"Arlene..." tawag sa akin ni Emma. Nakaupo ako sa sala habang nanonood ng DVD. "O, bakit? Saka bakit ka nagkukulong sa kwarto mo kanina pa?" Nasa kwarto lang pala niya 'tong babaitang 'to, akala ko kung saan nagpunta. "Si Daisy, nasaan?" "U-umuwi na muna sa kanila. May naiwan daw siya." Mukhang tuliro. "May problema ba?" "Ano kasi ... hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin." "Ano nga 'yon? Sabihin mo na." "Kasi pag nasa Annex Building tayo, kakaiba ang pakiramdam ko. Malamig, mabigat ... basta. Ganun kasi nararamdaman ko pag feeling ko may multo sa paligid. Nangangapal ang batok ko na parang may pasan ako. Ewan. 'Di ko ma-explain." Napasandal si Emma sa sofa. "Oy ha, hindi ako napa-praning." "Naiintindihan kita. I know someone na nakakakita ng multo. Old friend ko." Napaunat si E