bc

Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
fated
opposites attract
powerful
heir/heiress
bxg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Isa si Venezia sa mga babaeng pinagpala sa lahat ng bagay dahil maganda siya, sexy, matalino, at saka mayaman pa. Halos wala siyang kapintasan kaya naman marami siyang manliligaw at halos lahat ng mga manliligaw niya ay puro galing sa mayayamang pamilya kagaya niya. Sa dinami-rami ng mga manliligaw niya ay wala man lang siyang nagustuhan kahit isa dahil ang katuwiran niya ay hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon dahil bata pa siya. Subalit, mag-iiba ang lahat ng mga pinaninindigan niya sa buhay ng makilala niya si Quinnell Anderson ng minsan na magbakasyon siya sa poder ng tiyuhin niya sa probinsya. Si Quinnell ay matalik na kaibigan ng tiyuhin niya at unang tingin niya pa lang sa lalaki ay nahulog na agad ang loob niya sa hindi niya malamang dahilan. Halos lahat ng magagandang katangian ay taglay na ni Quinnell dahil matangkad ito, guwapo, kayumanggi, matipuno, matangos ang ilong at perfect din ang jawline nito. Ang problema, suplado ang lalaki dahil sa tuwing lumalapit si Venezia rito ay lagi siya nitong ipinagtatabuyan kaya naman isang desisyon ang mabubuo sa isip niya para hindi na siya nito ipagtabuyan kahit kailan. Magtagumpay kaya si Venezia sa plano niya para makuha si Quinnell o maiinis lang lalo si Quinnell

sa kaniya?

chap-preview
Free preview
OMUB1
“Venezia, sasama ka ba sa amin mamaya?” tanong ni mommy sa akin ng madatnan niya ako rito sa kusina habang nagluluto ako ng almusal namin. “Mamaya na ang alis namin papunta sa Bicol.” “Why?” “‘Di ba nga fiesta?” Sa tuwing fiesta kasi sa Sagrada ay lagi talagang umuuwi ang mga magulang ko. Si Uncle Hector na kapatid niya ay doon kasi nakapag-asawa kaya naman doon sila tumutuloy kapag umuuwi sila tuwing fiesta at nagtatagal sila roon ng ilang buwan. Ang sabi ni mommy, sobrang ganda raw sa lugar na iyon kaya kahit ilang oras ang biyahe ay wala silang pakialam. “Gusto mo bang sumama?” “Marami po akong gagawin, Mommy,” sagot ko. Halos taon-taon ay niyayaya nila akong sumama sa kanila rin lagi ko rin silang tinatanggihan. “Kagaya ng ano?” “Hindi po ako puwedeng mawala ng matagal dahil walang mag-aasikaso sa restaurant ko. Isa pa, walang katulong si Andrew sa pagluluto kaya hindi talaga uubra, Mommy." Pagka-graduate ko sa college ay nagtayo agad ako ng restaurant dahil hilig ko talaga ang pagluluto. Linggo-linggo ay may inilabas akong bagong menu kung saan nadidiskubre ko lang bigla na pumapatok naman agad. “Masaya sa lugar na iyon, Zia. I swear, kapag nakarating ka sa lugar ng Uncle Hector mo, hindi mo na gugustuhin na bumalik dito kahit pa nga dito na ang buhay mo.” “Malabo iyon, Mommy,” sabi ko. “Baka kapag nakauwi ka sa bahay ni Uncle, hindi ka na bumalik dito,” pang-iinis sa akin ng nakababata kong kapatid na si Venice na bigla na lang sumulpot. “Maganda roon, Ate. Walang sinabi iyang ganda mo sa ganda ng mga taong naroon.” “And so?” “Sumama ka na kasi sa amin. Malay mo, doon mo makita ang forever mo.” “Wala pa ‘yan sa isip ko, Venice,” ani ko sabay irap sa kaniya. Twenty two pa lang ako kaya wala pa sa isip ko ang mga lalaking iyan dahil sakit lang iyan sa ulo. Ni hindi ko nga pinapatulan ang mga nanliligaw sa akin kahit puro pa mga mayayaman, eh. “Kung gusto mong sumama sa kanila, sumama ka dahil kahit ano'ng pilit mo sa akin, hindi mo ako mapapapayag.” “Sasama talaga ako dahil maraming guwapo at mababait na lalaki roon. Doon ako pipili ng makakasama ko habang buhay.” Inirapan ko ang kapatid ko dahil seventeen pa lang siya pero kung ano-ano na ang iniisip niya. “Bye, Ate. Mag-iimpake na ako. Kapag umuwi kami, wala kang magiging kasama rito ng ilang linggo. Magiging malungkot ang buhay mo samantalang kami, araw-araw masaya roon," sabi ni Venice sa akin sabay takbo paalis. “Ayaw mo ba talagang sumama, Venezia?” tanong ulit ni mommy sa akin. “Sigurado akong sulit na sulit ang magiging bakasyon mo sa lugar ni Uncle Hector mo.” “Talaga bang maganda sa lugar na iyon, Mommy?” puno ng kuryusidad na tanong ko. “Paano niyo po nasabi na maganda ang lugar na iyon?” “Paradise.” “Ha?” “Ang lugar na iyon ay parang paraiso, Venezia. Ang daming puno, may mga ilog at talon sa paligid at higit sa lahat sobrang babait ng mga tao roon.” “Talaga?” “Yes.” “Ganoon kaganda ang lugar na iyon?” “Oo naman. Workaholic ang daddy mo, ‘di ba? Pero, tingnan mo naman ngayon, halos siya na mismo ang nagpapaalala sa akin na kailangan na naming umuwi dahil malapit na ang fiesta.” “Hindi pa rin ako interesado,” sabi ko pero sa isip-isip ko ay parang gusto kong subukan na sumama sa kanila. Kapag hindi ko nagustuhan sa lugar na iyon ay puwede naman akong umuwi ng mag-isa dahil mayroon naman akong sariling sasakyan. “Ikaw ang bahala,” sabi ni mommy sa akin. “Ano nga pala iyang niluluto mo?” “Fried rice.” “Ano ang partner niyan?” Napatingin siya sa mga ulam na nakahain sa lamesa. “Chicken adobo, egg, longganisa, fried eggplant, steamed okra and dried fish. ‘Yang mga iyan ang partner nitong fried rice na niluluto ko, Mommy.” “Ba’t ang dami mong niluto ngayon?” Kapag weekend kasi ay marami talaga akong niluluto dahil ito ang araw kung saan marami ang kinakain ko. Tuwing lunes at biyernes kasi ay halos hindi ako kumakain ng almusal dahil sa pagiging hands-on ko sa restaurant ko. “Para kang bibitayin, Venezia.” “Ngayon lang ako kakain ng marami kaya ‘wag na kayong kumontra pa,” sabi ko. “Tawagin niyo na lang po si Daddy at saka si Venice para sabay-sabay na tayong kumain.” “Nag-iimpake pa sila kaya mauna na tayong kumain,” sabi ni mommy sa akin. “Umupo ka na para makakain na tayo.” “Coffee, Mommy? Gusto niyo po ba ng coffee?” “Of course!” sagot ni mommy. “Hindi dapat mawala ang kape kapag ganito ang almusal, Venezia.” Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa ni mommy. Habang kumakain kaming dalawa ay nahuhuli ko siyang nakangiti paminsan-minsan. “Mommy, okay lang po ba kayo?” tanong ko na may kasamang pagtataka. “Bakit po kayo nakangiti mag-isa?” “Excited lang ako sa pagpunta namin sa lugar ng Uncle mo. Nakaka-relax kasi roon kaya naman ngayon pa lang ay kating-kati na ako na makarating sa lugar na iyon. Siguradong magbababad na naman kami ng daddy mo sa ilog habang may mga baon na pagkain!” “Sobrang ganda ba talaga roon, Mommy?” “Yes, Anak! Ang lugar na iyon ay walang katulad para sa akin! Iyon ang lugar na hindi ako magsasawang balik-balikan habang nabubuhay ako.” “Okay,” sabi ko na lang. “Kumain na po kayo para mag-impake na rin kayo dahil baka iwanan kayo nina Venice at Dad.” “Hindi aalis ang dalawang iyon hangga't hindi nila ako kasama,” sagot ni mommy sa akin. “Ayaw mo ba talagang sumama?” “Busy ako, Mommy,” sagot ko pero ang totoo ay balak ko silang sundan mamaya. “Next year na lang po siguro.” “Ikaw ang bahala.” Mabilis na inubos ni mommy ang kinakain niya kaya napailing na lang ako. Halos mabulunan siya sa ginawa niya kaya naman kinunutan ko siya ng noo. “Mommy, dahan-dahan po.” “Mag-iimpake pa kasi ako, Zia. O siya, tapos na ako. Ikaw na ang bahala rito. ‘Wag kang mag-alala dahil pasasalubungan ka namin pag-uwi namin.” “Okay po, Mommy.” Pag-alis ni mommy ay iyon naman ang pagsulpot nina Dad at Venice. Kapwa nakangiti ang dalawa sa hindi ko malaman na dahilan. Para silang may mga sanib dahil sobrang lapad ng pagkakangiti nilang dalawa. “Kain na,” alok ko sa dalawa. Habang nakaupo sila ay wala silang tigil sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga balak nila pagtapak na pagtapak nila sa lugar kung saan sila pupunta. “Daddy, yayayain ko po ang mga kaibigan ko roon na mag-swimming sa ilog kaya damihan niyo po ang lulutuin niyo,” wika ni Venice sa ama namin. “Excited na akong makita ulit ang mga kaibigan ko roon, Dad!” “Ako rin! Miss na miss ko na ang mga kainuman ko roon, Venice.” “Kumain na muna kayo,” saway ko sa dalawa. “Mamaya na kayo mag-usap dahil maraming panahon para diyan.” “Excited lang kami, Ate!” sagot ni Venice sa akin. “Ayaw mo ba talagang sumama? Hindi mo ba alam na ang daming guwapo sa Bicol? ‘Yong iba kahit may edad na, hindi halata dahil ‘yong hitsura nila ay daig pa ang mga modelo na kilala mo. ‘Yong best friend ni Uncle Hector, sobrang crush na crush ko, Ate! Siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong umuwi palagi sa Bicol.” “Bakit?” “He's so damn f*****g hot, Ate!” Nakatingin ako kay Dad. Imbes na sitahin niya si Venice ay natatawa pa siya dahil sa reaksiyon ng kapatid ko na kilig na kilig sa sinasabi nitong best friend ni Uncle Hector. “Paano mo nasabi na hot ang best friend ni Uncle Hector?” “Grabe, Ate! Sobrang guwapo niya! Siya pa lang ang lalaking nakita ko na talaga namang tatamaan ka kaagad!” “Bakit naman?” “He has green eyes, pointed nose, perfect jawline, and so on. For me, he's perfect, Ate!” “Walang ganoon, Venice. Siguro nababaliw ka lang o 'di kaya'y malabo na ‘yang mga mata mo,” pambubuska ko kay Venice. “Kahit itanong mo pa kay, Mommy!” giit pa nito. “Sobrang ganda ng katawan niya dahil bato-bato ang katawan niya. Hays…” Pakiramdam ko nababaliw na ang kapatid ko dahil tumingala pa ito sa kisame na tila ba nakikita niya roon ang lalaking ipinagmamalaki niya sa akin. “Kung sana lang ipinanganak ako ng maaga ay baka malaki ang pag-asa naming dalawa.” “Mas guwapo pa ba siya kay Dad?” tanong ko. Tinitigan ni Venice si Dad sabay tango. “Wala man lang sa kalahati si Dad, Ate!” lantaran na sabi ni Venice dahilan para sumimangot si Dad samantalang ako naman ay natawa ng bahagya. “Daddy, mahal ko po kayo. Ang akin lang, bawal po ang magsinungaling kaya sinabi ko po kay Ate Venezia kung ano talaga ang totoo. Ilang beses niyo ng nakita ang best friend ni Uncle Hector, right? Oh, 'di ba sobrang guwapo niya? Siya ang pinakamagandang lalaki sa lugar na iyon kahit may edad na siya, 'di ba?" "Ilang taon na ba ang crush mo, Venice?" "Kaedad lang yata siya ni Uncle Hector, eh. I think, nasa thirties or forties na siya." Napangiwi ako. "Matanda na pala." "Age is just a number, Ate. Hindi mo iisipin kung ilan na ang edad niya kapag nakita mo na ang katawan at mukha niya. He looks like a Mafia boss who is ready to kill if someone wants to get his woman's attention." "Nababaliw ka na talaga," komento ko. "Dapat yata sa iyo dalhin na sa mental, eh."

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook