Chapter 8

2543 Words
Napatingin si Hestia sa gate ng subdivision na nadaanan nila. Iginala niya rin ang kaniyang tingin sa paligid ng subdivision habang nasa loob siya ng taxi lalo pa at talagang napakaganda ng mga bahay sa subdivision na ito. Ang laki ng mga bahay at ga-garbo rin. Hindi pala bahay kundi mga mansion ang mga nakatayo rito, at may malalawak pa na garden. "Naloka naman ako kay Sir, akala ko ba unit lang ang ipapalinis niya? eh mukhang mansion ata ang madadatnan ko rito na tirahan niya?" aniya pa at napatingin sa kaniya ang driver ng taxi. "Mayaman Boss mo, Ineng ano?" tanong nito at tumango siya, "Exclusive ang subdivision na ito, kaya rin tayo hiningian ng pass kanina. Nakapag-hatid na rin ako rito noon, pero malimit lang dahil hindi naman nasakay mga mayayaman sa taxi. Kaya sure ako mayaman ang boss mo." Tumango si Hestia habang naka-ngiti. "Medyo po," mahinang ani niya, ngunit napa-isip din kung dapat niya bang sinagot ang tanong nito. Hindi naman siguro ako ki-kidnapin nito 'no? tapos ipa-tubos kay boss Raven? kasi sure ako na hindi naman ako tutubusin n'on. Umiling siya upang alisin sa kaniyang isipan ang naisip, kahit pa na kinakabahan na siya. Sa wakas ay nakita niya na ang karatula ng sreet kung nasaan ang bahay ni Raven. "Manong, kaliwa po tayo." aniya at sinunod naman ito ng driver. Hindi kalaunan ay nakita niya ang number sa address nito at doon na nga pumara. "Manong, ito po bayad, salamat po." Pagkatapos niyang magbayad ay bumaba siya bitbit ang ilan sa mga cleaning materials na binili niya. At nang tumapat na nga siya sa gate ng bahay ni Raven ay muli siyang namangha sa kaniyang nakikita. Napaka-laki ng bahay nito. Modern style two storey house na may malawak din na garden. Gawa sa glass ang bahay, ngunit hindi kita ang interior. "Wow grabe! super yaman talaga!" aniya pa bago sinuksok ang card sa gate dahilan para bumukas iyon. Halos kumislap ang kaniyang mga mata habang patuloy niyang iginagala ang tingin sa paligid. Sa magazine at telebisyon niya lang kasi nakikita ang ganitong bahay. Simula naman nang mapadpad siya sa Maynila ay puro building at apartment complex lang ang kaniyang nakikita. Ni hindi niya nga alam na may ganitong subdivision pala sa Maynila. Nasa puso ng siyudad at napapaligiran ng mga high rise building ang napakahandang lugar na ito. Tila isang paraiso sa magulong paligid. Pumasok siya sa loob at agad na bumungad sa kaniya ang mga sports car na pagmamay-ari ni Raven. "Wow! grabe! ang ganda!" aniya pa lalo pa at never pa siyang nakakita ng ganito kagandang sasakyan. Sunod ay pumasok sa may sala. "Ay puki!" gulat niyang sabi nang biglang bumukas ang mga ilaw. Hindi niya akalain na automatic ang mga ito kaya naman ay namangha siya. Ngunit habang tinitignan ang loob ay mas lalo niyang napagtanto na kung napakaganda sa labas ay mas lalong napakaganda sa loob. Mukhang mamahalin ang mga gamit, parang sadya lahat ng gamit nito sa loob. May TV sa harapan na napakalaki, parang sinehan ang dating. Ngunit kung mamamangha siya sa parte ng bahay ni Raven ay wala ng iba kundi sa napakalaking aquarium dito sa gitna ng bahay. "Aquarium o terarrium ba ang tawag rito?" walang laman na tubig iyon sa loob pero maganda ang pagkaka-landscape. Parang isang kagubatan sa loob ng bahay nito. May mga rock formation at iba't-ibang halaman. May mist din na nanggagaling sa may gilid kaya nagmumukhang may fog ang loob noon. Ang sarap lang pagmasdan, nakaka-relax. "Grabe, iba talaga ang mga mayayaman, kayang dalhin ang jungle book sa bahay nila--ah! ahas!" sigaw niya nang makita ang isang ahas sa loob ng aquarium. Hindi iyon kalakihan ngunit ibang klase itong ahas kung ikukumpara sa mga ahas sa bukid na nakikita niya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at pilit pinakalma ang sarili dahil sa gulat, "Hindi naman siguro ito makakalabas hindi ba?" tanong niya at tinignan ang aquarium at wala naman pwedeng labasan ito. "Meow" Rinig niyng tunog ng pusa na lumingkis sa paa niya. Nagulat pa siya dahil akala niya ay ahas iyon lalo pa at kakaiba ang kulay nito. Parang coat kasi ng ahas ang disenyo ng balahibo nito. Pero Nakakita na siya ng ganitong pusa sa famebook kaya naman ay hindi na siya masyadong nag-panic. "Hi! ang cute mo naman." aniya "Meow.. meow.." sabi pang ingaw ng pusa kaya naman ay lumuhod siya para i-pet ito. "Gutom ka ba? tara pakainin kita." aniya at tumayo upang magpunta sa kusina. Pero bago pa man niya hanapin ang kainan nito ay nakita niya na iyon. Isa iyong automatic feeder kaya hindi na niya kailangan lagyan ng pagkain iyon. "Oh may food ka naman pala eh." aniya pa sa pusa at hinimas iyon. Pagkatapos ay umalis na ito at nagpunta sa puno na nasa gilid ng sala at doon nag-laro. "Ang ganda ng bahay ni Sir, No wonder kung bakit laging fresh iyon kapag pumapasok. Ang ganda at ang komportable ng bahay niya eh. Sana all. O siya, makapaglinis na nga." muli niyang iginala ang kaniyang paligid sa silid. "Parang wala naman akong lilinisin na, maayos naman ang bahay niya." aniya pa at naisipan na magpunta sa itaas. Pagkarating sa itaas ay nakita niya na halos wala na rin aayusin, maayos naman ang bahay ngunit talagang maselan ang kaniyang boss pagdating sa paligid nito kaya naman ay mas sinuri niya ang bahay nito. Napansin niya nga ang mga alikabok na nasa gilid-gilid. Mga dumi na nasa ilalim ng mga kagamitan at mga rug na mukhang hindi nilinis nang cleaning service na na-hire nito nung una. "Kaya naman pala pinapa-linis niya ulit. Siguro ay simulan ko muna rito sa itaas pababa ng bahay para mas madali." Sinimulan na niya na linisan ang pangalawang palapag. Sa receiving area sa labas, sa reading room nito na isang home office rin at ang gym nito sa pangalawang palapag. Ang kwarto na laman nito ang kaniyang hindi nalilinisan sa ikalawang palapag kaya naman ay iyon ang kaniyang pinuntahan. Binuksan niya ang silid at pagkabukas n'on ay ang amoy ng Boss Raven niya ang kaniyang nadatnan. Napangiti siya, amoy baby powder na pinaghalong amoy perfume na mamahalin. Iginala niya ang kaniyang tingin sa paligid, hindi masyadong magulo ang silid nito ngunit may mga ligpitin. Marahil ay nang nag-impake ito para sa out of the country niya ay hindi na nito nailigpit pa ang ilan sa mga damit na nagkalat. Dinampot niya iyon, isa-isa hanggang sa may pumukaw sa kaniyang pansin. Color pink iyon na lace, mukhang lace underwear. Kaya naman ay dinampot niya iyon gamit ang dalawa niyang daliri na tila diring-diri. Aba mamaya gamit na ito ano? Napakunot ang noo niya, "Teka? sa girlfriend ba ito ni Boss?" tanong niya ngunit agad siyang napangiti nang may maalala. "Or kay Boss?" lumapad ang kaniyang ngiti at dinampot pa ang isang lace bra na color pink sa sahig. "Taray naman ni Sir. Raven! buti pa siya ay may panty at bra na ganito? haha yung akin Soen lang eh." sambit niya pa at itinupi iyon. Habang inaayos niya pa ang ilan sa mga damit na nagkalat ay hindi niya maiwasan na mapangiti at maimagine ang boss Raven niya na nagsusuot ng mga ganitong damit. Nakikita niya sa kaniyang isipan na naka-damit ito na pang-babae. Pero kahit na ganoon ay masaya siya para sa kaniyang boss. Naisip niya na kailan kaya ito maglaladlad?. Masaya ako at tanggap kung ano man ang kasarian ni Boss Raven. Basta kung saan siya masaya ay susuportanhan ko siya. --- Tinignan ni Raven ang kaniyang phone nang makita ang notification mula sa bahay niya na may tao roon. Kanina pa iyon at ngayon niya lang napansin. Dahil madalas siyang wala sa bahay ay pinalagyan niya talaga ng mga camera ang loob at labas ng bahay niya para ma-monitor iyon lalo na ang kaniyang alagang pusa na si Peach. Naalala niya ang utos niya kay Hestia tungkol sa pagkuha ng cleaning lady na maglilinis ulit ng bahay niya. Ngunit ay hindi iyon ang nakikita niya sa camera na nakalagay sa bahay niya. Dahil ang nakikita niya ngayon ay si Hestia na siyang naglalampaso ng sahig. Hindi gamit ang mop kundi ang isang basahan. "Anong ginagawa ng babaeng ito?" aniya at sinubukan na tawagan ito. Ngunit walang sumasagot. Marahil ay hindi nito naririnig ang tawag niya kaya naman ay ibinaba niya ang tawag at tinignan ang mga camera sa loob ng bahay niya upang hanapin si Hestia. Pwede kasi niyang tawagan ang camera na nasa bahay niya at agad siyang maririnig nito. Nakita niya ito na nasa living room, ngunit ay natutulog na para bang pagod na pagod na maglinis. Katabi pa nga nito si Peach kaya napakunot ang noo niya lalo pa at napaka-ilap ng pusa niya pagdating sa ibang tao. Napangiti siya at ibinaba na lamang ang telepono. Kakausapin niya na lang ito mamaya pag-uwi niya. --- Wala na si Hestia nang makarating siya sa bahay niya, marahil ay umalis na ito kanina pa. Dapat kasi ay bukas pa siya uuwi ngunit hindi siya komportable sa hotel na pinuntahan nila ni Glen lalo pa at puro babae ang mga kasama nito, kaya naisipan na niyang umuwi ngayon. Tinignan niya ang paligid ng bahay niya. Sinuri ang mga parte na madalas na hindi nalilinisan ng inuupahan niyang maglilinis. At aaminin niyang nabilib siya dahil lahat ng sulok ng bahay ay malinis. Pati ang mga ilalim ng carpet ay nalinis nito. Pati ultimo si Peach na pusa niya ay bagong ligo. Dinampot niya si Peach at umakyat siya sa itaas at natagpuan na maayos na ang kaniyang kwarto. Wala na ang mga nagkalat na damit sa sahig na ikinalat ni Glen. Ngunit pumukaw sa pansin niya ang color pink na kapiraso ng damit sa ibabaw ng sofa. Tinignan niya iyon at inihagis nang mapagtanto kung ano iyon. "Tangina! kanino ito?" aniya pa, nang maalala ang pares ng underware na hinagis ni Glen mula sa bag nito na maaring pagmamay-ari ng isa sa mga babae nito. "Gago talagang lalaki iyon!" -- "Bayad po, Manong. Salamat po." aniya pagkatapos ay inabot ang bayad sa taxi na sinakyan niya. Nang mapansin na parang nagkakagulo ang mga tao sa paligid. Agad siyang nagtaka kung anong mayroon at nagkakandarapa ang mga tao. Naisip niya na baka may away kalye na naman na nagaganap dito sa lugar malapit sa inuupahan niya. Naglakad siya papunta sana sa eskinita papunta sa apartment building kung saan siya nakatira ngunit sirado iyon at may mga nakaharang na pulis. "Sir, hindi po ba pwedeng pumasok? diyan kasi ako nakatira eh." aniya pa sa isang pulis. Umiling ito, "Hindi pa p'wede, Miss. Hanggat hindi naaapula ang sunog ay hindi kami pwedeng magpapasok kahit residente." Dahil sa sinabi nito ay biglang kumabog ang dibdib niya, napasapo siya sa kaniyang bibig at napatingin sa lugar kung saan may malaking usok. Napailing siya na mapagtanto na ang mismong apartment na inuupahan niya ang nasusunog. "Hindi! hindi maari!" aniya at nagpumilit na pumasok sa eskinita, ngunit kagaya nga ng inaasahan ay pinigilan siya ng mga pulis. Kanya-kanya ang mga naroon na iligtas ang kaya pa nilang iligtas na mga gamit. Ma-swerte pa nga sila at may nailigtas. Samantalang siya ay bukod sa mga dala niya at suot niya ngayon, ay wala siyang nailigtas lalo pa at nasa apartment lahat ng gamit niya. Napasapo na lamang siya sa kaniyang mukha at napaupo sa tabi. Hindi niya mapigilan na umiyak dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Yung ibang pera niya ay naroon sa apartment. Pera iyon sana na ipapadala niya sa pamilya niya. "Hestia!" rinig niyang boses ni Danica kaya napaangat ang tingin niya rito. Kumaripas si Danica papalapit sa kaniya, halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Danica.. yung apartment daw nasusunog.." aniya. Tumango si Danica. "I'm trying to call you pero hindi ka sumasagot. Sa silid na katabi natin nagmula yung sunog. May sumabog, then the next thing pinalabas na kami lahat. Tapos nakita namin inaapoy na nga yung buong silid. Ayon, nag-panic kaming lahat at mabilis na lumabas." Muling napasapo si Hestia sa kaniyang mukha, hindi alam kung paano na. Hindi niya rin agad nabasa ang mga mensahe nito dahil na-lowbat siya. "Yung mga gamit ko, wala na mga gamit ko.." "I know, wala rin akong nadala, binitbit ko na lang yung bag ko na pang-pasok at naiwan na yung iba. Baka nga kay jowa muna ako mag-stay. Pero ikaw? saan ka titira ngayon? Teka gusto mo pakiusapan ko si--" Umiling si Hestia, "I'm fine. Kaya ko ang sarili ko. May mapupuntahan naman ako eh. Ayos lang ako." --- Halos maubos na ang luha niya kakaiyak. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Gabi na ngunit hindi pa rin niya alam kung saan siya tutuloy ngayong gabi. Pero hindi iyon ang nasa isip niya kundi ang mga gamit niya at ang natirang pera. Wala siyang damit na maisusuot bukas. Ang tangging mayroon lang sa kaniya ngayon ay damit niyang suot. Alanganamang ito ang suotin niya bukas? Nasa kanya ang pera na pambayad sa paglilinis. Kaunti lang iyon kung iisipin at kailangan niya iyon tipirin lalo pa at matagal pa ang s'weldo at kakaltasan pa ang s'weldo niya dahil sa cash advance niya. P'wede siyang tumuloy sa motel ngayong gabi, pero alam niya na ang gagastusin niya roon ay malaki rin ang maibabawas sa pera niya. Kailangan niya rin bumili ng bagong damit. Kung kukuha naman siya ng bagong apartment kailangan niya ng pera na pang-advance at deposit. Kailangan niya nang mahihiraman, at alam niya na hindi siya papahiramin ulit ng Nanay niya lalo pa at umaasa rin ito sa padala niya. "Huwag na lang kaya akong mag-motel? Sayang din 'yon." Aniya pa at napatingin sa daan. Hindi na lang ako matutulog. Kaya ko pa naman mag-puyat hanggang bukas, sa office na lang din ako makikiligo. At bukas ko na iisipin ang mga bagay-bagay. Sabi niya iyon sa kaniyang isipan para kumalma siya. Pero kahit na iniisip niya na magiging maayos lang ang lahat ay alam niyang hindi iyon gan'on kadali. Nag-ring ang kaniyang cellphone. Mabuti na lang at nakapag-charge siya sa tindahan dito sa malapit. Muling tumunog ang cellphon niya, tinignan niya kung sino iyon at nakita na tawag iyon mula sa kaniyang Nanay. Hindi niya iyon sinagot dahil alam niya ang sasabihin nito. Ilang saglit lang ay nakita niya na nag-text ito at tama nga siya dahil nanghihingi na nga ito ng padala. Napasapo na lamang si Hestia sa kaniyang mukha at hindi na naman napigilan ang pag-iyak. Hindi alam ang gagawin. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Pakiramdam niya ay wala siyang malalapitan sa sandaling sobrang kailangan niya ng tulong. Muling nag-ring ang kaniyang cellphone at sinagot niya iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag, dahil alam niya rin naman na ang Nanay niya iyon. Sa sandaling iyon ay napahagulgol na siyang sumagot. "Nay... Nay please wag ngayon.. p'wede po ba munang huwag muna akong magpadala? Sobrang hirap lang po talaga ngayon.. nasunog yung apartment ko, Nay.. lahat po ng gamit ko nandoon. Wala po akong masuot.. wala po akong matuluyan ngayong gabi.. wala po akong malapitan--" "Nasaan ka?" Napahinto si Hestia dahil hindi iyon ang boses ng Nanay niya. Agad niyang pinunasan ang luha niya. "Boss Raven?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD