OMUB3

1745 Words
Maliwanag na ng makarating kami sa Bicol. Sa lugar kung saan nakatira si Uncle Hector kasama ang pamilya niya. Pagdating na pagdating namin ay bumaba agad ang mga kasama ko para magtawag ng mga taong magbubuhat ng mga bagahe na dala-dala nila samantalang ako ay nakaupo pa rin dito sa driver seat. Ibinaba ko ang bintana at iginala ang tingin sa paligid. Ang tapat ng bahay ni Uncle Hector ay barangay hall habang sa tabi naman nito ay eskwelahan. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at lumanghap ng sariwang hangin. Sobrang lakas ng hangin dahil isinasaway niyon ang mahaba kong buhok. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil kahit ilang oras ang naging biyahe namin ay parang hindi ko ramdam ang pagod. ‘Yon nga lang, inaantok na ako dahil ilang oras ang naging biyahe namin at ako lang din ang nagmaneho mag-isa dahil hinayaan ko na makapagpahinga lang si dad. “Ate, iparada mo na ‘tong sasakyan sa tabi dahil nakabalandra ka sa daanan,” untag sa akin ni Venice kaya naman iginarahe ko na ang sasakyan sa gilid ng bahay ni Uncle Hector saka ako bumaba sa sasakyan. “Venezia, magmano ka sa Uncle mo,” utos sa akin ni mommy kaya naman mabilis akong lumapit kay Uncle Hector para kunin ang kamay niya at ganoon din ang asawa niya na si Tita Laura. “Mano po Uncle Hector, Mano po Tita Laura,” wika ko sa mag-asawa. Ang anak nila ay karga-karga ni Venice habang may kausap siyang isang lalaki sa ‘di-kalayuan. “Pumasok na muna kayo sa loob para makapagpahinga kayo,” wika ni Tita Laura. “Mamaya na lang ulit tayo magkuwentuhan kapag nakapagpahinga na kayo.” “Okay po,” sabi ko at humakbang na ako papasok sa loob dahil inaantok na talaga ako. “Saan po ako puwedeng magpahinga, Tita?” “Tatlo ang bakanteng kuwarto diyan sa kanan, Venezia. Ikaw na lang ang mamili kung saan mo gustong magpahinga,” wika ni Tita Laura kaya naman pinili ko ang huli. Pagpasok ko sa kuwarto ay napansin ko na may mga damit panlalaki na nakalagay sa ibabaw ng kama. At dahil inaantok na ako ay pansamantala ko munang inalis ang mga iyon at inilagay sa couch na naroon saka ako humiga. Tinanggal ko muna ang bra ko bago ako tuluyang humiga para maging komportable ang pagtulog ko. Alas-tres na ng hapon nang magising ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nabawi ko ang puyat ko. Bababa na sana ako rito sa kama nang may biglang lalaking pumasok rito sa kuwarto kung saan ako nakahiga. Pareho kaming nagulat nang magsalubong ang mga mata namin. Kalaunan ay napalitan ng paghanga ang pagkagulat na nararamdaman ko dahil sobrang guwapo ng lalaking bigla na lang pumasok rito sa kuwarto kung saan ako naroroon. Matangkad, kayumanggi, matangos ang ilong, perfect ang jawline, makakapal ang mga kilay, mahaba ang mga pilikmata, kulay berde ang mga mata at matipuno ang pangangatawan. Bakat na bakat ang malaki niyang muscles sa suot niyang white long sleeve na pinarisan niya ng black shoes at black pants. Shit! He looks like a hollywood action star. Is he real? Pinasadahan ko ang kabuuan niya. Naisip ko tuloy bigla kung ano ba ang pakiramdam na maikulong sa katawan niya? “Who are you?” tanong sa akin ng lalaki makalipas ang ilang sandali habang salubong ang mga kilay niya. “Why are you here?” “What's your name?” sa halip ay tanong ko. Halatang-halata sa mukha ko na humahanga ako sa kaniya. Sa halip na sagutin niya ako ay pinasadahan ako nito ng tingin. Kitang-kita ko na huminto ang mga mata niya sa dibdib ko at pagkatapos ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin sabay tikhim. Napansin niya siguro na wala akong suot na bra kaya parang napapaso siyang nag-iwas ng tingin. Imbes na makaramdam ako ng hiya ay lihim pa akong natawa dahil parang hindi siya sanay makakita ng babaeng walang suot na bra. “Matutulog ka ba kaya ka nandito?” tanong ko sa lalaki pero hindi niya ako sinagot. Halatang umiiwas siya na hindi mapatingin sa akin kaya naman habang hindi siya nakatingin ay pasimple kong isinuot ang bra ko para naman hindi na siya mailang. “Okay na. P’wede ka nang tumingin sa akin dahil may suot na akong bra.” Tumingin na ulit siya sa akin. I love his eyes. Women of any age could drool over him because of his physical features. “Ano’ng pangalan mo, Mister?” “Why would I give my name to you?” suplado niyang tanong sa akin. “Because I asked for it,” sagot ko. Sarkastiko siyang tumawa. Ang mukha niya ay hindi maipinta gayong wala naman akong ginagawa sa kaniya bukod sa paghingi ng pangalan niya. “Ikaw ba si Quinnell?” “How did you know—” Napahinto siya sa pagsasalita. So, siya nga? Siya pala ang lalaking ikinukuwento sa akin ni Venice. Tama ang kapatid ko no'ng sinabi niya na halos perpekto ang lalaking ‘to. “I'm not Quinnell,” sabi niya kalaunan kaya napairap ako. Huling-huli na nga pero nagsisinungaling pa rin. “Really?” Bumaba na ako sa kama at pumunta ako sa harapan ni Quinnell. Umabot lang ako hanggang sa dibdib niya kaya kailangan kong tumingala. Sobrang guwapo niya sa malapitan. Ang mga matang berde ay para bang sinasabi na lahat ay nakukuha niya sa isang tingin lang. Well, that's true because he gets my attention effortless. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ako ng interes sa isang lalaki. It's obvious that he's older than me but I won't mind. “May girlfriend ka na?” tanong ko. “Kung wala, can I call you baby?” Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. Halatang iniisip niya na nababaliw na ako. “Oh, come on. I'm not not crazy, baby,” I said with a serious tone because I'm really serious. “So, wala kang girlfriend?” “I have.” Hindi ako naniniwala sa sinabi niya dahil nabanggit sa akin ni Venice na wala siyang asawa o kasintahan man lang. “It's okay. I can be your number two,” sabi ko na lang. Tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan sa mga labi niya. Hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko na para bang inaasahan niya nang gagawin ko iyon. “You're my first kiss,” sabi ko pagkatapos ko siyang halikan. "Kailangan mo akong panagutan dahil natikman mo na ang mga labi ko." Narinig ko siyang napa-tsk. “Nice to meet you, my future husband.” “What did you just say?” “Future husband?” pag-uulit ko. "Why are you so confident woman? Do you think I want you to be my wife? You're not my type.” “Sa ngayon, ayaw mo pa siguro. Pero, sa hinaharap, siguradong magugustuhan mo rin ako at kakainin mo iyang mga sinasabi mo ngayon.” “In your dreams.” “Marami na ang nagsabi niyan pero nauwi rin sa kasalan ang lahat kaya ‘wag kang magsalita ng tapos dahil nagsisimula pa lang ang kuwento nating dalawa, baby.” “Can you stop calling me baby?” “What do you want me to call you? Sweetie? Honey? Sweetheart? What?” “You're annoying,” komento niya. “Naiiinis ka kasi hindi mo pa ako gusto,” sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. “Kapag nagkagusto ka na sa akin, mapapalitan ng pagmamahal iyang inis na nararamdaman mo ngayon.” Itinaas niya ang kamay niya hanggang sa tapat ng noo ko na tila ba pipitikin niya ako. Nang samaan ko siya ng tingin ay hindi na niya itinuloy ang binabalak niyang mangyari. “Huwag kang mananakit ng babae dahil masama iyon,” sabi ko. “Be gentleman to your future wife.” “Tsk!” inis na sabi niya bago niya ako tinalikuran para lumabas na lang ulit. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natuwa sa isang lalaki. Siya rin ang kauna-unahang lalaki na pinansin ko at pinag-aksayahan ko ng oras. Kanina pa wala si Quinnell sa harapan ko pero nananatili pa rin ako sa kinatatayuan ko habang nakangiti. “Saan na kaya nagpunta ang lalaking iyon? Hindi naman siguro siya magsusumbong kay Uncle Hector dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya, right?” Kalaunan ay naisip ko na baka magsumbong siya kaya naman dali-dali akong humakbang palabas ng kuwarto at umakto na kunwa'y wala akong ginawa lalo na ng magtagpo ang mga mata naming dalawa nang maabutan ko siyang kausap sina Venice at Uncle Hector sa may sala. “Ate, come here!” tawag sa akin ni Venice kaya naman balewala akong lumapit sa kanilang tatlo. “I want you to meet someone.” “Who?” walang gana kong tanong kunwari. I saw Quinnell looking at me with anger in his eyes kaya napangiti ako. Is he mad at me because of a simple kiss? It was just a kiss. Paano pa kaya kapag niyaya ko siyang makipag-one night sa akin? If he doesn't like me, it's fine with me, but, I want him to give me a child para naman kahit hindi na ako mag-asawa ay ayos lang. “Si Quinnell, Ate. Siya ‘yong lalaking sinasabi ko sa iyo na mabait sa akin.” “Really?” “Yes.” “How nice he is?” “Super.” “If he's nice, why he's looking at me like I did something wrong to him?” “You did!” sagot ni Quinnell. “I did?” nakataas kong kilay na tanong kay Quinn. “What did I do then, Quinn?” Ang haba ng pangalan niya kaya imbes na Quinnell ang itawag ko sa kaniya ay pinaikli ko na lang. “Did I do something horrible?” “Ate, ano’ng ginawa mo sa kaibigan ko?” tanong sa akin ng kapatid ko. Si Uncle Hector ay hindi malaman kung saan titingin dahil palipat-palipat ang tingin niya sa aming tatlo. “Bakit hindi siya ang tanungin mo?” pabalik kong tanong kay Venice na ngayon ay nakakrus na ang mga braso ko. “Kilala mo ako, Venice. I have a lot of suitors that I rejected because I'm allergic to a guy. Sa tingin mo ba excempted iyang kaibigan mo?” Sobrang sama na ng tingin sa akin ni Quinn. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguradong kanina pa ako nakabulagta rito sa kinatatayuan ko ngayon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD