sinasabi nila ginagawa ko!
Pero p*tang-ina! Wala pa din! Sinaktan pa din nila ako!
"Ano ba'ng mali sa akin?"
Muli akong humagulgol ng iyak habang nakapikit at pabagsak na ibinaba ang kamay kong may hawak na salamin.
Malakas akong sumigaw na alam kong maririnig ako ng mga kapitbahay namin pero wala na iyon! Gusto kong marinig nilang lahat kung anong nararamdaman ko!
Muli kong tinignan ung hawak ko at muling inangat iyon.
Blangko na ang isip ko.. tanging gusto ko na lang ay wakasan ang paghihirap at pagod ko.
"Nakakapagod," bulong ko habang humihikbi.
Muli akong pumikit at diniinan ang salamin sa pulsuhan ko. Nakaramdam na ako ng sakit at pakiramdam ng pagkapunit ng balak ko. Buo na ang desisyon kong tapusin na ang maling buhay ko. Siguro ay hindi dapat ako nabuhay sa mundong ito. Mali na ipinanganak ako, mali ang pananatili ko sa pamilyang ito.
Dumilat ako at bigla na lang nagflash ang mukha ni Mama sa aking paningin. Nakakunot ang noo at sinisisi ako dahil sa gagawin ko, dinuduro ako at sinasabing 'puro na lang kahihiyan ang dinadala ko'
Tama! Kung magpapakamatay ako dito sa bahay, sila ang masisisi. Kahihiyan na naman ang magagawa ko!
Natawa ako ng mapakla habang may luhang tumutulo sa akin dahil na din sa naiisip ko.
"Pati pagpapakamatay ko mali! Kesha! Wala na talagang tama sa pagkatao mo! Puro na lang mali! Bakit kapa nabuhay?!" singhal ko sa sarili ko at malakas na binato ang salamin sa kung saan.
Sumandal ako sa kama ko, pinagdikit ang dalawang tuhod kong puno ng dugo dahil sa pagluhod ko kanina. Niyakap ko iyon sabay baon ng mukha ko at doon humagulgol ng iyak.
?????