IPINILIG ni Chrislynn ang ulo nang muling rumihistro sa isipan niya ang paglabas ni Kirst sa bahay ni Maritoni habang pawisan pa dalawang araw na ang nakalilipas. Masyado na niyong ginugulo ang isipan niya. "Bakit ba ayaw mawala sa isip ko ang tagpong iyon? Kaasar." Marahas siyang nagpakawala ng hininga bago tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng laptop niya. Ipinasya niyang lumabas ng bahay niya at maglakad-lakad sa labas kahit gabi na. Maliwanag naman sa kalye dahil sa mga post light na naghanay. Humantong siya sa may parke na siyang madalas tambayan ng mga bata sa umaga at hapon. Nang mga oras naman na iyon ay halos solo lang niya ang parke dahil mag-a-alas nuwebe na ng gabi. Naupo siya sa isang bench at tinanaw sa madilim na kalangitan ang bundok ng Maria Makiling. Mabituin ang kalan