EPISODE 3 - THE LONG-LOST SISTER

1381 Words
THE DARK WAR: PRINCE NICHOLAS EPISODE 3 THE LONG-LOST SISTER NICHOLAS’ POINT OF VIEW. “Nicholas! T-Tumakas ka na… tumakas ka na, anak.” Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang dumudugong kamay ng aking ina. Nagsusuka na rin siya ngayon ng sariling dugo nang dahil sa sugat niya sa may tiyan. Umiiyak ako ngayon at hindi ko na alam ang aking gagawin. Nakita kong pinatay kanina ang aking ama at ngayon ay naghihingalo ang aking ina at hindi ko kayang pati siya ay mawala sa akin. “Huwag niyo akong iwan. Itatakas kita rito! Hindi pwedeng hindi kita kasama, mahal na reyna!” umiiyak kong sambit. Sinubukan kong buhatin ang aking ina ngunit umiling siya ayt hinawakan ang aking pisngi. “Mahal na mahal kita, Nicholas. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, sa buhay namin ng iyong ama. Huwag mong sayangin ang sakripisyong ginawa namin para sa ‘yo. Tumakas ka na…” Unti-unting pumikit ang mga mata ng aking ina at kumalas ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay. Nanginig ang buo kong katawan at napasigaw nang malakas nang makita kong hindi na gumagalaw ang aking ina. Umiyak ako nang malakas at lahat ng aking nararamdaman ngayon ay nilabas ko na habang yakap-yakap ang walang buhay kong ina. Nakita kong dumilim ang paligid at kumulog ng malakas sa labas. Tuloy-tuloy pa rin ang pagsakop nila sa aming kaharian at hindi sila titigil hanggang sa hindi nila kami napapatay lahat. “Magbabayad ako… papatayin ko kayong lahat. Hindi ako titigil hanggang sa hindi ko kayo napapabagsak!” “Prince Nicholas!” Napabalikwas ako nang bangon nang hindi ako makahinga ng maayos. Napahawak ako sa aking dibdib habang hinihingal. Napahawak ako sa aking mukha at naramdaman ko ang labis kong pagpapawis, binabangungot na naman ako. Napakunot ang aking noo at napatingin sa paligid, wala ako sa aking kwarto. May nakita akong isang babae sa aking tabi at siya ang tumawag sa aking pangalan. Siya si Tatiana, ang babaeng pumatay sa isang halimaw na muntik nang pumatay sa akin. “Binabangungot ka, Mahal na prinsipe,” sambit niya. Napahilamos ako sa aking mukha bago muling humarap sa kanya ng seryoso. “Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Diretso pa rin ang kanyang mukha at wala akong nakikitang emosyon dito kaya mas lalo lang akong nainis. “Nandito ka sa kaharian ng Avalon, mahal na prinsipe.” Tinignan ko siya ng masama. “Will you stop calling me that?! I’m not a prince!” hindi ko mapigilan na pagtaasan siya ng aking boses dahil naiirita na ako sa pagtawag niya sa akin palagi ng Mahal na prinsipe. Bahagya siyang yumuko. “Paumanhin kung ikaw ay naiirita na sa pagtawag ko sa ‘yo ng mahal na prinsipe. Pero kailangan ko kayong galangin dahil isa naman talaga kayong prinsipe,” wika ni Tatiana at parang hindi natakot sa pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko siya pinansin. Bumangon ako sa malaking kama na aking hinihigaan. Nang tignan ko ito ng buo ay ngayon ko lang napagtanto na nakahiga ako sa isang kama na pang mayaman ang porma. Ito siguro ang tinatawag nilang queen size bed dahil ang laki at ang kama ay gawa sa ginto. Hindi ko alam kung totoong ginto nga ba talaga ito o peke lamang. “Totoong ginto po iyang lahat, Prinsipe Nicholas.” Muli akong napatingin kay Tatiana habang nakakunot ang noo. Nababasa niya ba ang aking iniisip? Bahagya siyang ngumiti. “Masyadong halata lang talaga sa iyong mukha ang labis na pagtataka, Mahal na prinsipe. Hindi po ako nakakabasa ng isipan kaya nagkakamali kayo ng iniisip,” sabi niya. Inirapan ko na lang ang babae at hindi nagsalita. Naglakad ako papalabas sa kwarto at nang makalabas ako ay bahagya akong napatalon sa gulat nang may nakita akong dalawang lalaki sa labas na may hawak na sandata na para bang bantay sa labas. Nang makita nila ako ay bahagya silang yumuko at bumati sa akin. What the hell is happening here?! Nasaan ako?! Nagsimula na akong maglakad at hindi ko mapigilan na mapatingin sa paligid. Masyadong malaki ang lugar na ito at habang naglalakad ako rito sa pasilyo ay may nakikita akong iba’t ibang palamuti na nakikita ko lang sa mga palasyo na napapanood ko sa mga palabas sa TV. Sandali, nasa isang palasyo ba ako? Nasa Pilipinas pa ba ako? Napatigil ako sa aking paglalakad nang may lumapit sa akin na isang babae na parang isang kasambahay rito ngunit ang kanyang kasuotan ay malayong-malayo sa uniform ng isang kasambahay, para siyang sinaunang babae na nakikita ko sa mga pinapanood kong mga palabas sa Netflix. “Mahal na prinsipe, nasa throne hall po si Queen Aria at hinihintay ka na niya roon,” wika ng babae sa akin at bahagyang yumuko bago umalis. Mas lalong kumunot ang aking noo sa aking narinig galing sa kanya. Sino si Queen Aria? Napahawak ako sa aking ulo at bahagyang ginulo ang aking buhok. Nananaginip ata ako! Hindi pwedeng totoo lahat ng ito dahil napaka-imposible! Kailangan ko nang umalis dahil naghihintay na ang aking mga magulang at alam kong nag-aalala na si Mama sa akin. Huminga ako ng malalim at sinampal ng malakas ang saliri kong pisngi. “Tang Ina!” malakas kong mura habang nakahawak sa aking pisngi. Gago! Ang sakit! Pero bakit nandito pa rin ako? Muli kong sinampal ang mukha ko pero kahit anong ulit ko pang p*******t sa aking mukha, wala pa ring nangyayari at nandito pa rin ako sa malawak na pasilyo na parang kaharian. “Para kang baliw diyan.” Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ng isang babae. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Tatiana. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nakita kong bahagya siyang nagulat sa aking ginawa. Ngumiti ako sa kanya. “Nananaginip lang ako, diba? Hindi totoo ang lugar na ito at alam kong pinaglalaruan niyo lang ako. Ibalik niyo na ako sa amin, please! Naghihintay na ang mga magulang ko sa bahay namin at kaarawan ng aking ina ngayon!” wika ko. Wala pa rin akong nakikitang emosyon sa mukha ng babaeng nasa aking harapan ngayon. Robot ba siya? “Naghihintay na si Reyna Ariadne sa iyong pagdating, Nicholas. Hinihintay ka na ng iyong kapatid.” Bahagya akong natigilan sa kanyang sinabi at nagsalubong din ang aking mga kilay habang nakatingin sa kanya. “Nahihibang ka na ba? Matagal nang patay ang kapatid kong si Ariadne!” inis kong sabi sa kanya. Ngumisi si Tatiana. “She’s not dead, Nicholas. Queen Ariadne is alive and she’s waiting for you at the throne hall,” sagot niya. Napatulala ako sa aking narinig. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso. Nagsimula na siyang maglakad habang ako ay nakasunod lang din sa kanya dahil hawak niya pa rin ang aking braso. My sister is alive? Paano nangyari iyon? Ilang taon na niluksa ng mga magulang ko ang pagkawala ng aking nakakatandang kapatid at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ang aking ina kapag naaalala niya si Ariadne. “Nandito na tayo.” Napakurap ako sa aking mga mata nang makita nasa harapan na kami ng isang malaking pintuan. Si Tatiana ang nag tulak nito upang mabukas at nang makapasok na kami sa loob ay umagaw na kaagad ng aking paningin at ito ay ang babaeng nasa harapan na may suot ng mahabang gown at may suot din siyang isang korona. Lumakas ang t***k ng aking puso at mas lalong tinitigan ang babae. “Maligayang pagdating sa Avalon, Nicholas,” malumanay na sabi nito. Unti-unti siyang lumapit sa akin at mas lalo ko na ring nakikita ang kanyang pagmumukha. Nang makalapit na ito sa akin ay hindi maiwasan na manlaki sa aking mga mata nang makita ko ang napaka-pamilyang na pagmumukha sa akin. Kamukhang-kamukha siya ng aking ina. Humakbang ako palapit sa kanya at unti-unting inangat ang aking kamay at hinawakan siya sa kanyang pisngi. “K-Kamukha mo si Mama…” mahina kong sambit habang nakatitig sa kanyang mukha. Bahagya siyang ngumiti at tumango. “Ako si Ariadne. Ako ang iyong nawawalang kapatid, Nicholas. Maligayang pagbabalik sa ating mundo,” sambit ni Ariadne at niyakap ako. Hindi ako makagalaw. Buhay ang kapatid ko at hindi ako nananaginip. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD