Wala pa rin akong kibo sa kotse habang nasa byahe pabalik ng school. Ninanamnam ko pa rin ang simpleng halik ni Rod. Aba'y syempre kinikilig ako pero ayokong ipakita. Kailan lang kami nagkakilala eh. "Galit ka pa rin ba? Sorry na. Hindi ko lang talaga napigilan ang nararamdaman ko sa'yo. I like you. Sa simula pa lang kitang nakita, gusto na talaga kita." Pagsusumamo ni Rod habang nagmamaneho. "Like? Hindi love? Tapos kiss agad? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh." Inirapan ko nga. "Love? Medyo maaga pa para doon, pero I have a strong feelings for you. Give me a chance. Sige, manliligaw ako. Payag ka ba, officially dating na tayo? Please. Para makilala mo rin ako." "Okay, fine. Manligaw ka. Bawal ang kiss, bawal ang touch. Hindi pa kita sinasagot." Nag-cross arms ako. "Sus. Ikaw nga ang