Prologue

1162 Words
"Ahm! Sorry, Kesha pero kumpleto na kasi kaming magkakaibigan, sa iba ka na lang baka may free pa na upuan," saad ng isa sa mga itinuturing n'yang kaibigan. Napakamot na lang s'ya at pinilit na ngumiti. "Okay lang. Hanap na lang ako," tugon nito at lumingon sa iba. Nang makakita s'ya, nagpaalam na s'ya sa mga kaibigan na iniwan na naman s'ya sa panahon ng kasiyahan, lumapit s'ya sa grupong tingin n'ya ay bago n'yang magiging kaibigan. "Hi! Pwede dito? Meron pa bang upuan?" malumanay n'yang tanong na may ngiti sa labi. Ngumiti naman ang isa sa kan'ya. "Sakto, absent ung isa naming kaibigan kaya pwede ka muna dito," saad nito sabay turo sa bakanteng upuan. Ngumiti lang s'ya at tahimik na umupo. Nagkukwentuhan ang mga ito pero hindi naman s'ya makasabay dahil wala s'yang alam sa mga sinasabi ng mga bagong kasama. Agad napaisip si Kesha, ilan na nga ba ang naikot n'yang magbabarkada dahil sa pare-parehong rason, kulang lang sila kaya nakakasama s'ya pero pag nakumpleto na ulit, kailangan na naman n'yang lumipat o humanap ng panibagong sasamahan para hindi makaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, ngunit magtatapos na lamang ang isang taon sa eskuwela ay mag-isa na naman s'ya. Walang permante at tunay na kaibigan. —-------------------- "Ma! Recognition namin sa sabado, kailangan ka doon kasi sasabitan ako ng medalya!" "Ma! Ako din sa lunes naman, recognition ko din po!" "Ma! May medal din ako!" "Papa! Mama! May award din ako!" Sunod-sunod na saad ng magkakapatid na Hernandez. Maingay na naman sa kanilang tahanan dahil muli na namang nagtapos ang isang taon ng pag-aaral ng mga ito. "Ikaw, Ate Kesha? Anong award mo?" inosenteng tanong ng bunso sa magkakapatid. Agad natahimik ang pamilya dahil alam na nila ang sagot ni Kesha. "Wala, hindi nakaabot si ate sa top 10 e." Nagkakamot sa ulo nitong sagot sa batang kapatid habang nakasilay ang pilit na ngiti na parang ngiwi. "Ano pa ba'ng bago?" natatawang saad ng isa sa nakakatandang kapatid nito na nasa kolehiyo na, katulad ng mga kapatid niya, isa din itong nagbibigay ng karangalan sa mga magulang noong ito ay nasa elementarya at sekondarya, ngayon nga ay nag aaral ito sa isang pribadong unibersidad sa kursong Accountancy at hindi ito naaalis sa Dean's Lister. "Kailan ka ba nagka-award? Ni-loyalty nga wala ka!" tukso ng sumunod sa nakakatanda, katulad ng kanilang ate, ito ay kolehiyo na din. Nasa unang taon na ito at nakapasa ito sa isa ding pribadong unibersidad sa kursong Civil Engineering. "Wala ka award, Ate? Sabi ng klasmeyt ko pag wala daw award, bobo!" inosente nitong saad na sinabayan ng tawa ng mga nakatatandang kapatid. Nakaramdam man ng pagkapahiya at mumunting kurot sa puso si Kesha, pinilit na lamang niya na makisabay sa tawanan. "Masaya ka pa nawala kang award?! Hindi ka nahihiya na ung mga kapatid mo kahit itong bunso mong kapatid, may award, ikaw lang ang wala!" Agad s'yang napa tahimik at napayuko nang banggitin iyon ng kan'yang ama. Siya lang ang tumahimik pero ang mga kapatid niya ay patuloy s'yang tinatawanan at sinasabihang bobo. "Simula noon, ikaw lang ang hindi nakapagbigay sa amin ng kahit anong karangalan! Mag-aral ka naman nang maigi, Kesha! Para naman ipagmalaki ka namin. Nakakahiyang isama ang katulad mong wala man lang nikatiting na talino, gayahin mo itong mga kapatid mo! Laging may mga award pag nagtatapos ang eskwela!" "Sorry po, papa. Sa susunod po, may award na din po ako," pilit itong ngumiti kahit pa gusto na n'yang maiyak sa mga sinabi ng kan'yang ama. Isama na ang mga tawa at panunukso ng mga kapatid. "Hindi na kami aasa, Kesha! Sa grado mong 80, hirap na hirap ka pang makuha, makatungtong pa kaya sa top 10." saad ng ina nito, "hay naku! Dapat masaya tayo dahil may mga award itong iba nating anak, isa lang naman iyan si Kesha! Masanay na tayo! Wala talaga tayong mapapala diyan sa batang iyan!" habol pa nito sabay baling sa ibang anak at masayang nakipag usap sa mga ito. Naiiling na lang ang ama nila na nakatingin sa kan'ya at parang sinasabi nitong sobrang malaking kamalian na nasa mundo pa s'ya at binuhay. Bumaling na lang ito sa bunso nilang kapatid na kahit sa murang edad pa lamang ay may award na at maipagmamalaki na ang katalinuhan. Hindi na muling nagsalita si Kesha at nagpatuloy na lang sa pakikinig sa mga nakuhang award ng kan'yang mga kapatid. Masaya s'ya para sa mga kapatid dahil sa mga nakuha nitong mga karangalan pero may parte sa kan'ya na naiingit s'ya dahil sa atensyin na ibinibigay ng kanilang mga magulang sa mga ito. Hindi n'ya rin naman kasi alam kung bakit sa kanilang pitong magkakapatid, s'ya lang ang hindi nakakakuha ng magandang marka pero kahit gano'n hindi naman siya bumabagsak, mababa lamang ang kan'yang marka. —------------------ "Naku, mare! Mabuti ka pa dito sa mga anak mo ay laging nakakakuha ng mga award! Ung dalawa mo kolehiyo na at maganda ang kurso! Hindi lang iyon, nasa maganda ring unibersidad! Napakaswerte mo!" Linggo at araw ng selebrasyon ng kan'yang mga kapatid, pinagsabay-sabay na lamang para makatipid sa gastos at handa dahil hindi naman sila gano'n kayaman katulad ng iba. "Ay naku! Sinabi mo pa! Sana mga anak ko e, ganyan din kaso wala! Lahat mga mahihina ang utak," saad ng isa pa sa mga kaibigan ng kan'yang ina habang tumitingin sa mga nakadisplay na medalya sa pader ng bahay nila. Inilagay iyon ng kanilang magulang para ipagmalaki sa mga bisitang pupunta sa kanilang tahanan ngayong araw. "Naku! Sadyang namana lang sa amin ang katalinuhan kaya gano'n," masiglang tugon ng kan'yang ina, samahan na ng buong pagmamalaki sa boses nito. Nakaupo lang naman kasi s'ya sa kanilang sala dahil wala naman din s'yang mga kaibigan o klasmeyt na inimbitahan dahil sinabihan s'ya ng kan'yang ina na hindi naman para sa kan'ya ang selebrasyon kun'di para sa mga kapatid n'ya lamang ito kaya wala s'yang karapatan na mag-imbita ng kahit na sino. Wala din namang s'yang klasmeyt na nag-imbita sa mga selebrasyon nito. "Pero, mare! Parang pumalya ka sa isa mong anak," Agad s'yang napalingon dito at nakita n'ya na tumuro ang isang ginang sa gawi n'ya. "Ay oo nga! S'ya lang ang wala dito," Nakita n'ya pa na tumuro ito sa kan'ya sabay turo sa mga medalya. "Oo nga e. Gano'n talaga! Sa pitong inalagaan at tinuruan mo, may isa talagang papalya at ipapahiya ka dahil hindi nakasunod. Hinahayaan na lang namin dahil mahina talaga ang ulo. Wala naman sa amin ang mali, kasi kita n'yo naman ang iba naming anak, puro may award," saad ng kan'yang ina at muling ibinida ang mga kapatid. "Ay tama! Minsan talaga nasa bata na ang mali!" 'nasa akin ang mali?' saad nito sa isip n'ya, 'anong mali sa akin?' Gulong-gulo ang murang isip na isipin kung anong mali sa kan'ya, bakit nasabing nasa kan'ya ang mali? Mali ba na wala s'yang karangalan? Mali ba na hanggang doon lang ang kaya n'ya? ???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD