CHAPTER 5

1219 Words
NANG makarating sa tapat ng gate ng Northeast Academy ay agad na namataan ni Georgette ang Triple X, gang na pinamumunuan ni Nazi Pierre Santillan. Ayon sa napag-usapan nila kahapon ay orihinal na ibinigay ni Rage sa grupo ang pangalan na iyon. Maliban sa sila ang pinaka mahinang gang sa lahat ay hindi rin sila kinikilala ng ibang asosasyon. Triple X na ang kahulugan ay Tripleng kahinaan, Tripleng talunan at Tripleng kulilat. 'Kaya pangarap talaga namin na makita ang King sa personal dahil gusto namin na siya mismo ang kumilala sa gang namin. 'Yun nga lang, mukhang imposibleng mangyari 'yon.' Sariwa pa sa alaala ni Georgette ang mga salitang binitawan ni Yorick kahapon. Pangarap ng mga ito na makita ang kanyang ama at kilalanin bilang mga gangster. Ngumiti siya. Hindi na kailangan pa na ang kanyang ama mismo ang gumawa noon. Sapagkat bilang Prinsesa, siya ang kikilala sa mga ito. Nang mapansin ni Georgette na naglihis ng daan ang pito ay agad niya itong sinundan. Pumasok ang mga ito sa masikip na eskinita. Maingat ang ginawa niyang pagsunod at hindi man lamang naramdaman ng mga ito ang kanyang presensya. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay tumigil ang pito sa isang tahimik na bahagi ng eskinita. Nagpasya si Georgette na magkubli sa likod ng pader hanggang sa namataan niya ang ilang mga maaangas na lalaki na biglang sumulpot at pinalibutan ang buong Triple X. Mukhang mapapasabak sa gulo ang mga ito. "Triple X, kamusta?" "Long time no see, mga loser." "Nasaan na ang kapatid ko?!" Muling sumilip si Georgette nang marinig ang galit na boses ni Nazi. Naparito pala ang mga ito upang iligtas ang kapatid ng binata. Lihim siyang napangiti. Taglay ng mga ito ang ilan sa mga mahahalagang katangian ng isang gang, tapang at pagtutulungan. "Akin na muna ang pera." "F*ck! Nasaan na si Zani?!" Naalarma si Georgette nang maramdaman ang presensya na nakatayo sa kanyang likuran. At nang maramdaman niya ang pag bigat ng kanyang balikat senyales na may balak na humawak sa kanya ay mabilis siyang lumingon saka umatras nang kaunti. Isang lalaki ang bumungad sa kanya at muntik ng masubsob sa pader dahil sa ginawa niyang pag-atras. Namula sa galit ang pisngi nito at nag-akma na sampalin siya. Umatras si Georgette sa ikalawang pagkakataon at inambangan ng suntok ang lalaki. Nasapo nito ang sariling sikmura at dahan-dahang bumagsak sa lupa. "Kuya!" "Nasaan na ang pera? Ang usapan natin, ibabalik namin ang kapatid mo kapalit ng pera. Nasaan na?" "We don't have the money," sagot ni Spring. "Niloloko niyo ba ako?" Umayos ng tayo si Georgette at ipinagpatuloy ang pagmamatyag sa mga ito. Muling nagkainitan kaya mabilis na sumugod ang pito. Tahimik na inobserbahan ni Georgette ang bawat galaw ng mga ito. Napapailing siya at paminsan-minsan ay napapatango. Mabilis niyang nabasa ang bawat galaw ng mga ito. Dahil kulang sa bilang ang Triple X ay agad din na natalo ang mga ito. Bagsak na ang pito kaya humugot nang malalim na paghinga si Georgette. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang palda ang isang itim na face mask saka ito sinuot. Sunod niyang itinali ang mahaba niyang buhok saka itinapon sa gilid ng basurahan ang kanyang backpack. "Ang hihina niyo talaga. Kaya hindi kayo kinikilala ng ibang gang dahil mga wala kayong k'wenta. Kahit ang King ay panigurado na pagtatawanan kayo oras na makita niya ang kalampahan niyo!" Binuhat ni Georgette ang lalaking napatumba niya kanina saka itinapon sa likuran ng mga ito. Natigilan ang lahat at sabay-sabay na lumingon. Agad na naalarma ang mga lalaking nakatayo nang makita ang kasama nito na wala ng malay. Pinagbalingan siya ng tingin ng lider ng mga ito at galit na sinugod. "Ano ang ginawa mo kay Ram?! Humanda ka sa aking babae ka!" Akmang hahawakan ng lalaki ang kanyang braso nang mabilis na naka-iwas si Georgette. Inikutan niya ito saka malakas na sinipa sa tuhod. Natumba ito sa lupa at namilipit sa sakit. Sunod na sumugod ang iba pa nitong mga kasama. Sabay niyang sinuntok ang dalawang lalaki na sumugod sa kanya saka pinagsisipa ang dalawa pang sumunod. Mabilis lang na natapos ang laban. Umayos ng tayo si Georgette saka nilapitan ang tatlong babae. Tinanggal niya ang pagkaka gapos ng mga ito bago ibinaling ang tingin sa pitong lalaki. Nakatayo na rin ang mga ito at tahimik na nakatingin sa kanya. "Ate, maraming salamat po sa pagligtas niyo sa amin. Ano nga po pala ang pangalan niyo?" tanong ng kapatid ni Nazi. Batid niya na naghihintay rin ang pito sa isasagot niya kaya sa halip na magsalita ay marahan niyang ginulo ang buhok ni Zani. Ngumiti siya bago naglakad palayo. "Salamat," rinig niyang sabi ni Nazi pero hindi na niya ito nilingon pa. PASADO alas otso nang makabalik si Georgette sa Northeast. Huli na siya para sa unang asignatura kaya nagpasya na lamang siya na manatili sa loob ng silid-aklatan. Nagbasa siya ng paborito niyang libro at nang sumapit ang alas nuwebe ay saka lamang siya lumabas at tumungo sa kanilang silid. Saglit na natigilan si Georgette nang matanaw sina Nazi, Spring at Sven sa loob ng Class 4A. Posible kaya na kaklase niya ang tatlo? Nagpatuloy siya sa pagpasok saka naupo sa kanyang upuan. Agad naman siyang inulan ng tanong ni Chantal. Nginitian na lamang niya ito at sinabi na na-late siya ng gising kaya ngayon lang siya nakarating. Mukhang naniwala naman kaagad ang kaibigan at hindi na siya muling inabala. Dumating na rin ang kanilang guro kaya umayos ng upo ang dalaga. Nakinig siya nang mabuti lalo na't sinabi nito na magbibigay ito ng pagsusulit. "Ugh! Ang hirap naman ng quiz ni Ma'am. Mukhang natuyo yata ang utak ko," reklamo ni Chantal habang nakalumbaba sa mesa nito. Kakatapos lang ng kanilang pagsusulit at halos lahat ng kanyang mga kaklase ay nagrereklamo. "Gusto mo ba na kumain na lang tayo sa canteen? Ililibre kita," alok ni Georgette sa kaibigan. Nag-angat ng tingin si Chantal at agad na tumango. Ngumiti siya at niligpit ang kanyang mga gamit. Naagaw ang atensyon ni Georgette ng isang malakas na kalabog mula sa pinto ng kanilang silid. Tumaas ang gilid ng kanyang labi nang matanaw ang pagpasok ng taong kilala bilang si Rage Zaldivar. Nagtuloy-tuloy ito sa kanyang harapan, yumuko at inilapit ang mukha sa kanya. "Sinabi ko na, babalikan kita kaya sumama ka sa akin. Kailangan ko ng Prinsesa na susuporta sa akin at tanging ikaw lamang ang babaeng pumasa sa panlasa ko. So be my Princess, Georgette," malawak ang ngiti na sabi ni Rage sa kanya. "Sira-ulo ka talaga, Zaldivar! Hoy, hindi kaladkaring babae ang kaibigan ko! Kaya kung puwede lang maghanap ka nalang ng ibang ma—" Naputol ang sasabihin ni Chantal nang takpan ni Rage ang bibig nito. Mabilis na nakalapit sina Nazi, Spring at Sven sa puwesto nila. Hinawakan ni Nazi ang kamay ni Rage na nakahawak sa bibig ni Chantal at binalaan ito na bitawan ang kaibigan kung ayaw nito ng gulo. "Ha. Ha. Ha. Ang sikat na grupong Triple X. Kamusta na? Siguradong loser pa rin kayo hanggang ngayon." Nagtawanan ang mga miyembro ni Rage kaya walang nagawa si Georgette kung hindi ang tumayo. Ngumiti siya saka mahinahon na nakiusap na bitawan nito ang kanyang kaibigan. Sumunod naman si Rage at agad na lumapit sa kanya. Namulsa ito at nakangiti na sinalubong ang kanyang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD