Chapter 7

2226 Words
Pumasok si Raven sa kaniyang opisina at ang malapad na ngiti ng kaniyang secretary ang bumungad sa kaniya. She's grinning from ear to ear. Okay lang sana nung una ngunit habang tumatagal ay parang may iba na sa ngiti nito. Bakit ganito ang tingin ng babaeng ito? may dumi ba ako sa mukha? Pa-simple siyang tumalikod at pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang panyo, dahil baka may naiwan ng bakas na pagkain ang kaniyang labi. Nagmamadali kasi siya na makabalik. Isa pa, kung kanina pa man may dumi ang mukha niya hindi rin naman iyon sasabihin ng kaniyang tarantadong kaibigan na si Glen, na walang ibang ginawa kanina sa cafe kundi tignan ang mga waitress na nag-aasikaso sa kanila. At dahil din nakikipaglandian ito kaya hindi siya nakabalik agad. Napatingin siya sa kaniyang panyo at wala naman siyang nakitang dumi kaya muli siyang napalingon sa kaniyang secretarya. Nakangiti pa rin ito sa kaniya kaya naman ay nagsalita na siya. "Anong meron? bakit ka nakangiti?" tanong niya at mas lalong lumapad ang ngiti nito. Now she looks more scarier. "Wala po, Sir! welcome back po!" Masayang sabi pa ni Hestia pagkatapos ay kinuha ang ipad na sa mesa. "The board meeting will start in 10 minutes, Sir. The board room is ready and everyone is there na po. I'll let them know that you're here now." Pagkasabi n'on ng kaniyang secretarya ay tumango siya at pumasok sa loob ng kaniyang opisina para kunin ang kaniyang laptop, pero wala na ito sa mesa. Muli ay narinig niya na nagsalita ang kaniyang secretarya. "Nasa board room na po ang laptop niyo, Sir. Everything you need, Sir ay naka-ready na. Even the reports are there na po." sabi pa nito na agad na ikinamangha niya. "Ikaw na lang Sir ang kulang." "Good. Let's go then." Lumabas siya ng kaniyang opisina at hindi maiwasan na mapatingin sa lamesa ni Hestia. Nakita niya ang mga documents na nakapatong sa ibabaw. "What are those?" Lumingon si Hestia at napatingin sa tinuturo niya. "Ah, mga documents Sir for signing niyo po. I already informed the departments na mamaya po sila makakakuha ng updates after niyo po mapirmahan. Pinaghiwalay-hiwalay ko na po iyan, Sir. Yung mga kailangan pong pirmahan na urgent at yung mga kailangan mo pa po na reviewhin." Tumango siya, ngunit hindi na siya nagsalita pa at nagpunta na sa board room kung saan naghihintay ang lahat sa kaniya. At kagaya ng sinabi nito kanina ay nakaayos na nga at naghihintay ang lahat. He admit, he's impressed. Pero ilang linggo pa lang naman ang lumilipas. He know's nagpapasikat lang ito. Tignan natin kung consistent. --- "He's gay." ani ni Hestia kay Danica pagkatapos ay inilagay ang ilang inumin sa tray. "What? bakla boss mo?!" hindi rin naman makapaniwalang tanong ni Danica sa kaniya na siyang kumuha ng tray. Si Danica ay isa sa mga kasama niya sa kwarto kung saan siya naka bed space. Ito yung nagta-trabaho sa casino bilang dealer, at sa gabi naman ay nag-sa-sideline ito sa sports bar kung nasaan siya ngayon. Ang kasintahan ni Danica ang manager ng sports bar na ito at nangailangan sila ng mga on-call waitress nitong nakaraan. Naghahanap kasi siya ng sideline pandagdag sa kita niya at ma-suwerte na naisama siya nito sa raket na ito. She's working here for a week now. Na pagtapos ng kaniyang trabaho sa company ay uuwi lang siya, magpapahinga saglit habang hinihintay si Danica para sabay na silang magpunta rito sa sports bar. Mabilis niyang nakagaanan ng loob si Danica lalo pa at marami silang pagkakatulad nito. Na bukod sa taga probinsya ito ay bread winner din ito na nagti-tiyaga sa ilang trabaho upang magpadala sa pamilya sa probinsya. Kaya naman madalas silang mag-kuwentuhan. At minsan na nilang topic ay ang Boss niyang si Raven. "At first, ayaw ko pang maniwala sa kanila. But matagal na sila sa company, at malamang sila talaga ang mas nakakakilala kay Boss. Kaya naman I'm sure legit." aniya pa kay Danica na tila siguradong-sigurado siya sa kaniyang sinasabi. "Pero ikaw ang nakakasama niya sa office, 'di ba? so hindi mo napansin?" tanong ni Danica bago naupo sa tabi niya. Umiling siya. "Hindi, bago pa lang ako at hindi naman kami masyadong nagkikibuan ni Sir. Maliban na lamang kapag may pag-uusapan kami about sa meeting. Pero aside roon wala na. Pero na-realized ko na, baka nga siguro lalo pa pansin ko medyo masungit nga siya at sobrang linis sa katawan pati sa paligid niya. Ayaw n'on makalat eh." "Iyon lang ang basis mo? grabe judgemental naman, baka naman talagang malinis lang siya at likas na masungit? mga snob at parang seryoso type lang. Noong kinukwento mo nga sa akin naiimagine ko na ang gwapo-gwapo ng boss mo eh, parang yung tipo na pa-mystery lang, Mr. Masungit pero yummy. Alam mo ba sabi nila? kapag mga ganyan na tahimik daw at masungit iyan daw yung masarap habul-habulin. Saka mas daks daw." "Daks?" tanong niya na tila hindi maintindihan ang sinabi ni Danica. Natawa si Danica. "Hindi mo alam ang ibig-sabihin ng daks?" tanong nito at tumango siya. "Daks, ibig sabihin malaki ang kargada. Etits... or malaki ang titi." Halos pamulahan ng mukha si Hestia sa sinabi nito. "Huy bunganga mo!" aniya at mas lalo pang natawa si Danica. Ano ba itong mga salita na nalalaman ko? Una chupa ngayon kargada. Parang mali ata ang mga choice of people na kinakausap ko ha? "Sinagot ko lang ang tanong mo kaya." Hindi niya alam pero biglang pumasok sa isip niya ang sandali na matapat ang mukha niya sa pagitan ng hita nito noong nagmamakaawa siya rito. Medyo mukhang malaki nga dahil naramdaman ko sa pisngi ko. Napasapo siya sa kaniyang mukha at umiling. Pilit na inalis sa kaniyang isipan ang nangyaring iyon. Tumigil ka nga Hestia, hindi mo dapat iniisip iyon. Kalimutan mo na iyong nakakahiyang ginawa mo. Kung biniyayaan naman ng malaking kargada ang boss mo, wala kang pakialam doon lalo pa at hindi tama na imaginin mo kung gaano kalaki yung kaniya. "Sabi rin nila may relasyon sila nung Glen, yung lagi niyang ka-meeting. Siguro nga meron. Lalo pa at laging nandoon iyon sa office at lagi niyang kausap." "Kung ganon, sayang naman pala ang boss mo. Parang bet ko pa naman sana kayong dalawa. Sasabihin ko sana na akitin mo, kahit one night stand lang, tignan mo kung malaki talaga." "One night stand?" tanong niya ulit kay Danica. "One night stand, yung mag-si-s*x kayo ng isang beses lang, no strings attached. No feelings involved. Tikman mo lang once." diretsong sagot nito kaya muli na nanlaki ang mata ni Hestia. "Seryoso? Saang mundo ka ba galing? Bakit hindi mo alam iyon? Wala ka bang friends?" "Sa Christian School ako graduate at wala rin akong friends." Sagot niya dahil iyon ang totoo. "Pero may ganon pala?" tanong niya na tila hindi makapaniwala. "Sa ganon kami nagkakilala ng boyfriend ko, parehas malungkot, naisipan na tikman ang isa't-isa without any feeling involved. Pero iyon, nasarapan, hinanap-hanap at niligawan na nga ako." May ganon pala? iba talaga sa Maynila. Pero bakla si Sir? paano ko naman siya titikman? Nanlaki ang mata niya sa bagay na nasa kaniyang isipan kaya mabilis niyang sinaway ang sarili. Hoy Hestia? bakit may plano kang tikman ang boss mo? naku! erase! erase! tigilan mo iyan. Bakla si Sir at may boyfriend siya! Saka hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na iyan. Dapat ang iniisip mo ngayon ay ang kumita pa ng mas maraming pera dahil kapag tumawag ang Nanay mo at wala kang naibigay ay makakarinig ka na naman ng mga katakot-takot na salita sa kaniya. Aniya pa sa kaniyang sarili. Mabuti na lang talaga at may raket siya ngayon, idagdag pa na malaki mag-tip ang mga customer rito sa sports club na pinapasukan niya. Kahit papaano ay malaking tulong iyon para pandagdag niya. "Naku, ah basta. Bakla man si Sir or hindi. Ang importante ay mabuti siyang boss. And as long as he's good to me, wala akong problema sa kaniya. At sana lang din mag-conflict itong trabaho ko sa fulltime ko." aniya kay Danica. "Ay! wait speaking of side line, gusto mo pa mag-side line? May friend ako na nangangailangan sila ng companion para sa matatanda--" Hinampas niya si Danica at pinanlakihan ng mata. Natawa ito at umiling. "Gagi! hindi pang-popokpok iyon, companion lang, like sasamahan mo sila kung gusto nila mag-punta sa grocery o kaya mag-golf or kapag may party. Babae or lalaki, saka mababait matanda roon wag kang mag-alala." Taray? may ganoong trabaho? "Sige sabi mo okay iyan, basta hindi ako magkakaproblema diyan ha?" "Ako ang bahala sa iyo. Promise, okay iyon." --- Napahikab si Hestia habang tinitignan ang schedule ng kaniyang Boss. Puyat siya at ramdam ang pagod matapos ng kaniyang raket kagabi. Maliban kasi sa raket niya sa sports club ay pinatos niya na rin ang sinasabing isa pang raket ni Danica. Ayos din naman pala ang raket na iyon ay hindi ganoon kahirap. Isang companion lang naman at madalas nagpapasama lang kung saan-saan ang mga mga client niya. Karaniwan sa mga ito ay matatandang mayaman na sa sobrang busy ng kanilang mga anak at apo ay nagbabayad na lang sila ng tao na makakasama nila kahit saglit lang. Ang ilan kasi sa mga ito ay denial pa na kailangan nila ng caregiver or stay in assistant kaya naman ay nag-ha-hire na lang sila ng part time personal assistant or companion ika nga. At ang client nga niya kagabi ay nag-organized ng movie night kasama ang mga kaibigan nito sa pagmamay-ari nitong club house, kaya naman ay madaling araw na siyang nakauwi. Pangatlo na ito sa mga naging client niya. Yung una isang matandang lalaki lang na nagpasama lang habang nag-go-golf. Ang pangalawang client naman niya ay babae at nagpasama sa kaniya sa mall upang mag-shopping. At ang pangatlo nga ay ang kagabi na nagpa-party at nanuod ng mga 70's movies kasama ang mayayaman din nitong mga kaibigan. Grabe talaga ang mga trip ng mga mayayaman. Kapag walang time sa iyo ang pamilya mo, kaya nila na mag-hire lang ng taong sasama sa kanila. Kaibahan pag mahirap ka. Alis ng isa, sasama lahat. Party ng isa, pati buong baranggay pupunta kahit 'di mo naman kilala, makiki-party. Minsan kahit na ayaw mo ng kasama mamimilit pa rin na sumama, basta lang makalibre. Pero hindi naman siya nagrereklamo sa trabaho niya kagabi. Nag-enjoy nga siya eh, ang laki pa ng tip na ibinigay sa kaniya. Kailangan niya iyon lalo pa at tumawag na naman ang Nanay niya at naghahanap ng padala. Kaso ito nga puyat siya at halos wala pang 3 hrs ang tulog. "Ms. Coronel, I'm asking you if you're okay." "Ay, Pekpek!" Gulat niyang sabi nang hindi napansin na nasa harap niya pala ang Boss Raven niya. Agad siyang napatigil nang mapansin ang kaniyang sinabi. "Ay, Sorry sir!" Aniya pa bago kinusot ang kaniyang mata. Bibig kong ito talaga! "Are you okay? You look pale." "I'm fine, Sir. Umm ano lang napuyat lang po kasi ako sa bagong K-drama na pinapanood ko kaya ito po. Pero I'm alright Sir! Ready for today!" Aniya pa bago napatayo at malawak ang ngiti kay Raven. Tinignan siya nito simula ulo hanggang paa. "Get home." "Po?" Nagtataka niyang tanong. Teka? Nagalit ba siya kasi puyat ako kaya pinapauwi niya ako? "Sir, promise I'm fine.. keri ko po mag-trabaho today." Umiling si Raven. "No, get home ang rest. Aalis din ako. I'm flying to Shanghai in 2 hours. Kasama ko si Glen." Teka? May date na naman sila ni Glen? Paano ang mga meeting niya today? "Sir? Paano yung mga naka-sched mong meeting today?" "I texted you to cancel it. Hindi mo nabasa?" Masungit na tanong nito kaya dali-dali niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Hindi niya pa nabasa ang message nito lalo pa at abala siya sa pag-aayos ng sched nito. "Sorry, Sir. Sige po, noted po. Kailan po ang balik mo, Sir? Para maayos ko po agad ang sched mo." "I'll be back tomorrow afternoon, so re-sched all my meetings on friday." Ang taray talaga pag mayaman. Parang ginagawang kabilang kanto lang ang ibang bansa. "Noted, Sir. I-si-send ko na lang po sa iyo ang updated schedule mo po." Tumango si Raven at pumasok sa kaniyang office. Ilang saglit lang ay lumabas na ito. Parang may kinuha lang siya roon. "Go home, sa bahay mo na iyan gawin." Sabi nito at tumango siya. Sunod ay may inabot ito sa kaniya. "And do me a favor." "Sure, Sir! Ano po iyon?" "Can you look for a cleaning agency? Gusto kong ipalinis yung condo ko ngayong araw. Ito ang address ng condo ko. Hindi ko gusto yung linis nung naglinis kahapon kaya ipapalinis ko ulit." Inabot nito sa kaniya ang 10 thousand pesos. "Here's the money. Ikaw na ang bahala." Nanlalaki ang mata niya na tinignan ang pera. "10k para sa maglilinis, Sir?" Tumango si Raven. "Yes, sige na I need to go." Nang makaalis si Raven ay agad siyang nag-hanap ng cleaning agency. Ngunit walang available ngayon. Kaya naman ay napabuntong-hininga na lang siya at napatingin sa pera. Sunod ay lumapad ang kaniyang ngiti. Tanga ka, kailangan mo ng pera 'di ba? Bakit hindi ka na lang ang mag-linis? Ten thousand pesos. Easy money, maglilinis lang naman siya. Now she's grinning from ear to ear. "Hindi naman siguro magagalit si Sir,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD