Chapter 24

1021 Words

Nathan’s POV “Sigurado ka na ba na kakayanin mong sumama sa akin? Paano kung may hindi tayo inaasahang mangyari baka mapahamak ka!” Litanya ni Raul sa akin. Naghahanda na kami sa pagpunta sa Casa. “Wag kang mag-alala Raul. Nagawa ko na dating pumuslit sa Casa nang walang nakakapansin sa akin. At isa pa papasok tayo doon bilang parokyano kailangan lang natin ng babaeng maglalahad ng impormasyon kaya naman siguro nating gawin yun diba?” Tanong ko sa kanya. Tumayo siya sa upuan at may dinukot sa kanyang bulsa. “Hindi na natin kailangan na pumuslit dahil sa card na hawak ko.” Nakangisi niyang sabi sabay taas ng kulay itim na card. Kaagad kong kinuha sa kanya ang card at binasa ang nakalagay. “Fresco sunset Hotel? Ano ito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Binawi din niya ang card sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD