CHAPTER 6

1324 Words
"SINASABI mo ba na gusto mo akong maging parte ng gang mo?" mahinahong tanong ni Georgette. "Parang gano'n na nga. You'll become my Princess… And soon to be my Queen. Ayaw mo ba no'n? Kikilalanin at katatakutan ka ng lahat," nakangising turan ni Rage. "Pasens'ya ka na pero hindi mo na ako puwedeng maging Princess dahil ang totoo, may napili na akong gang." Nawala ang ngiti sa labi ni Rage nang marinig ang sinabi niya. Sa pagkakataong ito ay si Georgette naman ang ngumiti saka humarap kay Nazi. Nabaling ang tingin nito sa kanya maging nina Spring at Sven. "Nazi, gusto kong maging miyembro ng gang mo. Pakiusap tanggapin mo ako bilang isa sa inyo," sabi ni Georgette dahilan para mamilog ang mga mata ni Nazi sa gulat. Namula ang buong pisngi nito at hindi nakapag salita. "What?! Si Nazi?! Si Nazi ang—" "Hindi, Rage. Gusto kong maging parte ng gang nila hindi bilang Princess kundi bilang isang gangster. . . totoong gangster." Nabuhay ang bulong-bulungan. Halos lahat na naroon sa silid na iyon ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. "No, you can't be a gangster. Look, Georgette. Isa kang babae. At walang babae ang nararapat na maging gangster. You're a princess. Pangako, kapag sumama ka sa akin ay gagawin kitang reyna. Dadalhin kita sa Kingdom at ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto mo. Pangako 'yan." Umiling si Georgette. Mali ang sinabi nito na hindi siya nararapat na maging gangster. Anak siya ng King ng mga gangster, kinikilalang Prinsesa at nakatakdang maging Reyna. Kingdom, doon siya lumaki at anumang oras ay malaya siyang makakauwi roon. Nasa kanya na ang lahat ng sinabi nito kaya wala na itong maipapangako pa sa kanya. "Pasens'ya ka na talaga, Rage. Pero hindi na magbabago ang isip ko," matigas na sabi ni Georgette. Kumuyom ang mga kamay ni Rage. Ramdam niya ang galit nito. Subalit wala na itong magagawa pa upang baguhin ang kanyang pasiya. Hindi si Rage ang klase ng gangster na gusto niyang makasama sa pamamalakad sa Kingdom. Hindi ito nararapat para maging Alpha. "Hindi pa tayo tapos, Georgette. I'll make sure na pagsisisihan mo ang desisyon mong ito. Mapapasakin ka rin. Sa akin," matigas nitong sabi bago nabaling ang tingin kay Nazi. "Humanda kayo, Triple X. Babalikan ko kayo," banta nito bago tumalikod at nagmadali na lumabas ng kanilang silid. Sumunod na rin ang buong gang nito. "Tama lang ang ginawa mo, Georgette. Ang yabang-yabang kasi ng Zaldivar na 'yon. Sarap bangasan!" nanggagalaiti na sabi ni Chantal. "Georgette, 'yong sinabi mo kanina. . . N-nagbibiro ka lang, 'di ba?" "Hindi ako nagbibiro, Sven. Gusto ko talaga na maging isa sa inyo." "But you're a girl. You can't join our gang." "Tama si Spring, hindi kita matatanggap sa gang namin," sabi ni Nazi na mukhang natauhan na makalipas ang ilang minutong pagkakatulala. "Bakit hindi?" "Dahil babae ka, Georgette. Naiintindihan mo ba? Babae ka," may diing sabi nito. "Ano naman ngayon kung babae ako? Kaya ko namang lumaban." "Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi ng hindi puwede," napipikon na sabi ni Nazi saka lumabas ng silid. Agad niya itong sinundan. Hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niya itong mapapayag na tanggapin siya bilang parte ng grupo nito. "Nazi, isali mo na ako. Sige na." Nang hawakan niya ang braso ni Nazi ay napilitan ito na huminto sa paglalakad. Lumingon ito at matagal siyang tinitigan. "Sabihin mo, Georgette. Ano ba talaga ang dahilan at gusto mong maging gangster? Akala mo ba ay laro-laro lamang ang ginagawa namin? Lumalaban kami, nabubugbog, nasusugatan, nababalian ng buto. Gusto mo ba na 'yon din ang mangyari sa 'yo? Babae ka Georgette at hindi bagay sa 'yo ang maging gangster. Sabihin na natin na kaya mo ngang lumaban pero babae ka pa rin. Magiging pabigat ka lang sa gang kaya pakiusap, tumigil ka na." Natahimik si Georgette. Bakit niya gustong maging gangster? Maliban sa pangarap niya ito ay ito rin ang gusto ng kanyang ama. Naging King ang kanyang Lolo at gano'n din ang Papa niya kaya kailangan din niyang marating ang lahat ng naabot ng mga ito. Alam niya na labis siyang ipinagmamalaki ng kanyang ama subalit iba pa rin ang sayang mararamdaman niya oras na matupad ang matagal na nitong pinapangarap para sa kanya. Hindi niya puwedeng biguin ang Papa niya. "Nazi, tama na. Georgette, ang mabuti pa ay pumunta na kayo ni Chantal sa canteen. Kakausapin muna namin si Nazi," ang sabi ni Sven. Ngumiti si Georgette saka tumango. Niyaya na niya si Chantal na umalis. Nagpaubaya man siya ngayon pero hindi ibig sabihin no'n ay susuko na siya. Gagawin pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging miyembro ang mga ito. NAPABUGA nang malalim na paghinga si Nazi. Kasalukuyan silang nasa tambayan at pinag-uusapan ang mga nangyari kanina. 'Ang babaeng 'yon, talagang ang lakas ng loob ng babaeng 'yon para mamilit na maging miyembro ng Triple X. Ano ba ang alam niya? Hindi dahil maganda siya ay magagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Babae pa rin siya. Babae!' asik ni Nazi sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang lahat ng mga sinabi ni Georgette kanina. Hindi niya alam kung saan ba nito napulot ang lakas ng loob na mayro'n ito upang sabihin ang mga bagay na 'yon. "Naku, mukhang may sira na nga yata talaga ang ulo ni Georgette. Sa napakaamo no'ng mukha, akalain niyo na gusto palang maging isang gangster. Tama lang na tinanggihan mo siya, Azi. Ayoko rin naman na makonsensya oras na may nangyaring masama sa babaeng 'yon," sabi ni Ralph. "Tingin niyo ba talaga ay 'yon ang dahilan kung bakit gusto niyang maging parte ng gang natin? Paano kung—" Sabay na tumingin ang mga ito kay Nazi. Pinandilatan niya ang mga kaibigan. Hindi niya gusto ang tumatakbo sa isipan ng mga ito. Imposible iyon, sobrang imposible. "Paano kung ikaw nga talaga ang tunay na dahilan, Azi? Paano kung hindi naman pala talaga niya gustong maging gangster kundi ang maging Princess ng gang natin?" Nabato ni Nazi ang hawak na bote sa kaibigan niyang si Yorick. Tumawa ang mga ito kaya mas lalong namula sa hiya ang kanyang pisngi. Kasalanan ni Georgette ang lahat ng ito. Panigurado na magiging laman na naman siya ng tuksuhan ng buong gang. "Okay naman si Georgette, ah. Mabait, mahinhin at lalong-lalo na maganda," sabi ni Spencer na agad na sinang-ayunan ng lahat. "Ligawan mo na kasi, Azi para pormal na siyang maging Princess ng gang. Ikaw rin, baka maunahan ka pa ni Rage." Isa pa ang Rage na 'yon. Talagang hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ito sa kanilang gang. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang ikinagagalit nito sa kanila. Tapos ngayon naman ay nagbanta pa ito na babalikan sila pagkatapos ng mga sinabi ni Georgette. "Ano na, Azi? Liligawan mo na ba si Georgette? Magpapaparty na ba kami?" "Tumahimik kayo! Tayo na nga ang pinaka mahinang gang sa lahat tapos ipapasok niyo pa ang babaeng 'yon? Hindi nga natin magawang protektahan ang mga sarili natin 'yon pa kayang si Georgette? Puwede ba, tigilan niyo ako!" Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya puwedeng tanggapin si Georgette ay dahil natatakot siya na baka mapahamak ito nang dahil sa kanya. Hindi kakayanin ng kanyang konsensya kapag may nangyaring masama sa mala-anghel na babaeng 'yon. "Nazi's right. Hindi natin puwedeng isugal ang kaligtasan ni Georgette. Only if she can fight like that girl, siguro puwede pa." Natahimik silang lahat sa sinabi ni Spring. Agad na sumagi sa isipan ni Nazi ang misteryosong babae na tumulong sa kanila kanina sa gitna ng eskinita. Aaminin niya na napahanga siya nang husto sa paraan ng pakikipaglaban nito. Mukha itong action star na napapanood lamang niya sa telebisyon. 'Sino kaya ang babaeng 'yon at bakit kaya niya kami tinulungan? Makikita ko pa kaya ulit siya? Sana oo, SANA!,' bulong ni Nazi sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD