THE DARK WAR: PRINCE NICHOLAS EPISODE 16 SHE’S VERY IMPORTANT TO ME NICHOLAS POINT OF VIEW. Hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ni Ariadne sa akin kanina habang nakatingin sa akin ng seryoso. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ganun na ba talaga ka delikado ang dark king? At bakit ako ang ginugulo niya? “N-Nicholas?” Napakurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang mahinang boses ni Tatiana habang tinatawag ang aking pangalan. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Pagkatapos naming mag usap ng aking kapatid ay kaagad akong pumunta rito sa kwarto ni Tatiana upang malaman ang kanyang kalagayan ngunit nang makita ko siya at tulog pa rin ito kaya wala akong nagawa kundi ang hintayin ang kanyang pag gising. Kitang-kita ko