MTABB: CHAPTER FOUR

2045 Words
Abrianna Macey Amber's POV: Namangha ako sa aking nakikita. Kinurot ko ang pisngi ko para alamin kung ako ba'y nananaginip lang at hindi totoo ang nakikita ko. Napa-aray ako sa ginawa ko at hinaplos-haplos ang namumulang kaliwang pisngi. Totoo nga ang nakikita ko. Alam kong maganda ang mansyon ng mga Nam ngunit hindi ko pa rin maiwasang mamangha na para bang ito ang unang beses kong nakita ang istruktura. Awtomatikong nagbukas ang malaki at kulay ginto na gate at nagpatuloy si Sir Alex sa pagda-drive papasok sa loob. Hindi ko na isinarang muli ang bintana. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Nagtataasan at mayayabong na puno ang nasa paligid ng isang malawak na landscape na natataniman ng makulay na halamang namumulaklak. Busog na busog na ang mga mata ko at nawawala na ang stress na nararamdaman ko sa nangyari kanina sa amin nila Tita Jisella. Maaliwalas ang paligid kahit pa sabihing nasa loob ako ng sasakyan. Sobrang tagal na ng huli kong nakita ang mansyon na ito. Mas lalo itong gumanda kumpara sa naalala kong hitsura nito. Alagang-alaga talaga ang bahay na ito pati ang mga halaman dito. Agaw-atensyon din ang isang malaking fountain sa gitna. Isang sculpture ng babaeng nakatayo at may nakasukbit sa baywang na banga ang center piece niyon. Ang fountain ay napapalibutan din ng tatlong klase ng namumulaklak na halaman at ang kulay niyon ay tunay na kaaya-aya sa mga mata. Ang sarap pagmasdan ng mga bulaklak. Inikutan ng sinasakyan namin ang fountain at tumigil iyon sa harapan ng isang malawak na staircase na gawa sa marmol. Isang lalaking mukhang nasa fifties ang naghihintay sa amin doon. Nakasuot s'ya ng puting longsleeve, black pants at leather shoes. Binuksan niya ang pinto sa kinauupan ko at inilahad ang kanyang kamay upang tulungan akong bumaba. Inabot ko iyon at lumabas na ng sasakyan. Isinabit ko sa likuran ko ang bag na dala ko. Sino kaya ang lalaking ito? ngayon ko pa lang s'ya nakita kahit na nakapunta na rin ako dito ng mga ilang beses na. Dati kasi ay iniimbitahan ako ni Mr. Albert Nam dito kasama si Papa. Nakita ko namang lumabas na rin si Sir Alex ng sasakyan at ngumiti sa aming dalawa. Lumapit si Sir Alex sa amin ng matandang lalaki. "I'll call Ms. Marie para i-assist ka," sabi n'ya at kinuha ang phone n'ya sa bulsa ng itim na pantalong suot. "I need to go. Hintayin mo na lang siya. Sasamahan ka ni Mr. Salvador sa loob," Tanong n'ya at tumango naman ako. Napatingin ako sa matandang lalaking katabi ko. Ngumiti s'ya sa akin at saka naman tumango kay Sir Alex. "Kayo na pong bahala sa kanya. Itatawag ko na lang po kay Mr. August Nam ang update," pakiusap ni Sir Alex kay Mang Salvador. "Sige. Bueno, mag-iingat ka sa pagmamaneho," pahayag naman ni Mang Salvador. Ngumiti muli si Sir Alex sa amin at saka tumalikod. Naglakad na s'ya pabalik sa kotse at sumakay sa loob. Ilang sandali pa'y umandar na muli ang sasakyan paalis ng mansyon. Napalingon naman ako sa paligid. Ang lawak dito sa labas. Maraming mga puno at halaman. Naririnig ko rin ang pag-agos ng tubig sa fountain at ang mga mahinang huni ng ibon. "Tara na sa loob, hija," pagyaya ni Mang Salvador. Napatingin ako sa kan'ya at ngumiti saka nagsimulang umakyat ng hagdan na sa wari ko'y may labinlimang baitang bago namin narating ang malaking pintuan ng mansyon na halos dalawang beses ang taas sa akin. Binuksan na iyon ni Mang Salvador at pumasok kami sa loob. Nakita kong may naglalakad na babaeng nakasuot ng puting dress, black heels at naka-bun ang buhok papunta sa amin. Napatingin ako sa kan'ya maamo at magandang mukha. "Miss Amber?" bungad niya sa akin. Nakangiti ang babae sa akin at mukhang ine-expect n'ya na ako. "Miss Marie?" pagtatanong ko sa kan'ya. "Yes, ako nga. Nice meeting you! Kanina pa kitang hinihintay," malambing na wika ni Ms. Marie. Inabot niya ang mga kamay ko at marahan akong hinila. "Halika na at ipinaghanda kita ng makakain. Mukhang hindi ka pa nanananghalian," sabi n'ya at hinayaan ko na lang s'yang kalikarin ako patungo sa dining area. Pagpasok na pagpasok ko, pakiramdam ko'y nasa loob ako ng isang palabas. Nakita ko ang ilang maid na busy sa paglilinis at ang lahat ng mga ito ay tumigil at lumingon sa amin. Para silang nakahilera. Isa-isa silang yumukod sa amin. Nagulat ako sa ikinilos nila samantalang si Miss Marie naman ay patuloy na naglakad at nagpalingon-lingon sa magkabilang gilid n’ya at ngumingiti sa mga katulong. Napayuko naman ako lihim na napangiti saka ako tumingala at iginala ang mga mata sa kabuuan ng mansyon. May chandelier na nakasabit sa gitna, bago umakyat ng hagdanan patungo sa ikalawang palapag at mayroon ding dalawang malalaking paso ng nagtataasang halaman na may hugis pusong dahon at may kulay ng nag-aagawang puti at berde. The whole interior was painted in white and streaks of gold. Classic na classic ang hitsura, pati ang mga muwebles na nasa kanang bahagi na sa tingin ko'y munting lobby ng mansyon ay nagmatch sa disenyo ng bahay. May malaking painting akong natatanaw sa itaas na dulo ng hagdan. Sa kaliwang bahagi naman ay kita ang dalawang malalaking posteng gawa rin sa marmol na nagsisilbing support ng pangalawang palapag at kung yayakapin ay siguradong hindi magaabot ang dulo ng mga daliri dahil sa circumference niyon. Sa gitna makalagpas ng dalawang poste ay tanaw naman ang isang hugis binaliktad na letrang U na nagsisilbing lagusan o pinto patungo sa hardin sa loob ng mansyon. "This way, Miss Amber," wika ni Miss Marie. Sa kanang bahagi kami nagtungo. May malaking pinto makalagpas ng mini lobby at ito ang daan patungo sa dining area. Sinundan ko naman si Miss Straight ang lakad n'ya pati ang katawan. Para rin s'yang model dahil sa tangkad at structure ng katawan. Napatingin ako sa mga pader na nadadaanan namin. May mga paintings dito na nakasabit at sa tingin ko ay mamahalin ang mga ito. May mga maliliit din na vase na may lamang mga bouquet ng bulaklak at nakapatong sa mumunting lamesa samantalang ang iba naman ay matatangkad na vases na s’yang nakapatong sa naman sa sahig. Sa hitsura pa lang nga mga iyon ay nakatatakot nang hawakan dahil sigurado akong wala akong pambayad kapag nabasag ko ang mga iyon. Huminto si Miss Marie sa harap ng isang wooden door. Binuksan n'ya iyon at pumasok na kaming dalawa. Mukhang nakarating na kami sa dining area. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napanganga nang makita ang nasa gitnang long table na punong-puno ng iba't ibang klase ng pagkain. May prutas, bowl ng kanin, iba't-ibang luto ng ulam na karne at gulay, pati na rin salads. May mga desserts din na maayos ang pagkakalagay sa isang mini stand. May tatlong maids na nakatayo sa likuran ng upuan sa isang dulo ng lamesa. Mukhang naghihintay sila sa kakain. At bakit pakiramdam ko ngayon ay isa akong prinsesa? Lumapit ako sa pwestong pinili ni Miss Marie at isang maid naman ang kaagad na lumapit sa akin at inalalayan ako sa pagupo. Hiyang-hiya ako. Medyo nailang din ako nang sila pa ang naglagay ng tubig sa baso at magsandok ng pagkain sa plato ko. Gusto ko sanang sabihing ako na lang pero parang may nakabara sa lalamunan ko at ngayon pa 'ko nahiyang magsalita. Sobrang uncomfortable ng nangyayari ngayon sa akin. "Thank you," mahina kong sabi sa maid. Napatingin naman ako sa mga nakahain. Para sa akin ba ang lahat ng ito? Pero hindi ko 'to kayang ubusin. Sa totoo lang ay mahina ako kumain lalo na ngayon na wala na si Papa. "Please eat, Miss Amber. You can have whatever you like. Kung may gusto pa po kayo, sabihin n'yo lang," sabi ni Miss Marie na nakatayo sa gilid ko. Gusto? sobra-sobra na nga 'tong nasa lamesa. Kung tutuusin ay siguro pangbente na katao ang mga pagkain dito. "Wala na po," sabi ko at ngumiti sa kan'ya. "Kumain na po ba kayo? Kain na po tayo." Nilakasan ko na ang loob ko. Sa dami ng pagkain sa lamesa, sigurado akong marami pang makakakain nito. Ayoko namang masayang ang mga ito "Opo, Miss. Kanina pa po kami nakakain. Mag-enjoy po kayo at galing pa kayo sa byahe. Alam naming gutom na kayo," magalang na sagot ng isang maid. Nilingon ko sila at ngumiti silang lahat sa akin. Ngiti ng pasasalamat naman ang iginanti ko sa kanila. Ibinalik ko ang atensyon ko sa plato ko at nagsimulang kumain. Tutal naman, nakararamdam na rin ako ang gutom. Matapos kong kumain ay dinala naman ako ni Ms. Marie sa isang kwarto. Kulay puti ang pintuan nito at namangha ako sa nakita nang buksan iyon ni Ms. Marie. Sobrang ganda sa loob. May malambot na carpet, at muwebles na purong gawa sa kahoy malapit sa kama. "Ito ang kwarto na ipinagawa ni Sir August para sa 'yo. Lahat ng kailangan n'yo ay nandyan na. Clothes, make up, shoes, school materials, books, at iba pa," paliwanag ni Miss Marie kaya naman agad akong natigilan. "Kwarto para sa 'kin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Yes po, Miss Amber. Sa ngayon po ay nasa work pa rin si Sir August," sabi n'ya. Biglang tumunog ang phone n'ya. "Excuse me, Miss Amber. May kailangan pa po akong asikasuhin. Kung may kailangan ka pa, please don't hesitate to press this button." Itinuro nya ang isang red button sa gilid ng pinto. Hindi ako agad nakasagot at lumabas na s’ya sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ako matapos n’yang isara ang pintuan. Iginala ko ang tingin sa buong kwarto saka naglakad upang tingnan iyon. May isang queen-sized bed, walk-in closet at bathroom na halos kasing-laki lang ng kwarto ko. May mini study sa kabilang side ng kama at mga librong nakasalansan sa tatlong sliding shelves. Seriously? Bakit may kwarto ako rito at anong importante ang sasabihin sa akin ni August? Ibinaba ko ang bag ko sa kama at nahiga. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga katanungan ko kanina. Gusto kong malaman kung anong dahilan ng lahat ng ito. Bumangon akong muli at naisipang maligo. Inilabas ko ang mga gamit ko mula sa bag at kumuha ng set ng damit na pamalit saka tumungo sa banyo. Nang matapos ako at makalabas ng banyo ay naupo akong muli sa kama. Nakararamdam ako ng pananakit ng ulo. Siguro ay dahil iyon sa dami ng iniisip ko nitong mga nakaraang araw tungkol kay Tita Jisella, kay Ickey, kay Papa at ngayon, itong kay August Nam. Pabagsak akong nahiga sa kama at maya-maya pa'y napahigab na ako ng antok hanggang sa naipikit ko na ng tuluyan ang mga mata ko. *** "Hmm..." Lumamig ang paligid kaya naman hinila ko ang kumot at ibinalabal sa katawan ko. "Shh..." May naramdaman akong humawak sa hita ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Napalunok ako. Wala akong makita. Napakidilim ng paligid. Sino 'tong kasama ko ngayon sa kwarto? Alam kong nakasaradong mabuti ang pinto ng kwarto. Kinakapa-kapa ko ang gilid ng kama upang hanapin ang switch ng lamp shade na nakapatong sa bedside table nang may humawak at pumigil sa kamay ko. "Si-sino ka?" Takot kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang paghinga n'ya. Malapit lang ang mukha nya sa'kin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "A-aray..." mahina kong daing nang higpitan n'ya ang hawak sa palapulsuhan ko. "Don't make a noise," mahina n'yang sabi. Napaatras ako hanggang sa mauntog na ang ulo ko sa headboard. Napapikit ako sa sakit niyon. Ramdam ko rin ang paglubog ng parte ng kutson ng kama sa bawat paggalaw ng taong nasa harapan ko. Alam kong papalapit ng papalapit sa akin ang taong ito. “Ah!” sigaw ko dahil sa gulat. Bigla s'yang pumaibabaw sa 'kin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Sinubukan ko s'yang pigilan at itulak pero masyado s'yang malakas. "A-Anong ginagawa m-mo?" nauutal kong tanong sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig na ako sa takot. Gusto kong maiyak sa nangyayari sa 'kin ngayon. Sino s'ya? Bakit n'ya 'to ginagawa? Narinig kong tumawa ito ng mahina at napalunok ako nang maramdaman ko ang hininga n'ya sa leeg ko saka bumulong sa tainga ko. "Nice meeting you, Macey. By the way, I'm your fiancé."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD