Awkward

3624 Words
"...ONCE again, thank you all so much for coming!" At isang palakpakan ang umugong pagkatapos ng kaniyang maiksing speech. She was smiling to everyone, but deep inside ay nakakaramdam siya ng lungkot. She missed her father, Alfonso Ortega. Bagaman nakausap niya ang ama via video call ay iba pa rin kung naroon ito sa pagtitipon. Her dad's closest friends were there. May kani-kaniyang regalo para sa kaniyang kaarawan. Ang mag-asawang Lim ang nauna sa lahat ng mga bisita niya na sumalubong at bumati pagdating niya ng hotel. "You are like a daughter to us, Rency," wika ni Diana Lim. Katabi nito ang asawang si Gilbert. "Kulang na nga lang ay dalhin mo ang aming apelyido." Tumawa ito. Nasa dance floor na agad ang mga kaibigan niya. Kasayaw ni Berna ang kababata rin niyang si Stanley, anak na bunso ng mga Lim. Ang partner ni Jelai ay anak ng isa sa mga executives ng kumpaniya nila. She suddenly felt boredom. "Rency, where are you going?" habol sa kaniya ni Wella nang nakita siya nitong palabas ng hall. Nilingon niya ang babae. "May kukunin lang ako sa kotse, Wella." "I'll just call your driver para siya na ang kumuha. Ano ba 'yon?" "Ako na lang. Kaya ko naman." “There’s a party here. Hahanapin ka ng mga guests.” “Wella, this party’s almost over. Hindi na ako hahanapin ng mga tao.” "Okay. But I'll go with you." "Wella!" Nainis na siya sa kakulitan ng babae. "I'll go alone. Kaya ko na ‘to. Besides, gusto ko talagang mapag-isa dahil ang boring ng party na inihanda mo,” sabi pa niya para tantanan na siya ng assistant ng ama. Natigilan nga si Wella sa narinig nito. She didn’t mean to hurt anyone’s feelings. Bored siya at kapag bored siya, she neeed some time alone. “Paki…asikaso na lang ang mga guests. Maya-maya lang naman, uuwi na ang mga ‘yan. Thank you, Wella.” Tinalikuran na niya ito. Ibinaba siya ng elevator sa mismong parking ng hotel. Natatanaw niya agad ang pulang Audi at naglakad siya patungo roon. Inilabas niya ang susi ng kotse mula sa dalang purse. Kinuha niya talaga iyon sa driver kanina dahil sa binabalak niya. The unlock confirmation sounded. Agad niyang binuksan ang driver's seat at sumakay.  She could drive, but she's not yet allowed to drive for herself. Agad niyang ini-start ang engine at minaniobra ang sasakyan. Palabas na siya ng basement nang mula sa kung saan ay may itim na van ang biglang humarang sa daan. Her car automatically braked. Hinintay muna niyang dumiretso ang van, subalit nanatili lang iyon sa unahan niya. Bumusina siya. Hindi iyon natinag. Ilang beses pa siyang bumusina, pero wala pa rin. "What the hell is wrong with this car?" inis na wika niya habang inaalis ang seatbelt at agad na lumabas. Nilapitan niya ang van upang alamin kung anong problema ng driver, subalit bago pa siya tuluyang makalapit ay may humaklit na sa kaniyang baywang kasabay ang malaking kamay na tumabon sa kaniyang bibig. Nag-freeze nang ilang sandali ang utak niya. Napahawak siya sa kamay na tumatakip sa kaniyang bibig at gumapang ang takot sa dibdib. "Makinig ka, Miss Ortega..." bulong ng taong hinahapit siya mula sa likuran. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kaniyang tainga at batok. "Sasama ka sa 'kin ngayon. Walang mangyayaring masama kung susunod ka lang..." Her eyes widened. Dumadundong sa takot ang dibdib niya. "H’wag ka ring magtatangkang pumiglas dahil magsasayang ka lang ng panahon," banta nito at sapilitan siyang iniharap sa gawing kanan ng basement. "Nakita mo ang kotseng 'yun? Doon tayo sasakay. Malinaw ba, Miss Ortega?" Lumakas lalo ang kabog ng puso niya. Pinilit niyang kumalma subalit nahirapan siya. Nang magsimulang lumakad ang lalaki ay halos hindi niya maramdaman ang pagkilos ng sariling mga paa. Parang bakal ang braso nitong nakapaikot sa kaniyang katawan. Nanatili sa ere ang mga kamay niya, takot na ibaba man lang iyon o igalaw dahil baka saktan siya ng lalake. She hoped someone was there in the parking and see them. Maliwanag na kidnap iyon! "Buksan mo!" utos ng lalaki matapos patunugin ang kotse. Nasa tapat na sila ng pintuan ng driver's seat. Kabadong sumunod siya. Nag-iisip siya ng paraan para makatakas, subalit sa bawat paghapit ng braso sa kaniyang baywang ay lalo lang siyang natataranta. At sa kabila ng panganib sa buhay ay hindi niya maiwasang ma-distract sa mabangong amoy ng kaniyang abductor. "Aalisin ko 'tong takip sa bibig mo..." bulong ng lalaki. Halos maramdaman niya ang mga labi nitong humahaplos sa kaniyang tainga. Hindi niya tuloy napigilan ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan. "Binabalaan kita, Miss Ortega. Oras na sumigaw ka, siguradong may mangyayari. Nagkakaintindihan ba tayo?" Frantic na napatango siya. Hindi na niya alam kung saan siya higit na nagpa-panic. Kung sa nangyayaring pagtangay sa kaniya o sa mismong may tangay. "Sakay! Dumiretso ka kaagad sa kabilang upuan kung ayaw mong magalit ako!" mariing wika nito at napapikit siya. Takot na sumakay siya at ginawa nga ang bilin nito. Paglapat ng katawan sa passenger seat ay nilingon din niya agad ang kidnapper... upang maestatwa. Her abductor! "Well done, Miss Ortega," wika ng lalaki na may maliit na ngisi sa mga labi.  Halos malaglag ang mga panga niya habang nakatunghay rito. Sa wakas ay nagkita na ulit sila ni unknown guy! “Ngayon, Mahal na Prinsesa, isuot mo naman ang seatbelt mo. Manatili ka lang mabait na sa kinauupuan mo at makakabalik ka nang maayos sa inyo." FLORENCE had never been that calm and anxious at the same time. Natitigilan pa rin siya habang pinagmamasdan ang mukha ng kaniyang abductor. Hindi matapos-tapos ang paninitig at pagsusuri niya rito. She just couldn't believe it her eyes. Ang taong laman ng isip niya sa nagdaang mga araw ay heto sa tabi niya dahil sapilitan siyang isinakay nito para dalhin sa kung saan. And for whatever reason, isa lang ang sigurado niya. Naglaho ang kaninang takot niya nang makita kung sino ito. It was crazy. Parang kahit hindi siya nito takutin o bantaan ay kusa siyang sasakay sa kotse nito at magpapakidnap. Tumikhim siya at nahuli ang pagsulyap ng katabi. Napalis man ang takot ay nanatili ang kaba sa kaniyang dibdib. Her heartbeat became more violent now. Hindi lang niya tiyak kung tumitibok ba iyon nang ganoon dahil sa pag-aalala o dahil sa mismong kasama. She wondered what he was thinking. Anong kailangan nito sa kaniya? Masama ba itong tao? Apparently, he knew her. Ilang beses siya nitong tinawag sa surname niya. Alam din nito kung nasaan siya sa mga oras na iyon. Naalala niya ang unang beses na nakita ito. She badly wished to see him again. Hindi niya akalaing sa ganoong paraan niya makikita ulit ang estranghero. "W-who are you?" she finally asked, sa tonong mahinahon at kaibayo nang nagwawala niyang puso. "I-I’m sure you know me. Ako ‘yong iniligtas mo no’ng isang araw." Nilingon siya ng lalaki. Ngayong malapitan ay lalo pa niyang nabistahan ang kagwapuhan nito. Was it unfair? His perfect face seemed so unfair! Muli nitong itinuon ang tingin sa harapan. Akala niya ay wala itong balak sumagot. "Colin." Her lips parted. “What?” “You’re asking for my name, right? It's Colin, Mahal na Prinsesa.” "Colin..." she uttered. Inukit na niya sa isip ang pangalan ng lalaki. "So... w-where are you taking me, Colin?" Hindi ito sumagot. Of course! Bakit naman nito sasabihin kung saan siya dadalhin? She inhaled. "Th-this is kidnap-for-ransom, right?" marahang tanong niya at tumingin sa unahan. "Uhm... Colin, in case you don't know, my Dad is out of the country-" "Alam ko at wala akong balak ipatubos ka," putol nito na bahagyang nagpainis sa kaniya. First time iyon na may nagsuplado kay Florence Ortega! "Malapit na tayo, Miss Ortega. H'wag kang mainip." Her brows rose in disbelief. Ipinaalala na lang niya sa sarili na bihag siya nito kaya wala siyang magagawa kung ganito ito umasta. Nilingon siya nito at nagtama ang mga mata nila. Lumiko ang sasakyan sa kaliwa at nakilala niya agad ang pribadong daang pinasok. Ang t***k ng puso niya ay nanatiling eratiko. Iyon lang, hindi niya alam kung para saan pa iyon. She didn't know what's waiting for her in that place! Ikukulong ba siya nito? Sasaktan na siya? Would he r**e her? Would he kill her? What? Masama ba talagang tao si Colin? Bakit parang nasasaktan siyang isipin na sa ganitong klaseng tao siya nagkaroon ng interes? At bakit kahit nakakatakot ang mga na-imagine niya ay kabaligtaran naman iyon sa kaniyang nararamdaman? Huminto ang kotse sa tapat ng isang gazebo. Makikinang ang mga ilaw sa loob noon at may mga palamuti sa paligid. Sa gitna noon ay isang pandalawang mesa. Kumabog ang puso niya. "D'yan ka lang." Narinig niyang sabi ni Colin bago ito lumabas ng driver's seat. Mabilis nitong inikot ang gawi niya at pinagbuksan siya ng pinto. Umiiwas ang mga tingin nito pero masigasig siya. She caught his eyes. "Colin, can you please explain everything to me? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin? 'Cause honestly, I don't feel any danger right now." "Hindi kita sasaktan." Nalaglag yata ang kaniyang puso sa may tiyan niya at doon naghurumentado nang todo. "Tama na ang mga tanong. Hindi ako ang dapat magpaliwanag sa'yo. Para sa kaalaman mo, napag-utusan lang ako, Mahal na Prinsesa." Nagkaguhit ang pagitan ng mga kilay niya. At bago pa niya masundan ang sinabi nito ay pumarada sa tabi nila ang isa pang sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya. Iyon ang van na humarang sa kotse niya kanina! Gumapang ang takot sa sistema niya at napakapit sa lapel ng jacket ni Colin. Halos isiksik nga niya ang sarili rito. "H'wag kang matakot," bulong ni Colin. Ang isa nitong kamay ay maingat na humahawak sa kaniyang likod. "Mga alagad sila ng batas. Inihatid lang nila tayo rito." Nilingon niya si Colin na nakatuon ang pansin sa mga bumababa ng van. Tumingin din siya sa mga ito. Tatlong lalaki ang nakita niya. "Sa loob ka na maghintay, Miss Ortega," ani Colin at itinuro ang maliwanag na gazebo. Walang tanong-tanong na napagiya siya roon. Awang ang mga labi at wala sa sariling napahakbang siya. Nakita niyang mabuti ang hitsura ng buong gazebo, ang mesang may mga nakahandang pinggan at kubyertos. Sa palibot noon ay ang makukulay na petals. Napatingin din siya sa isang banda kung saan ang mesang kinalalagyan ng ilang dinnerware at isang bote ng wine. Sa bihis ng lugar na iyon ay naging malinaw sa kaniya kung ano ang meron. "Dito na kita iiwan, Miss Ortega," ani Colin mula sa kaniyang likuran. Gulat at dismayado niya itong nilingon. "W-what? B-bakit?" Matiim siya nitong tiningnan. "'Yon ang bilin sa 'kin. Na pagkadala ko sa'yo rito, umalis na rin ako agad." Sinulyapan nito ang mga nasa labas na nagpapasukan na ulit ngayon sa van. "No!" mariing kontra niya. Sa liwanag ay nakita niya kung paano nagulat ang magaganda nitong mga mata. Ang mapupulang mga labi nito ay nakaawang. She swallowed. "Dadalhin mo'ko rito tapos iiwan mo lang?" Hindi niya naitago ang inis. Bakit ito aalis? “Hanggang dito lang ang mission ko. Kailangan na kitang iwan.” "Kapag umalis ka, tatakas ako," banta niya. "Tatakbuhan kita." Tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito, pagkuwa'y bumaba ang mga mata sa kaniyang paanan. "Mahihirapan kang tumakbo sa sapatos mo, Mahal na Prinsesa," anito at tumingin sa kaniya. "Dito ka lang. Parating na ang date mo." "Don't leave me here, please?" Natigilan si Colin. Pinagmasdan nito ang nagsusumamo niyang reaksiyon. Narinig din niya ang banayad na buntung-hininga nito. "Ganito na lang. Sa loob lang ako ng kotse, Miss Ortega." Itinuro nito ang kotse sa labas. "Mula ro'n, babantayan kita. Aalis na lang ako kapag dumating na ang makakasama mo." At pagkasabi noon ay tinalikuran na siya nito. Humakbang siya ng isang beses para sana humabol, subalit huminto si Colin at lumingon. She met his eyes at lumipad sa hangin ang mga nais niyang sabihin. "Bago ko pala malimutan... Happy birthday..." PINAGLARUAN ni Florence ng tinidor ang mga broccoli sa pinggan. Sa gilid ng mga mata niya ang higanteng bouquet of pink roses na dala ni Alexander. Yes. It was her childhood friends who setup that kidnap-for-a-date. Ang seminar na sinabi ni Wella ay gawa-gawa lang nito dahil gusto siyang i-sorpresa. Well, he did surprise her! Dahil nagulat siya nang makitang bumaba ito mula sa isa pang kotseng dumating. Pero ang gulat niya ay napalitan ng pagkadismaya dahil umalis naman ang kotse ni Colin. Wala siyang nagawa kundi ang mapasunod ng tingin. Iniwan na siya ng kaniyang abductor. Ngayon niya napag-isip-isip na hindi man lang siya nagtaka sa kung sino ang may pakana noon. Kung sino ang nag-utos kay Colin na kuhanin siya at dalhin doon. Hindi niya naisip dahil mas nakatuon dito ang atensiyon niya. "Hey!" tawag ni Alexander at napatingin siya dito. He was smiling at her. Hindi niya maalala ang hitsura nang sinalubong ito. Pero natatandaan niya ang paulit-ulit na paghingi nito ng sorry dahil sigurado daw na natakot siya. Yes, she was scared. Pero sa una lang. Ni hindi na nga niya maalala kung paano ang takot kanina dahil ang naiisip niya ngayon ay ang paghapit ni Colin sa kaniya. Ramdam pa rin niya ang malakas na brasong nakapulupot sa katawan niya. At maging ang amoy ni Colin ay tila napagkit sa isip niya. "Rency? Please? Forget what happened. Don't tell me you're now in trauma. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa ginawa kong ito." Umiling siya. "No. Don't worry about it, Alex. I'm okay. Uhm... 'yung mga kidnappers, do you know them?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi, Rency. Si Papa lang ang may contact sa Sta. Catalina Police. Why did you ask? May nangyari ba? Did they try to cross the limits? Siniguro ni Papa na ang most trusted policemen ng Sta. Catalina ang inatasan ng contact niya. Pero kung may naalala kang ginawa nila bukod sa pagtangay sa'yo-" "Wala," agap niya at umiling-iling. "My abductor... he was... gentle. He didn't do anything." Ngumiti ito. "Mabuti naman. Now I can say that what I did is successful. Dahil nandito ka ngayon. Are you happy?" Natahimik siya. She remembered the angelic face of her abductor. She would see him again. Ngayong alam na niya kung saan ito hahanapin ay magiging madali na ang muli nilang pagkikita. "I'll never forget about this evening,” pahayag niya na nakangiti. "I’m so glad to hear that, Rency," sagot ni Alex. "By the way, naitawag ko na kay Mama ang tungkol dito. Papa knows all about this pero hindi si Mama. Sila na ang magsasabi kay Wella at sa Yaya Lorena mo..." May mga sinabi pa si Alex pero hindi na doon nakatuon ang kaniyang pansin. She was excited about the next day. It was Friday the 13th. Araw na pinaniniwalan ng mga tao na kamalasan ang dala, but for her it was the opposite. Iyon na yata kasi ang pinakamasayang birthday niya.   "NAKU, kinikilig pa rin talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa ni Alexander!" wika ng kaniyang Yaya Lorena na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga damit at sapatos. Naroon sila sa kaniyang malaking walk-in closet. Pinanood niya lang ito. Nakatayo siya sa tabi ng higanteng estante ng iba't ibang signatured bags. Kagigising lang niya sa pasado ala una ng hapon at suot pa ang satin robe. Humalukipkip siya.   "Prince Charming ang dating! Akalain mo 'yun! Ipinakidnap ka para lang i-surprise sa mismong birthday mo. How sweet!" Hindi man lang nabawasan ang kilig sa tono nito. Naghikab siya at napatingin sa repleksiyon sa salamin. "So ano, Snow? Nagtapat na ba sa'yo si Alexander? Boto ako sa kaniya! Bagay na bagay kayong dalawa!" Tumingin siya sa babae. "Yaya, magkaibigan lang kami ni Alex. Ano ba sa palagay mo ang ipagtatapat niya sa akin." "Pero hindi gawain ng isang kaibigan lang ang ginawa niya kagabi. Baka naman nagsisimula pa lang siyang manligaw." Umiling siya. Hindi niya gusto ang idea. Ayaw niyang mabahiran ng kung ano ang matagal na nilang friendship ni Alex. "Aalis ako nga pala ako, Yaya," pag-iiba niya sa usapan. "Ngayon? Saan? Bakit hindi ka na lang magpahinga buong araw? Hatinggabi na nung inuwi ka ni Alexander dito at nagkwentuhan pa yata kayo magdamag ng mga kaibigan mo." She smiled idly. Manghang-mangha sina Jelai at Berna nang ikwento niya ang naging pagkidnap sa kaniya. And she told her friends about her abductor. Nakauwi na ang dalawa kanina pa. May lakad ang pamilya nina Jelai habang si Berna naman ay may importanteng gagawin sa araw na iyon ng Sabado. "I need to go, Ya. Pagkatapos mo riyan, pwedeng pakisabihan si Kuya Gary na ihanda ang kotse?" Tumayo si Lorena at kinipkip ang ilang mga damit na dadalhin na sa labahan saka tumingin sa kaniya. "Oo naman, Snow. Ako na ang bahala. Maligo ka na. Lalabas na rin ako." Lagi niyang nadadaanan ang kantong papunta sa Police Station 1 ng Sta. Catalina. Malapit lang kasi ang istasyon na iyon sa CPU. Hindi siya sigurado kung saang istasyon ng pulisya naka-destino si Colin, pero madali namang ipagtanong iyon sa mga kapwa nito pulis. Pinahinto niya ang kotse sa mismong tapat ng gusali. Nahuli pa niya ang pagtataka sa mukha ng kaniyang driver pero hindi na niya pinansin. Binuksan niya ang pinto sa tabi at bumaba. Humahakbang pa lang siya papasok ay kumakabog na ang kaniyang puso. "Hi! Good afternoon!" nakangiti siya nang lapitan ang naka-umipoemeng tao sa front desk. Pinagmasdan siya ng lalaki na sa tantiya niya ay nasa late thirties. Umaarko ang mga kilay nito sa pagsusuri sa kaniya mula ulo hanggang paa. She wore her blue pair of jeans and V-neck shirt. Naka-sneakers na puti at high pony tail. Naisip niya kasi na baka maraming tao roon kaya ginawa niyang simple na lang ang bihis. "Magandang hapon, ‘Neng! Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Sige pa rin sa panunuri ang kaharap na nanliliit ang mga mata. Para bang iniisip nito kung sino at anong sadya niya sa istasyon. "Uhm... magtatanong lang ako, Officer. Dito po ba naka-assign si... Colin?" Nadagdagan ang mga guhit nito sa noo. "Sino, Ineng?" Nilakihan niya ang ngiti. "Si Colin, Officer." Umiling ito. "Pasensiya na, Ineng! Wala akong kilalang Colin. Ah, baka ang hinahanap mo ay 'yung isa sa tatlong kabataang nanggulo sa isang bar kagabi? Pinalabas din sila kaninang madaling–araw." "Oh! No, Officer. Hindi po ganun. Uhm... pulis po ang hinahanap ko. Kaya nga po ang tanong ko ay kung dito siya naka-assign. Colin po ang first name niya." Ngumiwi ito at umiling. "Naku, Ineng, wala akong kilalang pulis na Colin ang pangalan. Baka nagkakamali ka lang. Baka hindi siya rito naka-destino. O pwede ring hindi talaga pulis at nagkunwari lang na pulis. Ano bang apelyido niya?" Natigilan siya. "I-I don't know, Officer. Uhm... ang alam ko lang, Colin ang pangalan niya. May mga kasama rin siyang kapwa niya rin pulis kagabi." "Wala talaga, e! Sandali lang…" senyas nito at nilingon ang hilera ng cubicle sa bandang kaliwa. “Orpilla, halika muna rito!" tawag nito sa isa pang pulis. Nakita niyang iniwan ng lalaki ang ginagawa nito at tumayo sa mesa saka lumakad papunta sa kanila. Nang magtama ang mga tingin nila ay tumaas ang mga kilay ng lalaki. "Miss Ortega? Ikaw pala 'yan." "Teka! Miss Ortega?" ulit ng pulis sa harapan niya at binalingan siya. "Anak ni Mr. Alfonso Ortega?" gulat na tanong nito. Tumango lang siya, pagkuwa'y tumingin sa kalalapit lang na pulis. Bata pa ito na mukhang nasa mid-twenties. Hindi siya sigurado, pero parang isa ito sa mga sakay ng van kagabi. Isa sa mga kasama ni Colin sa pagkidnap sa kaniya. "Kaya pala pamilyar ka, Ineng!" komento ng nasa harap niya. Ngumiti lang siya. "Miss Ortega, anong ginagawa n’yo rito?" tanong ng tinawag na Orpilla. Bago pa niya iyon masagot at inunahan na siya ng nasa desk. "Orpilla, may taong hinahanap si Miss Ortega. Colin daw ang pangalan. Kilala mo ba?" Sinundan nila ang kotse ni SPO2 Jason Orpilla. Ang daang tinatahak nila ay patungo sa bahay ni Colin na hindi pala pulis kundi anak ng isang pulis- ni Senior Inspector Danilo de vera. Isang mahabang bukirin ang nilampasan nila bago niya natanaw ang mga bahayan. Ang lugar na iyon ang tinatawag na buntot ng Sta. Catalina. Hindi kalayuan pero problema ang transportasyon. Sementado ang kalsada at magkakalayo ang mga bahay. Nang huminto ang kotse sa unahan ay huminto na rin sila. Isang pangkainaman sa laki na bahay ang nasa kaliwa nila. "Dito ka lang, Kuya Gary. Pakihintay lang ako rito, okay?" aniya sa driver na may nagtatanong na reaksiyon. Bumaba siya at nakita ang pulis na lumapit sa mababang bakod na nakapalibot sa bahay. Malalago at matataas ang mga punong nakatanim sa loob ng bakuran kaya kita niya ang mga pulang bunga ng rambutan. Lumapit siya kay Sergeant Orpilla. Naabutan niya itong hinihila ang tarangka sa loob ng grills at maya-maya ay itinulak na nito ang maliit na gate. Inilahad nito sa kaniya ang daan. Nag-alangan siya. "Uhm... is this fine? Papasok lang tayo nang basta-basta?" Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alala, Miss Ortega. Walang ibang nangangahas pumasok dito maliban sa aming mga kaibigan ni Captain de Vera." Maluwang ang bakuran ng bahay. Nakapalibot ang mga sari-saring puno at mga halaman at sa isang banda ay nakita niya ang nakaparadang motorsiklo. Inakyat ni Sergeant Orpilla ang limang baitang ng hagdan patungong terrace at kumatok sa pinto noon. Nagrambol ang t***k ng puso niya. Nilingon siya ng pulis at tinanguan. Tumango naman siya at kabadong umakyat, pero nanatili lang muna siya sa isang gilid. Kipkip niya ang sling bag sa tiyan na wari'y sumisikip sa pagkakabuhol. Ilang sandali lang ay nagbukas ang pinto at nasilip niya ang isang lalaking nasa singkwenta marahil ang gulang. Ang ama ni Colin! Kinalma niya ang dibdib. "Orpilla, ikaw pala! Anong ginagawa mo rito?" "Good afternoon, Kapitan! Kumusta na po ang pakiramdam nyo?" "Mabuti-buti na, Orpilla. Halika sa loob!" "E, Kapitan, may kasama ho kasi ako," anunsiyo ni Sergeant Orpilla at saka siya nilingon. Lumingon si Captain de Vera at naghalo ang gulat at pagtataka sa reaksiyon nito nang makita siya. She flashed an awkward smile. Tumingin ang matandang pulis sa tauhan at nagtanong. "Kapitan, siya si Miss Ortega. Nagpunta siya kanina sa headquarters dahil hinahanap niya ang binata n'yo. Nandiyan ho ba si Colin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD