Chapter 1

2651 Words
"Anak, ano? nakapagpadala ka na ba? kailangang-kailangan na namin ng pera," tanong ng kaniyang ina na ngayon ay kausap niya sa telepono. Napangiwi si Hestia sabay napailing. Hindi niya alam kung papaano siya mag-pa-paliwanag sa kaniyang ina. Isa pa, napaka-wrong timing na tumawag ito sa kaniya ngayon. "Pasensya na, Nay. Pero hindi pa po, pero su-subukan ko pong gumawa ng paraan ngayon, promise," pangako niya ng may hiya. Ni hindi niya nga alam kung matutupad niya iyon, ito rin kasi ang pangako niya sa ina, ngunit hindi pa rin siya nakapag-padala. "Ayan rin ang sinabi mo nitong nakaraan eh, pero ano? wala naman kaming natanggap," bulyaw pa nito sa kaniya. At naiintindihan niya iyon kung bakit tumaas na ang boses nito. Pero anong magagawa niya? wala talaga. "Nay, alam niyo naman ni Tatay na wala pa akong trabaho, hindi ba? inuna ko muna kasi yung pambayad ng inuupahan kong bed space rito, pati na rin yung pamasahe ko at pang-photocopy ng mga resume. Hindi bali, Ma.. may interview ako ngayon araw." Ngayon ang interview niya para sa isang posisyon na ina-applyan niya bilang secretarya. Ang kasama niya sa apartment na nag-ta-trabaho rito bilang receptionist ang nag-timbre sa kaniya na maraming bakanteng trabaho ngayon sa kumpanyang ito na kailangan ng aplikante. Ang totoo nga ay nang makita niya kung gaano kaganda ang kumpanya at kilala iyon ay naisip niya na kahit siguro maging taga-linis lang siya rito, papatusin niya para mag-trabaho lang sa lugar na ito. Ngunit nang malaman niya na may vacant sa position sa secretary ay pikit mata siyang nagpasa ng kaniyang resume. Nagbabakasakali na matanggap siya kahit wala pa siyang experience. Pero sa munisipyo naman ako nag-OJT, bilang secretary ni Mayor, so I think naman ay mataas ang chance ko na matanggap sa trabahong ito. Napatingin si Hestia sa isang aplikante na pumasok ngayon sa interview room. Siya ang pangatlo, siya na ang susunod sa katabi niya ngayon. Imbis na nag-focus siya ngayon sa pag-i-isip sa mga posibleng itanong sa kaniya, ay ito siya nagpapaliwanag sa Nanay niya. Pinanatili niyang mahina ang kaniyang boses."Pero, Nay? Tingin ko talaga na mataas ang chance ko na matanggap dito," paninigurado niya dahil confident talaga siya na matatanggap siya sa kumpanya. Biglang lumabo ang signal sa kaniyang telepono kaya naman ay tumayo siya. "Wait saglit Nay, medyo hindi kita marinig po." Nagtungo siya malapit sa kabilang banda ng office kung saan nakasara ang isang pinto dahil doon medyo lumakas ang signal. Binuksan niya ang loudspeaker ng kaniyang phone para mas marinig ang sasabihin nito. "Iyan, Nay. Mukhang ayos na po ata ang signal. Hindi bali, Nay.. I'm sure makukuha na ako this time. Ako pa ba?" Ngunit ang kasiguraduhan na iyon sa kaniyang isip ay agad na binawi ng kaniyang ina. "Sus! iyan din ang sinabi mo nitong nakaraan? pero hindi ka rin naman natanggap. Pang-ilan mo na bang interview iyan? dalawang buwan ka na diyan sa Maynila, hanggang ngayon wala ka pa rin nahahanap na trabaho? Aba, anak! para lang kaming nagtapon ng pera ng Tatay mo sa pagpapa-aral sa iyo, pero wala rin palang patutunguhan. Ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo eh, masyadong malaki ang pangarap mo, nagpunta ka pa diyan sa Maynila, wala ka rin naman palang asenso?. Kung nanatili ka rito sa probinsya edi siguro may trabaho ka na rito ngayon?. Kung alam ko lang na magiging ganyan ka, aba! sana hindi namin binenta ng Tatay mo yung palayan at yung kalabaw para lang sa pag-aaral mo! eh may silbi pa sayo yung kalabaw kesa sa iyo!" Parang nagsisi si Hestia at inilagay niya sa loud speaker ang telepono niya, napansin niya ang ilan sa aplikante na napatingin sa kaniya, ganoon pa man ay umilag siya ng tingin. Ayaw na lang niyang mag-isip. Isa pa nasanay na rin siya na ganito ang kaniyang Nanay. Ganoon pa mam, hindi niya itatanggi na nalungkot siya sa sinabi ng kaniyang ina, hindi iyon ang inaasahan niya at kailangan niyang marinig sa mga oras na ito. Pakiramdam niya kasi ay nabasag ang pag-asa niya, ang confidence niya na pagbutihan ang interview niya ngayong araw. Gusto niya man sumuko, ngunit hindi pwede. Ako ang panganay, so wala akong choice. "Ms. Coronel?" Rinig niyang tawag sa kaniya ng isang babae kaya naman ay biglang kumabog ang dibdib niya. "Nay, sige na tawag na ako for interview. Tatawag na lang ako mamaya," hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kaniyang ina. Agad niyang pinatay ang tawag at agad na sinundan ang babaeng tumawag sa kaniya. Tipid sa kaniyang ngumiti ito. "May copy ka na ng Resume mo roon, so no need to give another copy to Mr. Salazar, okay? so pwede ka ng pumasok, good luck!" Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pa-goodluck ng babae. Good luck para matanggap siya? o good luck kung matanggap siya?. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa katawan dahil sa sobrang kaba. Ilang beses na siyang nakaranas ng interview. Pero lagi pa rin dina-daga ang kaniyang dibdib sa kaba. Pakiramdam niya ang nanginginig ang paa niya habang papasok siya sa loob ng opisina ng kaniyang magiging Boss. "Good morning s-sir --" Napahinto sa pag-bati si Hestia ng makita ang lalaki na nasa harap niya. Iyan ba ang magiging boss ko? bakit ang gwapo? saka ang hot? parang model kagaya ng mga nakikita ko sa magazine at TV? hindi ako informed na isang nilalang na nakakahulog ng panty ang bubungad sa akin. Ang inaasahan niya kasi ay isang matanda ang magiging boss niya. Yung apelyido kasi nito eh, parang isang masyonda na mahilig maglaro ng golf at laging may nakahandang brandy sa office table niya. Pero nagkakamali siya. Parang napaka-bata nito maging boss? kung titignan ay parang hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Napaisip niya kung ilang taon na ba ito." "S-Sir, umm good morning. I'm Hestia Anya Coronel, y-you will be interviewing me today for the position of executive s-secretary," utal niyang sabi lalo pa at napansin niyang nakatitig ito sa kaniya. Tumango ito at sumenyas, habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Have a seat, Ms. Coronel." tumaas ang gilid ng labi nito. Napa-upo siya sa upuan na katapat ng office table nito, awkward na nakangiti at mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. "I'm Raven Ymir Salazar, The President of Salazar group of companies. I'm going to be your boss, if... you passed the interview." If I pass the interview, yawa naman!parang hindi talaga ako makukuha! Nanlalamig ang kamay niya at halos lumabas na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso sa labis na kaba. "So, Ms. Coronel, nabasa ko na ang resume mo, nakita ko rin na mataas ang grades mo sa University kung saan ka nag-graduate. But hindi familiar ang name ng university, is this on your province?" tanong nito. Agad siyang napatango, ganoon pa man ay agad na pinanghinaan ng loob. Dahil karaniwan ng mga nagtanong sa kaniya ng ganon ay dineretso siyang hindi siya qualified. Dahil lamang sa hindi kilala ang kaniyang pinasukang university. Iyon ang napansin niya nang makipag-sapalaran siya rito sa Manila. Lahat ay nais makakuha ng mga aplikante na nakapagtapos sa mga kilalang university dito. At napakalaking disadvantage kapag galing ka ng probinsya at hindi man lang kilala ang school mo. Madalas kahit hindi naman nakalagay na required na graduate sa isang magandang university ay automatiko pa rin na nasasala ang mga aplikante. Shit! wala na talagang chance, feeling ko bagsak na ako agad. Pag ako hindi natanggap dito! Wala na, I give up! u-uwi na lang ako sa amin. Char! Hindi pala pwede, tiyak! Paluluhurin ako sa asin ni Tatay. "Hestia... The name of the goddess of the heart." sambit nito bago napataas ang sulok ng kaniyang labi. "You're 26 years old.." isang tingin ulit ang ginawad nito sa kaniya. "I notice sa resume mo na, aside na matagal ang gap before you graduated. Is, you don't have any experience? why is that?" seryosong tanong nito sa kaniya. "Nag-stop po kasi Sir na mag-aral noong 3rd year college po ako. And yes po, Sir. I don't have experience po kasi newly grad pa lang po ako and I decided po na magtungo rito sa Manila para maghanap ng trabaho. But Sir, sa munisipyo po ako nag-on the job training bilang secretary ng Mayor, so alam ko naman po ang gawain ng isang secretarya," nakangiting sagot ni Hestia. Ibinaba ni Mr. Salazar ang resume niya. "You said na alam mo ang gawain ng isang secretary, what if I tell you na yung applicant na susunod sa iyo is a graduate in one of the prestigious university here in Manila, isa pa she has 3 years experience bilang secretary ng kalaban kong kumanya. So why should we hire you? instead of her?" tanong ni Mr. Salazar. "U-um ahh.." Wala, ma-utal na naman siya. Alam niya ang isasagot sa tanong na "Why should we hire you?" pero ng samahan nito ng "Instead of her?" at ang her na sinasabi nito ay mukhang halimaw sa credentials at may experience pa, kumpara nga sa kaniya. "What is your answer Ms. Coronel?" tanong ulit ni Mr. Salazar bago napatingin sa kaniyang relo. "Sir, You should hire me, because I am passionate and hardworking, I may not have that kind of experience but I'll assure you that--" "I don't want that answer," putol nito sa kaniya na ikinahinto niya. "Give me a different one, sawa na ako sa ganiyan. So bigyan mo ako ng sagot na makatotohanan, why should I hire you instead of her na may experience bilang secretary ng kalaban kong kumpanya? I want a serious answer from Ms. Hestia, pangalan pa naman ng Goddess ng puso ang pangalan mo, dapat galing sa puso ang sagot mo." Pinakatitigan niya ang lalaki, kinakabahan pa rin siya ngunit tinatanong niya rin sa sarili kung seryoso ba ito sa sinasabi niya. "Gusto mo sir yung seryosong sagot?" Napangiti ito at tumango. Aba! bahala na! siguro ay paiiralin ko na lang ang bunganga ko, "Bakit ako, hindi siya, Sir?" tanong niya na akala mo ay wala siya sa interview. "Aba, Sir! bakit mo naman siya i-ha-hire na secretary mo kung dati siyang secretary ng kalaban mong company? mamaya isa pala siyang spy? hindi naman sa naninira o dahil sa pinag-i-isip Sir, pero paano kung wala naman sa puso niya ang mag-trabaho rito? Unlike me, pagpasok ko pa lang sa pinto ng building, sabi ko na sa sarili ko na gusto ko mag-trabaho rito," tuloy-tuloy niya pang sabi na tila isang tropa lang ang kaniyang kausap. Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Mr. Salazar, "And how come?" "Aba sir bakit naman hindi? eh pag-pasok ko pa lang nakangiti at binati na ako ng guard lalo na ng mga receptionist. Mabait rin ang HR pati yung babaeng nag-asikaso kanina sa aming mga aplikante. Hindi lang iyon, may libre pa kaming iced tea, coffee at cake sa labas. Yung kape niyo hindi 3 in 1, brewed pa tapos kami maglalagay kung gaano karaming gatas ang gusto namin. Tapos pwede pang umulit. Alam mo Sir? never in my entire life na may nag-trato sa aming mga aplikante ng ganon. Madalas kanya-kanya kaming bili ng ice water sa labas dahil hindi man lang kami mabigyan ng tubig sa pinag-a-applyan namin. Akala nga namin kanina nasa seminar kami eh imbis na sa interview. And Sir, we really appreciate it ha? ganito na aplikante pa lang ako, I feel valued, ano na lang kaya pag-naging employee ako rito sa company mo?" Tumango-tango si Mr. Salazar, "So you feel valued, that's the reason kung bakit gusto mong magtrabaho rito? pero balik tayo roon sa dating secretary ng kalaban kong company." Napangiwi si Hestia, babalik na naman sila sa topic tungkol kay Ms. Perfect. Hindi na niya alam ang isasagot niya. "What if, Ms. Coronel, yung isang applicant, tinanong ko rin siya ng why should we hire her instead of you at ang sagot niya ay mas lamang siya and siya ang dapat namin i-hire dahil may information siya tungkol sa kalaban kong kumpanya that will benefit my company?" tanong pa nito sa kaniya. "Ah ganon ba? edi siya na lang. Sige aalis na ako, Sir. Nice meeting you!" Sabi ni Hestia at tinalikuran na si Mr. Salazar. Ano pa bang laban ko? eh mukhang Ms. Perfect nga yung isang aplikante. Siya may special information, ano naman ang itatapat niya roon? special recipe niya ng adobo? Kaya 'wag na lang, tanggap na niya hindi na talaga siya makukuha sa company na ito. "Hey, where are you going? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." "Sir, sige suko na ako, siya na lang ang i-hire niyo. Tutal perfect siya at mas experienced siya kaysa sa akin," aniya pa habang hindi nakatingin kay Mr. Salazar. Napangiti si Mr.Salazar. "Hestia," tawag nito sa kaniya na hindi niya inaasahan kaya napalingon siya sa gwapong boss niya sana. "I want to know your answer." Napabuntong hininga si Hestia. "I think you should not hire her." aniya "Continue." "Kasi, Sir.. kung nagawa niya sa previous company na pinasukan niya iyon, is magagawa niya rin iyon sa company mo." "So are you saying that, she may betray me?" nakataas ang sulok ng labi ni Mr. Salazar na tanong sa kaniya. Tumango si Hestia, "Hindi naman sa naninira, pero nang oras na iyon ang inalok niya para tanggapin mo siya, mali na iyon, because confidential ang bagay na iyon at kahit hindi na siya nagtatrabaho sa dati niyang kumpanya ay wala pa rin siyang karapatan na gawin iyon. Saka isa pa Sir, alam ko naman na hindi niyo i-ha-hire ang kagaya niya, kasi I think hindi ganoon ang kumpanyang ito, and most of all hindi kayo ganoong klaseng boss." Napatahimik si Mr. Salazar, habang nanatiling nakatitig kay Hestia. Umiwas ito ng tingin na tila hindi niya rin alam kung tama ba ang sagot niya, pero tanggap naman na niya na hindi siya matatanggap sa posisyong secretary ng lalaking mahilig magtanog. Kaya ayos lang. "Ms. Coronel, if I hire you? where do you see your self 5 years from now?" tanong pa nito na hindi niya alam kung bakit siya tinatanong ng ganon kasi alam niyang bagsak na talaga siya. Sinagot niya ito kahit wala na talaga siyang pag-asa na natitira. Minsan niya na rin iyon naisip, minsan na rin siyang nangarap kung ano na ba siya 5 years from now. "5 years from now, Sir?. Sana may sarili na akong bahay, or kotse or nakapag-pundar ng negosyo. Pero dahil sa responsibilidad ko sa pamilya ko? I think malabo pa iyon in 5 years. So I think, after 5 years, secretary mo pa rin ako kasi kailangan ko ang trabahong ito for the next 5 years or 10 years. Pero depende iyon kung buhay pa ako non." natatawa niyang sabi bago napatingin kay Mr. Salazar. "Okay, then.. you're hired." sabi nito. Nanlaki ang mata niya at para siyang nabingi. "Sir? totoo ba?! hired na ako?! hindi ka naman nagbibiro hindi ba?" "Nope, I'm serious, you can start tomorrow." simpleng sabi pa nito. Pero dahil sa labis na tuwa ay nag-tatalon si Hestia at mabilis na niyakap si Mr. Salazar. "Sir! thank you! thank you so much Sir! hindi mo alam kung gaano ko kailangan ang trabahong ito kaya thank you po talaga!" masayang sabi niya habang mahigpit ang yakap niya kay Mr. Salazar na hindi rin inaasahan ang kaniyang ginawa. "Ehem.." tikhim nito kaya nahimasmasan si Hestia at agad na lumayo. "Sorry, Sir! Hehe! peace po." "Sige na, lumabas ka na. Don't forget tomorrow, okay? 7:30 sharp dapat nandito ka na." bilin niya pa bago inayos ang kaniyang nagulong kurbata at nagusot na polo. "Sir, kahit 5 am pa, nandito na ako, ako na mag-open nitong kumpanya, walang problema sa akin." sabi pa ni Hestia bago masayang lumabas ng office. Pagkasara ng pinto ay napangiti na lang si Raven nang marinig pa na nagsisigaw ito sa labis na tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD