Chapter 5

1552 Words
Taas kilay na dala ni Hestia ang cash advance form sa Accounting kung saan niya kukunin ang i-a-advance niyang suweldo. Alam niyang siya ang pinaguusapan ng mga ito bago siya pumasok sa loob ngunit hindi na lamang niya pinansin ang mga ito kahit pa na nakarinig siya ng ilang bulungan. Nakita niya si Ms. Kelly na nakatingin sa kaniya, ito lang naman ang kilala niya. Dumaan siya sa harap nito at inabot mismo kay Kelly ang form. Pansin niya na namumugto ang mata nito sa hindi malaman na dahilan. "Ms. Kelly, sa'yo ko raw ito iabot?." tanong niya. Kinuha na lamang ni Kelly ang form at pinirmahan, walang tanong-tanong, pagkatapos ay inabot sa kanya ang 15 thousand pesos na pera. "Count the money then sign here." utos nito sa kaniya. Ginawa niya iyon at ibinalik ang pinapirma nito na log book. "Thank you. Then itong form? saan ko na ibibigay?" "Padala na lang sa HR, kay Ms. Sandra. Ibigay mo na lang doon iyon. Automatic naman iyan ikakaltas." blankong sabi nito pagkatapos ay nag-suot ng shades at inilubog ang sarili sa upuan na para bang wala na itong gagawing trabaho ngayong araw. Hindi na siya nagtanong kung anong nangyari rito. Nais niyang sundin ang inutos ng Boss niya na huwag magtiwala. At matapos ang ginawa sa kaniya ni Sandra ay talagang nadala na siya at wala rin talagang nais na pagkatiwalaan pa. Speaking of Sandra, kailangan niya pa rin pala itong harapin upang iabot ang form. Taas noo siyang pumunta sa may HR at iniabot ang form kay Sandra na nakakunot ang noo nang makita siya. In your face, Sandra! in your face! Napangiti siya, habang nakatingin kay Sandra na nagtataka sa pirmadong form niya. "Pinirmahan niya? bakit?" tanong ni Sandra sa kaniya. At aba! ang kapal naman ng mukha nito na magtanong? so talagang inaasahan nito na hindi iyon i-a-approve ni Boss Raven? alam niya ba na mapapahiya ako? Aaminin niya, hindi niya rin alam ang dahilan ng Sir. Raven niya kung bakit nito pinirmahan ang form dahil alam naman niyang kakapalan ng mukha na mag-cash advance siya sa unang araw niya sa trabaho. Pero hindi na importante iyon. Ang importante ngayon ay nasa kaniya na ang pera na kailangan niya at dapat na matuwa siya. At maipamukha niya sa Sandra na ito na hindi ito nagtagumpay sa nais nitong pahiyain siya sa kaniyang boss. "Eh kasi pinirmahan niya. Bakit? may problema ba?" pabalang na sabi niya at tumalikod para umalis na sana ngunit narinig niya na nagsalita ito. "Legit ba itong pirma niya? baka naman dinaya mo lang? ginaya ang pirma ni Sir Raven para naman ay makakuha ka ng pera?" nakangisi pa na sabi nito sa kaniya. Tila nag-panting ang tainga ni Hestia sa sinabi nito. But she kept it cool and walk towards Sandra. "Yup! if you want, you can call my boss to check if he really signed that." aniya pa kay Sandra bago nito kinuha ang telepono at sinubukan na tawagan ang opisina ng kaniyang boss. Nakangiti lang siya kay Sandra habang hawak ang landline, narinig niya na sumagot ang boss niya at tinanong ito ni Sandra. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang nakita na napasimangot ito at dahan-dahan na ibinaba ang telepono. "Okay na ba?" tanong niya. Hindi ito sumagot kaya naman ay muli siyang napangiti. "If wala nang problema, babalik na ako sa opisina lalo pa at marami pa akong gagawin roon." aniya pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng HR office. --- Napatingin si Raven sa pinto nang marinig ang katok ni Hestia. "Sir, Mr. Grimes is here na po." sambit nito at pinapasok ang kaibigan ni Raven na naka-schedule na kitain nito ngayon. Si Glen iyon na matalik niyang kaibigan at ka-sosyo rin sa negosyo. At ngayon ay nasa kaniyang secretarya ang pansin nito. To be precise ay nasa pangupo ng kaniyang secretarya ang tingin nito habang papalabas si Hestia sa opisina. "Yung mata mo, baka lumuwa iyan." aniya sa kaibigan. Lumingon ito sa kaniya, malapad ang ngiti na tila nang-aasar. Kaibigan niya ito kaya naman ay alam niyang matinik ito sa mga kababaihan. Lumapit ito at naupo sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Saglit pa itong napatingin sa glass window kung saan bahagyang nakikita si Hestia sa ilabas. "Naks, bago yung secretarya mo ah? ano ang nangyari roon sa Sandra?" tanong nito sa kaniya. "I told you, Sandra is not my secretary, temporary lang siya. Hestia, she's my secretary now. At ako na ang nagsasabi sa iyo. Hindi mo siya pwedeng tuhugin." paalala niya sa kaibigan kaya naman ay napahagalpak ang tawa nito. "Bakit? dahil may plano kang tuhugin siya? naks, so nagka-interes ka rin sa secretarya ngayon, sa wakas." pang-aasar nito sa kaniya, at alam niya na simula sa ngayon ay hindi na siya tatantanan nito na asarin kay Hestia. Napangisi si Raven at umiling, "Gago, hindi. Wala akong planong ganoon. She's just my secretary, iyon lang. Walang malisya at pagnanasa. Hindi kagaya mo na lahat ng secretarya mo ay natuhog mo na." Tumango ito, tila hindi itinatanggi ang sinabi ni Raven patungkol sa kaniya. "Grabe ka, pero hindi ko itatanggi." Napatingin ulit ito sa labas, kay Hestia na mukhang may kausap sa telepono. "But she's cute. Beautiful, sexy.. but her clothes is not revealing. Pero hindi talaga maitatago ang magandang pigura kahit balot pa." "Gago, manyak ka lang. May x-ray vision kasi iyang mga mata mo pagdating sa mga babae." aniya at napatingin muli sa kaniyang laptop. "Let me know kung wala ka talagang balak na tuhugin siya. Malay mo, siya na ang makapagpabago sa akin." sabi pa ni Glen kaya napailing na lamang siya. --- Napatingin si Hestia sa loob ng opisina ng kaniyang boss. May kausap ito na isang lalaki na malamang ay kaibigan nito at mukhang matatagalan pa bago matapos ang paguusapan nila kaya naman ay naisipan niyang tawagan na ang kaniyang inay. "Hello, Nay? naipadala ko na po yung pera, kunin niyo na lang po sa remittance center. Na-text ko na rin po yung details." aniya sa ina na kausap niya ngayon sa telepono. "Mabuti naman kung ganon. Tamang-tama at kailangan na rin talaga namin ng Tatay mo na magbayad sa utang, naniningil na si Aling Mirna. Saka kailangan na rin namin mag-grocery at wala nang pagkain." sagot nito sa kaniya kaya naman ay napangiti siya. "Pupunta na ako sa remittance center ngayon din para di-diretso na rin ako sa grocery." Rinig niya pa na kausap nito ang kaniyang Tatay na mukhang sumaya rin dahil sa perang pinadala niya. "Nay, paki-tipid lang po sana, Nay. Cash advance lang po kasi iyan eh. Ikakaltas din po iyan sa sweldo ko sa a-kinse kaya baka po hindi po ganoon kalaki ang ipadala ko sa a-kinse--" "Aba! bakit titipirin?!" sigaw nito sa kabilang linya kaya nailayo niya ang telepono saglit sa kaniyang tainga, pagkatapos ay ibinalik rin upang mapakinggan ang sasabihin nito. "Aba, kaya 'diba nasa Maynila ka ay para magtrabaho at masustentuhan kami? na mapunan ang mga pangangailangan namin dito sa probinsya? Bakit? marami ba kaming pasakalye nung sinabi mo na kailangan mo ng mga pang-gastos sa eskwela? hindi 'diba? tapos ngayon nais mong tipirin ang kakarampot na pinadala mo? eh kulang na kulang pa ito sa mga nagastos namin ng Tatay mo sa pagpapaaral sa iyo?!" Napabuntong-hininga si Hestia. "Alam ko po, Nay. Pero po kasi kakaumpisa ko lang po sa trabaho at ma-suwerte lang po talaga na pinayagan ako na mag-cash advance. Iyang pera po na iyan ikakaltas din po sa suweldo ko kaya kalahati lang po ang makukuha ko. Saka hindi po ganon kalakihan ang sweldo ko lalo pa at may mga gastusin din po ako rito." paliwanag niya. Pero kagaya ng kaniyang pagkakakilala sa kaniyang Inay ay hindi ito madadaan sa ganitong pakiusap. "Sus maryosep! kami ngayon ang mag-a-adjust niyan? gawan mo ng paraan! ala nga naman na kami pa ang magdusa. Mababa lang pala ang sweldo mo diyan sa kumpanyang pinasukan mo. Eh bakit pinatos mo iyan? Graduate ka ng kolehiyo, bakit hindi pang managerial position ang kinuha mo? iyon malaki ang suweldo!" "Nay, hindi po ganoon iyon kadali. Kung puwede lang po sana nga Nay." naiiyak niya nang sabi. Pero matigas talaga ang kaniyang Nanay. Hindi naiintindihan ng mga magulang niya ang kaniyang sitwasyon rito sa Maynila. Iba ang pananaw ng mga tao sa probinsya sa buhay na mayroon sa Maynila. Iniisip nila na purkit nasa Maynila ay maginhawa na ang buhay at limpak-limpak ang salapi na kinikita. Ngunit iyon ang kabaliktaran. At alam niya na kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi makikinig ang kaniyang mga magulang, lalo pa ang kaniyang Nanay. Lalo pa ang nasa isip nito na ngayong may trabaho na siya ay dapat simulan na niya ang kaniyang responsibilidad bilang panganay sa pamilya. "Kung gan'yan lang din naman pala, edi umalis ka na diyan sa trabaho mo at maghanap nang trabaho na mas malaki ang s'weldo para hindi mo kami tinitipid!" sigaw nito pagkatapos ay ibinaba ang telepono. Napabuntong-hininga na lamang si Hestia. Nasulosyunan na ang problema niya sa paghahanap ng trabaho. At ngayon na may trabaho na siya ay mukhang hindi pa rin ito sasapat para sa kaniya at sa pamilya. Kailangan niyang makahanap ng mga gagawing raket. Pandagdag sa kita niya. Sana lang talaga ay hindi magkaroon ng conflict iyon sa kaniyang trabaho rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD