Si Alex, Si Yogi, At Si CR Boy

8215 Words

“Di ba sinabi ko sa iyo na boyfriend ko iyan? Ba’t tangka mong halikan?!” ang sigaw ni Jerome kay Tyler na nakahandusay pa sa sahig. “Eh...” ang sagot ni Tyler na mistulang disoriented pa dahil sa suntok ni Jerome na tumama sa kanyang ulo, kitang-kitang nangangapa upang makatayo. Dali-dali kong inabot ang kamay ni Tyler at hinawakan ito upang makatayo siya. Nang nakatayo na siya, pumagitna ako sa pagitan nilang dalawa ni Jerome. “Bakit mo naman siya sinuntok?!” ang bulyaw ko kay Jerome. At baling ko kay Tyler, “Masakit ba? Saan ka natamaan?” ang tanong ko habang hinahaplos ang kanyang mukha. Biglang hinablot ni Jerome ang kamay ko na humahaplos sa mukha ni Tyler. “Ang arte-arte, tangina! Lalaki iyan! Hindi iyan bata... Sabagay, baka rin naman bakla.” “Ba’t ka ba ganyan kung makaasta?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD