MTAAB: CHAPTER SIX

3039 Words
"Sir. August," tawag ni Marie kay August nang makita n'yang papalapit ito sa kan'ya. Narinig n'ya kasi ang mga yapak nito. Nakatayo lang si Marie sa tapat ng mataas at kulay dark brown na double door habang pinagmamasdan si Amber na maglakad papalabas ng mansion ng mga Nam. Napangiwi s'ya dahil hindi s'ya nagtagumpay. Hindi s'ya nagtagumpay na pigilan si Amber umalis. "I'm sorry, I failed, Sir August," mahinang sabi ni Marie at yumuko. Nang maramdaman ni Marie na tumabi sa kan'yang gilid si August ay pasimple s'yang tinignan ito. Nakita n'yang nakatingin si August sa likod ni Amber na ngayon ay malapit na makalabas ng gate. "It's fine, Marie," sagot ni August at huminga ng malalim tapos ay tinignan ang babae. "It's not," agad na tutol ni Marie. "We need her to marry you." Halata ang pagkadesperada sa boses ni Marie. "Or else, sa pinsan mo ipapamana ni Mr. Albert ang company n'yo." Napapikit ng madiin si August nang maalala ang condition ng Ama n'ya. Dinilat n'ya ang mata at nakitang nakalabas na si Abrianna sa gate. Tinignan n'ya si Marie ng seryoso. "I know. I'm not going to give up. She's going to marry me whether she likes it or not." Nakita ni August si Alex na naghihintay sa kan'ya sa labas ng kotse. "Let's go. Hindi tayo dapat ma-late sa trabaho." Naglakad na ang dalawa papalapit kay Alex na personal driver ni August. Si Marie naman ang secretary n'ya. Matagal na n'yang kilala ang dalawa. Simula bata lang ay kilala na n'ya ang mga ito. Binigyan kasi ni Albert ng scholarship ang dalawa. Dahil doon ay nagtatrabaho na din sila ngayon sa mga Nam. Sa mansion na din nila natutulog ang dalawa. "Good morning, Sir August," bati ni Alex nang makalapit na si August at Marie sa kan'ya. Nag-bow pa ito ng marahan. Hindi sumagot si August at sumakay na lang sa kotse. Napatingin naman si Alex kay Marie. Umiling ang babae. "Sir August is not in the mood," mahinang sabi ni Marie. Narinig nilang umubo si August sa loob sabay sinara ng malakas ang pinto. Napakagat na lang ang dalawa sa labi. Actually, araw-araw naman talaga masungit si August. "By the way, good morning, Alex," nakangiting bati ni Marie. "Good Morning din, Marie," sagot ni Alex at mabilis nang nagpunta sa driver's seat para mag-drive. Pumasok naman na rin sa loob si Marie at nagsimula nang mag-drive si Alex. Sobrang tahimik lang sa loob. Araw-araw ay ganito ang scenario sa kotse. Tahimik at walang may balak mag-ingay. Nilabas ni August ang itim n'yang tablet at nagpunta sa news para magbasa dahil hindi pa s'ya tapos magbasa ng mga balita. Kailangan n'yang gawin ito para aware s'ya sa mga nangyayari sa paligid at sa mga business na kalaban n'ya. Nakahinga naman s'ya ng maluwag nang walang gaanong balita sa mga kalaban n'ya. Napansin n'yang nakalabas na sila sa gate kaya napatingin s'ya sa labas. Nang makapunta sila sa dulo ng street ay napatingin s'ya sa pamilyar na babaeng nakatayo doon. Nang madaanan nila ito ay dito n'ya lang nalaman na si Abrianna pala ito. Nakatayo lang ito at nakatulala. Nakita rin iyon nila Alex at Marie. Gustuhin man nila na magsalita pero nanatiling tahimik na lang sila. Ayaw naman nilang mapagalitan sila ni August. Baka mamaya at mawalan pa sila ng trabaho. Nang malampasan na nila si Abrianna ay agad naman umiling si August. "Sir August, nagre-request po si Mr. Dones ng meeting at 5 p.m.," sabi ni Marie nang mabasa n'ya ang message sa phone n'ya. "Wala ba akong lakad ng 5 p.m.?" Tanong ni August. "Cancelled po ang dinner n'yo with Ms. Abrianna ng 6 p.m. kaya wala po," sagot ni Marie habang inaayos ang schedule ni August dahil may mga nabago dito. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating naman na sila sa tapat ng building ng Company ng mga Nam. Lalabas pa sana si Alex para pagbuksan n'ya ng pinto si August pero agad itong nagsalita. "Ako na," sabi n'ya at binuksan ang pinto tapos ay lumabas. Tinignan n'ya ang building na pinatayo ng kan'yang Ama. Ang Nam's Corporation Building. May 32 floors ang ito. Libo-libo ang empleyado nila. Lumabas naman na si Marie at lumapit kay August. Si Alex naman ay pinaandar na ulit ang sasakyan at pinasok ang kotse sa parking area o underground ng building. Marami-rami na ang tao sa loob ng building. Kitang kita ang mga iyon dahil sa glass wall at glass door. "We should go now, Sir August," mahinang sabi ni Marie. Tumango si August at pumasok na sila sa loob. Napakalawak dito. Maraming vases na may halaman sa loob. Kumikintab din ang mga tiles at mga tables dahil sa sobrang linis. Tumango ang guard sa kan'ya nang makita s'ya nito. Pagkapasok na pagkapasok nila ni Marie ay agad na napalingon ang mga empleyado n'ya sa kanila. Lumapit ang mga ito at tumango. "Good morning, Sir August," bati ng mga ito sa kan'ya. Tumatango lang s'ya sa lahat nang bumabati sa kan'ya. Dahil sa dami ng bumabati ay hindi n'ya na sinasagot ang mga iyon. Dumiretso na sila sa elevator ni Marie para pumunta sa 25th floor kung nasaan ang office n'ya. "May schedule ba ako after lunch?" Tanong ni August. Agad namang tinignan ni Marie ang tablet n'ya. "Wala po, Sir August." Nang bumukas na ang elevator ay pumasok na silang dalawa sa loob. May mga empleyado din dito sa loob pero nagbabaan na rin ang mga ito. Bago pa sila lumabas ay binati na muna nila si August. "Bring me a copy of Mr. Gilbert and my Dad's will after lunch," utos ni August. "Copy Sir," agad na sagot ni Marie. "What are we going to do with Ms. Abrianna?" "I can handle her alone. Just focus on your work." Tumango lang si Marie at nanahimik na. Tinignan ni August kung nasaang floor na sila at nakitang malapit na rin sila lumabas ng elevator. Tinignan n'ya ang relo at nakitang 7:30 a.m. na. Pagkabukas ng elevator ay agad naman silang lumabas. "Good morning, Sir August!" Bati ng mga nadadanan nila. "Good morning, Ms. Marie!" "Good morning," nakangiting bati rin ni Marie sa kanila. Dumiretso na si August sa tapat ng office n'ya. Naririnig n'ya ang bulungan ng mga ibang emplayado. Hindi n'ya naman matatanggi na may itsura talaga s'ya kaya maraming nagkakagusto sa kan'ya. Ang problema nga lang sa kan'ya ay ang kan'yang ugali. "I'll go to my office now, Sir August. Kung may tanong pa po kayo or kailangan, call me." Nilingon n'ya si Marie nang magsalita ito sa gilid n'ya. "Will do." Pumasok na si August sa office n'ya. Madilim pa dito dahil hindi n'ya pa nabubuksan ang roller blinds. Agad s'yang lumapit sa mga glass wall at binuksan ang mga roller blinds. Sumalubong sa kan'yang mga mata ang ang mga buildings, puno at kotse sa ibaba. Ang mga tao sa baba ay maliit na rin sa paningin n'ya dahil nasa mataas na floor s'ya. Huminga s'ya ng malalim at umupo sa itim n'yang swivel chair. Tinignan n'ya ang office n'ya. Malinis na malinis ito. Kulay puti ang pader n'ya at dark gray ang tiles na malalaki. Puti ang bookshelves n'ya dito na mayroong mga libro. May mga halaman din s'ya, trophies at mga picture na naka-frame. Kinuha n'ya ang isang brown envelope sa drawer n'ya at binuksan ito. Nilabas n'ya ang mga litrato ni Abrianna na pinakuha n'ya sa kaibigan n'ya. Tago lang na kinuha ang mga ito at walang alam si Abrianna. Hindi naman kasi puwedeng pakasalan lang ni August si Abrianna nang wala s'yang alam kung sino ang mga nakakasalamuha nito at kung paano ito nabubuhay. Kinuha n'ya ang isang litrato ni Abrianna na nakaupo sa swing at nakayuko. Ito ang araw na nilibing si Mr. Gilbert. "D*mn," mahinang bulong ni August. "I can't give up this company, Macey." Abrianna's POV: "Abrianna!" Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Kasyn. Nakita kong patakbo na sa akin ang bruha. Dala-dala n'ya ang kulay avocado bag n'ya. "Gosh! Hirap mag-cutting ah," reklamo n'ya pagkaupo sa tapat ko. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop na paborito naming puntahan. Nilapag n'ya ang bag n'ya sa katabing upuan at inayos ang bangs. Tinignan ko si Kasyn. Kulay dark brown ang buhok nito na maiksi at may bangs. Kulay brown din anf mata n'ya at pabilog ang mga iyon. Mas matangkad ako sa kan'ya ng mga tatlong inches. "Bakit ka kasi nag-cutting?" Tanong ko sa kan'ya at sumipsip sa vanilla iced coffee na binili ko. "Syempre, sabi mo may iku-kwento ka sa akin na importante," sagot n'ya at sumimangot. Inabot ko naman sa kan'ya ang caramel iced coffee na inorder ko para sa kan'ya. "Tungkol saan ba? Connected ba yan ngayon kaya hindi ka nakapasok?" Tanong n'ya pa. Napatingin ako sa iced coffee. Bakit ngayon pa ako nagdadalawang isip na ikwento sa kan'ya ang nangyari kung kailan nandito na s'ya? Umiling ako at huminga ng malalim. "Hello?" Kumaway si Kasyn sa tapat ng mukha ko kaya naman agad akong nabalik sa sarili ko. "Ano ba yung ikukwento mo?" "Ahh." Napatingin ako sa paligid at mabilis na nag-isip ng excuse sa kan'ya. "Binenta nila Tita Jisella at Ickey ang relo ni Papa kahapon." Siguro ay sa susunod ko na lang ikukwento sa kan'ya. "What?" Gulat n'yang tanong. "Napakaimpakta talaga ng tita at pinsan mo!" "Kasyn," saway ko sa kan'ya dahil napapalakas ang boses n'ya at napapalingon sa amin ang iilang customers. "Sorry, sorry," mahina n'yang sabi at tumingin sa akin. "Pero seriously, ginawa nila iyon?" "Oo." Tumango ako. "Pinapahanap din nila ako ng trabaho. Wala na daw naiwan na pera si Papa." "What the h*ll, Abrianna?" Halata ang inis sa mukha ni Kasyn. "Bakit kasi pinabayaan mo yung tita mo ang kumuha ng pera na dapat sa'yo?" Napayuko na lang ako. Sa totoo lang ay hindi ko naman iyon pinabayaan. Legal age na ako at dapat sa akin iyon mapupunta pero akala ko ay nagbago na si Tita Jisella. Nang mamatay kasi si Papa ay naging mabait sila ni Ickey sa akin. Walang iniwan si Papa sa kanila kahit konti. Ang lahat ay sa akin iniwan ni Papa. Isang linggo sila naging mabait sa akin. Naawa din ako dahil walang pampaaral si Ickey sa private school n'ya. Tinrato din ako ni Tita Jisella na parang anak n'ya. Dahil sa katangahan ko ay pumayag akong ibigay kay Tita Jisella. Akala ko ay natauhan na s'ya at nagbago. Akala ko ay gagamitin n'ya ang pera na yon para sa aming tatlo pero mali ako. Para sa kanilang dalawa lang pala ni Ickey. "Bakit may dala kang bag?" Tanong ni Kasyn. "Ahh." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumayo si Kasyn at binuksan ang bag ko. "Lalayas ka ba sa bahay na pinatayo ng papa mo?" Napakagat ako sa labi ko. Hindi naman ako lalayas pero hindi ko rin naman makwento sa kan'ya ang nangyari kagabi. "Abrianna, bahay iyon ni Tito Gilbert. Tinayo n'ya 'yon para may matuluyan ka. Huwag mong sabihin na ibibigay mo yun kila Ickey?" Umupo na ulit s'ya at tinignan ako ng masama. "Syempre hindi ko ibibigay sa kanila 'yon," agad kong sagot. "Iyon na lang yung naiwan ni Papa para sa akin." "Mabuti naman." Nakahinga s'ya ng maluwag sa sagot ko. "So, bakit may dala ka ngang bag na may laman ng mga gamit mo?" "Ah, eh, tatanong sana kita kung pwede ako makitulog sa inyo." Ngumiti ako sa kan'ya. Sana ay hindi n'ya mahalata na nagsisinungaling ako. "Pero hindi na pala. Tama ka, hindi ko dapat hayaan na mapunta yung bahay kila Tita Jisella at Ickey." "Buti naman at natauhan ka," sabi n'ya at uminom ng iced coffee. "Wala kang inorder na tinapay?" Ngumiti lang ako at umiling. Kahit gustuhin ko man na bumili ng tinapay dito ay wala na akong extra money. Masyadong mahal ang mga tinapay at cheesecakes dito. Iced coffee lang ang kaya ko. "Anong gusto mo? Ako na oorder." Tumayo s'ya at kinuha ang wallet sa bag n'ya. *** Tapos na kami mag-coffee ni Kasyn. Naglalakad na lang kami ngayon. Tinignan ko ang relo at nakitang malapit na mag 2 ng hapon. 7 am to 2 pm ang pasok ko. Magkaiba kami ng kinuha na course ni Kasyn. Nag-food industry s'ya habang ako naman ay hotel management. Parehas kami ng subject tuwing 7 am kaya magkaklase kami doon. "Sht, baka may makakita sa akin dito na classmate ko. Mahuli pa ako," natataranta na sabi ni Kasyn nang makakita kami ng mga schoolmates namin. "We should go. Dun na muna tayo sa sa bahay." Yaya n'ya at tinaas ang kamay para magtawag ng taxi. Tumango naman ako at lumapit sa kan'ya. Habang naghihintay kami ng taxi ay napakunot ang noo ko nang makitang may isang lalaking nakatago sa isang mataas na poste. May hawak s'yang camera at kung hindi ako nagkakamali ay nakatutok iyon sa akin. Nakita kong napansin n'ya ako kaya agad n'yang binaba ang camera at tuluyang nagtago sa poste. "Mika, let's go," yaya ni Kasyn nang makahanap na s'ya ng taxi. Binuksan n'ya ang pinto at pumasok sa loob. "Sorry, Kasyn, may pupuntahan lang ako. Emergency," sabi ko sa kan'ya sabay sinara ang pinto ng taxi at mabilis na tumawid. Mabuti na lang at walang gaanong sasakyan. Nakatawid ako ng mabilis. Agad akong tumakbo papunta sa poste sa gilid. Nakita ko ang lalaking nakasandal doon habang tinitignan ang mga pictures sa camera n'ya. Nakasuot s'ya ng itim na jacket at itim na cap. Nakita ko ang pictures sa camera n'ya. Ako nga iyon. Agad na napakunot ang noo ko. Nang mapansin n'ya ako ay agad s'yang tumakbo pero mabilis ko s'yang sinundan. "Tigil!" Sigaw ko habang tumatakbo. Nakita kong pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Hinayaan ko na ang mga iyon dahil gusto kong malaman kung bakit ako patagong kinukuhaan ng litrato nitong lalaki. Nang lumiko s'ya sa isang street na walang tao ay lumiko din ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko pero hindi ko talaga s'ya mapantayan. Mabigat pa ang suot kong bag. Nakakaramdam na din ako ng pagod. "Tigil sabi!" Sigaw ko sabay hinubad ang bag. Napalingon ako doon at nakitang bumagsak ang bag sa gilid ng puting pader. Binalik ko ang tingin sa lalaking tumatakbo. Ang bilis n'yang tumakbo. Napansin ko rin na matangkad s'ya. Huminga ako ng malalim at mas binilisan ang takbo. Nakita kong malapit ko na s'ya maabot. Tinaas ko ang kamay ko at pilit na inaabot ang hoodie ng jacket n'ya. Nakita kong palabas na rin kami ng street. Kalsada ang labasan nito. Maraming sasakyan don. Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa binti ko at nang mahawakan ko na ang hoodie n'ya ay malakas ko s'yang hinila. Hinawakan n'ya ang kamay ko at aalisin san ang kamay ko pero dahil sa lakas ng pagkakahila ko ay natumba s'ya papalapit sa akin. Napatili ako at napapikit. Naramdaman kong tumama ang ulo, siko at puwetan ko sa matigas na sahig. Agad akong dumilat at nanlaki ang mata nang makitang ang lapit ng mukha ng lalaking nakapatong sa akin ngayon. Suot parin nito ang itim n'yang cap. May suot na rin s'yang itim na mask. Tanging mata n'ya lang ang nakikita ko. Nang matauhan rin s'ya sa nangyayari ay agad s'yang tumayo. Nakita ko ang camera sa gilid ko. Aabutin ko sana ito pero naunahan n'ya ako. "Bakit mo ako kinukuhaan ng litrato?" Tanong ko at sinubukang tumayo pero naramdaman ko lang ang sakit sa puwetan ko kaya napahiga ako ulit. Tinago n'ya ang camera sa bulsa ng hoodie n'ya at tumayo sa gilid ko. Nilahad n'ya ang kamay n'ya kaya napakunot ang noo ko. Anong ginagawa n'ya? "Aish." Kinuha n'ya ang kamay ko at tinulungan na makatayo. Napatingin ako sa kamay n'ya. Malambot iyon. Nang bitawan n'ya ang kamay ko ay napatingin ako sa palad ko na may mga band aid na kulay dark green. Pagbalik ko ng tingin ko sa kan'ya ay malayo na s'ya. Kumaway s'ya sa akin at tumakbo na ulit papalayo. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Sino ba ang lalaking iyon? Bakit n'ya ako kinukuhaan ng litrato? May nag-utos ba sa kan'ya? Pero sino? Binalikan ko na lang ang bag ko. Sinubukan kong maghanap ng cctv camera dito sa street na ito pero wala. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na ba akong pag-asa para malaman kung sino yung lalaking 'yon? Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito. Nakita kong may missed calls sa akin si Kasyn at may messages din ito. Tinatanong n'ya kung nasaan ako at kung anong emergency yung tinutukoy ko. Binalik ko na lang ang phone sa bag at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Ayoko pa sanang umuwi dahil tuwing nandoon ako sa bahay, pakiramdam ko ay nasa impyerno ako. Pero wala naman akong ibang choice. Kailangan kong umuwi. Sumakay na ako sa jeep at bumaba malapit sa bahay. Tinignan ko ang oras at nakitang saktong 2 p.m. na pala. Agad akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Ickey at Tita Jisella sa sala na nanonood sa malaking flat screen television. Napakunot ang noo ko dahil mukhang bago iyon. Agad akong lumapit sa kanila at humarang sa television. Napatigil naman silang dalawa sa pagtawa at napatingin sa akin ng masama. "Tumabi ka nga," galit na sabi ni Ickey. "Istorbo." "Saan n'yo kinuha yung pangbili dito?" Tanong ko. "Bakit ba pinapakialaman mo kami?" Tumayo si Ickey at lumapit sa akin. "Saan nga!" Hindi ko na napigilan ang sarili na sumigaw. Hindi sila sumagot. Tinignan ko si Tita Jisella na nag-iwas lang ng tingin. Agad kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Gusto kong magwala at magalit sa kanila. Ito ba yung binili nila kapalit sa nag-iisang relo ni Papa? Isang flat screen television? napaka-importante ng relo na iyon para sa akin. "Mga walang utang na loob," mahina kong sabi sa kanila at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. "Walang utang na loob?" rinig kong sigaw ni Ickey. "Bumalik ka dito, Abrianna!" galit na sigaw ni Tita Jisella. Ni-lock ko ang pinto at dumiretso sa kama ko. Niyakap ko ang unan ko at tinignan ang litrato namin ni Papa na naka-frame sa table. "Papa.. anong dapat kong gawin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD