Chapter 3

1495 Words
"Tangina! ayoko sa lahat yung umaga pa lang, mali-mali na!" sigaw ni Raven na agad ikinataranta ni Hestia. Walang ibang pumasok sa isipan ni Hestia kung hindi ang takot na baka masisante siya. Na sa unang araw pa lang niya ay palpak na siya, at mainis ang kaniyang boss at biglang tanggalin na siya sa trabaho. She can't afford to loose this job, kailangan niya ang trabaho na ito, dahil kung hindi ay hindi na niya alam kung saan pa siya pupulutin. Kaya kahit na nanlulumo siya at halos gustong maiyak sa harapan nito ay dali-dali siyang humingi ng depensa sa kaniyang boss. "Sorry, Sir. Pasens'ya na. Sir.. lilinisin ko na po ito.." hingi niya ng paumanhin kay Raven, pagkatapos ay pinagtuunan ng pansin ang natapon na kape. Tila hindi na niya alintana ang kape na tumapon sa kaniyang blouse at agad na nag-mantya. Ang ginawa na lamang niya ay kumuha ng basahan upang punasan ang nagkalat na kape sa may sahig. Habang pinupunasan ang sahig at mapagtanto ang kaniyang itsura ay hindi niya mapigilan na kaawaan ang kaniyang sarili. Hindi dahil sa bagay na ginagawa niya ngayon kundi dahil sa dahilan kung bakit nangyari ito. Si Sandra ang nagbilin sa kaniya na lagyan ng asukal ang kape ng kaniyang boss. Dati nitong naging temporary secretarya si Sandra kaya dapat alam nito na ayaw ng kaniyang boss ang asukal sa kape nito. Pero iyon ang sinabi sa kaniya ni Sandra, kung ganoon ay sinasadya nito na lagyan iyon kahit alam naman nito na magagalit si Raven sa kaniya. Para ano? mapagalitan siya? Akala pa naman niya ay mabait ang Ma'am Sandra niya, na nagmamalasakit ito sa kaniya, iyon pala ay hindi naman. Hindi niya akalain na gagawin sa kaniya ito ng taong pinagkatiwalaan niya. Sa sandaling iyon ay hindi niya na napigilan ang kaniyang luha. Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi at pinilit na pigilan pa ang pag-buhos n'on, ngunit binalot na siya ng matinding emosyon. Muling pumatak ang kaniyang luha. "Umiiyak ka ba?" tanong ng kaniyang boss na halata pa rin sa boses nito ang pagkainis sa kaniya. "Tumahan ka diyan! ayoko ng secretaryang iyakin. Ayusin mo ang sarili mo, tumayo ka diyan! Saka isa pa? Scretarya kita bakit ikaw ang naglilinis? ano ka janitor?" sarkastikong sabi nito kaya naman ay napatigil si Hestia. Nataranta na naman siya sa tono ng pananalita nito. Dali-dali siyang tumayo at tinuyo ang kaniyang luha at napatingin kay Raven, "Pasens--" "Itigil mo ang kaka-sorry mo at kumilos ka na! go in the powder room and fix yourself!" sigaw pa nito kaya naman ay natataranta siyang tumango at nagtungo sa powder room. -- Pansin ni Raven ang pagkataranta ni Hestia nang tumakbo ito papuntang powder room, basang-basa ang blouse nito dahil sa kape na hindi naman niya sinasadya na itapon mismo sa secretarya. He admit it that he kinda feel guilty dahil nadumihan ang damit nito. He can't manage to have another secretary to resign again, not after ten secretary who've resigned dahil natakot sa kaniya. At karamihan sa mga ito ay hindi man lang tumagal ng isang araw sa kaniya. His schedule is such a mess, at ayaw na niyang bumalik si Sandra bilang secretarya niya. Napatingin siya sa papel na nahulog nito sa sahig nang tumakbo ito papasok ng powder room. Binuksan niya iyon at nakita na isang cash advance form iyon. Agad niyang binulsa ang papel at Napatingin sa powder room. "Mauuna na ako sa conference room sumunod ka doon agad, make it quick!" sigaw niya at alam niyang narinig iyon ni Hestia. Dinampot niya ang kaniyang laptop at lumabas ng opisina upang mauna na sa conference room. At sana lang talaga ay sumunod si Hestia sa conference room. Hindi katulad ng ibang naging secretary niya na hindi na tinapos ang araw na ito at basta na lamang tinakasan siya. Nais niyang hintayin sana ito upang makasiguro ngunit baka ma-late siya sa importanteng board meeting ngayong araw. --- "Kaya mo ito Hestia, huwag kang panghihinaan ng loob, kailangan mo ng trabaho dahil kung hindi ay magugutom ka." Aniya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Kumpara kanina, ngayon ay medyo kalmado na siya. Kailangan niyang kalmahin ang sarili kundi wala siyang mararating. Kaya naman ay susundan na niya si Sir Raven at baka kapag nagtagal pa siya rito sa powder room ay tuluyan na siyang mawalan ng trabaho. Lumabas siya ng powder room at napatingin sa kaniyang damit na bakas ang pinagtapunan ng kape. Kinuha niya ang kaniyang coat na nakasampay sa kaniyang upuan pagkatapos ay sinuot iyon upang itago ang mantya na naiwan sa kaniyang blouse. Pagkatapos n'on ay pumunta na siya sa conference room kung nasaan hinihintay nila ang iba pang board members na dumatin. Nakita niya ang kaniyang boss na nagkakape sa coffee corner ng silid kaya nilapitan niya ito. "Good, my secretary is here, let's start." sambit nito habang bitbit ang tasa ng kape at naupo sa may dulo ng mesa. Napanganga si Hestia, dahil hindi niya alintana na siya na lang pala ang hinihintay. Nakakahiya! pakiramdam niya ay nais niyang magtago sa ilalim ng mesa dahil sa hiya, lalo pa at nakatingin sa kaniya ang mga naroon sa silid, malamang ay iniisip ng mga ito na paimportante siya. Lumapit siya sa kaniyang boss at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Umupo siya roon at inilabas ang kaniyang notebook pati na rin ang cellphone niya at binuksan ang recorder upang i-record ang mga paguusapan sa meeting. "Take the minutes of this meeting." Mahinang sabi ni Raven sa kaniya at tumango siya, "Then we will talk after this." dagdag nito. Dahil doon ay muli siyang kinabahan, inisip niya na baka mamaya niya marinig ang katakot-takot na sermon ng kaniyang boss. Baka si-sesantihin na niya ako! Iyan ang isinisigaw sa kaniyang isipan. Sa sandaling ito ay naiiyak na naman tuloy siya, natatakot siya. Ngunit pinigilan niya, at tinuon na lamang ang pansin sa meeting at baka mamaya mapansin pa ni Raven na lumilipad ang kaniyang isipan at nasa mangyayaring pag-uusap nila ang isipan niya. Nagsimula na ang board meeting, ginawa niya ang kaniyang trabaho bilang secretary nito. Bukod sa naka-record ang mga pag-uusapan para wala siyang makalimutan ay nagsimula na rin siya na mag-take down notes para naman ay magiging madali lang ang paglipat niya n'on sa report na ipapasa niya kay Raven. Napatingin siya sa kaniyang Boss na diretsong nagsasalita, halata talaga na bukod sa ka-gwapuhan nito ay mukhang matalino ito. Naisip niya na kaya siguro ganito ka-successful ang negosyo nito ay dahil din sa katalinuhan nito sa pagpapatakbo ng negosyong ito. Maghapon ang itinagal ng meeting na tungkol sa mga new producs na kailangan i-launch kaya naman ay dito na rin sila nag-pananghalian. Isinerve lang sa kanila ang pagkain habang nagpapatuloy ang meeting. At halos alas-quatro na rin nang matapos iyon. Nag-isa isang umalis sa silid ang mga naroon, itiniklop niya ang kaniyang notebook bago napatingin sa kaniyang boss na kausap ang isa sa mga manager ng department sa kumpanyang ito. Pagkatapos n'on ay nagpaalam na si Raven at napatingin sa kaniya. "Let's go, I still need to talk to you before you go home." sambit nito sa kaniya bago walang tingin-tingin na umalis ng silid. Kumakabog ang kaniyang dibdib habang sinusundan ito pabalik sa opisina nila. Habang papunta roon ay paulit-ulit niyang iniisip sa kaniyang isipan ang kaniyang sasabihin, ang kaniyang pagmamakaawa kapag sinabi nito na tatanggalin na siya. Kaya nang makarating sila sa opisina at hindi pa man nakakaupo si Raven sa swivel chair nito ay pumalahaw na siya ng iyak at pagmamakaawa sa maaring sasabihin nito. Mabuti pa na unahan niya na bago pa nito masabi na taggal na siya sa trabaho. "Sir! sir! please parang awa niyo na po!" aniya bago lumuhod at nilapitan ito, "Pasens'ya na po talaga Sir! hindi na mauulit! hindi na ako magkakamali sa pagtimpla ng kape mo. Hindi na ako ma-lilate sa meeting!" aniya pa habang nakapikit at nilapitan si Raven, sa sandaling ito ay hindi niya napilitan na yakapin ang binti ni Raven habang patuoy pa rin na nagmamakaawa. "Please, Sir! huwag mo akong sisantehin! kailangan ko po ng trabaho! huwag mo akong tanggalin." pagmamakaawa pa nito, tila hindi alintana kung saan na nakatapat ang kaniyang mukha habang yakap si Raven. Napahawak si Raven sa kaniyang mukha nang maramdaman ang mukha ni Hestia sa mismong centro ng kaniyang ibaba, sa lugar pa mismo kung saan nakatago ang kaniyang kahandaan na ngayon ay natatamaan na nito. "Hes--" Sinubukan niyang tawagin ang pangalan nito ngunit mas humigpit ang yakap nito sa kaniya at iningudngod pa lalo ang ulo sa centro ng pantalon niya. "Sir! please! hindi ako bibitaw hanggat hindi mo sinasabi na hindi mo ako tatanggalin!" pagmamakaawa nito habang dinunggol-dunggol pa ang mukha sa akalang tuhod lang nito. Hanggang sa maramdaman niya na may biglang tumigas at nabuhay sa loob ng pantalon nito na naramdaman niya sa kaniyang pisngi. Dahil doon ay napadilat siya at nakita kung saan nakatapat ang kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD