THE DARK WAR: PRINCE NICHOLAS EPISODE 18 PRINCE NICHOLAS NICHOLAS POINT OF VIEW. “Mahal na prinsipe, nais ng reyna ng kaharian ng Ustrina na makausap ang mahal na reyna Ariadne,” wika ni Tatiana nang makapasok siya sa loob ng kwarto ng aking kapatid. Mahimbing na natutulog si Ariadne sa kanyang malaking kama at galing lang niya sa labis na pag iyak. Nakatulog si Ariadne sa sobrang pagod at sa sunod-sunod niya na pag iyak kanina pa at wala akong magawa kundi ang damayan siya at alagaan dahil ako lang ang nag iisa niyang kapamilya rito sa kaharian ng Avalon. Tumayo ako at humarap kay Tatiana. Sinenyasan ko siyang huwag gumawa ng ingay at tumango naman siya. Muli akong humarap sa aking kapatid at inayos ko muna ang kanyang kumot at hinalikan siya sa kanyang noo bago ko mapagpasyahan na