CHAPTER 2
AMIE JUAN OF US
WRITTEN BY: AKOSIGUERERO
SERIES #1
Amie's Point of View
Dinala ako ng mga paa ko malayo sa paaralan. Malayo sa mga kaklase ko, pekeng kaibigan na kayang bilhin ng pera. Napaupo ako ng dahan-dahan sa isang maliit na upuan doon ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mga kaklase ko. Sa mga taong hindi tanggap ang pagkatao ko.
"Kaya mo 'to Amie ikaw pa." Pinunas ko ang mga luha gamit ang panyong ibinigay ni Cess ang matalik kong kaibigan dati.
Kamusta na kaya siya ngayon?
Natahimik ako ng ilang saglit sa pag-iyak dahil nakita ko ang nakaburdang pangalan ni Cess at ang pangalan ko. Iniisip ko na kasama ko si Cess sa tabi ko habang pinapalakas ang loob ko.
“Cess, diba ang sabi mo sa’kin dati kapag luluha ako ikaw ang papawi ng luha ko, bakit wala ka sa tabi ko?” tanong ko sa panyong nakaburda ang pangalan ni Cess.
“Gusto kong maging malakas tulad mo,” malungkot kong bulong sa hangin.
Naalala ko yung sinabi sa akin ni Cess na...
‘Iiyak mo lang yung problema mo pagkatapos ng lahat gagaan ang pakiramdam mo, natural lang umiyak kapag hindi muna kaya.’
Umiyak ako ng umiyak inilabas ko ang sama ng loob ko sa pamamagitan ng pagtapon ng bato sa ilog. Bawat pagtapon ko sa bato ay isinisigaw ko ang mga taong hindi tanggap ang pagkatao ko.
May naalala akong pangyayari noon kapag pinaghihinaan kami ng loob o may umaaway sa amin ni Cess.
“Sige ilabas mo lang yung sama ng loob mo,” sabi ni Cess habang malakas na binato sa ilog ang bato.
“Dapat hindi ka nagpapakita na mahina ka sa kanila naiintindihan mo’ko?” Dagdag niya.
“Ayokong umiiyak ka, huwag kang magpapatalo sa kanila,” sabi nito.
Marahas niyang hinawakan ang braso ko at ngumiti sa akin tumingin siya sa mga mata na parang sinasabi nito na tawanan lang natin ang mga problema natin.
“Maraming nagagalit sa atin kasi inggit sila sa atin ganito talaga ang mundo kailangan natin makisabay,” wika niya, matapos ay sabay naming itinapon ang bato.
Sa Bahay ng pamilyang Delaney sa Batangas.
Gusto ko munang takbuhan ang lahat ng problema ko kaya naisip ko na umuwi na lang sa bahay. Ganito kasi ako kapag malungkot at may pinagdadaanan matapos kong pumunta sa kung saan uuwi na lang ako sa bahay at matutulog.
"Mano po Inay," ani niya ng malungkot ang mga mata saka nag mano rito.
Marahan kong ibinababa ang bag ko sa maliit na upuang kahoy. Hindi kalakihan ang bahay namin may maliit na sala at kasunod na n’yon ang tulugan namin ni Mama. May ilaw kaming malapit ng mapundi at kisameng kulang sa kahoy. Masikip ang bahay namin hindi ito katulad sa iba na sobrang lawak o laki.
Tumingin ako kay Mama na pawis na pawis at patuloy sa pagpunas ng kaniyang mukha. Pagod siguro sa paglilinis ng bahay. Pagod nga siguro.
"Ang aga mo 'ata anak? Anong oras palang." Tumingin siya sa lumang orasan na nakasabit sa pader malapit sa may maliit na cabinet sa gilid.
"Alas tres palang," tugon ni Mama.
“Mamam” tawag ko.
“Oh bakit anak?” tanong pabalik ni Mama.
“Kamusta po kayo,” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"'Dibale na nga alam ko naman na pinagbubutihan mo ang pag aaral mo. Kaya nga proud na proud sa'yo ang Tatay mo eh, ikaw pa eh Valediktrian ka naman,” pang-iiba sa usapan ni Mama.
"Valedictorian po Inay, Hindi Valediktrian,” pagtatama ko sa sinabi niya.
"Bahala na, Alam mo naman kung anong tinapos namin ng Mama mo. Dahil sa hirap ng buhay. Kaya ang gusto namin kahit ikaw ang makapagtapos kahit mahirapan kami, kahit masangla na itong bukirin para sa kinabukasan mo. Ayos lang sa amin." Hinawi niya pa ang pumatak na luha sa kaniyang mga mata.
"Ano ba 'yan nagdadrama na naman ako, Oo nga pala Anak. Gusto mo bang kumain? may balinghoy akong niluto sa lamesa." Pilit akong ngumuti at hinawakan ang kamay ng Mama ko niyakap siya ko siya.
"Mama,” tawag ko sa likod ng aking nanay ay umiyak na parang bata. Pero pinipigilan kong hindi sinukin para hindi niya malamang umiiyak ako.
"Hoy ano ka ba.” Natatawang pinunasan ni Mama ang kaniyang luha.
"Ma, salamat po." Ngumiti ako.
"Para saan? Ano kaba anak wala 'yun tungkulin namin 'yun dahil mga magulang mo kami, Love na love ka ni Mama alam mo 'yan Amie." Hinaplos niya taas baba ang likod ko para patahanin ako.
“Tama na ang drama may niluto ako sa iyong balinghoy na suman sa lamesa mainit init pa.” Pinisil ni Mama ang ilong ko sabay ngumiti sa akin.
Mahilig si Mama na panggigilan ang ilong ko ewan ko ba pag magagalit siya o malungkot siya ay palagi niyang pinipisil ang ilong ko. Pero wala akong pakialam ang gusto ko lang ay hindi malungkot si mama doon pa lang ayos na ako.
“Masarap kaya ito? Huhusgahan na nang hurado,” pangbobola ko kay Mama.
Mahilig kasing magluto si Mama ng kung anu-ano at ipapakain sa akin kaya heto ako ngayon medyo mataba.
“Naku kinakabahan si mama,” wika nito sabay kagat kunwari ng kaniyang kuko.
"Masarap po Inay,” puri ko sa luto ni Mama.
Itinaas ko pa ang balinghoy dahil sobrang sarap nito walang katulad. Yung diet ko mawawala na naman. Tataba ako.
"Gusto mo pa?" tanong ni Mama.
"Opo basta luto niyo Inay,” puri ko sa luto ni Mama.
Sa bawat pagkain ko sa balinghoy ay hindi ko mapigilan na mapagawi ng tingin kay Mama. Iniisip ko kung kumain na ba siya, kamusta na ba siya? Hindi ba siya pinapahirapan ng tatay? Noong nakaraang araw kasi ay palagi siyang binubugbog ni Papa dahil sa bisyo nito. Ilang beses ko rin nakikita na nagmamakaawa si inay dahil sa pangbubugbog sa kaniya. Matapos kasing matanggal sa trabaho si Papa ay nag-iba na ang ugali nito.
“Kumain kana po ba?” tanong ko sa kaniya sabay napagawi sa kung anong marka na nakalagay sa kaniyang braso.
“Oo, kumain na ako anak,” sabi ni Mama sabay galaw ng kaniyang braso na may malaking pasa sa kanang braso upang itago ito mula sa akin.
“Mama!” nag-iba ang tono ko.
Tumungo lamang siya habang pinagbuting itago ang kaniyang pasa mula sa kanang braso.
Ibinababa ko ang kinakakain kong balinghoy na bagong luto ni Mama. Nakakatamad kumain kapag nakikita mong pinipilit ng nanay mong maging masaya makita lang ang anak niya.
“Mama gawa na naman ba ni Papa ang pasa mong ‘yan?” tanong ko.
“Mama, sagutin mo ako.” Hinawan ko ng mariin ang kaniyang kabilang kamay.
Tumunghay siya doon na bumuhos ang kaniyang itinatagong mga luha. Alam ko ang pakiramdam ng sinaktan. Napaiyak na lang din ako dahil umiyak si Mama alam kong pagod na siya at sakal na sakal na siya kay Papa. Pero tama na ito may hangganan ang lahat ng ito sana matapos na ang pangbubugbog niya kay Mama.
“Oo,” sagot ni Mama saka hinawi ang kaniyang mga luha sa pisngi.
“Mama, umalis na tayo iwan na natin si papa,” suhestyon ko sa kaniya.
Maraming beses ko nang sinabi kay Mama na bakit hindi na lang kami lumayas at iwan si papa pero ang palaging nitong sinasabi ay…
“Mahal ko ang tatay mo ayokong umalis tayo ng hindi siya kasama,” sabi ni Mama.
Kahit ano pang pilit ko sa kaniya at pagmamakaawa na lumayo na kami at iwan ang Papa ay mahal niya parin ito kahit marami na itong nagawa sa kaniya ay handa paring magpatawad ni mama. Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao kahit ano pang sakit na naidudulot ito ay tatanggapin muna lamang kasi mahal mo.
“Maiintindihan mo rin ako anak kapag nagmahal ka,” nakangiting wika ni Mama sa akin.
END CHAPTER TWO