OMUB2

1722 Words
Umalis ang mga kasama ko rito sa bahay para pumunta sa supermarket. Ang mga kasambahay naman namin ay umuuwi tuwing weekends kaya kapag sabado at linggo ay kami-kami lang talaga rito. Kagaya na lang ngayon, mag-isa lang ako rito dahil bibili raw sila ng mga pasalubong para kay Uncle Hector at sa anak nito na pinsan namin. Hindi ako sumama dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko pero ang totoo ay nag-uumpisa na akong mag-impake dahil susunod ako sa kanila pauwi. Hindi ko alam ang daan pauwi sa Bicol kaya susundan ko lang ang sasakyan ni dad dahil iyon ang gagamitin nila. Pagkatapos kong mag-impake ay nagluto ako ng pagkain na babaunin ko mamaya. Siyempre, dadamihan ko na dahil bibigyan ko rin sina mommy at daddy pati na rin si Venice. Nagprito ako ng liempo at saka nagluto rin ako ng adobong baboy. Naglaga na rin ako ng itlog dahil paborito iyon ni Venice. Hindi kasi nawawala sa sistema ni Venice ang nilagang itlog at hindi ko alam kung bakit hindi nagsasawa ang babaeng iyon sa ganoong pagkain. Pagkatapos kong magluto ay nagtabi na ako ng babaunin ko at inilagay ko na rin iyon sa sasakyan ko ganoon din ang mga gamit na dadalhin ko mamaya. Madilim na sa labas pero wala pa rin ang tatlo kaya nagtaka na ako. Pagsapit ng alas-nueve ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni daddy kaya naman napasilip ako sa labas bintana. Ang dami nilang dala-dala. Daig pa ang mamimigay ng relief goods sa mga kapitbahay ni Uncle Hector. Mayamaya pa ay nilabas ko na sila dahil halata na kailangan nila ng tulong. “Hi, Anak,” bati ni dad sa akin habang bigat na bigat sa mga dala-dala nito. “Ginabi na kami ng uwi. Namili kasi kami ng mga ipamimigay namin sa new year.” “Ate, tulungan mo nga ako rito sandali.” Napatingin ako kay Venice dahil hindi nito maiangat sa ere ang hawak nitong malaking box. “Ate, tulungan mo na ako.” “Ano ba kasi iyan?” “Basta!” “Ano nga ang mga iyan?” “Pasalubong nga.” “Pasalubong? Kanino?” “Doon sa crush ko, Ate!” “Sino? Sa crush mo? Sa best friend ni Uncle Hector? Bakit? Naghihirap ba ang lalaking iyon?” sunod-sunod kong tanong habang may bahid ng inis ang boses ko. “Bakit kailangan mong bigyan ng pasalubong ang lalaking iyon?” “Wala lang. Gusto ko lang. Ang bait niya kasi sa akin kaya gusto kong suklian ang kabaitan niya.” “Kahit na!” ani ko sabay irap. “Ang bata-bata mo pa para lumandi, Venice. Isa pa, halos tatay mo na iyon, ah! Nag-iisip ka ba? Ang landi-landi mo talagang babae ka.” Inirapan ako ng kapatid ko. “Grabe ka naman, Ate! Ang sakit mo namang magsalita. Pero, tama ka.” Tumawa muna ang kapatid ko. “Para ko na siyang tatay, tiyuhin, at kuya. Ang bait-bait kaya ni Kuya Quinnell sa akin. Pag-uwi ko ay magpapakuha na naman ako sa kaniya ng maraming buko kaya binilhan ko siya ng pasalubong para naman matuwa siya sa akin kahit papaano.” “Ano ba ang mga iyan?” “Mga pagkain.” “Bakit kailangan mo siyang bilhan ng mga iyan?” “Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya, eh.” “Tanungin mo si daddy kung ano ang hilig ng mga lalaking may edad na.” Kumunot bigla ang noo ni Venice. “May edad na? Ate, he's not that old.” “Whatever.” Kung hindi ko lang kapatid ang babaeng ‘to ay baka nasipa ko na ang mukha nito. “Thanks, Ate! I love you!” sabi ni Venice sa akin nang maibaba namin sa kuwarto niya ang box na sobrang bigat. “Lalabas na ako,” tamad kong sabi. “Salamat ulit, Ate!” Nakakairita ang boses ni Venice. Kapag nakita ko talaga na hinaharot niya na sinasabi niyang kaibigan ni Uncle Hector ay humanda talaga siya sa akin. Makukurot ko talaga siya ng pino. “Zia!” malakas na tawag sa akin ni mommy nang makita niya ako na dumaan sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. “Venezia!” ulit nitong tawag sa akin. “Halika nga sandali!” “Bakit po?” Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko na sobrang laki ng maleta na dadalhin niya. “Gamit mo lang ba ang nakalagay diyan, Mommy?” “Yes.” “Bakit ang laki naman yata?” “Magtatagal nga kasi kami ng ilang buwan doon,” sagot ni mommy sa akin. “Tulungan mo nga muna akong ilagay sa isang bag ang mga pasalubong kong damit sa pinsan mo.” “Bakit? Ilan na ba ang anak ni Uncle para maglaan kayo ng sandamukal na pasalubong?” “Isa pa lang naman,” wika ni mommy. “Magpapabinyag kasi si Hector sa anak niya kaya bongga ang regalo ko para sa anak nila.” “Baby pa ba ang anak ni Uncle?” “Yes.” “Akala ko naman sobrang dami ng anak niya para magdala kayo ng sandamukal na pasalubong.” “Tulungan mo na lang ako dahil mayamaya aalis na kami,” sa halip ay sabi nito. “Gahol na kami sa oras.” Nang mailagay ko sa bag niya ang lahat ng mga pinamili niya na pasalubong para sa pinsan namin ay nagpaalam na ako kay mommy dahil maliligo na rin ako. Binilisan ko lang ang pagligo dahil baka maiwanan ako. Simpleng dress lang ang isinuot ko na pinarisan ko ng flat sandals. Sigurado akong mahaba-habang biyahe ang tatahakin namin kaya komportableng damit ang isinuot ko. “Saan ka pupunta, Ate?” tanong sa akin ni Venice nang makita niya ako na pababa ng hagdan. “May lakad ka?” “Bakit?” pabalik kong tanong. “Ayaw mo ba talagang sumama sa amin?” tanong nito. Parang gusto ko nang aminin na susundan ko sila mamaya. “Maganda sa lugar na iyon, Ate. Lahat ng tao roon ay mababait kaya tiyak ako na hindi ka maiinip doon. “Okay.” “Anong okay?” “Sasama na ako.” “Talaga?” “Yeah,” sagot ko na kunwa’y napilitan lang ako pero ang totoo ay sa mga oras na ito ay inuulan na ako ng kuyusidad. Hindi ko kasi alam kung totoo ba ang sinasabi ng mga ito na parang paraiso raw ang lugar na pupuntahan nila o baka overreacting lang talaga sila. “Mag-impake ka na kung sasama ka dahil mayamaya ay aalis na tayo!” “Bibili na lang ako roon ng maisusuot ko,” kunwa'y sabi ko pero ang totoo ay nasa loob na ng sasakyan ko ang mga gamit ko ganoon din ang baon ko. “What?” “Oh, bakit? Imposible naman na walang mall or tiangge sa lugar na iyon.” “Bakit kasi hindi ka na lang magdala ng mga damit?” “Venice, nagluto ako ng mga pagkain na babaunin ninyo,” saad ko sa kapatid ko. “Ilagay mo na lang sa sasakyan na gagamitin niyo para hindi na kayo bumaba-baba.” “Okay. Ikaw? Paano ka?” “‘Wag mo na akong intindihin,” sabi ko. “Siya nga pala, susundan ko lang kayo dahil sarili kong sasakyan ang gagamitin ko.” “Ha? Bakit?” “Para makauwi ako kahit kailan ko gusto,” sabi ko. “At saka, paano pala ang pag-aaral mo kung magtatagal kayo roon ng dalawang buwan?” “Ate, uuwi rin kami sa January. Nagbabakasyon lang naman kami ng matagal doon kapag summer, eh.” “Kailan pala ang plano niyo na bumalik rito?” “January nga. After new year, uuwi na kami rito.” Hindi naman pala sila magtatagal pero kung makapagdala ng mga damit ang mga ito ay akala mo isang taon na hindi babalik dito sa bahay. “Bakit, Ate?” “Wala naman. Sige na, ilagay mo na sa sasakyan ang mga gamit na dadalhin niyo para mamaya aalis na lang tayo.” “Nailagay ko na, Ate. ‘Yong mga gamit na lang nina mommy at daddy ang wala roon dahil hindi pa sila tapos.” Ang bilis naman kumilos ng babaeng ito. Kanina iniwan ko siya nag-aayos pa sa kuwarto niya tapos ngayon nailagay na niya agad sa sasakyan. "Nailgay mo na agad sa sasakyan 'yong laman ng malaking box na dadalhin mo sa Bicol?" "Oh, yes!" "Ang bilis mo naman yata." "Ganoon talaga." Sabay na kaming bumaba ng hagdan at dumiretso kami sa sala. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ang mga magulang namin sa pag-iimpake. Kapwa hirap na hirap ang dalawa kaya wala akong nagawa kun'di tulungan sila habang napapailing ako. “Mommy, Daddy, sasama raw po si Ate Zia sa atin papunta sa Bicol,” imporma ni Venice sa mga magulang namin. “Ang problema, sasakyan niya raw po ang gagamitin niya dahil hindi raw po siya magtatagal sa lugar na iyon.” “Bakit hindi ka na lang sumabay sa amin, Venezia?” tanong ni daddy. “Doon ka na sumakay sa sasakyan ko para may kapalitan ako sa pagmamaneho. Alam mo naman na may edad na ako, ‘di ba? Mamaya niyan antukin ako habang nagmamaneho, eh. Salit-salitan tayo sa pagmamaneho para pareho tayong makapagpahinga.” “Sige po,” magalang kong sagot. Ako na lang siguro ang magmamaneho para ma-enjoy niya ang biyahe namin. “Akin na po iyang mga gamit niyo para mailagay ko na po sa sasakyan.” “Salamat, Venezia. Hayaan mo, ipapakilala kita sa mga lalaki roon na mga kaibigan ko. Mababait ang mga tao roon kaya siguradong magiging masuwerte ka sa kanila.” “Talaga lang, ha?” “Mababait ang mga tao sa lugar na iyon, Venezia. Kahit hindi nila kakilala ay pinakikisamahan nila kaya walang nagaganap na gulo sa lugar na iyon. ‘Yon ang dahilan kaya hindi ako magsasawa na umuwi roon taon-taon.” "Naglalasing lang yata kayo kapag umuuwi kayo roon, eh." "Sinabi mo pa!" singit ni mommy. "Araw-araw halos nagsasaya ang mga tao roon kaya iyong ama mo ay nakikisali na rin." "Kita mo na? Sabi ko na nga ba, eh." "Minsan lang naman. At saka, iyon kasi ang sikreto para hindi tumanda agad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD