Chapter 11

1735 Words
KESHA ILANG buwan na din simula nang magsimula ang pasukan at hindi nga ako nagkamali nang hinala na madadrop ako sa ilang subjects ko. Hindi naman nila kinausap sila Mama dahil sinabi ko na ako na ang magsasabi at kukunin ko na lang sa susunod na year. Kahit ang totoo ay wala na talaga akong balak na kunin iyon. Araw-araw na din akong halos hindi napasok sa school dahil mas lalo akong pinagtatawanan nila Ella dahil sa mga drop ko pero kung dati yuyuko lang ako at iiyak, ngayon naalis na lang ako at maglalalakad sa kung saan, minsan uupo sa parke at tatanaw sa malayo tapos uuwi na parang walang nangyari. Minsan uuwi akong walang tao sa bahay at minsan naman meron pero katulad noon, hindi naman nila ako iniitindi kaya sa kwarto na naman ako mamalagi. Kapag nagkakataon naman na walang tao sa bahay. Nagkakataon din na dumadaan si Patrice. Minsan, nagugulat na lang ako na nasa tabi ko s'ya at nakangiti sa akin. Naalala ko noong gabi na kinamusta ako nito, wala akong nasagot na iba kun'di 'ayos lang'. Kahit halata sa kan'yang gusto n'ya pa magtanong. Hindi na nito ginawa at minabuti na lang na ibahin ang usapan namin. Katulad ngayon, katabi ko na naman s'ya at nagkukwento ng mga ginagawa nila sa simbahan nila. Nakikinig lang naman ako habang naglalaro ng bato. "Ngayon nga may event kaming pinag hahandaan. Malaking event iyon kaya lahat kumikilos," saad nito. Muli naman akong tumango sa sinabi n'ya. Naramdaman ko naman na tumahimik ito kaya tinignan ko s'ya. Nakatingin lang s'ya sa akin at parang inaarok ung iniisip ko. "Alam mo, bata pa lang tayo tahimik ka na talaga pero ngayon mas tahimik ka at nawala na din ang sigla sa iyo," usal nito sabay tingin sa harap. "Maganda ba sa school mo?" tanong nito. Napaisip lang naman ako sabay hinga ng malalim. "Oo," tipid kong sagot. Maganda naman talaga ang school namin, ang mga tao lang ang hindi. "Madami kang friends doon?" tanong n'ya ulit. "Meron," Nakita kong tumango-tango ito at hindi na nagsalita. Makaraan ang ilang minuto naming katahimikan, tumayo si Patrice at nagpagpag ng pang-upo n'ya. "Una na ako, Kesha. Pagod na din kasi ako dahil galing akong church. Next time ulit," nakangiti nitong paalam sa akin na sinamahan pa ng pagkaway. Tanging tango lang naman ang naisagot ko sa kan'ya at pinanood na lang s'yang lumakad paalis. Mukhang nagsawa na si Patrice na kausapin ako dahil hindi naman ako nagsasalita. Mukhang ako nga ang may mali kaya walang gustong kumausap sa akin. Muli na lang akong yumuko at naglaro ng bato. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko dahil sa huling pagkakataon, iniwan na naman ako ng kaibigan. LUMIPAS ang ilang linggo at hindi na kami gaano nagkikita ni Patrice, hindi na rin kasi gaano umaalis sila Mama dahil mag eexam na at mukhang nagrereview ung mga paborito nilang anak kaya nag stay lang sila sa bahay kaya hindi na rin ako gaano nakatambay sa labas ng bahay. Dito lang ako sa kwarto ko natambay at nakatingin sa kalangitan. Kailan kaya ako kukunin ng nasa itaas para makapag pahinga? Pagod na pagod na akong mabuhay. Gusto ko ng matulog na hindi ko kailangan gumising at ipakita sa kanilang okay lang ako sa pambabalewala nila. Sa sobrang tulala ko sa buwan, para akong nakakita ng isang babae na nakaupo doon, mukha s'yang malungkot at malalim ang iniisip, hindi sinasadyang nahulog s'ya at may taling sumabit sa kan'yang leeg dahilan para manginig ang buong katawan nito. 