EPISODE 1
THE PROTECTOR
NICHOLAS’ POINT OF VIEW.
“Nic, kailan mo ba balak mag girlfriend? Ang tanda mo na, bro! Bakla ka ba?”
Napatigil ako sa aking ginagawa na report nang magsalita ang aking kasamahan dito sa faculty na si Sir Jeffrey. Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi at itinigil muna ang aking ginagawa para masagot ang kanyang tanong sa akin.
“Wala pa akong panahon diyan, Jef, hindi rin ako bakla,” sagot ko sa kanyang tanong.
Umiling siya na para bang hindi nagustuhan ang aking sinabi. Hindi na lang siya nagsalita ulit at bumalik na lang sa kanyang table at pinagpatuloy ang kanyang trabaho.
Wala pa sa aking isipan ang magkaroon ng girlfriend dahil kontento ako sa aking buhay na mag isa at walang pino-problema. Ang hirap magkaroon ng girlfriend at hindi ko rin ugali ang manuyo kung mag away man kami ng magiging girlfriend ko. Busy rin ako sa aking trabaho at marami pa akong pangarap sa aking buhay. Hindi pa naman ako matanda at marami pa akong panahon, hindi naman isang competition ang pagkakaroon ng girlfriend.
“Nico, sama ka sa amin! Manlilibre ng inumin si Sir Lucas,” wika ng kasamahan kong guro rito sa aming faculty na si Sir Israel.
Bahagya akong ngumiti at umilis. “Pass muna, Sir. Uuwi ako ngayon sa probinsya dahil kaarawan ng aking Mama,” sabi ko rito.
Tumango naman sila at hindi na ako pinilit. Kilalang-kilala na nila ako at alam nila na hindi ako sumasama sa mga ganoong pagsasalo. Nasasabihan na rin nila akong KJ o Kill Joy pero balewala lang ito sa akin dahil ayoko rin mapalapit sa kanila.
Napagpasyahan ko ng umalis at sumakay sa aking kotse. Mahaba pa ang byahe ko pauwi sa probinsya namin kung saan nakatira ang aking mga magulang. Bago ako umalis pauwi ay tumigil na muna ako sa may palengke upang makabili ng pasalubong sa aking mga magulang at makabili ng regalo kay Mama.
Habang nag da-drive ako sa aking kotse ay napagpasyahan kong magpa tugtog dahil masyadong tahimik ang paligid at dumadaan din ako ngayon sa isang liblib na lugar. Napangisi ako nang tumugtog ang paborito kong kanta ng Imagine Dragons na Warrior.
“Here we are, don’t turn away now! We are the warriors that built town!” pagkanta ko at sinabayan ang pinapatugtog ko rito sa loob ng aking kotse.
Habang nililibang ko ang aking sarili sa pakikinig sa aking paboritong kanta habang nagda-drive, nagulat ako nang may bigla akong makita sa hindi kalayuan sa gitna ng daan na isang hayop. Pinaningkitan ko ang aking mga mata at mas lalo pa itong tinitigan. Napagpasyahan ko munang itigal ang aking sasakyan at lumabas dito para mas matignan ko kung ano itong nakaharang sa daan.
Nang makalapit na ako rito ay hindi ko mapigilang magulat at matigilan. Anong klaseng hayop ito?! Para itong lobo pero mas malaki pa ang hayop na nasa harapan ko ngayon. May matutulis siyang mga pangil at nanlilisik ang kanyang mga pulang mga mata na nakatingin sa akin. Inaamin ko kahit lalaki ako ay labis na takot ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa sa takot at gulat. Hindi ito simpleng hayop at alam ko iyon.
The unknown creature growled louder. Muli itong napatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Nanginginig ang mga paang umatras sa takot hanggang sa napatakbo na ako palayo rito. Napatingin ako sa aking likuran at nakita kong tumakbo rin ito papalapit sa akin.
“s**t! s**t!” I cursed.
Sa katangahan ko ay bigla akong nadapa at hindi ko namalayan na napadaan na pala ako sa lubak na daan. Unti-unti akong napalingon nang may marinig ako sa aking likuran.
“s**t!” muli kong mura.
Mabilis akong napaiwas nang biglang tumalon iyong lobo sa aking harapan. Mabilis akong tumayo kahit paika-ika na ako. Tumakbo ulit ako at naghanap ako ng isang matalim na bagay. May nakita akong isang matibay na sanga kaya mabilis ko itong kinuha at muling humarap sa kakaibang lobo na papalapit na sa akin. Umigting ang aking panga at mahigpit na hinawakan ang matalim na sanga. Nang unti-unti na itong papalapit sa akin ay ako na ang tumakbo palapit dito at tinusok ang aking hawak na sanga sa may mata ng lobo. Muli itong umungol nang malakas sa sakit sa aking ginawa sa kanyang mata.
Mabilis akong tumabo palayo pero natigilan ulit ako nang may makita akong babae sa aking harapan. Walang emosyon siyang nakatitig sa aking mga mata at may hawak siyang pana at palaso. Who the hell is she?!
“Pumunta ka sa aking likuran, Prince Nicholas. Ako ang bahala sa halimaw na ito,” malamig nitong sabi at naglakad papunta sa aking harapan.
Napakurap ako sa aking mga mata at mabilis na sinunod ang kanyang sinabi. Nakita kong itinaas niya ang kanyang pana at itinutok ito sa malaking lobo na dumadaing pa rin nang dahil sa ginawa kong pag tusok sa mata nito. Akala ko ay simpleng pana lang ang dala ng babae pero laking gulat ko nang bigla itong nagbuga ng apoy. Pinana ng babae ang lobo at nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari, naging abo na lang ito bigla at nawala na sa aming harapan.
What the heck?! Paano nangyari iyon? Bakit bigla na lang nawala ang lobo sa aming harapan at naging isang abo? Nananaginip ba ako? Hindi naman ako nakainom ng alak pero bakit parang lasing ako sa mga nakikita ko ngayon.
“Okay lang po ba kayo, Prince Nicholas?” humarap sa akin ang babae at humakbang palapit sa akin.
Isa pa ang babaeng ito. Kanina niya pa ako tinatawag na Prince Nicholas. Mukha ba akong prinsipe?! Nakikita niya ba itong suot kong ID at may nakalagay na professor Nicholas Percival? Hindi ata ito marunong mag basa.
“Who are you? A-Anong klaseng halimaw iyong nasa harapan natin kanina? At bakit bigla na lang itong naglaho?” sunod-sunod kong tanong sa babae na nasa aking harapan. I need anwers! Para na akong mababaliw ngayon.
Bahagya siyang yumuko at muling tumingin sa akin.
“Ang umatake sa ‘yo kanina ay isa sa Ravenian wolf. Alaga iyon ng dark king at nandito iyon para patayin ka,” sagot niya sa aking tanong.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat.
“P-Patayin ako? Bakit ako papatayin? Wala akong atraso!” wika ko.
Seryoso niya akong tinignan. Humakbang siya papalapit sa akin at nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at binuka ang aking palad. Nanlaki ang aking mga mata nang biglang umilaw ang aking palad nang hawakan niya ito.
“A-Anong nangyari?” hindi makapaniwalang tanong habang nakatingin pa rin sa aking kamay na umiilaw.
“You are a prince of a magical world named Adalan, Prince Nicholas,” sagot niya.
Kunot noo ko siyang tinignan.
“W-What?”
“I’m Tatiana Dwyer, and I am your protector, Prince Nicholas of Avalon. You need to return to the kingdom. We need you.”