CHAPTER ONE:
CHAPTER 1
AMIE JUAN OF US
WRITTEN BY: AKOSIGUERERO
SERIES #1
WARNING: Ang Nobelang ito ay pinaghirapang isulat ng Awtor.
Amie's Point of View
Pinaka masaya raw sa tanang buhay mo ay magkaroon ng mga magiging kaibigan sa high school. And those are my biggest worst things kung bakit ako galit sa lahat bakit? Lahat sila fake friends lahat sila iisa ang motibo sa isang nerd na kagaya ko at 'yun ang 'bully'.
Ayoko ko rin sa boys dahil sila ang problema ko sa lahat ng bagay. Sa tanang buhay ko nagkamali na akong umibig sa maling tao ginawa niya akong dekorasyon para sa kaniyang nais. And you mean kung sino ba ang lalakeng 'yun? Siya si Hoquir Villafor isang play boy at akala ko ay mahal niya ako pero hindi. The truth is he never fell in love with ugly duckling like me. Ginamit niya lang ako para sa mga projects niya at homeworks para makapasa siya sa Stem which is ginawa ko naman talaga.
Ang tanga ko kasi nagpa-uto ako sa gwapo.
Yung para bang isang laruan na kapag kailangan ka niya saka mo lang siya makakasama. Yung todo effort kana pero wala parin pala para sa kaniya.
But I chose to be alone walang kumakausap, walang makikipag-kaibigan dahil doon ay galit ako sa lahat. Sisimulan ko ang kwento sa isang Cafeteria.
"Siya ba 'yung pinag-tripan noong nakaraang sabado?" Kulang na lang ay iduro ni Yumi ang mukha ko.
"Yes, nakakadiri siya, I got this video sa corridor kung paano siya pinahiya ni Hoquir." She chuckled.
"How stupid, confident with beauty pero mukha namang puwet,” dagdag ni Dara kaibigan ni Yumi.
Binitiwan ko ang hawak kong tinidor nakakawalang ganang kumain rito sa Cafeteria. Pati ba naman buhay ko pag aaksayahan nila ng oras? Ang hilig talaga ng mga tao gumawa ng mga tsismis. Mapapaniwala ka talaga nila dahil sa mga kagaguhan mga pinaggagawa nila. Hindi nila alam ang tunay na pangyayari. Nagkakamali sila..
"By the way ako nga pala si Amie Khatalina Delaney 3rd year high school at malapit na akong grumaduate isa lang naman akong simple at mahirap na estudyante, kaya ano ang ipagmamalaki ko wala," sabi ko
"Hmm, Masasapak kita eh." Anang susuntukin ko ang babaeng gumagawa ng tsismis tungkol sa akin.
"Whoops!" Nanlaki ang mata ko ng nabangga ko ang balikat ni Yumi.
"Excuse me." Ngumisi ako tanda ng panunuya sa kanila.
"See, sobrang yabang!" giit ni Yassi habang humahaba ang nguso.
"Napaka hambog!” dagdag ni Yassi.
May dalawang kaibigan si Yumi yun ay sina Yassi at Dara. Kaklase ko sila simula noong elementary pa lang kaya alam ko ang ugali ni Yumi na mas masahol pa sa mabangis na hayop. Sabihin na natin sa demonyo. Charot lang. Simula noong maging kaibigan nila si Yumi nag iba na ang mga ugali nila sabi nga ng iba bad influence.
"St*pid p********e!" Napintig ang tenga ko sa sinabi ni Yumi agad nagsi-akyatan ang dugo ko papunta sa utak ko. Kumukulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Yumi.
Ano raw? Binaba ko sa lamesa ang pinagkainan ko at hinarap ang dalawang garapata. Hindi na talaga ako magtitimpi sa kanila. Kailangan ko munang magpainit nangangati na ang kamay na hablutin ang hibla ng kanilang buhok.
Pumalakpak ako na parang pinupuri ang sinasabi nila. Tinawanan ko sila ng pagkalakas lakas at tumahimik ang loob at labas ng Cafeteria.
Pumalakpak ako ng malakas dahil sa pagpuri nila sa akin.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo." Nahinto ang mala anghel kong ngiti.
Nakita kong namumutla si Yumi na tanda para simulang tumungo at pinagpapawisan dahil sa mga sinasabi ko.
"Hoy!"
Mula sa apat na sulok ng Cafeteria ay dagundong ang isang malakas na hampas ko sa lamesa.
Sino ba namang hindi magagalit at sinabihan kang stupid p********e?
"You're S-tupid P-pros-titute!" Halos mamutla siya sa hiya at mautal utal na sinabi nito.
"p********e ka naman talaga diba? Isa kang bayaran babae." Kinuyom ko ang palad ko dahil nagtitimpi akong masuntok ito dahil babae ako.
“Anong pinagsasabi mong bayarang babae?” nagtataka tanong kay Yumi.
Nagkakamali sila hindi ako isang bayarang babae. Oo mahirap lang kami pero hindi ko inisip na ibenta ang aking puri.
“Oo, bayarang babae ka!” Nilapitan niya ako sabay tapon ng sterilized milk sa ulo ko.
Halos magulat ako dahil ibinuhos niya sa akin ang malamig na gatas. Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko dahil sa mabilis na pangyayari. Ano bang ginawa ko? Hindi ko naman sinasadya na mabangga siya sa balikat.
“Malandi ka!” gigil siyang sumigaw sa harapan ko.
Mas lalo pang napintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya na
“Malandi ako?” Bulong ko sa sarili ko. Bakit hindi ko alam?
“Anong pinagsasabi mo?” kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Haliparot ka,” sabi ni Dara.
“Teka nga anong sinasabi niyo hindi ko kayo maintindihan!” naguguluhan kong tanong sa kanila.
“Pwede ba, ayoko ng away,” wika ko.
Akma akong aalis ng biglang hinigit ni Yumi ang braso ko ng sobrang diin. Sa sobrang lakas ng pagkahigit sa akin ay halos mapaupo ako sa monoblock.
“Kinakausap pa kita h’wag mo akong talikuran.” Tumaas ang kaliwang kilay nito at nilapitan ako.
“Malandi ka, Protitute ka!” sigaw ni Yumi.
Kaya ako pinahiya ni Hoquir noong sabado ay dahil nalaman niya na isa akong p********e kahit hindi naman talaga. Hindi ako ganong klaseng babae. Sinisiraan nila ako dahil nalaman nilang mahirap lang kami at kung anu-ano ang pinagsasabi nilang mga tsismis tungkol sa akin. Ika raw ako'y nabuntis dati, kesyo ganito, kesyo gan'yan! It's a big liar! Nagpaka totoo lang naman ako sa kanila. But they not deserve the poor person like me.
"Oh bakit hindi ka makasagot?” Tumikhim siya bago magsalita ulit.
“Guilty ka p****i, este iskwater na gold digger pa,” malakas na bulas ni Yumi sa sa’kin. Ang mga guro na akala mo ay mababait na dapat sana ay aawat sa amin. Nagtatawanan pa sila.
“Anong pinagsasabi niyo?” Bulong ko sa sarili ko.
Tumingin ako bawat isa sa mga mukha nila pero wala ni isa roon ay naawa sa akin o ipagtanggol ako mula rito. Sino ba namang magtatanggol sa isang tulad ko na isang bayarang babae raw na kahit mismo ang mga kaibigan ko ay pinandidirihan ako.
"Ano ba!" sigaw ko nagsitikom ang mga bibig nila at tumigil narin ang pagtawa nilang lahat.
"Oh tahimik daw sabi ni prosti." Nagtawanan ulit sila pero mabilis rin' humupa ang tawanan.
"Kasalan na ba ngayon ang pagiging mahirap? huh! 'yan ang problema sa inyong mga mayayaman eh. Nakakita lang kayo ng mahirap umiba na ang tingin niyo sa amin!” sigaw ko.
"Walang kwenta ang kayamanan niyo kung wala kayo nito." Tinuro ko ang sintido ko.
“Owws talaga ba?” tanong ni Dara.
"May pruweba kaba na p********e ako?" paghahamon ko sa kaniya.
"Gusto mo ng pruweba?" Pumameywang siya sabay ngisi na parang may masamang binabalak.
"Sept, come here! say to crowd what you say to me before!" Lumaki ang mata ko habang napapikit.
Nagpalinga-linga ako kay Yumi at Sept. Nakangiti si Yumi habang si Sept naman ay nakatungo hindi siya tumitingin sa’kin. Mas lalo pa akong nainis dahil sa ngiti ni Yassi at Dara ang dalawang kampon ni Yumi.
"Habang naglalakad ako papasok sa dorm ko nakita ko siya sa may madilim na bahagi ng sulok ng poste na may kahalikan na matandang lalake," kwento ni Sept.
Nagsilakihan ang mga mata ng mga estudyante pati narin mga guro. Dahil sa sinabi ng matalik kong kaibigan.
Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa loob at labas ng kainan. Nakita sa kanilang mukha ang paghihinayang.
"Yan talaga ang sakit ng mga tahimik, Kalandian," sabi ng isang estuyante na may hawak ng lemonade.
"Oo nga sis." Sang-ayon ng babaeng katabi ng may hawak ng lemonade.
"Sinabi mo pa," sabat ng babaeng maiksi ang buhok sa likod nila.
Siya si Sephire Lee Montereal, ang matalik kong kaibigan na alam kong bumaliktad at binayaran ni Yumi para isiwalat ang kasinungalingan na alam niyang hindi totoo. Pero bakit niya nagawa sa akin yon?
"Alam mong hindi 'yan totoo Sephire sabihin mo ang totoo," sabi ko habang namumuo ang mainit kong mga luha.
"Nakakadiri ka Amie, Sana pala hindi na kita naging kaibigan. Akala ko mabait ka pero hindi pala. Niloko mo ako." Napanganga ako sa kasinungalingang sinasabi niya sa harapan at sa maraming taong nakikinig rito.
"See, I have an Evidence? How 'bout you? Gold digger." She chuckled.
Nagtawanan ang maraming tao kasama na roon ang matalik kong kaibigan na si Sept. Paano ko maipagtatanggol ang sarili ko kung kaibigan ko mismo ang bumaliktad para hatakin ako pababa.
Parang pinagsaluban ako ng malakas na unos para umiyak ng walang katapusan.
"p********e KA!” sigaw ng estudyanteng babae na curly ang buhok.
"GOLD DIGGER!" dagdag ni Yassi.
"SALOT!" sigaw ng estudyanteng may hawak ng lemonade.
“SCUM!” sigaw ni Dara kaibigan ni Yumi.
"GET OUT OF HERE!” Yumi shouted at me.
Naririndi na ako sa mga sinasabi nila kaya tumakbo na ako papalayo habang tumutulo ang mga luha ko. Pinag kakaisahan nila ako, Napaka sama ng mundo kung sino pa ang kapos at walang pera ay siya pa ang mas lalong binababa.
Pinupunasan ko ang bawat papatak na luha sa aking pisngi. Gamit ang kamay ko na alam kong basang-basa na dahil sa mga luhang akala mo'y gripo.
....END CHAPTER ONE.....