'congrats, malaya ka na sa lungkot at sakit...' Bulong ko kahit alam kong hindi naman n'ya maririnig iyon... gusto ko s'yang gayahin... gusto ko s'yang sundan... Isang malakas na katok ang umagaw ng atensyon ko. Nakatitig lang ako doon at nag-aantay ng sigaw, ngunit wala akong narinig kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa buwan kung saan nandoon pa din ang babae. May ngiti na ito sa mga labi, hindi katulad kanina noong nakaupo s'ya na malungkot ang mukha... napangiti na lang din ako, gusto ko s'yang gayahin... Muling isang katok ang manutawi sa labas ng kwarto ko kaya naman tumayo ako at naglakad papunta dito. Binuksan ko iyon at sakto na dumaan ang bunso kong kapatid na bigla na lang ngumiti sa akin. "Ikaw ung kumatok?" marahang tanong ko dito pero umiling lang s'ya. "Hindi, kakadaan ko lang dito. Kain na tayo, Ate Kesha," tugon nito. Nagtataka man, hindi ko na muling tinanong. "Sige lang, wala akong gana," saad ko at akmang isasara na ang pinto ko nang magsalita s'ya na nagpapantig sa tenga ko. "Ang arte mo naman, niyaya ka na nga ayaw mo pa. Bahala ka d'yan!" Humarap ako dito at nakita kong paalis na s'ya kaya naman hinabol ko s'ya at hinila ang buhok n'ya na ikinasigaw nito. "ARAAY!" malakas na sigaw n'ya na alam kong maririnig nila Papa pero hindi ko na inisip iyon dahil nagdidilim bigla ang paningin ko sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita at patuloy lang na sinabunutan s'ya at pinaghahampas sa kung saan-saan. Nagulat na lang ako nang may humawak din ng buhok ko at ilayo ako sa kan'ya at pabato akong binitawan na ikinatama ng ulo ko sa pader ng bahay namin. Para namang nakalog ang utak ko sa nangyari at tanging pag iyak lang ng kapatid ko ang naririnig ko. May humila ng braso ko at hinarap ako dito. Si Papa na nanlilisik ang mata.. "Ilayo mo yang anak mo sa akin! Baka mapatayan ko iyan!" rinig kong saad ni Mama. Itinayo ako ni Papa at mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko habang hinihila ako papasok ng kwarto ko. Ibinalibag ako nito papunta sa kama ko. Ramdam ko pa din iyong kamay n'ya sa braso ko. "Anong problema mo, Kesha? Bakit sinasaktan mo ung kapatid mo?!" sigaw nito. Tumingin ako dito at napayuko na lang din dahil bigla akong natakot sa tingin n'ya. Halos manginig naman ako nang sumigaw ito. Bigla parang bumalik ako sa katinuan sa sigaw nito. "S-sinabihan n'ya po kasi ako ng maarte..." tugon ko sa mahinang paraan. "Ayon lang?! Nagawa mong saktan ang kapatid mo?! Totoo naman iyong sinasabi n'ya! Ano bang ginagawa mo?! Nagkukulong ka dito at hindi kakain?! Hindi ba pag iinarte itong ginagawa mo?!" sigaw nito. "Niyayaya ka lang naman kumain! Kung ayaw mong kumain, edi wag! Wag kang mag inarte at bahala kang magutom!" habol n'ya. "Wala ka na ngang nagagawang tama, nananakit ka pa!" Sandali pa ay narinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Doon na muling tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi nila... lahat tagos sa puso ko at isip kong kulang na lang ay mabaliw dahil sa nangyayari sa akin. Wala ba talaga silang ideya kung ano ung ginagawa nila sa akin?! Wala ba talaga akong nagagawang tama sa paningin nila?! Siya naman ang nauna! Siya ang hindi nag bigay ng respeto sa akin! Bakit ako pa din ang mali?! Tahimik lang akong umiiyak doon at hinahampas ang sarili. gusto kong iiyak lahat ng sakit... nanunuot sa balat ko ung sakit ng kalooban ko. Para akong pinipiga at tinutusok-tusok bawat parte ng katawan ko. Malakas kong hinampas ang ulo ko para mawala ang frustration at kung anu-ano pang tumatakbo sa isip ko. Kusang bumaba ang kamay ko na nakahawak sa buhok ko at muling tumulala habang patuloy na tumutulo ang luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. bakit ako? Huminga ako ng malalim at marahas na pinunansan ang mukha ko na puno ng luha. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Alam kong wala namang silang pakealam sa akin kung aalis ako o hindi. Mas gusto pa nga ng nanay ko na mamatay na lang ako. Lumabas ako ng bahay na muli at upo sa gater. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko dito. Gusto kong umupo dito at paglaruan ang mga bato. "KESHA!" Napaangat ang ulo ko sa tumawag sa akin, nakita ko si Patrice na kumakaway habang may ngiti sa labi. Tinignan ko lang ito at hindi ngumiti sa kan'ya. Kanina pa ako dito at ayoko pang pumasok sa loob ng bahay namin. Pinilit ko na din tumigil sa pag iyak kahit pa patuloy akong nakakaramdam ng panunusok at pagpiga sa katawan ko. "Uy! Buti na kita kita dito, noong nakaraan pa kita inaabangan o tinitignan kung nandito ka e, kaso hindi kita naabutan," usal nito nang makalapit na s'ya sa akin. Ang kaninang nakangiti nitong mga labi ay napawi nang makita n'ya ako nang malapitan. "A-ayos ka lang?" nag-aalangan nitong tanong sa akin. "Bakit mo ako inaabangan?" Imbes na sagutin ay tinanong ko s'ya ukol sa sinabi n'ya kanina na inaabangan n'ya ako. "Oo, iimbitahan sana kita e," sagot nito sabay upo sa tabi ko. "Bakit magulo ang buhok mo?" tanong n'ya ulit. Doon naman bumalik sa ala-ala ko na sinabunutan ko pala ung sarili ko kanina. "Wala, malakas kasi ung hangin dito kanina," tugon ko sabay ayos ng buhok ko at ipinusod ito. Muli akong humarap sa kan'ya, "saan mo pala ako iimbitahan?" tanong ko. Bilang s'yang ngumiti nang maalala ang totoong pakay sa akin. "Hindi ba nasabi ko sa iyo na may event kaming pinaghahandaan? Yayayain sana kitang sumama sa sabado! Alas-dos ng hapon," saad nito at nakangiti. "Anong meron doon?" tanong ko. "Ano?! Ahm... ang tawag doon sa event namin ay Meet My Kaibigan Party! Kung baga, ung mga kaibigan ng kaibigan ko, makikilala mo din sila! Tapos ung kaibigan ko, which is ikaw! Ay ipakikilala ko sa kanila! Ganon! Tapos may unting games at kainan..." excited na paliwanag nito. Napaisip naman ako nang malalim. Gusto kong lumayo sa bahay namin panandalian, kahit pakiramdam ko ay gagamitin lang naman ako doong palamuti at hindi ko alam kung tinuturing ba akong kaibigan ni Patrice.. "Sige, pero wala akong pera pamasahe o pang ambag sa pagkain," pag-amin ko. "Sira! Okay lang! Kami na sasagot no'n! 'ska ung pamasahe! Ako na bahala sa iyo, sunduin kita dito nang mga 1:30pm! Deal?" muli nakangiti n'yang turan. "Sige," saad ko at halos pumalakpak naman s'ya dahil doon. Tinignan ko lang s'ya na masayang-masaya. Nagkwento pa ito ng mga gagawin doon at sinabi n'ya na mababait daw ang mga makakasama namin sa sabado. Masaya s'ya at bawat kwento n'ya ay nakangiti. Mabuti pa si Patrice laging nakangiti... kailan ko kaya mararanasan na ngumiti na parang walang problema? Mararanasan ko pa ba iyon? ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD