Chapter 6

1557 Words
"Sir, coffee mo po." Sambit ni Hestia pagkatapos ay ibinaba ang tasa ng kape sa mesa ni Raven. Napatingin ito sa kaniya at pati sa kape na dala niya. "Sa iyo na lang iyan. What time ang first meeting ko?" tanong pa nito bago dinampot ang coat at isinuot niya. "9 am pa naman po, Sir." sagot niya. "Good, and after that?" tanong ulit nito at sa sandaling ito ay nasa may pintuan na si Raven. "After that, Sir. Wala po, bali your next meeting will be this afternoon 2pm po." aniya na tila kabisado na ang schedule ni Raven para sa araw na ito. "Good, move my 9 am meeting ng 11am. Lalabas lang ako, I'll be meeting with Glen this morning and I'll will be having breakfast outside office. Babalik ako before 11am so ikaw na ang bahala muna rito. Kapag may dumating at nais magpapirma just keep it and I'll sign it later." Tumango si Hestia sa bilin sa kaniya ni Raven. "Sige po, Sir. Ako na po ang bahala. Take care po, Sir." aniya at hindi na sumagot si Raven at dali-dali nang lumabas ng opisina. Napatingin siya sa kape na kaniyang tinimpla at dinala ulit iyon sa pantry pagkatapos ay nilagyan ng asukal dahil gusto niya na matamis ang kape niya at ma-crema. Sayang naman kung itatapon niya ang kape, eh bukod sa mamahalin ang brand ng kape ng boss niya ay maharlika rin ang presyo ng kape sa may cafeteria. Maraming employees na gumagastos para lang sa kape, kaya sino siya para mag-sayang. Habang sinisimsim niya ang kape ay itinuon niya ang pansin sa iba pang schedule ng kaniyang boss. May ilang employees na nagpunta sa opisina upang magpapirma sa kaniyang boss pero kagaya nang sinabi nito ay kinuha niya na lang muna ang mga documents at nireview iyon para sa kaniyang boss. Kahit hindi nito sinabi na paghiwalayin ang urgent sa hindi urgent ay iyon ang ginawa niya. Ni-review niya isa-isa at inihiwalay din ang documents for employees promotion and for interview na ipinadala ng HR kanina. Too bad at hindi si Sandra ang nag-punta para dalhin iyon. Dahil nais niya sana itong asarin pa. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang ma-hire siya bilang secretarya ng kaniyang boss. At sa loob ng dalawang linggo na iyon ay nakita niya kung paano kumilos ang kaniyang boss dito sa opisina. Hindi lang iyon pati ang mga tao na nakapaligid sa kaniyang boss. Si Raven, low key lang siyang boss. Subsob sa trabaho at talagang hard working. Hindi nito pinapasa ang mga trabaho sa iba kahit pa na ito ang boss. Bukod sa alam niyang panganay itong anak ng mag-asawang Salazar, at bata pa ang nag-iisa nitong kapatid kaya wala itong katuwang sa pagpapatakbo ng negosyo. Ay ang pagiging masipag nito at katalinuhan ang dahilan din ng paglago ng mga kumpanya ng Salazar. Ngunit bukod doon ay wala na siyang alam tungkol sa kaniyang boss. Oo, Strict ito pagdating sa trabaho at wala naman problema basta ginagawa mo ang trabaho mo ng husto. Ngunit dalawang linggo pa lang naman ang lumilipas, alam niyang marami pa siyang malalaman tungkol rito. Mas makikilala ito at kapag nagawa niya iyon ay mas mapapadali ang kaniyang trabaho. Napangiti si Hestia habang sino-sort ang mga documents. Naisip niya na ma-suwerte siya dahil mabait ang boss niya. Tahimik man ito at malimit siyang kinakausap ay thankful siya dahil madali itong kausap at hindi matapobre hindi tulad ng ibang boss na nag-interview sa kaniya, sa mga trabaho na hindi naman siya kinuha. Napa-angat ang kaniyang tingin nang marinig ang katok mula sa pinto. Pagtingin niya ay nakita niya si Ms.Kelly iyon kasama si Ms. Camile ng treasury. Pansin niya na madalas na magkasama ito, mukhang close ang dalawa." Nginitian niya ang dalawa at tumayo. "Hi, Goodmorning, what can I do for you two? are you looking for Sir. Salazar? sorry pero--" "Okay, Hestia. Magkaintindihan tayo, ikaw talaga ang sadya namin dito." sabat ni Kelly pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Napaturo naman si Hestia sa kaniyang sarili na tila nagtataka. "Ako?" "Oo, ikaw." si Kelly iyon hanggang sa hawakan siya ni Camille. "Kels, wag na kasi. Sinabi ko naman kasi sa iyo sumuko ka na." Umiling si Kelly at napatingin kay Camile. "No, mas mabuti na magkalinawagan kami ni Hestia, Oo siya ang secretary ng Raven ko pero akin pa rin si Sir." Ano raw? kaniya raw si Sir Raven? teka? so may Gusto si Mam Kelly kay Sir Raven? so this is what it's all about? kaya ba lagi umaaligid si Mam Kelly dito sa opisina? Napangiti siya, hindi niya akalain na may ganitong office romance na nagaganap dito sa opisina. Napaisip tuloy siya kung ilan dito sa opisina ang naka-relasyon ng boss niya? naging sila ba ni Mam Kelly? Hindi naman siya magtataka lalo pa at magandang lalaki naman si Sir. Raven. "Kelly, tama na. Eh kung may kababalaghan silang ginagawa ni Sir edi mas okay naman iyon diba? kaysa sa chismis na kumakalat? ibig sabihin n'on na talagang babae ang gusto ni Sir. Dapat doon pa lang ay maging masaya ka na." sabi pa ni Camille kaya napakunot ang noo niya. "Wait? may gusto ka kay Sir?" tanong niya at napahinto ito. "Saka anong kababalaghan ang sinasabi niyo?" Hinarap siya ni Kelly at pinakatitigan siya. "Oo may gusto ako kay Sir. At dapat malaman mo iyon." diretsong sabi nito bago napabuntong-hininga. "At yung kababalaghan naman, alam namin.. alam namin ang ginawa mo para naman pirmahan niya ang cash advance mo. Grabe, akala ko pa naman matino kang employee tapos gagawin mo pala ang bagay na iyon. Kay Sir. Raven pa, at dito pa sa opisina niya." Anong pinagsasabi nitong babaeng ito? ano ba ang iniisip nila? "Ha? ano ba ang sinasabi mo? wala akong alam sa sinasabi mo?" Pagtanggi niya at mukhang hindi iyon tinanggap ng dalawa. "Okay, I admit.. maski ako nagtataka kung bakit niya pinirmahan lalo pa at alam kong kakapalan na nag-cash advance ako. Alam ko na iyon din ang iniisip niyo. Pero nag-makaawa lang ako, lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa na huwag niya akong tanggalin tapos ayon ibinigay na niya sa akin ng pirmado." Napatigil lalo ang dalawa. Napatahimik at umiling. "Nag-makaawa ka? iyon lang? hindi mo siya chinupa?" tanong ni Kelly. Si Hestia naman ang napakunot ang noo. Hindi niya maintindihan ang huling salita na sinabi nito. "Anong chinupa? ano iyon?" Nagkatinginan ang dalawa ay natawa. Sunod ay lumapit sa kaniya si Kelly at bumulong. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig kung ano ang ibig-sabihin ng salitang iyon. Pakiramdam niya ay tumaas lahat ng balahibo niya sa katawan nang marinig niya ang kung ano ang iniisip ng mga ito na ginawa niya kaya pumayag si Sir Raven na pirmahan ang form niya. "Hindi! diyos ko lord! hindi! walang ganoon! yuck-- eww ! grabe naman bakit niyo naman naisip na ginawa ko iyon kay Sir--- diyos ko! naiisip ko pa lang tumatayo na balahibo ko." aniya pa kaya napatitig sa kaniya ang dalawa. "So walang gano'n? hindi mo ginawa iyon kay Sir? wala kayong kababalaghan na ginagawa rito?" tanong ni Camile sa kaniya at agad siyang napailing. "Nakita kasi namin na nakaluhod ka at nag-tataas baba ang ulo mo--" "Shhh!" tutol niya dahil halos kilabutan siya. "Hindi walang ganoon na nangyari. Nagmakaawa lang ako sa kaniya. Walang ka-dugyutan na naganap. My god! bakit niyo naman iyan naisip?" Umiling si Kelly, "So? walang chupaan na naganap?" "Wala nga! diyos ko wag mo nang ulitin 'yang saltang iyan." sermon niya pa kay Kelly. Natawa si Camile at napailing. "Mukhang virgin ito si Hestia." Napataas ang kilay niya. Ano ba ang tingin nila sa akin? hindi na virgin? my god! ano ba itong dalawang ito. Ganito ba mga taga Maynila? parang normal na lang na makatikim ng s*x kahit hindi pa kasal? "Huy! virgin pa lahat ng butas ko sa katawan 'no!" aniya. Sunod n'on ay pumalahaw ng iyak si Kelly, humagulgol ito. Hindi niya alam kung iyak ba ito dulot ng saya dahil hindi naman totoo na may ginawa silang kung ano ni Sir Raven. Pero may luha talaga ang mata nito. "Kung ganon? huhu! hindi p'wede!" Napailing siya, hindi na talaga niya ma-gets ito. "Masama ang loob mo kanina kasi akala mo may ginagawa kaming kung ano ni Sir. Ngayon naman na sinabi kong wala, umiiyak ka pa rin? ano ba talaga? what is it this time." Sa sandaling iyon ay si Camile ang sumagot sa kaniya. "Ganito kasi iyon. Nasaan si Sir?" "Kasama si Sir Glen nag-breakfast." dahil sa sinabi niya ay muling pumalahaw ng iyak si Kelly. "Ganito kasi iyan Hestia. Dito kasi sa company, usap-usapan na may relasyon si Sir Raven at Sir Glen. And nung akala namin na pinatos ka ni Sir at chinu--" napatigil ito sa pag-mention ng salitang iyon dahil pinigilan niya ito. "Ayon, nung akala namin na ginawa niyo iyon ay nasaktan si Kelly but doing that also kahit papaano ay umasa siya na magkakagusto sa babae si Sir Raven. Pero sabi mo nga, hindi niyo ginawa so that's mean na wala nang pag-asa. Na bakla talaga si Sir Raven." Napaawang ang kaniyang bibig at hindi makapaniwala sa sinabi ng dalawa. Dahil sa dalawang linggo na pamamalagi niya rito ay hindi sumagi iyon sa isip niya. "Teka? anong sabi niyo? bakla si Sir Raven?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD