Maagang natapos ang klase namin dahil may meeting daw ang faculty. 2:30 pm pa lang, 3 pm pa naman ang usapan namin ni kuya Drey. Naisipan kong pasyalan muna si Monique kaya dumiretso ako ng Old Building, naroon siya sa same spot sa bintana. "Monique." Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Hello Arlene. Salamat at dinalaw mo ako ulit." "Alam ko kasing nalulungkot ka dito. Kung may magagawa lang sana ako para sa'yo, para palayain ang kaluluwa mo." Malungkot kong sabi. "Kapag nahuli na ang pumatay sa akin, siguro saka ako matatahimik. Saka 'pag naalis ang mga nakalagay na proteksyon sa paligid nitong Old Building pati ng buong school." Napakunot ang noo ko. "Buong school?" Tumango si Monique. "Kung hindi mo napapansin, maliban sa Annex at dito, wala nang ibang lugar sa campus ang may mul