Many years later...
KESHA
Napahinga ako ng malalim nang makita kong madilim na naman ang loob at labas ng bahay.
Alam ko na ang nangyayari, wala na naman sila sa bahay at umalis na naman ang mga ito nang hindi man lang ako inaantay o tinatawagan.
Wala na ba talagang pakialam sila Mama sa akin?
Tanong ko sa sarili ko at bahagya pang napahinga muli ng malalim at umupo muna sa gater ng bahay.
"Okay lang yan, Kesha. Baka nakalimutan lang nila," kausap ko sa sarili ko.
Talaga ba, Kesha? Nalimutan? Kailan ka kaya nila mamaalala? Pag may kwenta ka na?
Napapunas ako sa mukha kong nabalot na ng luha dahil sa mga naiisip ko. Hindi lang namam kasi ito ang una kaya masakit sa akin.
Matatag ka, Kesha! Makakakuha ka din ng gusto nila at mapapansin ka din ng magulang mo!
Tumayo ako at initsa ang bag papasok ng bakuran namin. Dating gawi! Aakyatin ko na naman itong gate namin para makapasok sa bahay.
Nang makaakyat na ako, tatalunin ko na lang pababa katulad ng lagi kong ginagawa.
"Isa, dalawa, tal-!"
Naputol ang pag bigkas ko sa salitang talon nang sumabit ang palda ko sa patusok ng gate namin.
Rinig na rinig ko ang pagkapunit nito at dahil din sumabit ito, nawalan ako ng balance kaya naman nasubsub ako sa medyo batuhan naming bakuran.
Tumayo ako agad at pilit pinigil ang pag iyak dahil sa sakit ng ilong at noo ko.
Nagkasugat pa ata ako! Pilit kong iwinaksi iyon dahil nag-alala ako sa palda ko.
"Napunit.. wala pa naman akong perang pambili ng iba nito," malungkot kong saad habang pinagmasdan ang punit sa likod nito.
Sana bigyan ako ni mama kahit magkano lang, titignan ko na lang kung pwede na basagin ung baboy kong alkansya.
Tinupi ko na lang yung palda ko at inilagay sa bag ko. Mabuti na lang at nakashort ako sa ilalim no'n.
Naglakad ako papunta sa bintana namin at sinipat-sipat iyon kung nakalock ba at napangiti ako, mabuti na lang hindi sila nagla-lock ng bintana kaya makakapasok ako.
Isa-isa kong tinanggal ung jalousie ng bintana namin tapos maingat na pumasok.
Binuksan ko ang ilaw namin nang makapasok na ako at nakita kong makalat ang bahay, binuksan ko na lang din ang pintuan para ibalik ung mga tinanggal ko.
Matapos kong gawin iyon, iniligpit ko ung mga kalat nila, pati ang mga papel na nakalagay sa lamesita. Isinalansan ang iba at ang iba naman ay itinapon ko dahil mukha namang hindi na kailangan.
Matapos kong mag walis, sinubukan kong mag hanap ng pagkain pero mukhang wala akong makukuha dahil lahat may pangalan at may nakalagay na bawal galawin.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at doon na pinakawalan ang sakit at sama ng loob ko.
Niyakap ko ang dalawang binti ko at ibinaon ang mukha ko doon habang umiiyak.
Bakit lagi na lang akong hindi kasali? Bakit lagi na lang akong naiiwan? Bakit lagi na lang akong huli? Anak din naman ako! Pero bakit parang hindi ako mahal?
"Hoy, T*nga! Bamangon ka nga d'yan! Sa sobrang t*nga mo, hindi mo na alam ang kama sa lapag. Ano ba naman yan, Kesha?!"
Agad akong napamulat ng mata nang marinig ko ang sigaw ng ate ko.
Nakaramdam pa ako ng bahagyang pagsipa para magising ako nang tuluyan.
"Hindi, mainit kasi kaya dito ako sa labag natulog," tugon ko habang dahan-dahang tumatayo.
"Paki ko! Bumangon ka na! Magluto ka na ng agahan! T*nga na nga tamad pa! Kainis!" singhal nito sabay pabagsak na sinara ang pintuan ng kwarto ko na parang bodega din.
Sa mga sinabi n'ya doon ko lang narealize na umaga na pala at muli, nakatulog na naman ako habang umiiyak at tinatanong ang sarili.
Lagi na lang gano'n! Tsk!
Tumayo na ako at nagpalit ng damit para makapaghanda ng agahan namin.
Huminga ako ng malalim at pilit inilagay ang mga ngiti kong nag sasabihin okay lang ako at ayos lang na iniwan nila ako kahapon.
Nag luluto na ako ng itlog sa kusina nang marinig kong sumigaw ang isa kong ate.
"Sinong nag ligpit ng lamesita kahapon?!" malakas na sigaw ng ate ko.
Mukhang galit na naman s'ya.
Kinakabahan naman akong sumilip doon sa sala para sabihin ako ang nagligpit.
Nakita ko doon si mama na naghahanap sa papel na tinabi ko sa ilalim.
"Baka nandito lang iyon, kumalma ka muna," mahinahon na saad ni mama.
"Ako ung naglinis ng lamesita kahapon, pagpasok ko. Ang kalat kasi kaya iniligpit ko," sabat ko sa kanilang dalawa
Sabay naman na bumaling sa akin si Mama at Ate, pareho ding nanlilisik ang mata.
"Ikaw ang nagligpit! Nasaan ung ibang mga papel dito?! Tsk! Kesha naman! Sa susunod pag nandito lang, wag na wag kang mangingialam! Wag kang mag magaling kasi wala kang alam!" bulyaw nito sa akin, pero nahinto iyon nang sabay-sabay kaming may naamoy na nasusunog.
Ung itlog!
"Putragis ka talagang bata ka! Balak mo pang sunugin ang bahay! Akala mo naman may maiaambag ka pag masunog ang bahay natin!" sigaw ni Mama sa akin sabay hila ng buhok ko.
Napangiwi na lang ako dahil sa sakit ng pag sabunot n'ya. Muli kong pinigil umiyak kahit sobrang bigat na ng nararamdaman ko.
Kinikilabutan ako sa sobrang sakit ng damdamin ko, nahihirapan akong huminga pero hindi ko magawang magreklamo.
Napangiwi naman ako ulit nang hatakin ni Ate ang braso ko at sabihing hanapin ko ung papel na itinapon ko.
Dinala n'ya ako sa basurahan na marami nang nakatambak.
"Hanapin mo at kopyahin mo ung mga nakalagay doon! Kailangan ko iyon sa monday, Kesha!" nagmamaktol nitong saad sabay pabalya akong tinulak doon.
Halos masuka-suka ako sa mga basura na nandoon dahil nakakasurang amoy pero wala akong magagawa dapat ko iyong mahanap.
Napatingin ako sa pintuan ng bahay nang marinig kong kumakalam na ang sikmura ko.
Biscuit lang ang huli kong kinain kahapon, kaya alam kong gutom na ang tiyan ko.
Binilisan ko na lang ang paghahanap para makapasok at makakain na, sana tirahan nila ako.
Matapos kong makolekta lahat ng papel na sa tingin ko ay iyon ang kailangan ni Ate, pumasok ako ng bahay.
"Ate, eto na ung mga papel," saad ko nang makita ko sila sa sala na nagkakatuwaan at mag kukwentuhan.
Ang saya nila.. habang ako, nandoon at umaamoy ng mga basura.
"Ang baho, Ate Kesha! Maligo ka nga! Amoy imbornal ka!" sigaw ng bunso naming kapatid.
Alam ko naman na mabaho ako pero gusto ko lang naman na sabihin na nahanap ko na.
"Dalhin mo na iyan sa kwarto mo at doon mo kopyahin! Umalis ka na! Ang baho talaga!" singhal sa akin ni Mama na may pagtakip pa ng ilong.
Katulad ng utos n'ya, pumasok ako ng kwarto at kumuha ng damit ko para maligo.
Eto na ang buhay ko simula nang makita nilang wala akong sapat na kakayahan para mabigyan sila ng karangalan para maipagmalaki.
Lahat sa mga kapatid ko, nakatanggap sila ng mga papuri sa mga guro, kamag-anak at kaibigan nila pero sa akin? Wala silang narinig na kahit anong papuri, puro pangungutya at reklamo. Simula noon, lagi na akong naikukumpara sa mga kapatid ko pati na sa ibang tao.
Mali ba na eto lang kaya ko? Hanggang saan ko ba kakayanin ang ganitong pag trato? Gusto ko lang naman na tanggapin at mahalin ako bilang ako.
????