MTABB: CHAPTER SEVEN

1311 Words

"Hoy babae." Nagising ako at napadilat nang marinig ang boses ni Ickey. Napatingin ako sa bintana sa gilid ng kama ko. Nakita kong wala ng araw. Napahaba ang tulog ko. Binalik ko ang tingin kay Ickey. "May naghahanap sa'yo sa labas," sabi n'ya at sumimangot. Hindi ako sumagot at tumayo na lang. Hanggang ngayon ay masama padin ang loob ko sa kanila ni Tita Jisella. Hindi ko talaga gusto ang ginawa nila. Kahit kailan ay hindi ako magiging okay doon. Naglakad na lang ako pababa. Nakita ko si Tita Jisella na natutulog sa sala at nakabukas pa rin ang flat screen television. Kaya tumataas ang kuryente namin. Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na pinatay ang television. Naglakad na ako papunta sa labas. Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang lalaking matangkad na may suot na cap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD