Pounded

3406 Words
NAGTATAWANAN sina Jelai at Berna sa isang social media post na nadaanan ng mga ito. Naglalakad sila patungo sa isang bench doon sa CPU grounds at busy na agad ang dalawa sa social media. Hindi naman makapagkomento man lang si Florence. Patingin-tingin pa siya roon sa iilang motorsiklo na nakaparada sa ilalim ng hanay ng mga acacia tree. "Guys, you know Icarius Gregorio, right?" anito at sinulyapan sila. "Yep." Si Berna ang sumagot. Tumango lang siya at naunang naupo sa malamig na bench na may malalagong dahon ng chico sa itaas. Tumabi sa kaniya si Jelai na hindi mapuknat ang mga mata sa iPad. Sumunod dito si Berna. Inilabas niya ang cellphone para tingnan ang mga text messages na pumasok. "Jelai, dear! May hindi ba nakakakilala kay Icarius dito?" tanong ni Berna na nilingon siya. She shrugged. Kabilang si Icarius Gregorio sa prominenteng angkan ng mga Llamanzares sa San Carlos at siyempre pa'y sikat din sa CPU. "Oh! Kunsabagay. Tama ka riyan. But I wonder kung may isa sa atin ang nakakakilala rito sa kasama niya. Ang hot ni Kuya, o!" "Talaga? Patingin!" ani Berna na halos hablutin na ang iPad ni Jelai. Natatawang tumingin siya sa dalawang katabi at pagbawi ay nahagip ng mga mata ang dalawang taong naglalakad sa may di-kalayuan. Her heart jumped as she immediately recognized Colin in his usual rugged attire. Nauuna lang ito ng ilang hakbang sa kasunod na babae. Napalunok siya. Nanatili sa babae ang mga mata. Was she his girlfriend? "Rency, look at this!" siko sa kaniya ni Jelai, pero hindi niya pinansin o nilingon man lang. Nanatili ang tingin niya kay Colin at sa kasama nito. Tumigil si Colin sa tapat ng isang motorsiklo. And she just remember it was his bike. Huminto rin ang babae at mukhang may sinabi kay Colin. Binuksan ng huli ang compartment ng motorsiklo at may kinuhang kung ano na nababalot sa papel. Nakita niya ang excitement at tuwa sa mukha ng babae. Iniabot dito ni Colin ang hawak, pero imbes na tanggapin ay bigla itong naglambitin sa mga balikat ni Colin pagkatapos ay pinatakan ng halik sa pisngi ang binata. Napatayo siya sa gulat. "Rency!" "Oh, why?" Ilang sandali pa ay umalis na roon ang babae bitbit ang ibinigay rito ni Colin. Naiwan mag-isa ang binata na inayos sandali ang compartment bago isinara. "Rency, sino ba 'yang tinitingnan mo? Don't tell us it's-" "Colin? 'Yan si Colin?" Nilingon niya ang dalawa at kabadong tumango. "Y-yes..." At sa muli niyang pagbaling sa gawi ng binata ay nagkatinginan na sila. Nakita siya nito! Nag-triple ang t***k ng puso niya. "Ohhh! Now I know!" bulalas ni Berna. "But is it the same guy in the photo?" Hindi niya binawi ang tingin. Sa distansiya ay kita niya ang blangkong anyo ni Colin. Hanggang sa talikuran na siya nito para sakyan ang motorsiklo at patakbuhin. Ni hindi na muling tumingin. Hindi talaga ito interesado! Kahit gaano pa siya kaganda, kahit gaano kasikat at kahit gaano kayaman, si Colin ang nag-iisang nilalang na sigurado siyang kahit masalubong siya ay ni hindi siya ngingitian man lang. Hindi niya alam kung saan galing iyong panginginig niya. Ang bigat lang sa pakiramdam nang malamig na trato ni Colin sa kaniya. "Sino 'yung babae kanina?" tanong ni Berna at sinilip siya. "I bet it's not the girlfriend he was talking about." "I'm sure kaklase lang 'yon," ani Jelai na binabato siya ng nakikisimpatiyang tingin. "At malamang na ito ang girlfriend niya." Sabay pakita ng iPad nito. Nagkaguhit ang noo niya nang dungawin ang screen noon. Nakilala agad niya si Colin sa isang larawan kasama ng tatlong iba pa. Nasa pang-apatang mesa ang grupo. Icarius with his current girl na nalimutan niya ang pangalan, and a chinita girl na siyang katabi ni Colin. Parang may malamig na kamay na dumaklot sa puso niya. Lalo na nang nabasa ang caption. 'Double date.' ------------------ "DAD, pati ba naman ikaw?" bagot na wika ni Florence sa ama na nasa kabilang linya. He called to check on her. Maliban doon ay issue din ni Alfonso ang tungkol sa ginawa ni Alexander nung gabi ng kaarawan niya. Alam niyang makakarating iyon sa Daddy niya kahit wala siyang sabihin dito. Of course. His secretary would tell everything to him. At alam ni Wella kung ano ang nangyari matapos niyang iwan ang sariling party. "What we had was just a simple dinner," kalmanteng paliwanag niya sa ama. "It was just a part of Alex's surprise birthday gift for me. H'wag n'yo namang bigyan ng ibang kahulugan." "I can't help it, Princess. Bata pa lang kasi si Alexander ay pinahahanga na niya ako. He's an epitome of an ideal son. Matalino, masipag at responsable. Hindi ko nga alam sa batang 'yon, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nililigawan?" "Daddy!" Hindi na niya naitago ang pagkapikon. "Okay, okay," tatawa-tawang wika ni Alfonso. "Naiinis na ang prinsesa ko. Baka mamaya tuluyan nang magtampo sa'kin at hindi na 'ko kausapin." Umiling siya. Banayad na nagbuga ng hangin at naglitaniya. "Kasi Dad, hindi naman talaga 'yon kagaya ng iniiisip nyong lahat. Ayokong binibigyan ng ibang kulay ang friendship ko kay Alex. Hanggang do'n lang kami. Isa pa, nag-aalala ako. Mamaya kasi niyan makarating kay Alex itong sinasabi n'yo at dalawa lang ang pwedeng mangyari. It's either mailang na siya sa akin o kaya naman ma-pressure at biglang ligawan nga ako. At 'yon ang pinaka ayoko sa lahat." "Alright, Princess. Naiintindihan ko. Anyway, I need to go. Tatawagan na lang ako ulit bukas. Be a good girl." "I'm a good girl, Dad. Don't worry." "Yes, of course. And Princess, kung sakali naman na kusang manligaw sa'yo si Alex, I hope bigyan mo siya ng malaking chance." "Dad!" Humalakhak ito. "Okay, sige na nga. I'm sorry for intruding. I just miss you so much. H'wag ka nang mainis." She sighed and couldn't help but smiled. "I miss you, too, Dad. So be home soon, okay?" "I will. I love you." "I love you, too, Dad." Pagkatapos ng tawag ay binalikan niya ang nakabukas na laptop sa ibabaw ng kaniyang kama. Sa screen noon ay ang picture sa timeline ni Icarius Gregorio. Her friends told her na h'wag na niyang pagtuunan pa ng pansin. But she didn't listen. Pinasok niya ang timeline ni Icarius na bagaman kilala niya ay hindi niya friend at hindi din niya ipina-follow. At ngayon nga ay ilang minuto na siyang nagbabasa sa mga comments sa f*******: post na iyon at nagbabakasaling makakita ng clue kung iyon na nga ang girlfriend ni Colin. Karamihan sa mga comments ay halos iisa lang ang sinasabi. Kung gaano kagwapo si Icarius at bagay daw ito sa kasalukuyang girlfriend. May mga negative comments na kontra naman doon sa babae. Pero napansin niyang marami rin ang gaya nina Jelai at Berna ay napuna ang isa pang lalaki sa picture. Nagtanong ang mga ito kung sino ang lalaki. They even asked kung taga-CPU din ba at kung kaanu-ano ni Icarius at kung sino ang babaeng katabi. May ilan namang nagkomento na kilala si Colin at ang mga ito ang nagsabi ng pangalan nito at kung saang department. A few said that he's Icarius friend and the girl beside him was probably his girlfriend. Walang nakapagsabi kung sino 'yung babae. Ang tangi namang naka-tag sa post ay ang girlfriend lang ni Icarius. May mga nagbanggit na walang social media account si Colin na naka-frustrate naman sa ilan. She frowned. Ibinaba niya ang lid ng laptop at iritadong nagbuga ng hangin. Hindi niya lubos-maisip kung bakit nagagawang pag-aksayahan ng oras ang isang social media post. Katumbas na yata noon ang panahon na ginugugol niya sa pagre-research kung may assignments. ------------------- "FLORENCE?" Napukaw ang pansin niya mula sa cellphone. Nilingon niya ang tumawag at nakita ang isang pamilyar na mukha. Malaki ang ngiti ng lalaki habang nakatunghay sa kaniya. "Sergeant Orpilla! Hi!" Kumunot ang noo nito bagaman hindi tuluyang nawala ang ngiti. "Ano 'yan? Akala ko ba first name basis na lang tayong dalawa? Bakit Sergeant Orpilla pa rin?" "Oh! Of course!" sambit niya. "Sorry... Jason pala," bawi niya at tipid na ngumiti. "You're here. Wala kang duty ngayon?" "It's my day-off. Ikaw? Mag-isa ka lang?" balik-tanong ng lalaki at tumingin-tingin sa paligid ng department store. Nasa loob iyon ng pinakamalaking shopping mall sa Sta. Catalina. Sabado at karaniwan na sa kaniya ang magtungo roon. Lumingon siya at tinanaw si Yaya Lorena na nasa harapan ng mahahabang display ng mga make-up. Ito ang kasama niya imbes na sina Berna at Jelai. May pangako kasi siya sa Yaya na bibilhan niya ito ng mga damit at accessories. "Uhm... no. May kasama ako," aniya nang muling bumaling kay Jason. "I see," anito na tumatango habang tumitingin sa cellphone na hawak niya. Ngumiti ito. "Since... nagkita tayo ngayon, okay lang bang imbitahin kita?" Tumaas ang mga kilay niya at inayos ang strap ng sling bag sa balikat. "Imbitahan saan? Birthday mo?" Mabilis itong umiling. "No. Sa March pa ang birthday ko. Bumaba na kasi noong isang araw ang promotion ko. And before that I already decided to throw a small party. Parang pasasalamat. Konti lang naman ang guests." Hinawakan niya ang leeg at nag-isip. Nahihirapan siyang tumanggi. Mabait kasi si Jason at maayos naman itong nag-iimbita. Pero hindi niya alam kung tama kayang um-oo lang siya. For sure, wala siyang kakilala sa mga bisita nito. Unless naroon si Captain de Vera, kahit paano ay may makakausap siya. "Okay ba sa'yo? Sunduin kita mamaya?" "M-mamaya na agad?" "Yup." Ngumiti ito at dumukot sa side pocket. "Kunin ko ang number mo para kung sakaling pwede ka naman, susunduin kita sa bahay n'yo." "H'wag na," tanggi niya at natigilan ang kaharap. "I mean... hindi mo 'ko kailangang sunduin. Magpapahatid na lang ako sa driver. I'll just give you my number so you can send me the address." Lumawak ang ngiti ni Jason sa sinabi niya. "Okay!" At ilang sandali pa ay nakapagpalitan na sila nito ng mga numero. "Pero... hindi pa ako sure, ha? Titingnan ko pa." "I understand," wika nito. "But I really hope you can come. Para makilala mo din 'yung iba pang mga kasama sa pag-abduct sa'yo no'ng birthday mo. Nabanggit ko kasi sa kanila na nagkakilala na tayo." "Uhm... m-may mga kakilala kaya ako na pupunta sa party? Like Captain de Vera?" She actually thought about Colin coming into the party at lalo siyang nagdadalawang-isip. "Sa tingin ko, wala. Dahil itong si Kapitan de Vera, nagpauna na na hindi makakapunta. Babawi na lang daw sa 'kin sa susunod," paliwanag nito at pinagmasdan siya. Alanganin siyang ngumiti at tumango-tango. Nahihirapan pa rin siyang magpasya. "Kung inaalala mo na baka ma-out-of-place ka, don't worry, Florence. I'm sure, 'yung mga kaibigan ko na ang kusang makikipagkilala sa'yo once makita ka. Promise. You'll enjoy the party." Ilang minuto na siyang nakatitig sa screen ng cellphone. Sa gilid naman niya ay si Yaya Lorena na nag-aayos ng kaniyang mga pinamili. "Kung ako sa'yo, Snow, hindi na ako pupunta. Wala ka namang kakilala ro'n. Saka sino bang mga bisita nung pulis na 'yon kundi mga kapwa pulis din? Maiilang ka lang." Nilingon niya ang kasambahay. Sa ibabaw ng kaniyang kama ay mga bagong jumpsuit at romper na paborito niyang outfit sa school at sa iba pang lakaran. Inilalagay iyon ni Lorena sa mga hanger para maiayos na sa closet. Tiningnan niya ang cellphone. Pinag-iisipan pa niyang maigi kung tatanggihan si Jason nang makita ang pagpasok ng text message mula kay Jelai. Jelai: I think it's better if you won't go. 'Yung pulis na 'yon ang nagdala sa'yo kay Colin, hindi ba? Ang superior niya, 'yung father mismo ni Colin. You would mingle with the same people Colin usually mingles with. Sa tingin mo ba imposible na nando'n din siya sa party? What if kasama pa ang girlfriend niya? How would you feel, Rency? She weaved a deep sigh. Tama si Jelai. Hindi na siya dapat magpunta. Bagaman nahihiya siya kay Jason ay kailangan niyang tanggihan ito. Baka kasi wala nga si Captain de Vera at hindi makakapunta pero si Colin naman ang naroon. Kahit pa sinabi na ni Jason na wala siyang kakilala sa mga bisita nito ay may posibilidad pa rin na biglang lumutang sa party si Colin gayong iniiwasan na niyang magkita ulit sila. Tama na 'yung ni-reject siya ni Colin. She must learn her lessons out of her impulsiveness. Hindi na niya dapat pangarapin na makita ulit ito. She had to forget him, for Heaven's sake! Ayaw na niyang magsayang pa ng panahon para sa isang lalaking tumanggi sa kaniya. She should not force herself to him. Not just because he's already taken but he obviously didn't like her. She decided to turn down Jason's invitation. Pero hindi na muna niya siguro ito ime-message dahil mag-iisip pa siya ng maganda-gandang rason. Kita niya ang pag-asam ng lalaki na makarating siya sa party at ayaw niyang isipin nito na balewala lang iyon sa kaniya. Na talagang plano niyang tanggihan ang imbitasyon nito. "Florence, Anak!" Boses ni Nana Eliza na papalapit sa kinaroroonan niya. Palubog na ang araw at naroon siya sa may gilid ng pool. Sa harapan niya ay ang laptop kung saan kausap niya kanina ang ama. At dahil wala namang ibang gagawin ay hindi na muna siya pumasok. Pinuntahan na lang niya ang ilang blogsites na sinusundan at nagbasa-basa. "Nana?" Nilingon niya ang mayordoma. Kasunod nito ang isa sa mga security guards nila. "May nagpapaabot daw nito sa 'yo sabi ng guard." Inilahad ng kasunod na gwardiya ang isang pangkainamang laki ng kahon. Tumayo siya para tingnan ang brown na box pero hindi muna iyon kinuha. Hindi pa niya alam kung kanino galing iyon. "Kanino raw galing?" "Hindi po sinabi ang pangalan, Senyorita. Basta ipinabibigay lang po ito sa inyo." "Ano kaya 'yan? Uhm... wala man lang card?" "Wala akong ideya, Senyorita. Pero kung duda po kayo, ako na lang ang magbukas?" Sandali siyang nag-isip bago tumango. "Sige, Kuya. Ikaw na nga lang." Tumango ang guard. Humalukipkip siya at pinanood ito. Hindi niya alam kung saan galing ang kabog ng dibdib. Pero unti-unti siyang natigilan nang unti-unti ring makita ang nasa loob. Hinawakan niya ang leeg. At nang magtaas siya ng tingin sa guard ay hawak na nito ang laman ng kahon. Ang wood carve na gumamela ni Colin! Napanganga siya kasabay ng mas matindi pang pintig ng puso. Halos hablutin niya ang inukitang kahoy. Wala sa sariling hinaplos niya ang tatlong bulaklak na nililok. Iyon nga ang nakita niya sa kubo ni Colin. Mas makinis na at mas makintab. Nilingon niya si Nana Eliza na pinanonood naman ang kaniyang reaksiyon. Napangiti siya sa mayordoma. "N-nasa'n 'yung nagbigay? Nasa labas pa?" tanong niya sa gwardiya. Nahaluan ng panic ang boses niya. "Umalis na po, Senyorita. Ayaw ko nga muna sanang paalisin kaya lang ay nagmamadali raw..." Tulala siya pag-alis ng gwardiya at ni Nana Eliza. Nakita pa niya ang nagdududang tingin ng mayordoma bago siya nito iniwan. Nagsalimbayan ang mga tanong sa kaniyang isip. Kung galing kay mismo kay Colin ang wood carving ay malaking tanong kung bakit. Para saan? Napansin nito na interesado siya sa piece na iyon? Isang text message ang pumukaw sa pag-iisip niya. Dinungaw niya ang cellphone sa ibabaw ng table garden at nakita ang text ni Jason. Ilang minuto na ang nakakaraan nang magtext siya rito para sabihing hindi makakapunta. Idinahilan niya ang iilang schoolworks na hindi naman agaran at pwede pa niyang gawin kinabukasan. Wala na kasi siyang maisip na mabuting dahilan. Inilapag niya ang wood carve sa ibabaw ng mesita saka dinampot ang cellphone para mabasa nang buo ang mensahe. Jason: Hindi pa nagsisimula ang party. Kung matapos mo agad ang schoolworks mo, sabihin mo lang. Napaisip siya. She had already decided not to go. At ang tanging rason kung bakit naayaw siya ay dahil sa pangambang magkita ulit sila ni Colin. She was not really scared to see him. Despite the rejection she received from him, she still liked Colin. Isa pang text ni Jason ang pumasok at kaniyang binasa. Medyo makulit ito pero kasalanan niya. She gave him her number. Jason: Should you change your mind, I'm all ready to fetch you. Humugot siya ng hangin at kabadong nagtype ng sagot. ----------------------- HINDI niya kinagat ang offer ni Jason na susunduin siya. She called for her driver matapos magbago ng pasya at ipaalam sa binatang pulis na pupunta siya. Iniwasan niya ang mag-isip tungkol doon habang gumagayak. She told herself that she would just attend a simple party and that's all. "O, Snow! Akala ko hindi ka na dadalo d'yan? Pinilit ka siguro nung Sarhentong 'yon," banayad na sermon sa kaniya ni Lorena nang muli siyang bumaba at nakabihis. Nilingon niya ito at ningitian. She ignored what she said. Bagaman napapansin niya na habang tumatagal ay dumadami ang opinion nito sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kaniya. Hindi sa inaalisan niya ito ng karapatang pagsabihan siya paminsan-minsan pero bakit pati ang kaniyang pag-attend sa party? Sa daan pa lang ay binubulabog na siya ng kaba. Paano nga kung naroon din si Colin? Ano'ng gagawin niya? Would she tell him about the wood carve? Paano kung mali siya ng hula na ito ang may bigay noon? Paano kung may bumili lang noon kay Colin pagkatapos ay ipinadala sa kaniya? Maraming possibilities. Pwedeng hindi talaga iyon para sa kaniya. At pwede ring sa kaniya talaga at ayaw lang ipasabi ng totoong nagbigay. Pero ang pinakanatitiyak niya? Gawa iyon ng malikhain at masipag na mga kamay ni Colin. Damn! Dahil sa wood carve na iyon ay bumaligtad ang isip niya at ngayon ay hinahayaan na naman ang sariling emosyon na kontrolin siya. Hindi niya kailangang itanggi. Sapagkat kahit itago niya iyon sa kasuluksulukang ugat ng puso at isip ay sumisigaw ang katotohanan na umaasa siya na kay Colin mismo galing ang espesyal na regalong iyon. Maganda at moderno ang townhouse na nasa address na ibinigay ni Jason. She wondered if he owned the unit. Karamihan kasi sa mga nagpupulis ay mula sa simpleng pamilya, at alam niyang hindi gano'n kalaki ang kita ng isang pulis. Hindi agad siya bumaba ng kotse. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jason para ipaalam dito na naroon na siya. It's not like she's feeling so important na kailangang sunduin sa labas, pero parang gano'n na rin. He asked for her presence then she would ask for his regard. Lalo at hindi niya alam kung sino-sino ang mga naroong bisita nito. Dinig na dinig niya sa background ang usapan at tawanan ng mga tao nang sagutin siya ni Jason. "Yes, Florence? Sa'n ka na?" "Jason, I'm here in front of your townhouse. Come here now and fetch me." "Talaga! Sige, sig-" "Jason!" May tumawag dito na marahil ay isa sa mga bisita. "'Tol, hinahamon ka nitong si Pritz! Accept the challenge!" Nadinig niyang sabi noon at nagtawanan at nag-cheer ang iba pa. "Yes, Tol! Teka lang!" "I'll just wait for you," aniya, pero muling tinawag ang kausap ng kung sino sa mga naroon. Umiling-iling siya. Hindi siya dapat talaga nagpunta. Sa phone pa lang ay out-of-place na siya. Nawala kasi sandali si Jason sa linya at mukhang kinausap pa ang nagsalita. Ang naririnig na lang niya ay ang magulong usapan at halakhakan. "Jason!" tawag niya. Halos sigawan na niya ang naroon. Hindi kasi siya sanay na nababalewala at naiiwan sa usapan. All her life, she had every attention that she needed. "Florence, I'm sorry..." anito at marahang tumawa. "I'm telling my friends now that you're coming." "What? Do you really have to announce my arrival?" di-makapaniwalang tanong niya. Damn, hindi siya VIP! Hindi gano'ng klaseng atensiyon ang kailangan niya! Tumawa ito. "May nakakakilala pala sa'yo sa mga bisita ko. Ilang taga-CPU. I'm just not sure if they're also familiar to you. Wait! Sunduin na kita diyan." Pinatay niya ang tawag at nilingon ang tahimik niyang driver. "Pakihintay na lang ako Kuya Gary. Hindi ako magtatagal." Tumango lang ito. She sighed. Bumaba siya ng kotse at pinasadahan ng mga palad ang kulay peach na jumpsuit. Humangga sa kalahati ng legs niya ang laylayan noon at pinaresan ng puting strappy heels. Kipkip niya ang puti din na hand bag. Ilang sandali pa siyang naghintay roon at kumukulubot na ang kaniyang mga kilay. Nakita niya ang pagbukas ng mas maliit na gate ng townhouse. And her heart pounded instantly when she saw who came out from there. Colin! Namilog ang mga mata niya. Sinipa siya nang matinding kaba. Natitigilang pinanood niya ang paglapit nito sa kinatatayuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD