Pabaling-baling ng p'westo pahiga si Raven sa kaniyang kama, pero hindi talaga siya makatulog. Tanging nasa isipan niya ay kung bakit ang kaniyang secretarya ang naglinis dito sa kaniyang bahay, taliwas sa kaniyang inuutos na kumuha ito nang maglilinis. Aminado siya na bumilib siya sa paraan nang paglilinis nito. Malinis at walang alikabok kang makikita sa kaniyang bahay. Mas maayos iyon kung ikukumpara sa linis ng mga professional house cleaners na kinukuha niya. Subalit hindi pa rin iyon ang iniutos niya, hindi nito sinabi sa kaniya ang dahilan kung bakit siya ang gumawa ng bagay na iyon imbis na itinulog na lang nito ang mag-hapon. Kung ano man ang dahilan niya, wala akong pakialam doon. Ang importante ay malinis na ang bahay ko, na natapos na ang pinapagawa ko. Umiling siya. "Per