Chapter 9

1219 Words
WARNING: This chapter have scenes about self-harm, anxiety, suicidal thoughts, and others that can trigger traumatic experience. Feel free to leave if this is not your kind of story. You have been warned. KESHA UMAGA na at nararamdaman ko na ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Nagkakaroon na ng sariling natural na liwanag ang kwarto ko kaya naman kitang-kita ko na ang mga kalat, basag na salamin, mga natumbang libro at ang certificate kong may bakas ng dugo. Ang puting dress na suot ko at may mantya na ng dugo sa kahit saang parte. Sumapit ang umaga na wala akong tulog. Wala akong ginawang iba buong gabi kung hindi ang umiyak, tumulala habang tumutulo ang luha, hagulgol ng iyak at muling nagtangkang wakasan ang buhay. Hindi ko na alam kung ilang beses kong nasugatan ang sarili ko dahil doon. Gustong-gusto kong gawin pero kada gagawin ko, naririnig ko ang boses ni Papa at Mama na sinusumbatan pa din ako hanggang sa huling hininga ko. Iisip na lang ako ng ibang paraan kung paano.. hindi dito sa bahay, pwedeng sa kalsada o sa iba pang lugar. Muli akong tumulala at hindi na alam ang gagawin. Wala na akong maisip na gawin, binalot na ng lungkot, sakit at sama ng loob ang buong pagkatao ko. Ang buong puso ko at ang buong isip ko. Ilang oras ang lumipas at nakarinig na ako ng ingay sa baba. Mukhang nandito na sa bahay sila Mama. Naririnig ko pa silang tumatawa at nag-aasaran sa mga ginawa nila doon sa pinuntahan nila. Muling pumatak ang iilang luha sa mata ko. Akala ko manhid na ako sa sakit, hindi pa pala kasi nasasaktan na naman ako. Umiiyak na naman ako dahil sa kanila. LUMIPAS ang araw na hindi man lang ako pinuntahan ng kahit na sino sa bahay. Hindi ko na naramdaman ang gutom o antok. Nakatulala lang ako sa bintana ko kasama ang mga luha na tumutulo, hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil wala akong lakas tumayo o kumilos. Hindi ko alam ang oras basta alam ko lang madilim na naman at may kung ano sa isip ko na nagsasalita at kinakausap ako na ituloy ang balak ko. Kaya naman tumayo ako kahit nanghihina. Kumuha ako ng damit at nagpalit. Muli, hindi ko ininda o hindi ko lang talaga pinansin na masakit ang mga sugat ko, basta hinubad ko na lang ung damit ko at nagsuot ng iba. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa hagdan. Paano kaya kung ihulog ko ang sarili ko dito at kusang itama ang ulo ko? Pwede na kaya iyon? "Hoy, tanga! Umalis ka nga d'yan!" rinig kong singhal ng ate ko. Imbes na sundin ang sinabi n'ya naglakad na ako ng diretso pababa at hindi na pinansin pa ang mga sinabi n'ya. Lumabas ako ng bahay na hindi nag papaalam. Para saan pa? Hindi naman din nila mapapansin na, umalis ako. Naglakad lang ako nang naglakad kahit wala talaga akong pupuntahan. Hanggang sa napagod na lang ako at naupo sa kung saan bago muling umiyak na parang tanga. Ilang beses akong tumawid ng kalsada para sana wakasan ang paghihirap ko pero lagi na lang nakakahinto agaran ang kotse kaya naman sumisigaw na lang sila at tinatawag akong baliw. Baliw? Baka nga! Hindi ko alam kung paano ako nakauwi after kong mag breakdown sa kalsada, basta nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo na naman sa ibaba ng kama at muling tahimik na umiiyak. HALOS dalawang buwan na ang lumipas, wala akong narinig na sorry kila Papa, mas lalo pa akong nasaktan dahil hindi na ako nakarinig ng sorry. Sinabihan pa nila akong nag-iinarte dahil sa nagiging akto ko. Wala silang ideya sa pinag-dadaanan ko! Hindi nila alam na sila ang may gawa kaya ako nagkakaganito! Ni minsan ay hindi sila pumasok dito sa kwarto ko para kumustahin man lang ako! Hindi sila pumasok dito para itanong kung anong problema ko! Pumapasok sila dito para lang sigawan, utusan at pagsalitaan ng masasakit. Tuluyan akong nawalan ng gana sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Bakit pa ako magsusumikap kung wala namang gustong umappriciate ng naabot ko? Kung puro mali ang nakikita nila sa pagkatao ko. Ni paglilinis ko sa sarili kong kwarto hindi ko na nagawa dahil lagi lang akong nakatulala. Minsan pang lumabas ako ng bahay at hindi umuwi ng bahay. Nakaupo lang ako sa parke at doon nagpalipas ng gabi. Miski pagtulog ko ay hindi na normal, minsan umabot ako ng dalawang araw bago ako makatulog, makakatulog man ako aabutin lang ng dalawang oras at gising na ulit at muling tutulala, paminsanan pa ay yuyuko at iiyak lalo na pagnaalala ko ang mga nangyari sa akin. Ung mga sugat ko ay hindi ako nag-abalang gamutin, wala ring namang nagtanong o pumansin man lang nito kaya hindi ko na din ininda. Ngayon nga ay enrollment ko na sa school pero wala akong ganang mag enroll kaya ito ako at nakahiga lang sa kama ko. Ayoko na mag aral, gusto ko na lang maglaho at iwan ang mundong hindi naman tanggap ang katulad kong katamtaman lang ang kakayahan para makasabay sa mundong puro perpekto ang naninirahan. Muli na namang pumatak ang luha ko sa mga mata pati ang pag yugyug ng aking balikat dahil muli ko na namang naalala ang mga naranasan ko nitong nagdaan buwan. Nang marinig ko ang bukas ng pinto ko, mabilis kong pinahid ang luha at pinigil ang paghikbi lalo na nang marinig kong si Mama ang magbukas. "Hoy, Kesha! Ano?! Wala kang balak mag enroll?! Sabi d'yan sa labas enrollment na ng eskuwelahan n'yo!" singhal nito, "tumayo ka d'yan at mag enroll doon! Ayon na nga lang ang gagawin mo! Nag iinarte ka pa dyan! Tigilan mo iyang pagdadrama mo!" habol pa dito at pabagsak na sinara ang pinto ko. Hindi ko na nakayanan pang magpigil kaya naman kinuha ko ung unan ko at doon muling umiyak, sumigaw at hagulgol. Hingal na hingal ako sa ginawa ko, basang-basa din ang mukha at unan ko. Ayokong kumilos pero dahil alam kong babalik si Mama dito at pag sasalitaan na naman ako ng kung anu-anong masasakit na salita, tumayo ako at kumuha ng damit. Mabilis akong naligo, nagbihis at walang sabing umalis ng bahay bitbit ang bag ko. NASA tapat na ako ng school at dahan dahang pumasok doon. Wala sa loob kong nag enroll, mabilis akong natapos at mabilis na umalis ng eskwelahan. Kung saan hindi ko alam kung babalik pa ba ako o hindi na. Katulad noon, hindi ako agad umuwi ng bahay. Tumambay ulit ako sa parke at doon, nagmuni-muni at nagpapahangin. Napapikit na lang ako nang tumama ang hangin sa balat ko kasabay ng dampi ng sinag ng araw. Nakakasilaw man, pilit kong sinalubong ang sinag nito. Ang sarap sumama sa liwanag kung saan hindi ako makakaramdam ng lungkot at pag-iisa. Muli na namang pumasok sa isip ko ang susuma sa liwanag.. Samu't sari na namang imahinasyon ang pumasok sa utak ko. Imahinasyon na ako mismo ang gumagawa no'n sa sarili ko. Napangiti lang ako ng mapait at ramdam kong muling may tumulong luha sa mata ko. Luha ng sakit, lungkot, takot, galit at discouragement.. luha na nagsasabing, ang dami daming mali sa akin na hindi na ako kayang tanggapin ng mundong kinabibilangan ko. ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD