Gumawa ako ng listahan ng mamanmanan ko, isinulat ko isa-isa ang suspect kona kinuwentuhan ni Monique: Si Gio, paano ko kaya siya lalapitan? Si Sir Tony, medyo naiilang ako sa kanya. Si Sir Antonio III, May iba pa bang Antonio? Si Hanz, medyo madali-dali ito. g imbestigahan dahil madaldal. Si Rose, 'di ko pa siya nakikilala. Nasaan kaya ito? Si Diego, close pala sila ni Monique? Akala ko ba tingin niya suplada si Monique gaya ng sabi ni Diego? Si Manang Huling ... seriously, pati staff ng canteen pinagkwentuhan niya? Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, ano ang aalamin ko at paano ko sila iaapproach ng hindi magdududa sa intensyon ko. Bahala na. Bukas ng umaga ay sisimulan ko sa pinaka-madali. Si Hanz. Nahiga na lang ko para magnakaw ng kaunting matulog, kahit paano ay makapag