Maaga kaming hinatid ni mama sa school. 6am pa lang, sakto rin sa pagbubukas ng gate ng Annex Building. Dumiretso muna ako sa dorm para kunin ang school bag ko. Gising na ang dalawang hitad, himala, ang aga. "O, himala ang aga nyong gumising." Papuri ko sa kanila. "Gusto ko nang maligo sa umaga." Nakangising sagot ni Emma. Maganda rin ang ngiti ni Daisy. Parang may magandang nangyari sa kanya. "Ang agang tumawag ni Mama. Nambulahaw eh. Nanggaling daw siya sa inyo kahapon?" Napangiti ako. Baka natauhan na talaga ang Mama nito. "Oo, hinahanap iyong dating may-ari ng Villa. Kaibigan yata ng Mama mo." Hindi ko na lang ikukwento ang buong nangyari. Ayokong sirain ang masayang umaga niya. "Mabuti naman at kaibigan ang hinahanap, akala ko dahil naghahanap na naman sa Ate ko." Hindi nawala an