THE DARK WAR: PRINCE NICHOLAS EPISODE 17 THE SABOTAGE NICHOLAS POINT OF VIEW. May binigay sa akin si Ariadne na isang kwentas at ito ang nagsisilbing proteksyon ko upang hindi makalapit sa akin ang dark king, kung susubukan na naman nito na pumasok sa aking katawan at gamitin ako. Hindi na bumalik sa dati ang aking kamay at naging itim na ito na para bang nilagyan ng mga uling. Naninibago ako habang tinitignan ang aking mga kamay at parang natatakot na rin akong magalit dahil baka bigla na lang angkinin ng dark king ang aking katawan kapag nawala ako sa aking control. “Nicholas?” Napatigil ako sa aking pag iisip at napatingin sa aking likuran. Nakita ko si Tatiana at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti habang nakatingin sa kanya. Siya ang nagbibigay sa akin ng lakas ng l