Alas-singko na nang dumating kami ni Kuya sa bahay. Nagpalit muna ako ng damit pambahay bago ko ginulo si Kuya sa kwarto niya. Kinatok ko muna ang pinto niya bago ko binuksan. Pumasok ako saka ni-lock ang pinto. "Kuya. Alam mo bang kamukha ko iyong multo sa Old Building? Student 'yon na nakitang patay doon." Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto niya para may pagsabihan ng mga iniisip ko. Nakakapraning solohin. "Talaga? May picture ka niya? Patingin." Nakadapa si Kuya habang nagsa-sound trip. Inalis ni Kuya ang nakasalpak na headset sa tainga niya. Ipinakita ko sa phone ko ang profile ni Monique sa FB Napanganga si Kuya."Kamukha mo nga. Akala ko sss mo. Monique de Jesus. Naririnig ko sa mga kaklase kong lalake 'yan. Niligawan daw nila noon kaso busted." "Pinuntahan ko siya sa Old Building,