CHAPTER THREE

1445 Words
CHAPTER 3                                                                                 AMIE JUAN OF US                                                                     WRITTEN BY: AKOSIGUERERO                                                                                         SERIES #1     Amie's Point of View   *Knock *Knock *Knock* (May kumakatok sa pinto)   Papalakas ng papalakas ang pagkatok ng kung sinong nasa pinto. Mabilis na hinawi ni mama ang kaniyang luha sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay. "Teka anak ako na ang magbubukas, baka ang Tiya Jennifer mo 'yan maniningil na naman ng renta ng bahay." Halatang kinakabahan sa tindig pa lamang si Mama.   "Sige po Mama," sagot ko.   Alam kong baon na kami sa utang dahil naibenta namin ang kalahati ng bukirin kasama narin ang malaking bahay namin dahil sa pagsusugal ng tatay ko. Nakakapanghinayang baka hindi matupad ang mga pinapangarap sa akin ni mama. Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng mga pangako niya sa akin. Nangako kasi si Mama na hindi ako matutulad sa ibang kabataan na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Paano kung ang maging hadlang si Mama at papa sa pagtupad ng mga pangarap ko? Papalakas ng papalakas ang pagkatok sa pinto ng kung sino. Kaya halos pasigaw na si Inay kung mag sabi ng   "Sandali lang! Oo bubukaan na! Wag mo naman sirain ang pinto nariyan na!” pasigaw na sabi ni Mama.   Bago pa makabukas ng pinto si Mama ay marami niya pang nasabi. Tila nagwawala 'ata ang nasa labas anang tinignan ko ang gilid ng bintana malapit sa pintuan kung saan naghahamok ang kumakatok. Mabilis lang kasi mapansin ang kung sinong nasa labas dahil wala kaming bintana. Pero mailap ang taong kumakatok na parang ayaw niyang dumungaw sa bintana.   "Oh Estor buti nakauwi kana." Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ni Papa. Ang lasenggo kong ama, na mahilig sa sugal. Mabilis akong kumilos at nilapitan si Papa. May masamang ugali si papa pero para kay mama ay hindi yon masama. Palaging sinasabi sa’kin ni Mama na magbabago pa si papa.   "Mano po." Anang hahawakan ko ang kaniyang kamay at nagmano rito.   "Ang malas kong anak,” walang emosyong saad ng tatay ko matapos kong magmano sa kaniya. Pagkatapos sabihin ni papa sa akin ang salitang yon ay tumungo ako. Nasanay na ako sa mga sinasabi ni papa tungkol sa akin. Wala akong sinusumbat kay papa kahit ganun si papa ay mahal ko parin siya bilang isang anak niya.   "Ang malas kong anak,” nagpaulit-ulit ito sa aking isipan ang salitang yon nakakawasak ng puso bilang anak.   “Ano bang sinasabi mo sa anak mo huh?” galit na sigaw niya kay Papa.   Ngayon ko lang nakitang magalit siya kay Papa, ngayon lang akong pinagtanggol ni mama mula kay papa. Nag init ang sulok ng mga mata ko dahil sa pagtatanggol ni mama sa akin.   “Anong malas ikaw ang malas sa pamilyang ito!” dagdag ni Mama.   Walang emosyon si Papa na parang pilit ang pag ngiti nito. 'Di mawawari sa kaniyang mukha na parang may dinadalang problema ito.   "Pumasok ka muna sa kwarto mo mag-uusap lang kami ng mama mo." Tumango ako tanda ng pasunod sa sinabi ni Papa.   Wala akong ideya kung ano ang pag uusapan nila ni papa basta ang alam ko lang gusto ko munang mapag-isa at harapain ang aking kinatatakutan. Ano ba ang kinatatakutan ko? Bago ako umalis ay lumingon ako sa kanilang dalawa bago pumasok sa loob ng kwarto.   “Sana walang masamang mangyari sa inyo Ma, Pa,” bulong ko.   *** Ilang minuto ang nakalipas…   “Dahil sa pagsusugal mo yan kaya nangyayari itong lahat sa buhay natin!” sigaw ni Mama saka humagulgol.   May naririnig akong pagtatalo na nagaganap sa ibaba. Nag aaway na naman silang dalawa. Pero bakit parang umiiba ang usapan, teka hindi na 'to away ibang usapan na kapag umiyak si Mama. Naririnig ko kasi ang hagulgol ni mama sa baba. Kaya dali-dali akong pumunta para tignan silang dalawa. Laking gulat ko ng tama nga ang hinala ko umiiyak si Mama. Maraming papel ang nakalabas sa lamesa. Mabilis ko iyong kinuha na parang wala sa ulirat.   "Ano ito?" tanong ko sa kanila.   Hindi ko pa man ito binubuksan ngunit nararamdaman ko na mawawasak ang mundo ko kapag binuksan ko ang puting papel na ito. Sana nagkakamali lamang ako, Sana! Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ko ang nakalagay sa puting papel nakasulat doon ay...   “Land Selling to Decalcomania Company.”   Nakita kong lumagda si Papa sa kontratang inaalok sa kaniya. Ang kumpanyang ito ang pinakamayamang tao sa aming paaralan walang iba kundi si Yumi, Alam kong siya ang may gawa nito. Hindi ko napansin tumulo ang luha ko habang nababasa ko ang liham na ito. "Pa, bakit niyo binenta ang bukirin natin sa mga Decalcomania na 'yon? pati bahay na hindi pagmamay ari natin naibenta mo." Halos masampal ko ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Papa.   "Pambihira naman oh? Paano ako makapag-tapos? Paano ang pangarap ko? 'Tay naman oh! Nag iisip ka ba?" Pinigilan kong hindi maluha at tiising umagos ito pababa pero masyadong sobra na ito.   "Sisihin mo ang Papa mo." Tumungo silang dalawa na parang nahihiya sa mga sinabi ko.   "Ginagawa ko naman ang lahat para makapag-tapos ka, Ano pa bang kulang?" Napaatras ako sa sinabi ni Itay tagos sa puso.   "’Tay anong ginawa ang lahat huh para makapagtapos ako?" Hindi na ako nakapagtimpi at nagsalita na ako na ako ng wala sa oras. Halos manlaki ang mata ni Papa dahil sa sinabi ko wala akong pakialam kung anuman ang mangyari sa akin. Hinawakan ni Mama ang braso ko habang tumatangis.   “‘Nak, tama na!” pagmamakaawa niya.   “Hindi na, mama, ibang usapan na ito tama na ang pagiging mabait natin.” Hinawakan ko ang braso ni Mama bago tumingin kay Papa.   “At sino ka para pagsabihan ako anak lang kita!” sigaw ng tatay ko sa akin.   Mabilis naman humarang si mama sa harap ni papa. Tinulak niya ito ng malakas at dinuro si Papa.   "Hoy Estor h'wag mo ngang sigawan ang anak mo—” Naputol ang sinabi ni Mama ng sampalin siya sa pisngi.   Mabilis kong nilapitan ang si Mama at niyakap. Nakita ko na bumakat ang sampal ni papa sa mukha niya. Marahan akong tumunghay at hinarap ang maging kong papa.   “Pati ba naman yang anak mo kinakampihan mo?” Lumaki ang mata ni Papa kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni mama.   "Ganiyan na ba talaga kayo, Papa, ka desperado?” panimula ko. Hindi ko mapigilang ilabas ang mainit kong mga luha na tila ba nag-uunahang bumagsak.   “H'wag mo akong pagsabihan—” Pinutol ko ang sinabi niya at ako naman ang nagsalita.   “Nasaan na yung Papa ko na mabait yung mapagmahal… Wala na pa kasi nag bago kana.” Hinawi ko ang luhang pumapatak sa pisngi ko.   Tinatagan ko ang loob ko at muling hinarap si Papa. Napakatahimik ng dalawang panig si Mama na tumatangis habang si papa naman ay nakatulala.     “Paulit-ulit naming pinapanalangin na sana balang araw magbago kana, pero hindi pa mas lalo ka pang lumalala—" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil naunahan na ako ng pag iyak. “Amie!” tawag ni Mama pero hindi na ako lumingon. Gusto ko nalang takbuhan ang lahat ng problema ko.   Tumakbo ako papalayo nauhan kasi ako ng pagluha bago ko sabihin sa ama ko na kahit ganon siya ay mahal ko parin siya. Huminto ako ng pagtakbo at hinawakan ang dibdib ko.   “Pagod na pagod na ako!” malakas kong sinigaw sa kawalan.     Napapagod na ako….     “Isa ka pa Yumi nang dahil sa'yo nasira ang buhay ko.”  Hindi ko mapigilan ang mga luhang tila ba nag-uunahan.     Alam ko kung sino ang may gawa nito sumusobra na si yumi pati ang bukirin namin ay binili niya napaka walang hiya niya. Hindi ko sya mapapatawad humanda ka sa akin.   Tinakbo ko ang kasagsagan ng daan pabalik sa Mansion ng Reyes magbabayad siya pagbabayaran niya ang ginawa niya sa magulang ko.   “Hoy Yumi!” sigaw ko sa kaniya.   Dumagundong ang malakas na tawag niya sa pangalan nito. Hindi lang galit ang namumutawi sa loob ko pati ang hinanakit dahil dinamay niya ang walang kalabang-laban na magulang sa kaniya. Mabilis naman napatingin si yumi habang nakataas ang kaliwang kilay nito na akala mo ay masisindak siya nito.   “Yes dear?” nakangiting bulas ni Yumi sa akin.   Humahalakhak ito na akala mo'y walang katapusan. Tumayo pa ito habang nakanguso sa kaniya.   “Gan'yan kana ba talaga kasama kulang paba ang pangpapahirap mo sa'kin,” hindi ko napigilang sumigaw dahil sa galit sa kaniya.   "What if i said that is not enough?” Yumi chuckled.   "You're such a jerk!" I said to Yumi very furiously.                                                                             END CHAPTER THREE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD