Chapter 6

1041 Words
KESHA ILANG araw na din ang lumipas noong narinig ko sila Ella sa cafeteria at totoo nga yung sinabi n'ya na after kong masulat ay hindi na n'ya ako papansinin dahil ginawa na n'ya iyon nang makita n'ya ung notebook n'ya sa lamesa n'ya. Sinubukan ko naman silang kausapin kinabukasan no'n kahit pa ramdam kong isinusuka nila ako. At ngayon nga ay umaasa ako na papansinin nila ako kahit saglit lang or kung may ipag-uutos sila pero natapos ang klase namin, hindi na nila ako pinansin kaya umalis na ako ng paaralan. Katulad noon, hindi muna ako umuwi agad ng bahay at nagliwaliw muna ako para mabawasan kahit papaano ang sama ng loob ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin etong pag-iipon ko ng sakit at kalungkutan, pilit kong inaalis, pilit kong binabaliwala para makapag focus sa sinabi kong pag-aaral pero hindi ko magawa dahil tuwing sisikapin kong mag-aral laging pumapasok sa akin ang dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na iyon hanggang sa makikita ko na lang ang sarili kong umiiyak. "Nakakapagod mabuhay," bulong ko sa hangin habang nakatingin sa puno na sumasayaw sa saliw ng hangin. Agad nalipat ang tingin ko sa mga batang masayang nagtatakbuhan habang hinahabol ng kanilang mga magulang. Mapait akong napangiti. Ang sarap lang isiping maging bata na lang ulit. Puro saya at tawa lang ang gagawin mo. Hindi na kailangan pang isipin ang mga sinasabi ng iba sa iyo dahil ang kailangan mo lang isipin ay kung paano iiyak para mapansin ka. Sa panahon ngayon at edad ko, hindi na pwedeng basta-basta umiyak pag nahihirapan, pag nakakaramdam ng lungkot o pag-iisa dahil sasabihan ka lang nilang maarte at papansin pero hindi nila alam lahat ng ibinabato nilang salita ay tumatatak sa isip ng isang tao. Muli bumalik ang atensyon ko sa mga batang naglalaro lang kanina na ngayon ay umiiyak dahil nadapa ito. Agad naman s'ya pinatahan ng kan'yang mga magulang at niyakap ng mahigpit. Kailan nga ba ako huling pinatahan at niyakap ng mga magulang ko? Kailan nga ba nila ako huling kinamusta? Sa sobrang tagal na, halos hindi na malinaw sa akin kung kailan ang mga iyon. Okay naman kami nila Papa noon, kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaalala. Minsan akong pinatahan ni Papa dahil wala akong nakuhang award katulad nila ate. Noon pa man naiingit na ako dahil umaakyat sila sa stage at sinasabitan ng medalya pero ako hindi. Sabi pa sa akin no'n ni Papa, 'Hayaan mo, mag-aaral tayo ng maigi ni Papa para next year, makakakuha ka na,' Si Papa kasi talaga ang nagtuturo sa akin dahil pag si Mama, nasasaktan ako pag hindi ko nasasagutan ang mga pinapasagutan nito sa akin, kaya si Papa na lang ang nagpatuloy. At disappointment lang ang ibinigay ko dito dahil kahit anong pagtuturo nila sa akin, wala pa din akong naibabalik sa kanila hanggang sa nagsawa na si Papa at sa mga nakakabata kong kapatid na lang s'ya nagfocus dahil inaamin naman na daw n'yang mahina na talaga ang ulo ko. Naalala ko pa na, minsan akong nagulpi ni Papa dahil ang final grade ko sa pagtatapos ng klase ay 79 tapos lahat ng mga kapatid ko ay mataas. Iyak lang ako nang iyak no'n dahil sa mga sinabi nito sa akin, isama na ang mga palo na naghilom na sa balat ko pero hindi sa puso ko at isip ko. Sa murang edad ko naranasan kong pag salitaan ng masasakit na salita dahil lamang sa grade ko. Nag umpisa na akong kwestyunin ang sarili ko nang mga panahon na iyon dahil lagi kong naririnig kay Mama at Papa na tama naman daw ang pagpapalaki at pag tuturo nila sa akin pero bakit lagi akong nahuhuli. Nadagdagan pa nang muling nagkaroon ng selebrasyon sa bahay at hindi naiwasang kwestyunin si Mama ng mga kaibigan n'ya dahil ako lang ang walang medalya nang panahon na iyon. Doon ko rin narinig na, nasa akin ang mali at wala kila mama. Hanggang ngayon pilit kong itinatanong kung anong mali sa akin. Ano pa bang mali sa akin? Pilit kong ginagawa lahat ng tamang naituro nila sa akin pero wala talaga, hindi talaga kaya ng sarili ko. Eto lang ako at hanggang dito lang ako. Mali na ba iyon? Napailing na lang ako para alisin ang mga iniisip ko, huminga ako ng malalim at muling tumingin sa taas. Matapos ang ilang minuto ng pag ninilay-nilay ko sa park, nagdesisyon na din akong umuwi. Nakayuko akong naglalakad at nag-iisip isip kung anong pwede kong gawin mamaya pag-uwi ko. Kakain ba muna ako o papasok na lang sa kwarto ko at mag-aaral na lang doon. Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad, nakarating ako sa bahay. Bagsak nga lang ang balikat ko dahil patay na naman ang ilaw sa loob. "Mukhang umalis na naman sila," mahina at puno ng pagkalungkot kong saad. Kung umuwi kaya ako agad, sasama nila ako? Imbes na gawin ang dati kong ginagawa, naupo ako sa gater, binuksan ko ang bag ko at kinuha ung mga notes ko na pwede kong basahin. Mag-aaral na lang ako kesa mag-isip ng kakaiba na ikakalungkot ko. Kawawa na ang utak ko kakaisip ng mga bagay na hindi ko naman alam ang kasagutan. Nagbasa lang ako doon kahit pa wala namang talagang pumasok sa utak ko dahil sa dami ng laman nitong mga tanong at kung ano-ano pa. Binaba ko ung notebook ko at tumingin sa kalsada na sakto namang may dumaan habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ito kaya naman kahit alangan ako, sinagot ko na lang din ang ngiti n'ya ng isang ngiti rin. Tapos no'n ay nag dire-diretso na s'ya pauwi sa kanila. Mukhang pati si Patrice, ayaw na din akong kausap. Sabagay matagal na kasi simula noong nagkaroon kami ng conversation, bukod din kasi sa hindi na ako lumalabas dahil sa mga marites naming kapitbahay, busy din s'ya sa pag-aaral n'ya at sa simbahan nila. Ayon lang ang naririnig ki dito sa bahay pag may dumadalaw na kaibigan ni Mama para makipagkwentuhan. Lumipas ang ilang oras at nakita kong may dalawang tricycle na huminto sa tapat ng bahay kaya masaya akong tumayo para salubungin sila pero hindi naman nila ako pinansin. Dire-diretso lang sila ng bahay habang masayang nagkukwentuhan. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD