"TUNGKOL ba ito sa nangyari kagabi sa'yo, Iha?" matamang tanong ni Captain de Vera. Nasa pang-isahang upuan ang lalaki sa payak at maaliwalas nitong living room habang siya naman ay naroon sa mahabang sofa. Si Sergeant Orpilla ay dumiretso sa isang pinto at nagsabing maghahanda ng mamemeryenda niya.
"Uhm… a-actually, Captain de Vera, wala pong kinalaman sa nangyari kagabi ang dahilan ng pagpunta ko. I understand everything. Uhm… I just want to see and talk to your son kaya po ako narito."
Tumango ang matandang pulis. “Marahil ay may mga gusto kang linawin sa kaniya. Pero bago mo sana kausapin ang anak ko, may mga nais lang akong sabihin sa’yo, Iha. Ang totoo ay sa akin ipinagkatiwala ang pagbuo ng team na gagawa ng bogus a*******n. Nang una kong narinig ang tungkol sa assignment na 'yan, hindi ko nagustuhan ang ideya," pahayag nito. "May tiwala ako sa aking mga tauhan. Alam kong kaya nila ang simpleng misyon na iyon, pero ang inaalala ko ay ang magiging epekto noon sa'yo."
She nodded. "Naintindihan ko ang ibig nyong sabihin, Captain. But I assure you, I'm fine. Natakot lang po talaga ako no'ng una, but when I saw Colin…" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at ngumiti na lang.
Lumabas si Sergeant Orpilla mula sa kusina. May dala itong tray na agad inilapag sa ibabaw ng mesita.
"To make it clearer, Miss Ortega, hindi dapat si Colin ang tatangay sa'yo. Ako talaga ang nakatoka roon.”
"Really? P-paanong napasama si Colin sa grupo?" Hindi niya ma-imagine kung hindi ito ang tumangay sa kaniya. Baka nga nagkatotoo ang trauma niya.
"Kasi, Iha, nagkasakit ako nitong mga nakaraang araw at gustuhin ko mang samahan ang aking mga tauhan para tiyakin na maayos ang kalalabasan ng assignment nila, hindi kinakaya ng katawan ko."
"Colin decided to take over,” sabad ng batang pulis. “Well, hindi siya pulis, but he is one of us. Matagal na kasi namin siyang kaibigan. Sa mga huling minuto ng pagbuo ng plano, inako na rin ni Colin ang pagkuha sa’yo. He even suggested na ihiwalay ka ng sasakyan dahil mas magiging trauma sa’yo kung isasakay ka niya sa van kung saan tatlo na kaming naroon. The whole team agreed kaya successful ang operasyon." Ngumisi si Sergeant Orpilla at inokupa ang katapat niyang upuan. Pagkuwa'y kumuha ng isang baso ng juice at iniabot sa kaniya. Tinanggap naman niya iyon at maingat na tinikman.
"Kumusta nga pala ang gabi mo, Iha? Nasiyahan ka naman ba sa kakaibang sorpresa ng iyong kasintahan?"
Maagap siyang umiling at inilayo ang baso ng juice sa bibig.
"Oh, no, Captain! I'm sorry, pero hindi ko boyfriend si Alexander. Kababata ko siya at family friend namin ang mga Lim. He just surprised me on my birthday dahil matagal kaming hindi nagkita."
Tumawa ang matandang lalaki. "Gano'n ba? Pasensiya ka na, Iha. Baka isipin mong tsimoso ako." Humalakhak ito. Nakitawa rin ang tauhan habang siya naman ay nangingiti lamang.
"E, Kapitan..." ani Sergeant Orpilla na tumingin sa kaniya. "Naliligaw po yata tayo ng usapan. Hinahanap po ni Miss Ortega ang unico hijo nyo. Nakita ko rin pala ang motorsiklo niya sa labas."
"Ay, oo! Narito si Colin. Pero... pihadong abala ang anak ko roon sa kaniyang hideout."
"Hideout?" ulit niya at tumaas ang mga kilay.
Tumingin ito sa kaniya. "'Yung kubo sa likuran ng bahay, nando'n ang kaniyang lungga. Kapag naroroon siya ay hindi ko talaga inaabala. Pero sandali lang, tatawagin ko at sasabihin kong may naghihintay sa kaniya.”
"Ako na lang po kaya ang sumadya sa kaniya, Captain?" prisinta niya at inilapag ang baso sa mesa.
Nagkatinginan ang dalawang pulis. Nasilip niya ang pagtataka sa mukha ni Captain de Vera bago nagkibit ng balikat. "O, siya. Bahala ka, Iha. Taluntunin mo lang ang daan sa likod. Makikita mo agad ang sinasabi kong kubo."
Mapuno at mas malalago ang mga halaman sa bandang likuran ng bahay nina Captain de Vera. Pero hindi iyong tipong masukal na nakakatakot pasukin. Maaliwalas din ang daang patungo sa kubo na kaagad niyang natanaw.
Tumatahip ang dibdib niya. She was damn excited and damn nervous at the same time. Pero dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makita si Colin ay hindi man lang nangurong ang kaniyang mga paa hanggang sa makarating siya sa harapan ng kubo.
The trees around the hut were taller. May naaninag siyang puno ng kalamansi sa bandang kaliwa. May mga piraso ng putol na kahoy na nakahilera sa mahabang mesa sa harapan. Bukas ang bintana sa tagiliran gayun din ang pinto na iilang hakbang na lang ang kaniyang pagitan.
Nakakasakal ang t***k ng kaniyang puso. She started to imagine Colin lying in his bunkbed. Dahil iyon lang ang naiisip niyang ginagawa ng binata sa kubo. At siguro naman ay hindi siya makakaabala sa pamamahinga nito.
Pero kung sakaling natutulog ang binata ay ano? Would she wake him up?
She bit her lower lip and walked towards the door. Ang sahig ng kubo ay makintab na uri ng kahoy. Sa unang apak pa lang dito ay tunog ng tila nagpupukpok ang agad sumalubong sa kaniya.
Then she saw him. Pero kabaligtaran ng kaniyang na-imagine ay nakaupo lang si Colin at may hawak na chisel at maliit na martilyo. Sa harapan ng binata ay nakatayo ang mababang piraso ng kahoy. Sa isang gilid ay naaninag niya ang ilan mga wooden carvings. The man was into wood carving! She was amazed.
Nanatili lang siya sa kinaroroonan. She stood still, watching the handsome carver na halatang hindi namamalayan ang pagpasok niya. Ito pala ang pinagkaabalahan ng binata sa kubong iyon. At kaya marahil hindi ito inaabala ng ama.
Then she was torn between leaving the man alone and continued watching. Oo at gusto niyang magkita at magkausap sila ni Colin, pero waring hindi maatim ng puso niya na i-disturb ito sa pambihirang hobby. Nanatili pa rin siya roon at pinagmasdan ang seryoso nitong anyo.
Nang huminto si Colin ay tila huminto rin siya sa paghinga. Tumayo ito at nakita niya ang mga butil ng pawis sa mukha ng binata. Pero ang hindi niya inaasahan ay nang hubarin nito ang T-shirt at ihagis sa isang tabi.
Napanganga siya. Pinahid nito ng likod ng palad ang mga pawis sa noo at leeg. At sa minsang paglingon sa may pintuan ay nakita rin siya nito sa wakas.
Her eyes widened in surprise. Tila siya pa itong mas nagulat kesa sa binata na walang kamalay-malay sa kaniyang presensiya. Yes, she was shocked. Dahil huling-huli siya ni Colin na nakatunganga sa topless, pawisan at makisig nitong katawan! Nagkaguhit ang pagitan ng makakapal na kilay nito sa pagtitig sa kaniya.
"I-ikaw?" manghang tanong ng binata.
Ngumiti siya. At halos manginig ang mga pisngi niya sa pagngiti.
Tumalikod si Colin. Hinanap ang kamisetang itinapon. Walang pagmamadaling isinuot nitong muli ang damit bago humarap at lumapit sa kaniya.
"H-hi!" Pinilit niya ang isang normal na ngiti habang sinasalubong ang matitiim nitong mga mata.
"Anong ginagawa mo rito? Sinong nagdala sa'yo?" Tila natapunan ng kaunting kabagsikan ang boses ng binata.
She remained calm. Gayong halos mabilaukan na siya sa tindi ng kaba. "Uhm... I-I went to the police station and looked for you..." simula niya. "Nagkamali ako. Hindi ka naman pala pulis. Mabuti na lang nando'n si Sergeant Orpilla. Siya ang nagdala sa akin dito."
"Kay Jason? Sumama ka? Sumama ka sa taong hindi mo kakilala at nag-iisa ka pa?" sunud-sunod na tanong nito. "Hindi ka naman pala mahirap kidnapin ano, Miss Ortega?" nang-uuyam na wika nito.
Ilang sandali siyang natilihan doon, pagkuwa'y mabilis na umiling, "O-of course not. I'm with my driver. Hindi ako mag-isa. Sinundan lang namin ang kotse niya."
Natahimik si Colin at pinagmasdan siya. Kumunot ang noo nito.
"Bakit ka nagpunta? Anong kailangan mo?" malamig ang pagkakatanong nito noon bago siya tinalikuran para balikan ang ginagawa.
Wala sa sariling napahakbang siya. Halos magkabuhol na ang mga daliri niya sa paglalaro roon. "I want just to see you... Gusto ko sanang makausap ka..."
Umangat ang mukha ni Colin sa kaniya. At sa kabila ng matinding kaba ay sinalubong naman niya ang mga mata nito.
"Tungkol saan? Hindi pa ba'ko abswelto? Hindi ba naipaliwanag sa'yo ng date mo ang mga pakana niya?"
Humakbang siya nang isang beses at nasulyapan ang mga wooden carvings doon. May isang flat surface doon na inukitan ng bulaklak ng gumamela. She liked it.
"He already did. At hindi kita pinuntahan para sumbatan or whatever. I just want to see you." At muling tumingin doon sa inukitang kahoy ng gumamela.
Ilang sandaling tahimik lang sila roon. Palipat-lipat ang tingin niya kay Colin at sa wooden craft. Gusto niyang itanong sa binata kung ibinebenta ba nito iyon, pero nag-aalangan siya.
"Nasa bahay ba si Jason?" tanong ni Colin at mabilis siyang tumango.
"Iniwan ko siya roon kasama ang Dad mo- oh, I already met your father! Si Captain de Vera. Mabait siya at masayang kausap." Ngumiti siya.
"Bakit gusto mo'kong makita, Miss Ortega? May sasabihin ka ba?"
"Colin, may first name ako. It's Florence," aniya at tumingin dito nang diretso.
"Anong sasabihin mo?"
"Marami. Pero... mukhang busy ka pa," turo niya sa ginagawa nito at ngumiti. "Maybe next time?"
Hindi agad sumagot si Colin. Nag-iwas ito ng tingin habang naghihintay naman siya ng sagot. Nasilip niya ang pagkailang sa mukha nito.
"Please, Colin? Gusto lang kitang makilala. Marami akong gustong malaman tungkol sa'yo. Like do you study in CPU? Bakit hindi kita nakikita madalas? Saang department ka? Ilang taon ka na?" dire-diretsong sabi niya. "You see, Colin? Marami akong tanong at kung busy ka ngayon, pwede akong maghintay kung kailan ka free."
"Bakit gusto mo 'kong makilala? Huwag mong sabihing ang isang katulad mo, interesado sa katulad ko." Ngumisi ito at umiling.
"You're right. Intersado ako sa'yo. At interesado din ako sa lahat ng bagay na pinagkakaabalahan mo."
Nilapitan niya ang ginagawa nito at hinawakan. Pinasadahan niya ng mga daliri ang magaspang na kahoy at nagitla nang may tumusok doon.
Hinila niya ang kamay at tiningnan. May maliit na piraso ng kahoy ang bumaon sa kaniyang index finger at masakit iyon.
"Akina..." ani Colin sabay kuha sa kamay niya. Tiningnan nito ang kaniyang salubsob. "Hawak ka ng hawak. Hindi mo naisip na masusugatan ka."
She smiled. Napalis ang sakit na iniinda ng kaniyang daliri sa nakitang concern nito. Binitiwan nito ang kamay niya at tumalikod. Tinungo nito ang isang maliit na drawer at may kinuha doon bago siya binalikan.
Automatic na ibinigay niya ang kaniyang palad sa binata. Nagkatinginan sila. Siguradong babalik-balikan niya sa isip ang mga sandaling iyon na hawak ng mainit na kamay ni Colin ang kaniyang kamay.
"Madalas ka rin bang magka-splinter?" kaswal na tanong niya. Pinanood niya ang paglapat ng dulo ng tweezers sa kaniyang balat.
"Madalas. Pero okay lang."
"Sanay ka na?" Ngumiti siya at napangiwi sa nakangingilong pakiramdam. Dahan-dahan kasing hinugot ni Colin ang piraso ng kahoy na nabaon sa kaniyang daliri.
"Lagyan ko ng alcohol."
Tumalikod ito at binalikan ang drawer. Pagbalik nito ay agad dinampian ng bulak na may alcohol ang kaniyang katiting na sugat. Nai-imagine niyang naglulundag ang sariling puso.
"Thank you," aniya nang matapos ang binata.
"Graduating ako sa CPU," wika ni Colin at natahimik siya. Nagkatinginan sila. "Architecture. Twenty-three years old." Tumaas ang mga kilay nito. "Ano pang tanong mo?"
Ang kaninang kilig niya ay nabantuan ng disappointment. Ibig bang sabihin ay walang balak si Colin na makipagkita ulit sa kaniya?
"Oh! Masyado ngang marami, di ba? Kulang ang maghapon."
"Huwag ka nang pupunta ulit dito, Miss Ortega. Hindi ka bagay rito. Nakita mo, nasugatan ka lang."
Para siyang sinibat sa sinabi ni Colin. Pero hindi siya nagpatalo.
"Katiting na sugat lang 'to, Colin. I can handle this. At hindi ikaw ang magsasabi sa'kin kung saan ako nababagay. Besides, pinatuloy ako rito ng Dad mo."
"Mabait na tao ang Tatay ko. Marunong siyang makisama kahit kanino."
"Pero hindi ikaw? Gano'n ba?" sambot niya at lumapit dito. Nakita niya ang pagtatagis ng mga panga ni Colin habang sinasalubong ang mga tingin niya.
"If you still can't get it, then let me tell you straight. I like you, Colin. The first time I saw you, nakuha mo na ang atensiyon ko. Kaya babalik ako. Kung hindi rito, sasadyain kita sa building nyo."
"Huwag mong pababain ang sarili mo sa paningin ng ibang tao, Miss Ortega," anang binata. "Hindi ganiyang ang kilos ng isang Prinsesa. Hindi ka dapat nagsasayang ng oras sa mga kagaya ko."
"Ang kagaya mo ang gusto kong paglaanan ng oras, Colin. Walang pakialam sa akin ang ibang tao."
Natigilan ito. Maya-maya ay ngumisi. "Iba talaga kayong mayayaman kapag may nagustuhan. Walang pakialam sa paligid niya." Dismayado itong umiling.
"Colin, hindi ako gano'n..."
"Alam ba 'to ng boyfriend mo, Miss Ortega? H'wag mong sabihing hinahayaan ka lang niya sa mga kalokohan mo?"
"Sino bang tinutukoy mo? 'Yung date ko last night? Nagkakamali ka. He's not my boyfriend. I don't have one."
Natahimik si Colin, pero maya-maya'y, "May girlfriend ako..."
Natilihan siya. Tulalang tumingin siya kay Colin. Namutla siya at nanlamig.
"At hindi niya magugustuhan kung malalaman niyang may ibang babaeng nagpupunta rito. Ayoko ng gulo, Miss Ortega. Sana irespeto mo 'yon."
NAKAILANG katok muna si Lorena sa pinto ng kaniyang kwarto bago niya iyon sinagot. Wala siya sa mood makipagkwentuhan pero nang sabihing dala nito ang kaniyang hapunan ay pinatuloy na lang niya.
Hinintay niyang bumukas ang pinto at pumasok si Lorena. Nakangiti ito at dire-diretso sa kaniyang kinaroroonan. Nakaupo siya noon sa gitna ng kama at nakasandal sa malapad na headboard nito.
"Naku! Mukhang wala sa mood ang alaga ko, a! Mabuti pa, Snow, kainin mo itong dala ko. Ang super favorite mo!"
Tumango siya. "Iwan mo na lang diyan, 'Ya. Mamaya ko na lang kakainin," matamlay niyang tugon at dinungaw muli ang cellphone.
Ka-chat niya ang mga kaibigan at ikinukwento sa mga ito ang ginawang pag-reject sa kaniya ni Colin.
Berna: You did that? God, Rency it's not you! Ano bang meron dun sa Colin at ikaw pa talaga ang nag-confess ng feelings mo? Nakakaloka, ha!
Jelai: I can't believe you, Rency! Paano kung may makaalam sa university na ikaw pa ang nagtapat sa guy? Pag-uusapan ka!
She quickly typed her reply.
Rency: How would they know? Ikukwento niyo ba 'ko?
Berna: Loka, siyempre hindi! But what if si Colin itong magyabang sa mga kaibigan niya tungkol sa ginawa mo?
Sumagot agad siya. Umiiling pa siya habang nagtitipa.
Rency: Imposible. Hindi 'yun gagawin ni Colin.
Jelai: How sure are you? Hindi mo pa kilala nang lubos ang tao.
Hindi niya sinagot si Jelai. Basta alam niyang hindi gano'n klaseng tao si Colin.
Berna: So he said he already has a girlfriend? Oh, girl! I can't imagine your reaction.
Her reaction? Tama lang sigurong sabihing daig pa niya ang sinampal. Sobra siyang napahiya. Pero ano pang magagawa kung nangyari na.
Nabagabag pati siya pagkatapos. Pakiramdam kasi niya ay may naapakan siya roon. Oo nga at hindi naman niya alam na may girlfriend si Colin, pero dapat ay inalam muna niya. She only thought about her feelings for him. She was too excited that she did not bother to ask if it's still okay to dream for him. Dahil kung siya ang girlfriend at nalaman niyang may nagtapat sa boyfriend niya na gusto ito ay maiinis siya sa babae. Her actions were impulsive! At tuloy ang kaniyang napala.
Naagaw ng tikhim ni Lorena ang atensiyon niya sa cellphone. Napatingin siya sa babae. Nakatayo lang ito roon at pinanonood siya.
"Okay ka lang ba, Snow?" worried na tanong ng kasambahay. "Kanina ka pa matamlay. Pagdating mo kanina pa hindi ka na lumabas ng kwarto. May problema ka?"
Umiling siya. "Wala, 'Ya. Napagod lang siguro ako. I just need a complete rest."
Ngumuso ito. "Sure ka? Kumain ka muna bago ka matulog, okay?"
Tumango siya at matamlay na ngumiti. Itinuro pa ni Lorena ang tray ng pagkain bago ito tumalikod. Paglabas ng kasambahay ay binasa niya ang ilan pang mensahe ng mga kaibigan.
Jelai: At least, the guy is honest. Kasi kung ibang lalaki siguro 'yon, baka pinagsamantalahan ka na.
She silently agreed with Jelai. Iba naman kasi talaga si Colin. Wala sa personality nito ang magsamantala.
Berna: May faithful pa palang boyfriend ngayon. Swerte naman ng girl!
She sighed. Hindi siya na muling sumagot. Binasa na lang niya ang mga pumapasok sa inbox niya na mga messages na nagsasabing tigilan na niya si Colin. Ang dami pang payo ng mga kaibigan.
Jelai: I hope you're feeling okay. Lalake lang 'yan. Besides, kailan mo lang naman siya nakilala. Baka curious ka lang sa kaniya kaya ganiyan ang epekto sa'yo.
Berna: Saka kung ayaw niya sa'yo, e di 'wag niya! Sino ba siya?
She took a deep sigh. Sino si Colin? Ito lang naman ang lalaking tahasang nag-reject sa kaniya.
Sa gabing iyon ay nakatulog siya na nagkukukot ang dibdib. At ang tawag ni Lorena mula sa labas ng silid ang gumising sa kaniya kinabukasan.
"Good morning, Snow!" masayang bungad sa kaniya ng Yaya nang pumasok.
Halos mairita siya sa boses nito. Nahirapan pa siyang idilat ang mga mata dahil sa antok. Kinapa niya ang cellphone sa night table at sinilip ang oras. Mag-aalas otso lang noon ng umaga. Pumikit ulit siya at hinayaang kumilos sa silid ang kasambahay. Kaya lang ay nilapitan siya nito at bahagyang niyugyog.
"Snow, bumangon ka na r'yan..." malambing na tawag nito na hindi niya pinansin. Lalo siyang namaluktot.
"Pasensiya na, Snow, pero kailangan mo nang bumangon. May bisita ka. Naghihintay na sa'yo sa ibaba."
Doon siya nagising.
Ang singkit na mga mata ni Alexander na tumatawa ang una niyang nabungaran sa living room ng kanilang mansion. Kausap nito si Nana Eliza na unang nakapansin ng pagdating niya.
"O, hayan na ang hinihintay mo, Anak!"
Lumingon si Alexander at isang ngiti ang isinalubong niya dito. Naghilamos lang siya at nagpalit ng damit. Kung maliligo pa kasi ay masyadong matatagalan at ayaw naman niyang paghintayin nang matagal si Alexander.
Lumapit sa kaniya ang binata at maingat siyang niyakap.
"Maiwan ko na kayong dalawa," ani Nana Eliza nang sila'y maghiwalay. Tiningnan niya ang pag-alis ng mayordoma bago bumaling sa bisita.
"Good morning, Mr. Lim! Anong meron sa araw na ito at ang aga mong nang-istorbo?" banayad na biro niya na may bahid ng katotohanan.
Kumunot ang makinis na noo ng binata. "It's not a good morning to me," simula nito. "Bakit hindi ka nagre-reply sa mga texts ko kahapon? Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko? You made me so worried. Kung hindi lang sa charity event na dinaluhan namin ni Papa, kagabi pa lang pinuntahan na kita."
She smiled guiltily. Pinalampas ang mga panenermon ng kababata.
"I'm sorry, Alex. Nasa biyahe kasi ako nung tumawag ka. At tulog naman na 'ko nung nagtext ka. Are my reasons valid?"
"No. 'Cause you wouldn't call back. Hindi ka din nag-reply sa kahit isa man lang na text ko. I want to think na iniiwasan mo 'ko."
"Of course not. Pagod lang ako kaya hindi na kita ni-reply."
"May pagod bang umalis ng bahay? Sabi mo nasa biyahe ka kahapon. Saan ka nagpunta?"
Hindi siya agad nakasagot. Bahagya rin siyang nag-iwas ng tingin. "May kinumusta lang akong... kaibigan... na maysakit..." She was thinking about Captain de Vera.
Tumango si Alexander. "Alright. I accept your reasons. Pero sasama ka sa 'kin ngayon."
"N-ngayon as in ngayon na?"
"Yup. Ngayon na. Dahil maaga akong bibiyahe bukas pabalik ng Maynila at matatagalan na naman bago ulit ako makauwi rito. So I suggest you get ready and I'll wait for you outside."
Hindi bago sa kaniya ang lumabas at magliwaliw kasama si Alexander. Dahil madalas naman siyang makasama sa mga leisure trip at out-of-town ng mga Lim.
"Isang taon lang mula nang huli kong bakasyon dito, may ganito na agad pagbalik ko," komento ni Alexander nang matanaw nila ang signage ng bagong tayong adventure park sa Sta. Catalina. The place featured its zip lines and cable car thrills.
"Last summer lang 'yan binuksan. Hindi ka naman umuwi. Mabuti pa nga si Stan nandito nung bakasyon," tukoy niya sa kapatid nito.
"Rency, alam mo namang walang bakasyon ang masteral ko, 'di ba?"
Nakatingin siya sa labas ng kotse. Ang dinadaanan nila ay 'yong kalye kung saan naghilera sa mga gilid ang mga bilihan ng ornamental plants at mga paso.
"Marami talagang nagbago rito for the past years. 'Yung dating sugar cane farm, pinatayuan na ng mall. At 'yung dati namang planta ng asukal, isang malaking commercial building na ngayon."
"I heard. Hindi nga lang sa Sta. Catalina maraming nagbago..." dagdag nito na nagpalingon sa kaniya. He glanced at her. "Pati na sa'yo."
She frowned. "Sa'kin? Ano namang nagbago sa 'kin?"
"I don't know," nagkibit ito ng balikat at hindi inalis ang tingin sa unahan. "Napansin ko lang no'ng gabi ng birthday mo. I noticed that something has changed. There's an unusual glint in your eyes. I don't know how to say it exactly."
She laughed. "It's only your imagination, Alex. Walang nagbago sa'kin."
Hindi ito agad sumagot, pero maya-maya ay tumawa rin at tumango.
"Siguro nga. Baka na-miss lang kita."