Chapter 2

2629 Words
Alas otso na ng gabi, maaga niyang inayos ang mga susuotin para sa unang araw niya sa trabaho para hindi na siya mahirapan bukas. Apat silang nasa silid na naghahati-hati rito. Swerte niya lang at nakuha niya ang kama sa bandang itaas kaya naman ay may privacy siya. Ngunit kahit naman na may harang ang kama niya ay nagtalakbong na lang din siya para hindi maka-istorbo sa mga kasama niya sa silid. Ang dalawa kasi na kasama niya ay mga nurse na nag-straight duty at nagpapahinga na ngayon, samantalang ang isa naman ay isang dealer sa casino na nasa malapit at naghahanda na para pumasok. Habang nakatalakbong siya ay bukas naman ang maliit na flashlight na de-baterya para makita niya ang kaniyang mga inililista. Dahil bukas na ang unang araw niya sa trabaho ay dapat ay ngayon pa lang ay alam niya na kung papaano niya ba-budgetin ang kaniyang magiging sweldo. "Thirty thousand pesos na sweldo ko kada buwan, minus three thousand five hundred na bayad sa upa ng bed space, tapos two thousand five hundred naman sa bills ng kuryente at tubig, so.. anim na libo at limang daan na kaagad iyon. Pamasahe ko sabihin na natin nasa 1500 kung mag jeep lang ako.." aniya pa bago napahinto ngunit napailing ulit. "Ay hindi.. dalawang libo na lang pala baka kailangan na mag-taxi. Tama ilalagay ko dalawang libo. So, six thousand minus two thousand, eight thousand na agad iyon. Saka, minus sampung libo ang ipapadala ko kala Nanay kada buwan pang kain nila, at yung limang libo na hulog ko sa utang ko kala Nanay, at isama pa iyong utang ko sa phone credit para sa cell phone ko na dalawang libo. Twenty five thousand na agad iyon, may matitira pa sa akin na five thousand pesos. Tamang-tama na iyon para pang-savings ko." masaya niya pang sabi na tila kinikilig. Ngunit agad din niyang binawi ang saya nang tila ay may makalimutan. "Ay s**t! pagkain pa pala! ano iyon? hindi ako kakain? saka load pa pala." Napasapo siya sa kaniyang noo at tinignan ang kaniyang listahan, pinagmasdan ang mga inilista niya roon na pwede niya pang i-adjust dahil sigurado siya na kahit may kalakihan ang kaniyang sweldo ay tiyak na magkukulang iyon. "Bahala na," aniya at itinigil na ang kaniyang ginagawa. Tiniklop niya ang papel at itinago iyon sa ilalim ng unan niya pagkatapos ay napatingin sa kisame. Muli siyang napangiti, nagpapasalamat dahil sa sandaling lubog na lubog na siya at tila wala nang pag-asa ay bigla siyang natanggap sa trabaho. Alam niya na ito na ang magiging simula nang mga opportunities niya rito sa Maynila. At ang starting na sweldo niya ay talagang promising. Kaya naman ay aalagaan niya ang kaniyang trabaho kahit na anong mangyari, hanggang sa magkaroon pa siya ng ibang opportunities, trabaho na pwede niyang applyan na mas malaki ang bayad. Hanggang sa makapag-ipon siya, mabilihan niya ng bagong kalabaw ang mga magulang niya, na mabawi niya ang lupa na isinanla ng mga magulang niya para sa pagpapa-aral sa kaniya. Hanggang sa makabili siya ng sariling bahay at lupa, negosyo, kotse at kung ano-ano pang gusto niya. Alam niyang mararating niya iyon, hindi man ngayon, pero balang araw. "Lord, Thank you po." bulong niya pa pagkatapos ay napaupo siya at kinuha ang kaniyang cellphone. Maaga pa naman at alam niyang gising pa ang Nanay niya. Hindi niya pa nasabi sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa pagkakatanggap niya sa trabaho, kaya talagang excited siya na sabihin sa mga ito ang tungkol sa pagtanggap sa kaniya sa trabaho. Ilang ring lamang sa kaniyang telepono ay sumagot kaagad ang kaniyang Nanay. "Nay, may maganda po akong balita, natanggap na po ako sa trabaho, Nay." mahinang sabi niya pa at baka magising ang mga kasama niya sa silid. "Aba, magandang balita nga iyan. Mabuti naman kung ganon at may silbi rin naman pala ang pag-punta mo diyan." rinig niya pang sabi nito mula sa kabilang linya. Tipid siyang napangiti, "Di ba, Nay? sabi ko naman sa iyo eh, kaunting tiyaga lang talaga. Ito, Nay.. simula na po ito.. makakabawi na po ako." aniya. "Buti naman talaga, akala ko ay tatagal ka diyan sa Maynila na walang trabaho. So ano? kailan ka makakapagpadala?" tanong ng kaniyang ina kaya naglaho ang ngiti sa kaniyang labi. Napabuntong-hininga siya, "Bali, Nay sa sweldo po, sa katapusan po iyon." "Sa katapusan pa? aba ang tagal naman n'on, anong kakainin namin ng mga kapatid mo? hayaan na lang namin magutom ang mga sarili namin at hintayin ang padala mo sa katapusan? hindi mo ba pwedeng i-advance iyan? gawan mo naman ng paraan, anak." utos ng kaniyang Nanay na hindi niya alam kung paano niya ba magagawan ng paraan. "Nay, ang pangit naman po ata kung mag-cash advance po ako agad ako sa trabaho, baka po ma-badshot ako. Ka-bago-bago ko po eh." Dahilan niya pa sa kaniyang ina at baka mahabag ito sa kaniya. "Hindi naman siguro iyan, kung mag-cash advance ka naman eh sa sweldo mo naman ibabayad iyon? alam ko iyan anak, aba kahit na hindi ako nag-aral ay hindi ako malalamangan sa ganyan. Kaya gawan mo ng paraan iyan." talak pa ng Nanay niya. Hindi na siya nagsalita, hindi na siya nagdahilan na baka hindi niya magawa. At kagaya ng lagi niyang sinasabi ay, "Sige po, Nay.. gawan ko po ng paraan." aniya na lang para matapos ang pag-uusap nila. Matapos niyang magpaalam ay ibinaba niya ang telepono. Akala pa naman niya ay makakadagdag sa kasiyahan niya ang magiging reaction kapag nalaman na ng mga ito ang tungkol sa trabaho niya, ngayon ay nadagdagan pa ang po-problemahin niya. "Bahala na bukas." bulong na lang niya bago natulog na. --- Kagaya ng sinabi niya sa kaniyang boss ay 5 am pa lamang ay nasa company na siya, mabuti na lamang ay na-endorse na siya ni Mr. Salazar. Sa reception ay ibinigay sa kaniya ang susi ng opisina ng kaniyang boss kaya naman ay naisipan na niyang umakyat at tignan kung ano ang maari niyang gawin sa opisina habang hinihintay ito. Pagpasok niya ng opisina ay nakita ang bakanteng mesa na nasa labas, mukhang iyon ang magiging p'westo niya sa opisina kaya naman ay doon niya inilapag ang kaniyang mga gamit. Sunod ay pumasok na siya sa loob ng opisina ni Mr.Salazar, at nakita niya rin na malinis na iyon at wala nang dapat iligpit o ayusin kaya naman ay iginala na lang niya ang tingin sa paligid. Tila sinaulo ang mga lalagyanan ng files o kung ano-ano na pwedeng iutos nito. Binuksan niya ang aircon at ang humidifier at nag-spray ng air freshener para pag-dating ng kaniyang Boss ay malamig na sa opisina. Sunod n'on ay lumabas siya at naglagay ng coffee sa coffee maker para mamaya ay naka-handa na rin iyon pagdating ng kaniyang boss. "Psst! ikaw ba yung bago?" rinig na tanong niya mula sa may pinto. Napalingon siya at nakita ang isang babae na matangkad at nakasuot din ng office attire, maganda ito at sexy, kita rin ang cleavage nito, kulot ang buhok at maganda ang make-up. Ang taray naman pala ang aurahan dito, hindi ako prepared. Kahit pa na nakataas ang kilay nito ay nginitian niya ito, "Good Morning, yes, I'm Hestia Coronel, the new secretary of Mr. Salazar, how can I help you Ma'am?" tanong niya at mas tinaasan siya nito ng kilay. "Ms. Coronel, I'm Kelly Anderson," pagpapakilala nito at tumayo ng diretso sa kaniyang harapan. "Ngayon na bago ka rito sa opisina ay dapat kilala mo ang mga taong kailangan na tingalain mo, remember your position here as secretary, just secretary, huwag kang mag-tatanggka ng kung anong pakay kay Sir. Raven, kasi he is taken. Maliwanag ba?" tanong pa nito habang nakapamaywang. Tumango siya, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya, "Yes don't worry Ma'am, I know my position here as secretary and it will stay professional, I assure you that." "Mabuti naman kung ganon, basta kung may nakikita ka na umaaligid kay Sir Raven sasabihin mo agad sa akin, ha?" Dahil sa sinabi nito ay napataas ang kilay ni Hestia. Napatanong niya kung sino ba o ano ang babaeng ito sa buhay ng boss niya, ganoon pa man ay hindi na siya nagtanong at baka ma-badshot siya. "Good Morning, Ms. Coronel," tinig na narinig niya matapos ang katok sa pinto. Nakita niya na isang babae ulit iyon. Napatingin ito kay Kelly at tila hindi ito inaasahan na makita roon. "Ms. Kelly? I didn't know you're here." "Good Morning Sandra, aalis na rin ako, kinausap ko lang si Ms. Coronel." pagdadahilan nito bago napatingin sa kaniya, "Remember our deal, Ms. Coronel. Aalis na ko, huwag kang magkakamali," sabi nito pagkatapos ay lumabas na. Napakunot ang noo ni Hestia sa sinabi nito. "May deal kayo ni Ms. Anderson?" tanong ng babae sa kaniya. Umiling si Hestia, "Ewan ko doon, wala naman kaming deal pero sinabi niya na lagi ko tatandaan ang lugar ko bilang secretary at sabihin sa kaniya kung may umaaligid kay Sir." Dahil sa kaniyang sinabi ay natawa ito. "Oh my! huwag mo nang isipin iyon si Kelly." "Ma'am? matanong lang kita? sino ba iyon? girl lfriend ba iyon ni Sir?" hindi niya maiwasan na itanong sa babae. "Sino? si Kelly?" tanong nito at tumango si Hestia, "Naku! hindi, huwag mong pagpapansinin iyon si Kelly, ganyan lang talaga iyan sa mga bago, lalo na at dito sa opisina ni Sir Salazar. Pero si Kelly, taga treasury department siya, doon sa 5th floor ang opisina niya at medyo nga curious sila sa bagong secretary ni Mr.Salazar, ganyan iyan naninindak ng mga bago kaya mag-iingat ka sa kaniya." Ay kaloka, akala ko pa naman kung sinong kamag-anak ni Sir, empleyado lang din pala. muntik na akong maniwala na girlfriend siya ni Sir. "Akala ko pa naman kasintahan ni Sir." "Si Sir? naku hindi, marami lang talaga nagkakagusto kay Sir, pero single iyon. Kaya marami rin umaaligid sa kaniya kagaya ni Kelly, umaasa na matulad sa kwento ni Cinderella," nakangiti pang sabi nito. "Ay ganon ba? buti naman." aniya at kumunot ang noo nito na tila nag-assume na sa kaniya kaya binawi niya ang sinabi niya, "What I meant is, buti naman na wala pa, pero parang imposible naman na walang girlfriend si Sir? sa yaman niyang iyan at gwapo? Wala?! ay wait, Ma'am sino ka po pala?" Tanong niya dahil kanina pa niya ka-chikahan ito at hindi niya man lang nalalaman ang pangalan. Tipid na ngumiti ito at nakipag-kamay. "I'm Sandra Villarde, I'm the HR supervisor, and ako rin ang naging temporary secretary ni Sir nung umalis ang secretary niya dati." Hala! siya pala ang HR! chumika-chicka pa naman ako! Nanlaki ang mata niya, "Ay, Ma'am! hello po! naku pasens'ya na po at chumika ako." "Wala iyon, and just call me Sandra, by the way ang aga mo," napatingin ito sa kaniyang relo pambisig, "Pero I think that's perfect so I'll have time na i-tour pa kita bago dumating si Sir." Sabi nito at iniabot sa kaniya ang isang leather notebook. "Here the schedule of Mr.Salazar for the whole week. Ma-swerte ka at wala siyang masyadong meeting today, except sa board meeting mamayang hapon," "Okay po, Ma'am noted po," aniya at binuklat ang notebook upang tignan ang schedule ng kaniyang boss. Nakita niya nga na wala itong masyadong schedule ngayon at bukas pa magiging hectic ang schedule nito. May inabot pa sa kaniya ang babae, "And this one ay ang ilang guidelines na kailangan mo sauluhin sa trabaho mo, by laws and rules ng kumpanya, and this one naman ay ang ilang notes ko about kay Sir Salazar." malapad ang ngiting sabi nito. Ang bait naman pala ng Ma'am ng HR, at nagbigay pa ito ng notes about kay Sir Salazar, malaking tulong ito sa akin lalo na at maiwasan ko ang ma-bad shot kay Sir. "As can you see, nakalagay diyan na 8 am sharp ay nasa opisina na s'ya, hindi naman strict iyon sa late kaya ayos lang na ma-late ka. When it comes naman sa uwian huwag kang uuwi agad, mag-OT ka kahit wala na siya. Mabait naman si Sir medyo may paka-masungit iyon at strict at of course perfectionist." Napatango siya, "Sige po, Ma'am noted po." "And don't forget his coffee every morning, gusto niya ay creamy at tatlong kutsarang asukal." bilin pa nito at muli siyang napatango. Hindi niya akalain na mahilig pala sa sweet ang kaniyang Sir. "May cafeteria rito, maaga pa naman we can eat breakfast pa, then I'll tour you around." pag-aaya pa nito bago sila umalis ng silid. Habang naglalakad ay hindi niya alam kung tamang timing ito, pero mukhang mabait naman ang kaniyang Ma'am kaya susulitin niya na ito, "Ma'am, alam ko po baka kakapalan ng mukha itong itatanong ko lalo pa at 1st day ko po ngayon, pero Ma'am? p'wede na po ba mag-cash advance? emergency lang kasi eh. Kailangang-kailangan lang." Napahinto ito sa kaniyang sinabi, pinakatitigan siya at tila halata din na hindi inaasahan ang sasabihin niya. Hindi na siya magtataka kung gini-judge na siya nito ngayon. Oh lupa, kainin mo ako! "Ma'am never mind na po pala, kalimutan mo na po ang sinabi ko." bawi niya sa sinabi niya. Umiling ang babae, "No, um... medyo I'm not expecting na itatanong mo iyan, ngayon lang ako naka-encounter na nag-cash advance ng unang araw pa lang sa trabaho." "Kaya nga po, hehe" nahihiya niyang sabi at parang nais na lamang magtago sa ilalim ng lamesa. "But it's not possible, kaso dahil si Sir. Salazar ang boss mo, kailangan ng approval niya, wait, I have a form here." sabi nito at binuklat ang kaniyang clipboard at may inabot sa kaniya. "Here, ipapirma mo na lang ito sa kaniya then bigay mo sa akin para ma-process natin sa accounting." --- Naglakad si Raven paakyat sa kaniyang opisina, pagkabukas niya ng pinto ay ang bagong secretarya ang agad bumungad sa kaniya. Maayos ang damit nito, hindi daring at mukhang kagalang-galang. Pero hindi rin naman sobrang balot na balot. Naka-makeup rin ito ngunit hindi mapatang ang kolorete. Bumagay sa kaniya ang salamin nito. Bukod pa roon ay nakita niya ang malaking ngiti nito sa kaniya. "Good morning, Sir. I'm Hestia An--" "Yes, I know you. Hindi mo kailangan ipakilala ulit kung sino ka." putol niya rito kaya natahimik ito. Napatikom ng bibig at tumango. Napatingin siya sa kaniyang relong pambisig. "You're early. Mag-7:30 pa lang?" "Yes, Sir! sabi ko naman po sa iyo 5 am nandito na ako." sagot nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya ganoon pa man ay hindi na siya nagtanong. Malimit ito na mas nauuna pa sa kaniya ang secretary. "Nagkita na kayo ni Sandra?" "Yes po, Sir." magalang na sagot nito sa kaniya. Napatango-tango si Raven. "Did she show you around?" "Yes din po, Sir. Ibinigay niya na rin po ang ID ko at ang mga kakailanganin ko for work." "Good, mabuti naman kung ganon." ani pa ni Raven, sa kaniyang isipan ay mukhang hindi naman masamang ito anmg kinuha niyang secretary. "And Sir, naipaghanda na rin kita ng coffee, kaya sige na po pumasok na kayo at dadalhin ko na doon sa loob." sabi pa ng kaniyang bagong secretary kaya naman ay tumalikod na siya at pumasok sa loob. Pagkapasok niya ay hindi niya inaasahan ang madadatnan. Bukas na ang aircon at mabango rin, mabuti naman at may pagkukusa. Umupo siya sa swivel chair at sunod nakita na pumasok ito at inabot sa kaniya ang kape. "Sir, here's your coffee, kagaya po ng gusto mong timpla." sabi pa nito kaya na-curious siya. Tinanggap niya ang kape at sumimsim, ngunit hindi rin nagtagal ay mabilis niya iyong ibinuga. "Tangina! kape ba ito o puro asukal?! bakit ang tamis?! ayoko ng asukal sa kape ko!" sigaw ni Raven kaya tila natuon ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD