MTAAB: CHAPTER FIVE

3008 Words
Abrianna's POV: "Nice meeting you Macey. By the way, I'm your Fiancé." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi n'ya. Buong pwersa ko s'yang malakas na tinulak at agad na lumayo sa kan'ya. Anong pinagsasabi n'ya? Napansin kong pamilyar din ang boses n'ya. Natigilan ako saglit at napakunot ang noo. "August Nam?" Gulat at naguguluhan kong tanong. Narinig kong nag-snap s'ya ng finger at biglang bumukas ang ilaw dito sa kwarto pero dim lang ito. Enough na rin ito para makita ko s'ya kahit papano. "You look quite suprised," sabi n'ya at tumayo mula sa kama. Nakita ko ang kulay blonde at mahaba n'yang buhok pero hindi ko gaano makita ang mukha n'ya dahil sa dilim. Agad akong napaiwas ng tingin at nanatili lang na nakasandal sa head board habang nakakumot. Ramdam ko ang lamig dito sa kwarto. Sobrang tahimik din. Tanging tunog lang ng aircon ang nag-iingay rito. "So-sorry.." sabi ko dahil sa pagtulak sa kan'ya. Alam kong napalakas iyon. "Sorry?" Mahina n'yang tanong. Nagulat ako nang hubarin n'ya ang suot n'yang black suit jacket. Agad naman akong napaiwas ulit ng tingin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko gawa ng kaba. Sht. Anong ginagawa n'ya? Bakit nandito s'ya ng ganitong oras ng gabi? "A-ah, Iinom lang ako ng tubig," sabi ko atsaka tumayo ng mabilis. "Iniiwasan mo ba ako?" Maglalakad na sana ako nang magsalita s'ya. Napahinto ako at hindi makalingon sa kan'ya. Ang seryoso ng boses n'ya. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin at gagawin ko. Naglakad s'ya papunta sa harap ko at napayuko na lang ako. Anak s'ya ng matalik na kaibigan ni papa pero kahit isang beses ay hindi ko s'ya nakausap. Bata pa kami nang huli ko s'yang makausap at hindi s'ya ganito. Hindi ko alam kung bakit sobrang layo n'ya kay Mr. Albert Nam. "You don't need to avoid me," sabi n'ya at hinawakan ang mahaba at itim kong buhok. Marahan lang ang pagkakahawak n'ya dito. "It's not like I'm going to do something to you. You're not my type, Abrianna. You're too plain." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Sobrang naguguluhan ako sa nangyayari. "Anong pinagsasabi mo?" Sa wakas ay may boses na rin na lumabas sa bibig ko. Tumingala ako at tinignan s'ya ng deretso sa mga mata. "Fiancé?" Tumingin din s'ya sa akin sa mga mata ko. Napalunok ako dahil sobrang lapit ng mukha n'ya. Kitang kita ko ang itim n'yang mga mata. Walang emosyon ang mga iyon. "Yes," tipid n'yang sagot at may puting folder na kinuha sa gilid ng kama. Tinaas n'ya ito, "You're going to be my fiancé and we will get married." Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko at sobrang daming tanong ang nasa isip ko. "I will explain everything tomorrow morning," sabi n'ya at humakbang paatras tapos ay tinignan ako simula paa hanggang ulo. "Just to be clear, hindi kita papakasalan dahil gusto kita. Papakasalan kita dahil yun ang huling request sa'kin ni Dad. Naiintindihan mo?" sabi n'ya. "And one more thing, rest assured na hinding hindi ako magkakagusto sa'yo. I know na pabor din sa iyo ito. Hindi mo na kailangan umuwi sa maliit at madumi n'yong bahay. Hindi kana rin maghihirap. You can use my money as much as you want. You're lucky dahil kinaibigan ng tatay mo si Dad." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas na sampalin s'ya. Rinig na rinig ang malakas na pagtama ng palad ko sa pisngi n'ya. Nakaramdam din ako ng sakit sa palad. Tinignan ko s'ya ng masama kahit na alam kong namumuo na ang luha ko sa gilid ng mata. Hindi ko alam na sobrang kabaliktaran na pala ni Mr. Albert Nam si August. Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang ugali n'ya. Sobrang nasaktan ako dahil sa sinabi n'ya. Okay lang sa akin na ako ang pagsabihan n'ya ng masama, pero ang idamay n'ya si Papa at ang tahanan namin? Hindi ko hahayaan iyon. Napapikit s'ya dahil sa sakit ng pagsampal ko. Dinilat n'ya rin naman agad ang mga mata n'ya at tinignan ako gamit ang mga iyon na blanko ang emosyon. "Welcome to hell, Macey," mahina n'yang sabi. Agad na may kumatok sa pinto kaya naman napatingin kami doon. "Come in," malakas na utos ni August. Bumukas ang pinto at may pumasok na babae. Nag-snap si August ng daliri n'ya at bumukas na ng maliwanag ang ilaw. Nakita kong si Ms. Marie ang babae. "Sir Nam, may naghahanap sa'yo." Nakita ko si Ms. Marie na may hawak na itim na phone. "Okay," walang ganang sabi ni August at inalis ang unang botones ng puting polo n'ya. Nagsimula na s'yang maglakad pero huminto rin s'ya nang makapantay n'ya ako "Don't expect too much. i'm not a good man." Bulong n'ya at nilaktawan na ako. "Mr. Dones is Calling," sabi ni Ms. Marie sabay inabot ang phone kay August nang makalapit na s'ya doon. Kinuha naman ni August ang phone at pinatong iyon sa tainga n'ya tapos ay lumabas na sa kwarto. "Yes, Mr. Dones?" narinig ko na lang na palayo na nang palayo ang boses n'ya hanggang sa hindi ko na sya marinig "Are you alright, Ms. Amber?" Rinig kong tanong ni Ms. Marie at lumapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakatayo lang ako at nakatulala sa pinto. Ramdam kong pabagsak na din ang luha ko kaya naman napayuko ako. "Okay lang ako." Sinubukan kong gawing normal ang tono ng boses ko dahil ayokong malaman n'yang naiiyak ako. "That's good to hear, Ms. Amber. By the way, you need to wake up at exactly 6:00 in the morning tomorrow. You're going to eat breakfast with Mr. Nam," paliwanag n'ya habang nakatingin sa folder na itim na hawak. "And by 6:00 in the evening, He'll fetch you to have dinner at Diamond restaurant. If you have any questions, feel free to ask." Hindi ako nagsalita at tumango lang. "I'll get going. Have a good sleep, Ms. Amber," sabi pa ni Ms. Marie at lumabas na ng kwarto. Sunod ko na lang narinig ay ang pagsara ng pinto. Napaupo ako sa sahig at tsaka ko naramdamang tumulo ang luha ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko. "Papa.." mahina kong tawag kay Papa kahit na alam kong wala na s'ya. "Anong gagawin ko?" Wala akong alam sa fiancé at kasal na magaganap. Kaya ba pinapunta ako dito ay dahil doon? Dahil kailangan kong pakasalan si August? Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. Mas malala pa si August kaysa kay Ickey at kay Tita. Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari pagpunta ko dito. Dahan-dahan ko na lang na pinikit ang mata ko. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana paggising ko ay bumalik na sa dati ang lahat. ~~~ Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay. Dinilat ko ang mata ko at napakunot ang noo nang makitang wala ako sa kwarto ko at hindi pamilya ang lugar na ito sa akin. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang babae na medyo may edad na. Nakasuot s'ya ng itim na pang-maid na uniform. May hawak s'yang feather duster. Nang makitang napalingon s'ya sa akin ay agad akong napaiwas ng tingin. Ngayon ko lang naalala kung nasaan ako. Nasa mansion nga pala ako ng mga Nam. Napatingin ako sa sarili kong nakaupo sa sahig at nakasandal sa kutson ng kama. Hindi na ako nagising at nakalipat sa kama. "Mabuti naman at gising ka na," sabi ng babae sa akin habang inaalis n'ya ang mga alikabok sa lamesa at vases dito. "Maligo ka na at malapit na kayong kumain ng breakfast ni Sir August." May suot s'yang maliit at pabilog na salamin. Sa tingin ko ay malabo na rin ang mata n'ya. "Sige po," sabi ko sabay tayo at aayusin sana ang kama nang magsalita s'ya. "Hindi mo na kailangan ayusin 'yan. Maligo ka na at huwag kang babagalbagal sa pagkikilos," mataray nitong sabi at hinila ako papunta sa tapat ng bathroom. "Pinapaabot sa'yo 'to ni Ms. Marie. Ito daw ang suotin mo ngayong araw." Inabot n'ya sa'kin ang isang paper bag na may laman na damit. Tinulak n'ya na rin papasok sa loob ng bathroom at sinara na lang bigla ang pintuan. Napabuntong hininga na lang ako. wala na rin naman na akong ibang magagawa kaya nag-shower na ako. Matapos kong maligo ay kinuha ko na ang damit na binigay ni Ms. Marie. Kulay khaki na plain iting dress. Sleveless ito na hanggang tuhod. Nagulat ako na g may kumatok sa pinto kaya napatingin ako doon. "Aba Iha, bilisan mo at malapit na mag-6. Ayaw na ayaw ni Sir August na nale-late," sigaw n'ya sa akin mula sa labas ng bathroom. "Opo!" Agad kong sagot at sinuot na lang ang damit. Ayoko talagang nagsusuot ng ganito. Lumaki akong nakasuot ng pajama, jeans at leggings. Hindi kasi ako pinapayagan ni Papa na magsuot ng mga sleveless at shorts dati na bata pa ako kaya nasanay na rin ako hanggang sa paglaki. Matapos kong magbihis ay pinatuyo ko na lang ang itim at mahaba kong buhok tapos ay sinuklay ito. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakakapanibago dahil ngayon na lang ulit ako nakapagsuot ng sleeveless na dress at mukhang mamahalin pa ang isang ito. Napabuntong hininga na lang ako nang maalalang makikita at kakausapin ko si August mamaya. Binuksan ko na ang pinto pagtapos ko mag-ayos at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng babae. Ngumiti na lang ako ng kaonti sa kan'ya. Bakit pati ang mga katulong ni August dito ay masusungit? Nagmana ba sila sa kan'ya? "Ano po palang pangalan n'yo?" Tanong ko pagkalabas ko sa bathroom. "Felie. Tawagin mo na lang akong Manang Felie," sagot n'ya. "Opo, Manang Felie," sabi ko at tumango. "Oh s'ya, bilisan mo na bago ka pag-initan ni Sir August." Nauna s'yang maglakad at sumunod naman ako sa kan'ya. Bumaba kami sa 1st floor at dumiretso sa Dining area. Pagpasok namin dito ay tahimik lang. Marami na ring pagkain ang nakahanda sa pahabang lamesa. Ang tatlong maid naman ay nakatayo lang sa gilid at nakatungo. Hinanap ko si August dito. Wala pa s'ya. "Good Morning, Ms. Abrianna Amber," bati sa akin ng tatlong babaeng maid. Ngumiti ako sa kanila, "good morning," mahina kong bati pabalik. "Maupo kana," utos ni Manang Felie sa akin at pinaupo ako. Pagkaupo ko ay napatingin ako sa lamesa. Halos kompleto ang mga pagkain na pang-breakfast dito. May mga waffles, sunny side up egg, bacon, sausage, loaf bread at mga palaman ng tinapay. May gatas din na nakapitsel pati tubig. "Gusto mo ba mag-kape na mainit?" Tanong ni Manang Felie sa akin. Agad naman akong umiling. Sobrang dami na ng pagkain dito at hindi naman ako mahilig sa kape. "Okay. Tawagin mo lang ako pagmay kailangan ka pa," sabi n'ya sa akin at tumingin sa tatlong maid na nakatayo sa gilid. "Rica, Gina, Via, halika na sa kusina." Agad namamg sumunod sa kan'ya yung mga maid at pumasok sila sa puting pinto na sa tingin ko ay kusina. Napatingin na lang ako sa mga pagkain at nagsimula na ring kumain ng tahimik. Habang kumakain ay naalala ko ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako nang maalalang nasa loob iyon ng bag ko. Nakalimutan kong kuhain. Siguradong madami ng message at missed calls sila Ickey at Tita Jisella sa akin. Habang ngumunguya ng bacon ay naramdaman ko na lang na may umupo na sa tabi ko. Hindi na ako nag-abala pang tignan s'ya at pinagpatuloy lang ang pagkain. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi n'ya kagabi. Hindi ko akalain na ganun pala ang tingin n'ya kay Papa. Sigurado akong ganon na rin ang tingin n'ya sa akin. Sobrang sama at pangit ng ugali n'ya. Hindi din s'ya nagsalita at tahimik lang na kumakain. May dala s'yang malaking itim na tablet. Mukhang doon s'ya nagbabasa ng mga balita. "About the Marriage," napatingin ako sa kan'ya nang magsalita s'ya. May kinuha s'yang isang Gray na folder mula sa itim n'yang bag at nilapag malapit sa akin. "Sign it." Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "Para saan?" tanong ko. "Are you stupid?" halata ang pagkairita sa boses nya. "Stupid?" Mahina kong tanong. "Just sign it para matapos na ang kasal. We don't need the ceremony. A sign will do." sabi nya at tumayo. "I'll go to work. i'll fetch you at 6 in the evening later." Inayos n'ya ang necktie n'yang itim at ang suot na itim na jacket na hanggang tuhod tapos ay tumingin sa'kin. "Wear an elegant dress. ayokong magmukha kang tanga mamaya sa dinner," sabi n'ya at nang maglalakad na s'ya ay agad akong tumayo. "Ayoko," matigas kong sambit habang nakatingin sa likod n'ya. Napahinto s'ya at lumingon sa akin. "What?" Halata sa mga mata n'yang hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. "Ayokong magpakasal sa'yo," madiin kong sabi at kinuha ang gray na folder. "Sa tingin mo pera lang habol ni Papa kay Mr. Albert?" Tanong ko sa kan'ya habang madiin ang hawak sa folder. "Wala kang alam sa pagkakakaibigan nila, August." "And how did you know na hindi pera ang habol ni Mr. Gilber kay Dad?" Tanong n'ya at lumapit sa akin. "Huh?" Lumapit pa ito hanggang sa makaharap ko s'ya. "Hindi ba dapat masaya ka ngayon? Papakasalan kita. Magpapakasal ka sa isang sobrang yaman na lalaki. Makakaahon kana sa hirap. Bakit tinatanggihan mo pa?" Gusto ko s'yang sampalin ulit dahil sa sinabi n'ya pero napigilan ko pa ang sarili ko. Naiyukom ko ang palad ko ng madiin at tinignan s'ya ng masama. "Ayokong magpakasal sa taong hindi ko gusto at lalo na sa ugaling basura," sagot ko sa kan'ya. Tumawa s'ya ng mahina at tumingin sa akin. "You don't know me, Macey." Naging seryoso bigla ang boses nito. "I don't want to get married to someone I don't love either." "Then let's not do this." "But I have to." Niluwagan n'ya ang suot na itim n'yang neck tie at huminga ng malalim. "This my father's last request. Nakapag-usap si Dad at Mr. Gilbert bago pa ang insidente. They both want us to get married." "Hindi gugustuhin ni Papa na ikasal ako sa lalaking gaya mo, August." Tinaas ko ang folder at pinunit ito tapos ay hinagis sa mukha n'ya. Nakita kong napapikit s'ya dahil sa ginawa ko. Wala na akong pakialam kung magalit pa s'ya sa akin at hindi ituloy ang kasal dahil in the first place, wala naman talaga akong balak magpakasal sa kan'ya. Hindi ko na s'ya hinintay pa na magsalita at naglakad na ako papunta sa kwarto kung saan ko iniwan ang bag ko. Mabilis kong sinuot ang bag at bumaba. Habang naglalakad ay nakita kong napapalingon ang iilang maid na naglilinis sa akin. "Ms. Abrianna Amber!" Nasa pintuan na ako nang marinig ko ang boses ni Ms. Marie. Napahinto ako at napalingon sa kan'ya. Nakita kong papalapit s'ya sa akin. Napangiwi na lang ako. "Ms. Abrianna, saan po kayo pupunta?" Tanong n'ya sa akin nang makalapit ito. "Uuwi na po ako," sagot ko sa kan'ya at maglalakad na ulit nang maramadaman kong hawakan n'ya ako sa braso. "Ms. Abrianna, mag-usap po muna kayo ni Sir August," sabi n'ya habang nakangiti. "Wala na kaming pag-uusapan ni August." Inalis ko ang kamay n'ya sa braso ko. "Ms. Abrianna, alam ko pong mahirap pakisamahan si Sir August but please, subukan n'yo po muna s'yang kilalanin." "No, Ms. Marie," umiiling kong sagot at tumingin sa mga mata n'ya. "August is the worst man I ever met." Bago pa ako tumalikod sa kan'ya ay nakita ko si August na nakatayo lang sa sulok habang nakatingin sa amin. Umiwas na lang ako ng tingin at naglakad na palabas. Nakita ko si Sir Alex na nakatayo sa gilid ng itim na kotse. "Ms. Abrianna," gulat n'yang tawag sa akin nang makita ako. Napayuko ako at lumapit sa kan'ya. "Salamat po sa paghatid sa'kin dito. Uuwi na ako." "Ihahatid na kita sa inyo," alok n'ya pero umiling ako. "Kaya ko na po umuwi mag-isa." Binilisan ko na ang paglalakad hanggang sa madaanan ko ang nag-iisa at malaking fountain. Sobrang tahimik dito sa labas. Mga huni ng ibon at pag-agos lang ng tubig sa fountain ang gumagawa ng ingay dito. Tinignan ko ang gate na medyo malapit na ako. Sobrang lawak dito at nakakapagod maglakad. Mas binilisan ko na lang ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa mataas at kulay gintong gold. Napatingin sa akin ang lalaking guard na may edad na at magsasalita pa sana s'ya ng unahan ko s'ya. "Pakibukas po ang gate," magalang kong sabi sa kan'ya. Wala naman na s'yang nagawa at binuksan na lang ang gate. Agad na rin akong lumabas. Bago lumayo ay tinignan ko ang mansion ng mga Nam. "Maraming salamat sa lahat, Mr. Albert," mahina kong sabi at pinunasan ang luha ko. "Pasenya na po dahil hindi ko kayang pakasalan si August. Sana maintindihan n'yo po ako." Naglakad na ako at naghahanap ng jeep na masasakyan. Kinuha ko ang phone ko at nakitang walang messages o kahit isang missed call man lang sa akin sila Tita Jisella at Ickey. Napabuntong hininga na lang ako at huminto sa isang dulo ng street. Biglang tumunog ang phone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag. Kasyn is calling... Agad kong sinagot ang tawag at pinatong ang phone sa tainga ko. "Abriannaa!" Bungad sa akin ni Kasyn. Nalayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng boses n'ya. Hinayaan ko muna ng ilang segundo na malayo ang phone ko sa tainga ko dahil alam kong sobrang hyper pa itong si Kasyn. "Bakit ka tumawag?" Tanong ko at nang wala na akong naririnig na sumisigaw ay pinatong ko na ulit ang phone sa tainga ko. "Wala lang. Kinakamusta lang kita kasi absent ka ngayon dito sa school." Agad na nanlaki ang mata ko at tinignan ang oras sa phone ko. 7 a.m. "Sht," mahina kong sabi at saktong may jeep naman ang huminto sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD