“Ano bang nangyari Sophia? Bakit muntikan ka nang malunod?” Kunot noo na tanong ni Leandro sa kapatid niya. Habang nagsusuot ito ng puting roba na inabot ng kanilang kasambahay.
“Kuya, okay na ako pinulikat lang ako kanina.” Mahinhin na wika ni Sophia na nakatingin kay Nathan habang tinutuyo na din ang sarili ng tuwalya.
“Mabuti na lamang at dumating si Nathan kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa’yo.” Wika ni Leandro. Sabay baling kay Nathan. “Maraming salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko Nathan, mabuti na lamang at tinangap mo ang alok ni Dad upang maging bodyguard ng pamilya.”
Napabaling ang tingin ni Nathan kay Tamara dahil nakatingin pa rin ito sa kanya at sinusuri ang kanyang mukha. “Wala yun sir Leandro, kahit naman siguro sino na mangailangan ng tulong ganun pa din ang gagawin ko.” Casual na sagot niya dito.
“So you mean dito na sila titira kuya?” Nakangiting wika ni Sophia. Tumango lamang si Leandro at tumalikod na sa kanila.
“Thank you Nathan.” Abot mata ang ngiti ni Sophia sa kanya.
“Wala po yun Ma’am” Tipid na sagot ni Nathan. Napadako ang tingin nito sa kanyang katawan dahil sa bakat na biceps at abs nito. Nagningning ang mga mata ni Sophia, ngunit kabaliktaran iyon sa mga mata ni Tamara. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad ding tumalikod si Tamara sa kanila. Sumunod na ring umalis si Sophia habang panaka-naka pa rin na lumilingon kay Nathan.
“Ahem! I smell somethings fishy Nathan.” Nakangising sambit ni Raul habang nakatingin sa kanya.
“Sira ka talaga.” Naiiling na sabi ni Nathan. Hindi niya matitipuhan ang gaya ni Sophia dahil sa tingin niya ay wala pa itong bente anyos kahit maganda rin ito at maganda ang hubog ng katawan ay mas malakas pa rin ang dating ni Tamara sa kanya. Nararamdaman niyang siya ang babaeng hindi basta-basta malalaman kung ano ang tinatakbo ng isip nito. She’s like a mysterious and interesting woman that he wanted to know more than her physical appearance. Nagiging abnormal din ang t***k ng puso niya dahil dito.
“Sir Nathan and Sir Raul. Ituturo ko po sa inyo ang magiging silid ninyo.”
Napalingon sila sa nagsalita. “I’m Elizabeth mayordoma ng mansion na ito ibinilin kayo ni Sir Leandro kung saan kayo tutuloy.” Wika niya. Pagkatapos ay sumunod na sila sa kanya. Nasa hallway na sila papuntang silid nang makatangap si Elizabeth ng tawag sa phone.
“Okay papunta na ako diyan.” Wika niya sa kabilang linya. Pagkatapos ay bumaling siya kila Nathan at Raul.
“Kailangan ko munang umalis may importante kasi akong a-asikasuhin. Kaya kayo na lamang ang magtungo sa kwarto niyo. Direchohin nyo lang yung pasilyo sa kanan pag may nakita kayong itim na pinto yun na ang silid niyo.” Nagmamadaling wika ni Elizabeth bago ito umalis. Nagkatinginan lang si Nathan at Raul. Pagkatapos ay sinuri nila ang paligid. Kaagad nilang napansin na maraming CCTV sa bawat sulok ng pasilyo. At marami ding tauhan sa paligid hindi lang sa labas ng mansion ngunit may pailan-ilan din na gumagala sa loob. Hindi pa nila nakakausap ng maayos si Leandro kung ano talaga ang magiging trabaho nila sa pamilya Yao dahil marami na din itong bodyguard na nakatayo sa bawat sulok ng mansion.
“Nathan, mukhang nagkamali ata tayo na pumasok tayo dito. Masyadong marami silang tauhan kaunting galaw lang natin dito siguradong direcho burol na tayo.” Seryosong wika ni Raul habang alertong nakatingin sa bawat sulok ng pasilyo.
“Wag kang mag-alala bago pa mangyari yun nagtagumpay na tayo sa misyon.” Wika ni Nathan.
“Ano?” Kunot noo na tanong ni Raul sa kanya. Alam ni Nathan na maaring malagay sa peligro ang buhay nila nang magpasya silang pumasok sa mansion ng mga Yao ngunit hindi siya natatakot dahil bago pa siya pumasok sa organization ay hinanda na niya ang kanyang sarili sa posibleng mangyari sa kanya.
“Wag ka ng maingay hindi pa natin kabisado ang lugar na ito Raul. Mas lalong delikado pag nabisto nila tayo ng maaga dahil paniguradong hindi na tayo makakatakas ng buhay sa lugar na ito.” Seryosong sagot ni Nathan sa kanya. Maya-maya pa ay narating na nila ng dulo ng pasilyo ngunit dalawang pinto na kulay itim ang tumambad sa kanila.
“Saan kaya dito ang kwarto natin?” Tanong ni Raul. Nalilito din nakatingin si Nathan.
“Baka naman kwarto talaga ito ng mga bodyguard.”
Hinawakan ni Nathan ang seradura ng pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mata ni Raul nang makita niya ang bumungad sa kanya. “Wow!” Nakakadalawang hakbang pa lamang si Nathan nang may maramdaman siyang bagay na kasing bilis ng bulalakaw na papunta sa kinatatayuan nila.
“Nathan!”
Napasigaw ni Raul nang makita niya ang mabilis na kutsilyong ibinato sa kanila ngunit imbis na umilag ay mabilis na napigilan ni Nathan ang tatama sana sa kanyang noo. Tumulo ang sariwang dugo mula sa mga kamay ni Nathan habang hawak ang talim nito. Lumabas mula sa lace na itim na kurtina si Tamara suot ang kulay pulang satin dress na hangang talampakan ang haba at may mahabang hiwa sa gitna ng kanan niyang hita nakalugay pa ang kulay abo nitong buhok at matalim na nakatingin sa kanila.
"Sinong may sabi sayong pwede kayong pumasok sa kwarto ko?" Malamig na wika ni Tamara.
"Pasensya na Ms. Tamara hindi namin sinasadya. Nagkamali kami ng binuksang kwarto." Si Raul ang sumagot. Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin nito dahil kay Nathan siya nakatingin.
"I'm sorry lalabas na kami." Wika ni Nathan. Masakit man ang sugat niya sa kamay ay hindi siya nagpakita ng emosyon dito sa halip ay tinignan lang niya ang kabuohan ni Tamara habang dahan-dahan itong humahakbang patungo sa kanya.
"Hindi ba nasabi sa'yo ni Elizabeth na namamatay ang mga pumapasok dito?"
Wala pang nakakaligtas sa mga patalim ni Tamara. Kaya walang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya. Kahit ang pamilya Yao ay alam ang ganong bagay. Kaya lang nakaligtas si Leandro nang minsan siyang pumasok sa kwarto niya ay hindi niya sinadyang patamaan ito.
"Pasensiya na Ms. Tamara. Hindi pa nasasabi sa amin ni Elizabeth. Hindi na ito mauulit." Wika ni Raul.
Tinapunan siya ng tingin ni Tamara.
"Pwede bang lumabas ka muna?" Utos niya dito.
"Pero Ms. Tama—"
Tinaliman siya ng tingin ni Tamara. "Ngayon na." Nakataas ang kilay na wika niya dito.
"Sige na Raul antayin mo na lamang ako sa labas." Kampanteng wika ni Nathan. Napakamot sa ulo si Raul na lumabas ng kwarto. Umikot si Tamara kay Nathan at ini-locked ang pinto.
"Alam mo bang ikaw pa lang ang nakakapigil ng patalim ko?"
Dahan-dahan na kinuha ni Tamara ang matalas niyang patalim mula sa duguang kamay ni Nathan.
Napasinghap si Nathan dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ni Tamara sa kanya. Nakadagdag pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at ang mabango amoy na naiiwan sa ilong niya. Lumapit si Tamara sa tagiliran niya parang siyang napako sa kinatatayuan niya.
"Kaya ka ba nandito dahil kay Sophia? Gusto mo ba siya?"
Bulong ni Tamara sa tenga niya. Tumindig lahat ng balahibo niya sa ginawang iyon ni Tamara. Gumagapang sa kanyang systema ang mapang-akit nito boses na parang sinasadya nitong akitin siya.
"H-hindi." Nauutal na wika ni Nathan. Inaamin niyang malaki ang epekto ni Tamara sa kanya at hindi niya mapigilan ang sariling magustuhan iyon.
"Kung ganun bakit ka nandito?" Pabulong na wika ni Tamara.
"S-sinabi ko na sa'yo ang dahilan." Sagot ni Nathan. Pinipilit niyang labanan ang halo-halong pakiramdam na tumutulay sa kanyang katawan. Sumilay ang ngiti sa dulo ng labi ni Tamara at nagtungo sa harapan niya. Yumuko siya at kinuha ang laylayan ng kanyang suot na damit.
Nanlaki ang mata ni Nathan nang punitin niya iyon. Pagkatapos at kinuha niya ang duguang kamay ni Nathan.
"Wala akong gamot dito kaya kay Elizabeth ka magtanong." Wika ni Tamara habang tinatali ng pinunit niyang damit ang kamay ni Nathan.
"Salamat." Sambit ni Nathan.
Napadako ang tingin niya sa nakayukong mukha ni Tamara. Sinuri niya ang bawat angulo ng mukha nito na kahit sa malapitan ay napakakinis. Mahaba ang pilik at kulay brown na mga mata. Matangos ang kanyang ilong at ang labi na inaamin niyang masarap halikan.
Nag-angat ng tingin si Tamara sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga mata.
"I told you. Don't stare at me because I hate it." Wika ni Tamara. Isang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't-isa.
"I like you." Sambit ni Nathan. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang nasabi iyon sa kanya. Pero sigurado siyang gusto na agad niya ito mula nang una pa lamang silang magkita.
"Really? Why?" Mahinang Tanong ni Tamara sa kanya. Hindi mahanap ni Nathan ang sagot sa tanong niya ngunit isa lang ang alam niya. May nararamdaman siya para dito.
"I like you too."
Napatda siya sa sinabi ni Tamara sa kanya. Tama ba ang narinig niya? She like him too?
Dahan-dahang inilapit ni Nathan ang kanyang mukha kay Tamara at hinalikan ito sa labi. Walang pagtutol si Tamara sa ginawa nito sa halip ay gumanti siya ng halik dito napasandal si Tamara sa pinto. Marahan na ikinawit niya ang kanyang kamay sa leeg nito at hinapit naman ni Nathan ang maliit niyang bewang. Habang hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga labi. Nag-umpisa na ring mag-init ang kanilang mga katawan. Kumawala ang mahihinang ungol sa kanilang dalawa. Hindi na napigilan ni Nathan ang sarili unti-unti niyang nadala sa kama si Tamara. Inihiga niya ito sa kulay itim at malambot na sapin ng kama. Habang hindi naghihiwalay ang mga labi nilang dalawa. Nagawa niyang tangalin ang harapang tali sa manipis na satin dress ni Tamara. Ngunit bago pa man niya ito mahubad ay nakarinig na sila ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Napatigil sila at nagkatitigan.
"Nathan! Andito na si Elizabeth! Matagal ka pa ba diyan?!" Malakas na boses ni Raul.
Bumalik sa wisyo si Nathan at napatayo sa kama.
"I'm Sorry." Sambit ni Nathan
"Why? Hindi mo ba nagustuhan?"
"No, hindi yun ang ibig kong sabihin." Maagap na wika ni Nathan. Masyadong mabilis sa kanya ang mga pangyayari. Noong nakaraang araw lang ay si Alixane pa rin ang laman ng isip at puso niya pero ngayon may ibang babae na siyang kasama at hinalikan. Hindi niya alam kung dala lang ba ito ng pangungulila niya kay Alixane o talagang nahulog na ang loob niya kay Tamara.
"Nathan! Buhay ka pa ba!"
Tumayo na rin si Tamara at inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ni Nathan. "Simula ngayon ikaw lang ang pwedeng pumasok sa kwarto ko." Nakangiting wika ni Tamara bago niya binuksan ang pinto ng kwarto. At walang emosyon na hinarap si Raul.
"Hindi pa nga kami nakaka-isa storbo ka na." Wika niya dito napanganga si Raul sa sinabi nito at sinilip ang nakatulalang si Nathan sa likuran niya.
"Nathan?" Nag-aalang tanong ni Raul napansin niya ang punit na bahagi ng laylayan nito at nakita niyang nakatali sa kamay ni Nathan.
"Okay lang ako." Wika ni Nathan. Sabay labas sa kwarto ni Tamara. Naiiling na sumunod si Raul kay Nathan papunta sa kabilang kwarto. Dahil nakita nito ang bakas ng lipstick sa labi ni Nathan.
"Dito ang kwarto niyo. Pasensiya na hindi ko nasabi ng maayos kanina. Wag niyo na ulit bubuksan ang kwarto ni Ms. Tamara. Hindi ko alam kung paano kayo nakaligtas sa mga patalim niya. Ngunit wag niyo nang uulitin yon dahil baka makarating kay Mr. Yao ang ginawa niyo." Seryosong wika ni Elizabeth bago sila tuluyang iwan. Mabilis na sinarado ni Raul ang pinto at hinarap si Nathan.
"Nathan alam mo bang delikado ang ginagawa mo?" Halos pabulong na wika ni Raul dahil katabi lang ng kwarto niya ang kwarto ni Tamara. Kunot noo na napatingin si Nathan sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Curios na tanong niya dito.
"Hindi mo siya kilala Nathan. Maaring maganda siya at nakaka-akit pero nakalimutan mo na ba ang ginawa niyang pagpatay sa matandang kasama niya sa Bar? Nakalimutan mo na ba ang paghabol sa kanila ng mga armadong lalaking yon?"
Napaisip siya sa sinabi ni Raul. Bigla niyang naalala kung paano akitin ni Tamara ang matanda sa bar at hinala niyang pinatay niya iyon.
"Maaring inaakit ka niya para makuha ang loob mo at malaman niya ang tunay mong layunin sa pagpasok dito." Dagdag pa ni Raul.
Maaring tama si Raul dahil malakas talaga ang epekto ni Tamara sa kanya. At kung totoo man ang sinabi ni Raul kailangan niyang iwasan ito.