Nathan’s POV “Tamara sandali!” Pinigilan ko ang braso niya at iniharap ko siya sa akin. “Makinig ka muna sa akin please. Yung nakita mo kanina wala yun!” “I know, alam ko naman na gusto ka talaga ni Sophia.” Wika niya. “Hindi siya ang gusto ko kundi ikaw Tamara, maniwala ka sa akin.” Gustuhin ko mang yakapin siya pero alam kong hindi ito ang tamang oras para gawin yun baka may makakita pa sa amin. “Nathan….naniniwala ako sa’yo. Pero dapat siguro tapusin na natin ito.” Wika niya na ikinagulat ko. “What?! Don’t tell me magpapakasal ka talaga kay Leandro?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Buo na ang desisyon ko na matapos agad ang misyon para makuha ko na at mailayo si Tamara sa kanila. Pero sa narinig ko sa kanya mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siya. “Hindi mo si