Chapter 5

1080 Words
KESHA KATULAD ng inaasahan ko pagkatapos kong maulanan ay lalagnatin ako. Hindi naman ako nagkamali dahil nangyayari sa akin iyon. Pero dahil hindi ako pwedeng magkasakit dahil pahihirapan ko sila papa at mama, gagastos pa para sa akin, pinilit kong tumayo at gumawa ng mga gawaing bahay. Nilinis ko ung kwarto ko kung saan nakita ko na naman ung papel kong nagsasabi na nasa top 3 lang ako. Mapait akong napangiti dahil bumalik na naman sa akin ang alaala ng mga sinabi sa akin ni Papa kaya naman kahit nakangiti ay may mga mumunting luhang tumulo sa akin na agad ko ding pinunasan. Mag-aaral na lang ako ulit sa mga susunod para maipakita kong may iaangat pa ako, kahit hindi ko alam kung makakaya ko bang magawang makaangat, sisikapin ko na lang para hindi na madisappoint sila papa. Baka kaya lang iyon sinabi ni papa para bigyan ako ng motibasyon! Tama! Hindi dapat sumuko! Tama si Kuya, hindi dapat ako mag-inarte! Muli kong ipinagpatuloy ang paglilinis at agad akong naginhawahan dahil sa pawis na lumabas sa akin pero alam kong nandoon pa din ang hilo ko. Katulad kahapon, sama-sama na naman silang nandoon sa hapag kainan at masayang nagkukwentuhan, hindi na ako bumati sa kanila dahil wala din namang babati sa akin pabalik. Umupo na lang ako kung saan ang upuan ko at tahimik na sumandok ng pagkain. Matapos kong maghugas ng pinagkainan namin, umakyat akong muli sa kwarto ko. Kinuha ung mga gamit ko para mapaarawan ung bag ko pati na makapag-aral. Nag-aaral naman talaga ako, hindi nga lang talaga kaya ng utak kong makipagsabayan sa mga katulad ng ibang tao. —------------------- LUMIPAS ang ilang araw, nawala na din agad ang lagnat ko. Marahil pati lagnat ay inayawan ako kaya umalis na agad. At ngayon nga ay lunes na naman. Sa nagdaang araw, kinausap ko ang sarili ko na hindi na isipin pa ang mga bagay na makakapagpasama ng loob ko para makapag focus ako sa goal ko. Nababaliw na nga ata ako dahil noong nakaraan lang ang sabi ko ay sawa at nawawalan na ako ng gana na gumawa ng mga hakbang para maging proud sa akin ang mga magulang ko pero naulanan lang ako, bumalik ung gana ko. Kaunting drama lang pala ang kailangan. Muli akong ngumiti bago lumabas ng kwarto ko. Nadaanan ko si mama sa sala kaya naman nagpaalam ako pero katulad noon, wala itong reaksyon at hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin kaya nag tuloy tuloy na ako palabas ng bahay. Kaka-umpisa pa lang ng araw ko at kakamotivate ko pa lang sa sarili ko, nabawasan na agad. Bitbit ang nabawasang motibasyon, pumasok ako ng eskwelahan. Pagkarating ko sa school ay agad akong umakyat sa room namin. Katulad noon, walang pumapansin o kumausap sa akin kaya nagdiretso ako sa likod na upuan. Inilabas ko ung gamit ko para magbasa at mag-advance reading pero nahinto iyon ng lapitan ako nila Ella. "Kesha, can we talk?" tanong nito. Excited akong tumingin dito dahil ito ang unang beses na s'ya ang unang lumapit sa akin, lagi kasi na ako ang unang pumapansin sa amin. "Oo naman! Bakit?" tanong ko dito. "Ahm! I'm sorry sa mga nasabi ko noong nakaraang araw, hindi ko naman sinasadya." saad nito sabay ngiti, "pwede din bang favor?" tanong nito, "kasi 'di ba? Maraming pinasulat noong nakaraang linggo ang mga teacher natin, kulang kasi ung notes ko," saad n'ya kaya kahit nag-aaral ako, malugod kong iniabot sa kan'ya ung notebook ko. "Eto! Pwede mong hiramin," masiglang saad ko habang may mga ngiti sa labi. Umiling naman ito at hinilot-hilot ung kamay n'ya. "Pwede bang pasulat na lang din sa notebook ko, medyo masakit kasi yung kamay ko," malungkot na saad nito, "wag kang mag-alala, itetreat kita sa cafeteria mamaya pag natapos mo ngayon," saad nito. Dahil masyado akong masaya at natuwa sa sinabi n'ya mabilis akong nag-agree sa pinapagawa nito. Kinuha ko ung notebook n'ya at agad na nagsulat kahit pa masakit din talaga ang kamay ko dahil sa mga sugat ko noong nakaraan. "Thank you, Kesha!" masiglang saad nito at tinapik pa ung balikat ko, tango lang ang naging sagot ko dahil nga nag-uumpisa na akong magsulat. Mabilis kong natapos ang unang notebook na kailangan n'ya ng notes at nakalahati ko naman yung pangalawa, kailangan ko kasing huminto dahil may teacher na kami. Kailangan kong makinig at magsulat para may babasahin ako sa bahay. Nang matapos itong magturo, muli kong binalikan ang pagsusulat ko. Talent ko ata ang pagsusulat ng mabilis pero maganda pa din kaya naman natapos ko agad ung pangalawang notebook n'ya at sumunod ang isa. Nang matapos ko na lahat, doon ko lang napansin na, break namin at wala na sila Ella sa upuan nila kaya naman inayos ko ung mga gamit ko at tumayo kasama ang notebook n'ya. Lumabas ako ng room at maglakad papunta cafeteria na nakangiti. Eto ang unang beses na ililibre at isasama nila ako sa cafeteria kaya masaya ako. Pagpasok ko doon, hinanap ko agad sila at alam ko naman na nasa paborito nila silang upuan kaya naglakad ba ako papunta doon. Hindi naman ako nabigo dahil nandoon sila at nagtatawanan. Malapit na ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Uto-uto talaga si Kesha, ano?!" saad nung isa sa mga alipores ni Ella. "Biruin mo, kinausap mo lang at nagpeke ka ng sorry, sinunod agad ung gusto mo," saad nito 'ska tumawa. Nakita ko din na tumawa si Ella sabay inom sa drink n'ya bago nagsalita. "Alam mo naman iyon! Takaw na takaw sa kaibigan at atensyon. Masabihan mo lang na isasama s'ya sa kung saan, go agad sa ipapagawa mo!" saad n'ya. "Akala naman n'ya gusto ko talaga s'yang isama dito! Pagkatapos ng notebook ko, 'who you?' na ulit s'ya sa akin, 'ska ko na ulit s'ya papansinin pag may kailangan ako sa kan'ya," habol pa nito. Kaya ang nakangiti at masayang aura ko ay bumagsak at imbes na tumuloy sa kanila. Tumalikod ako at naglakad pabalik ng room namin. Inilagay ko sa table n'ya ung notebook at bumalik sa upuan ko para dumukdok ulit doon. Walang luha ang lumabas sa mga mata ko pero parang hinahalukay ang tiyan ko sa sobrang sama ng loob at lungkot. Umasa ako parang katulad ng pagsasabi ko kila papa na nasa top 3 ako. Umasa ako na sa unang pagkakataon, magkakaroon ako ng kaibigan kahit alam kong ginagamit lang nila ako, umasa ako na sa pagkakataon na ito, magkakaroon ako ng kakwentuhan. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD