EPISODE 2 - AVALON'S HEADQUARTER

1398 Words
EPISODE 2 AVALON’S HEADQUARTER NICHOLAS’ POINT OF VIEW. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nakita kong pangyayari kanina. Napagpasyahan kong umalis na sa lugar na iyon at kasama ko ngayon ang babaeng nagngangalang Tatiana. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang siya sa gitna ng daan. Kahit may dala siyang pana at palaso, babae pa rin siya. “Kailangan nating pumunta sa headquarter, Prince Nicholas.” Napahawak ako sa aking noo at bahagya itong hinilot habang nakatingin pa rin sa daan dahil nag da-drive ako ngayon. Kanina niya pa ako tinatawag na Prince Nicholas pero hindi ko ito pinapansin, baka kasi trip niya lang iyon. Pero habang tumatagal ay naiirita na ako habang patuloy niya akong tinatawag na ganoon gamit ang kanyang seryosong boses. “Prince Nicholas—” Pinutol ko ang kanyang sasabihin sa akin at tinignan siya ng masama. “Stop calling me Prince Nicholas! Mukha ba akong prinsipe sa ‘yo? Kitang nakasuot ako ng pang teacher na damit tapos tatawagin mo akong Prince?! Sir, Sir Nicholas ang itawag mo sa akin!” inis kong sabi sa kanya at muling ibinalik ang atensyon sa pag da-drive. Mukhang estudyante pa ang babaeng ito dahil mukha siyang bata. Taga saan ba ito para maihatid ko na sa kanilang bahay? Mukhang galing pa ito nag cosplay dahil sa kanyang suot at dala niyang pana at palaso. Napailing ako. Mga kabataan nga naman, kung anu-ano na lang na mga kalokohan ang naiisip. “Sandali! Bakit sa ibang lugar tayo papunta ngayon? Hindi dito ang daan na dinaanan ko kanina!” gulat kong sabi at muling napatingin sa babae na nasa aking tabi. May sariling buhay ba itong sasakyan ko?! Alam kong hindi ito ang daan na dinaanan ko kanina! Nakahalukipkip siya habang walang emosyon na nakatingin sa harapan. “Eyes on the road, Prince Nicholas. Papunta na tayo sa headquarters,” aniya. Napakurap ako sa aking mga mata at muling napatingin sa harapan. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang kanyang sinabi. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na lang na papalapit kami sa parang isang lumang mansion. Kumunot ang aking noo at muling napabaling sa babaeng nagngangalang Tatiana sa aking tabi. “Ito na iyong headquarters na tinutukoy mo?” tanong ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin at nginitian ako. Tumigil na ang aking kotse na para bang may sariling isipan. Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang kagaya ng ginawa ni Tatiana. Nakita ko siya na para bang may nilabas na stick sa kanyang bulsa. Nagulat ako nang bigla itong umilaw at itinapat niya ito sa abandonadong bahay. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko nang hindi na ulit ito umiilaw at itinago na niya ito sa kanyang bulsa. Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Pumasok na tayo sa loob, Prince Nicholas. Naghihintay na si Seven sa loob,” sabi nito at umuna ng maglakad papunta sa harapan ng pintuan sa abandonadong building. Tahimik akong sumunod sa kanya at nang makapasok ako sa loob ay laking gulat ko nang makita ko ang isang kakaibang lugar. Ang ganda ng paligid at wala akong nakikitang kalumaan sa mga gamit pati na rin sa mga pader. Sandali, diba abandonado ito? Hindi naman kapani-paniwala na ganito pala ganda ang nasa loob. “Welcome to Avalon’s headquarter, Prince Nicholas,” wika ni Tatiana habang nakangiti sa akin. Hindi ko nakapagsalita. Wala akong masabi. Nakatingin ako sa paligid at hindi ko mapigilan na mamangha. Hindi lang kami ang tao rito dahil ang dami nila! May iba’t iba silang ginagawa kaya hindi nila kami napapansin. May nakita akong nag iinsayo sa hindi kalayuan at ang gamit nila ay matatalim na mga sandata, ang bilis ng kanilang mga galaw na para bang sanay na sanay na sila sa kanilang ginagawa. “Tatiana, ito na ba si Nicholas Percival?” “Yes, Master Seven,” rinig kong sagot ni Tatiana na nasa aking tabi. Napatigil ako sa aking pagtingin sa nag iinsayo nang marinig ko ang aking pangalan na binanggit ng isang lalaki na lumapit sa amin ngayon. Kung titignan siya sa kanyang pisikal na anyo ay parang ka edad niya lang ang aking mga magulang. Meron siyang blonde hair at matipuno rin siyang lalaki, para siyang isang hari. Humakbang siya papalapit sa akin kaya mas lalong kumunot ang aking noo. “Who are you?” I coldly asked. Bahagya siyang ngumiti sa akin at yumuko na para bang ginagalang ako. Wait—don’t tell me pati ang lalaking ito ay inaakalang isa akong prinsipe?! “Welcome to Avalon’s headquarter, Prince Nicholas,” sabi ng lalaki. Napahawak ako sa aking noon ang maramdaman ko ito na para bang kumirot. Huminga ako ng malalim bago muling humarap ng seryoso sa lalaking nasa harapan ko. “Mawalang galang na, pero hindi ako isang prinsipe. Ako si Professor Nicholas Percival Delos Reyes at isa akong professor sa kolehiyo, hindi ako isang prinsipe kung iyan man ang inaakala niyo,” sabi ko sa lalaking nasa aking harapan. Napasulyap na rin ako kay Tatiana na tahimik sa aking tabi. Narinig ko ang mahinang pag tawa ng lalaki kaya medyo nakaramdam ako ng insulto sa kanyang ginawa. “Bakit ka tumatawa? Pwede ba, wala akong panahon sa trip niyo ngayon. Kailangan kong umuwi sa bahay namin dahil nag hihintay ang mga magulang ko!” inis kong sabi sa kanila. Alam kong nag hihintay na sa akin ngayon ang aking ina at hindi na ako mapakali. Kaarawan niya ngayon at sigurado akong magtatampo siya sa akin kapag hindi ako makauwi. Tumigil sa pag tawa ang lalaki at tinignan ako ng seryoso. “Your mother is Aislinn Calista,” he said. Nanlaki ang aking mga mata nang banggitin niya ang pangalan ng aking ina. “P-Paano mo nalaman ang pangalan ng aking ina? Sino ka?!” tanong ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin. “She was my queen,” mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin. Muling kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Anong sinasabi niyang naging reyna niya si Mama?! Nababaliw na ata ang lalaking ito! “Look, Mister Seven? I don’t have a time with this nonsense prince thing. Kailangan kong umalis dito dahil uuwi pa ako sa amin,” matigas kong sabi at tumalikod na sa kanila. Natigil ako sa aking pag hakbang nang maramdaman ko ang aking mga paa na hindi makagalaw. “What happened to me?!” galit kong sigaw. Pumunta sa aking harapan si Tatiana at nakita kong hawak niya ang stick na ginamit niya para makapasok kami rito sa loob. Nakaramdam ako ng inis sa kanya kahya tinignan ko siya ng masama. “Anong ginawa mo sa akin?! Pakawalan mo ako!” galit kong sabi sa kanya. Kapag makawala ako rito ay papatulan ko talaga ang babaeng ito! “Listen to me, Prince Nicholas,” muling nagsalita ang lalaki at lumapit din sa aking harapan. “We need you. We need a king and that’s you,” seryoso niyang sabi. “King? Hindi kita maintindihan!” “Si Aislinn Calista ay ang dati naming reyna sa mundo ng Adalan. Siya ang naging reyna ko sa Avalon Kingdom at siya rin ang nag ligtas sa mundo namin kasama ang iyong ama na si Callum Lorcan,” wika nito habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ako makapagsalita sa gulat na aking naramdaman. Pati ang pangalan ng aking ama ay kilala niya rin. “Kailangan mong bumalik sa mundo ng Adalan, Nicholas. Kailangan mong iligtas ulit ang mundo natin sa nalalapit na dark war,” wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. “Wait—wait?! Anong dark war?!” tanong ko. Humakbang papalapit sa akin si Tatiana at nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang magkabila kong pinsgi at tinitigan ako sa aking mga mata. Ang lapit ng aming mga mukha ngayon at hindi ako makagalaw at makahinga ng maayos. “Umalis na kayo, Tatiana. Huwag na nating hintayin na mahanap ng mga Ravenian si Nicholas kagaya ng nangyari kanina,” rinig kong sabi ng lalaki. “Yes, Seven,” sagot ng babae habang nakatitig pa rin sa akin. Habang nakatitig ako sa mga mata ni Tatiana ay naramdaman ko na lang na parang umikot ang aking paligid. Napahawak ako sa aking ulo hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nawalan na ako ng malay at wala na akong maalala sa sunod na nangyari. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD