Nakarating na kami sa farm na tinatambayan ni Rod. Nakaupo kami ngayon ng magkatabi sa ilalim ng malaking puno ng mangga na paborito niyang tambayan. Nakatulala pa rin ako sa hangin, pilit na inaalis sa isip ko ang itsura ng nakakatakot na nilalang na 'yon. "Paano ako papasok sa school kung naroon 'yon? Baka magpakita sa akin 'yon habang maraming tao sa paligid, o kaya nasa gitna kami ng klase. Makikita ng lahat na paranoid ako over something na hindi nila nakikita, at malalaman ng nilalang na 'yon na may ability ako to see, hear and feel them." Nakatulala lang ako habang naglalabas ng mga alalahanin ko kay Rod. "Sa tingin ko ay may magagawa ako para d'yan." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon niya. Inilabas nito ang kwintas na may palawit na may green stone at may bahid ng pula. Hugis pata