Pagkatapos ng namagitan sa kanila ay nagpasya si Nathan na lumabas na rin sa kwarto niya. Hinalikan muna siya nito sa labi bago siya nagpaalam na lilipat sa kabilang kwarto. Naisip ni Tamara na maari siyang mabuntis ni Nathan kung sakaling magpatuloy ang kanilang ginagawa kaya nang may mangyari sa kanila ng unang beses ay kaagad siyang uminom ng pills. Bukod doon ay hindi rin niya alam kung ano talaga ang pakay ni Nathan at ang pagkatao nito dahil hindi naman niya nasilip ang sinabmit nitong documento tungkol sa katauhan nito. Ngunit inaamin niyang noong una pa lamang na magtama ang kanilang mga mata ay nagkaroon na siya ng simpatya dito. Naramdaman niya ang pangangailangan na gusto niyang si Nathan ang pumuno. Sa lahat ng pinagawa sa kanya ni Mr. Yao ay nanatili pa rin siyang birhin dahil