"Kelly, huwag na siguro, mukhang umalis na sila eh." awat ng isa sa mga empleyado na kasama ni Kelly papunta sa office ni Raven. "Tara na umuwi na tayo."
Umiling si Kelly at napatingin sa pinto, "Nandiyan pa sila, sabi sa baba hindi pa daw nag-out yung Hestia eh. Kailangan ko lang masiguro, mamaya ano nang pang-aakit ang ginagawa n'on kay Sir."
Napabuntong-hininga si Camile na kasama nito. "Kelly, talagang ayaw mong sukuan si Sir, sinabi ko naman sa iyo eh, kagaya rin ng mga sinasabi ng mga empleyado rito na si Sir Raven ay---"
"Shhh! naniniwala akong hindi siya ganon sa chinichismis nila. Ah basta, 'wag ka na lang makulit. Bumaba ka na lang doon kung ayaw mo naman akong samahan."
Wala nang nagawa si Camile lalo pa at nandoon naman na rin siya. Kaya namana ay sumunod na lamang siya kay Kelly na ngayon ay nakapasok na ng receiving area. Wala roon si Hestia at mukhang nasa loob ng office ni Raven kaya naman ay naglakad sila papalapit sa pinto nito.
"Kelly.. masama talaga ang kutob ko--"
"Shh! huwag kang maingay baka marinig tayo. Sisilip lang naman eh." saway pa ni Kelly bago dahan-dahan na binuksan bahagya ang pintuan ng opisina at sa maliit na espasyo sa pinto sila sumilip dalawa.
At pagkatingin nga nila ay bumalandra sa kanilang harapan ang kaganapan sa opisina ni Raven, dahil kita nila na naka-luhod si Hestia at nakatapat ang mukha nito sa pagitan ng hita ni Raven habang nakatayo ito. Hindi man nila makita ang ginagawa nito ngunit nakita nila na gumagalaw ang ulo nito, taas baba at wala nang pumasok sa isipan nila kundi ang isang bagay. Isang kakabalaghan dahilan para halos bumagsak ang kanilang mga baba sa sahig dahil napaawang ang kanilang bibig dahil sa hindi inaasahan na makita.
Agad nilang isinara ang pinto at napasandig sa dingding, hindi pa rin makapaniwala sa bagay na naabutan nila na ginagawa ng dalawa.
"Oh my god, anong ginagawa nila?" tanong ni Camile habang nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Ano pa nga ba sa tingin mo ang ginagawa nila?" namumutlang sagot naman ni Kelly. Bakas sa mukha niya ang gulat, ang pagkadismaya, she felt heartbroken sa kaniyang nakita. Hindi niya ma-tanggap ang kaniyang nasaksihan. "Taksil siya, taksil si Sir!" aniya na tila naiiyak pa pagkatapos ay tumayo na at umalis na sa opisina. Agad din naman na sumunod sa kaniya si Camile.
---
Nanlaki ang mga mata ni Hestia nang mapagtanto ang kaniyang nasa harapan. Napatingala siya at bago pa man sabihin ni Raven ang pangalan niya ay agad na siyang tumayo. Bakas sa mukha niya ang kahihiyan.
Wala na talaga, sure na ako na tatanggalin na ako ni Sir! hindi ka talaga nang-iisip, Hestia!
"Ms. Coronel--"
"Sir! sorry po! I'm so sorry!" aniya pa nang namumula ang kaniyang mukha. Hindi niya kasi talaga napansin na nakatapat na ang mukha niya sa ano nito.
"Don't talk, and please calm down." utos nito at sa kaniya bago lumayo at naupo sa may swivel chair niya.
Para hindi na makagawa ng kung ano pang kahihiyan na maari niyang ika-tanggal talaga ng trabaho. Kumalma siya at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Raven.
"Fist of all, hindi ka tanggal." Hindi nagtagal na sabi ni Raven sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, nakahinga siya ng maluwag at lumapad ang ngiti sa kaniyang boss. "Talaga , Sir? hindi po ako tanggal?" tanong niya pa.
Tumango si Raven. "Hindi ka tanggal sa trabaho sa ngayon. Basta aayusin mo lang ang trabaho mo sa mga ususnod na araw. Dahil kung hindi, baka hindi na talaga kita mabigyan ng pagkakataon." sabi pa nito.
Sunod-sunod na tango ang ibinigay ni Hestia kay Raven. Parang walang mapaglalagyan ang saya na nararamdaman niya lalo pa at hindi naman pala siya tanggal sa trabaho. Labis ang pag-alala niya lalo pa at hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag nawala ang trabaho niyang ito.
"Sir, pangako! hindi mo pagsisisihan ang chance na ibinigay mo sa akin. Pangako, Sir. Gagawin ko na po ng maayos ang trabaho ko, hindi ako ma-li-late sa meeting. At lalong-lalo na Sir, hindi ko po lalagyan ng asukal ang kape mo." aniya pa sa kaniyang boss.
Napabuntong-hininga si Raven dahil sa sinabi ni Hestia. He wanted to apologized dahil sa ginawa niyang pagtapon ng kape, ngunit inisip niya naman na baka kapag ginawa niya iyon ay maging komportable ito sa kaniya. He wanted her secretary to stay dahil hindi na niya kaya na siya pa ang magasikaso sa mga schedule niyang napakagulo. Pero he still wanted to keep a boundery between them. Lalo pa at ayaw niya ng secretarya na feeling close.
"Huwag mo nang isipin ang nangyari sa kape." sabi ni Raven at napatitig sa kaniya. "I only want you to do your job, so let's talk about your job. Sa akin ka makinig hindi sa iba, dahil alam ko na nakipag-usap ka sa ibang mga empleyado rito. To Sandra to be precise." sabi pa nito.
Napatango siya at napayuko, "Sir, hindi naman po sa bitter or gumagawa ng issue ha? pero naiinis ako kay Ms.Sandra. Siya kasi nag-orient sa akin sa trabaho ko, siya nagsabi na gusto mo ng asukal sa kape mo at naniwala naman ako. Nakakainis lang, akala ko pa naman mabait siya, pero parang sinasadya niya ata."
Napakunot ang noo ni Raven, tila napagtanto ang ginawa ni Sandra na aaminin niya na naging sakit na ng ulo niya. Nagpupumilit kasi si Sandra noon na lumipat dito upang maging secretarya niya, ngunit hindi siya pumayag dahil ayaw niya sa presensya ni Sandra. Bukod sa magulo ito sa trabaho at hindi nagagawa ang dapat na trabaho niya, he knows that Sandra is trying to flirt with him. But he's not interested with Sandra, he wanted her to be professional at clearly hindi ito magawa ni Sandra.
"Okay, I get it." sabi ni Raven kay Hestia, "Ms. Coronel, just a simple advise, don't trust anyone. Not even me. Kapag ginawa mo iyon, tatagal ka sa trabaho, kahit saan pa iyan. Iba ang kalakaran dito sa Manila, kung mahina ka hindi ka tatagal. Kung iiyak-iyak ka, walang mangyayari sa iyo. Lalmunin ka lang ng mga tao sa paligid mo." payo niya kay Hestia kaya napatango ito.
Natahimik si Hestia at napayuko na lamang, alam niya ang bagay na iyan. Iyan din kasi ang naramdaman niya simula nang tumuntong siya rito sa Maynila. At nasamplean na nga siya ni Sandra.
"Since mukhang kung ano-ano ang sinabi sa iyo ni Sandra, ako na ang mgasasabi sa iyo ng mga dapat at hindi mo dapat gawin."
Tumango si Hestia at nakinig kay Raven. Seryoso ang mukha ni Raven habang nagsasalita kaya naman ay makikinig na lang siya para naman masiguro niya na manatili sa trabaho na ito.
"You are my secretary, so do nothing but your job. Organized my schedule properly, wala ka naman gagawin kundi iyon lang at ang mga reports na ipapagawa ko sa iyo. Ayoko ng na-li-late, I need you here in the office at 8am sharp. Kapag may board meeting at importanteng ganap dito maaga ako pumapasok, so I wanted you to be here at least 30 minutes before your time. Huwag kang mag-alala, you can leave at 5pm, I wont ask you for overtime maliban na lang kung importante at kailangan talaga. Aside from that wala na. Gusto ko yung seryoso sa trabaho at hindi kung ano-ano ang inaatupag, dahil kung makita ko na hindi mo ginagawa ang trabaho mo ng maayos I won't hesitate to fire you. Maliwanag ba?"
Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Hestia, "Yes Sir, maliwanag po."
"Good, if you have anything to ask, ask me, hindi ang ibang tao. Understand?" dagdag pa nito bago tumayo.
"Yes, Sir. Malinaw po."
Napatingin si Raven sa kaniyang relo pagkatapos ay kay Hestia sunod ay inilagay sa harap nito ang papel na nahulog nito kanina.
Iyon ang cash advance ni Hestia, at kahit na walang amount ay pirmado iyon ni Raven.
"S-Sir.." nauutal na sabi ni Hestia habang hawak ang papel ng cash advance na kanina niya pa hinahanap. Hindi siya makapaniwala na pinirmahan iyon ng kaniyang boss.
"Nalaglag mo iyan kanina. Bukas mo na ipasa iyan sa HR dahil past 5 na. Aalis na ako, kaya umuwi ka na rin." sabi nito pagkatapos ay naglakad palabas ng opisina.
Bago pa man makalayo si Raven ay sumigaw si Hestia. "Bye, bye, Sir! thank you po ulit! see you tomorrow po!" Masaya niya pang sabi habang pinagmamasdan ang kaniyang boss na makalabas ng silid.
Masayang-masaya na hinawakan ni Hestia ang cash advance form na may pirma nito at halos halikan pa sa tuwa.